Love Me Harder

By JFstories

46.4M 1.2M 487K

Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Mon... More

Prologue
KYO MONTENEGRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
// Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
//Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
EPILOGUE
Just a Bonus Chapter: After The Weddings
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 46

620K 18.5K 7.7K
By JFstories

Chapter 46

BAKIT ba hindi agad sumagi iyon sa isip ko? Na posibleng anak ko si Kia Montenegro? Pero imposible iyon kasi namatay ang anak ko. Alam ko iyon dahil naroon ako mismo sa araw ng libing nito!

Sinubukan kong sampalin si Kyo pero nasangga niya lang ang kamay ko. Naglalaro sa kanyang mga labi ang kakaibang ngisi na lalong nagpapalakas sa kaba ko.

"Sino ang ina ni Kia, Kyo? Sino?!" Hindi na ako ngayon matatahimik, kailangan ko ng kasagutan!

Humigpit ang pagkakasakal nya sa aking pulso.

Gusto ko na siya ang anak ko! Gusto ko!

Sa kung ano mang dahilan ay nasa akin ang matinding pagnanais na sana nga ay ako ang ina ng bata kahit na ba nakapa-imposible.

"S-si Ruby ba?" Tinabig ko ang kanyang kamay. "S-si Ruby ba ang ina ni Kia? Sumagot ka! Sumagot ka, tangina! Sumagot ka kundi ipapa-salvage kita!!!"

Ngunit nagblabgko lang ang asul na mga mata ni Kyo. Parang balewalang binitiwan niya ako at saka basta na lang tinalikuran.

Samantalang ako ay naiwang tulala. Napa-upo ako, tuluyan ng naglandas ang aking mga luha. Nahihibang na ba ako para isiping anak ko nga ang anak nya? Nababaliw na ba ako para isiping ina ako ni Kia?

Nasasaktan pa rin ako at nangungulila sa anak ko. Sa anak namin.

...

DUMADAGUNDONG ang buong arena. Kabado pa rin ako hanggang ngayon. Ngunit naglalaho ang lahat ng kaba ko 'pag nakikita ko na ang mga libo-libong fans. Nalulunod sa tuwa ang puso ko dahil tinanggap nila ako bilang bagong member ng BOS.

Dagat na mga katao ang naghihiyawan at isinisigaw ang pangalan ko. Pero mas marami ang sumisigaw sa pangalan ni Kyo.

Ang ilan ay may kanya-kanyang banner at nagmumura ang pangalan doon ng kanilang iniidolo. Nagkalat ang Team Misteryus at banner na 'Harder Kyo Montenegro!' saan mang sulok ng arena.
Mayroon ding 'Team Santi-Sungit' at 'Macoy's Team-ASA'. At hindi nawawala ang Team ULAP lalo ang nakakapangilabot na banner na may nakasulat na "Cloud Team the Fucker".

Seriously?!

"Mabuhay Cebu!!!" sigaw ni Santi mula sa hawak nyang microphone.

Lalong nagtilian ang mga tao. May mga tila nasiraan ng bait at ang iba naman ay hinihimatay pa. Subalit sa gitna ng karamihan ay may pumukaw sa akin ng pansin. Sa dami ng mga manunuod ay may nakita ako na saglit na nakapagpahinto sa aking paghinga.

Oh God... sila Amang at Mama! Narito sila, narito ang pamilya ko!

Nasa VIP line sila kaya kitang-kita mula sa kinatatayuan ko.

Si ate Rosenda ay nakangiti habang hawak ang isang colorful banner na may nakalagay na: Team Jumbo pa rin!  At sa tabi niya ay ang kanyang pamilya, syempre kasama si Terrence Montemayor-Saavedra na ngayon ay nakaakbay sa kanya.

Gusto kong maglupasay at magii-iyak. Gusto ko silang lapitan at yakapin.

Tumunog ang drums ni Cloud kasabay ng gitara ni Santi. Pero ako ay nakapako pa rin ang paningin sa aking pamilya. Hindi malaman kung paano pipigilan ang aking mga luha. Mis na mis ko na talaga kasi sila... mahal na mahal ko sila...

Isa-isang nawala ang ingay. Naghihintay ng aking tinig. Ngunit ilang intro na ang nagawa ng apat ay wala pa rin ang aking boses.

"Come up to meet you. Tell you I'm sorry, you don't know how lovely you are..."

Napalingon ako sa tinig ng kumakanta.

Si Kyo! It looks like he save my ass again.

"I had to find you, tell you I need you... Tell you, I set you apart... Tell me your secrets and ask me your questions... Oh, let's go back to the start."

Nang bumaling muli ako kila Mama ay nakatingin lang sila sa akin. Katabi nya na si Dangdang na malamlam din ang mga mata sa akin.

Iniangat ko ang microphone at idinikit sa aking bibig.

"Running in circles; coming up tails. Heads on a science apart...Nobody said it was easy... It's such a shame for us to part..."

Yumanig ang buong lugar dahil sa sigawan ng mga manunuod. Pero hindi ko ito alintana dahil kumakanta ako at naroon lamang ang aking mga mata sa aking pamilya.

âªâ«â«

Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh, take me back to the start...

I was just guessing at numbers and figures
Pulling your puzzles apart
Questions of science; science and progress

Do not speak as loud as my heart...

Hanggang sa napaluha na ako. Hindi ko na namalayan na napapaiyak na ako.

Natahimik ang mga tao sa buong paligid. Ang karamihan ay napaiyak na rin. Si Santi ay nakatingin lang sa akin. Sa mukha ni Cloud ay bumakas ang pagtataka. Si Macoy din ay napahinto sa pagtugtog ng gitara âÂÂat lahat iyon dahil iyon sa napahagulhol na ako!

Hindi ko na kinaya.

Mapapaupo na sana ako sa sahig nang may sumalo sa aking mga bisig. Nang tingalain ko ito ay natigilan ako.

"I'm here. We will sing together... we will..." sabi nya. Hindi ko alam pero nagkaroon ako bigla ng lakas para tumayo at muling kumanta.

Nagpalakpakan ang mga manunuod kahit pa nagtataka pa rin ang karamihan. Kung kanina ay napupuno ng sigawan ngayon naman ay nangingibabaw ang palakpakan.

Napangiti ako sa gitna ng aking pagluha. Nakita ko kasi ang mga mata nila Amang at Mama na may mga luha rin subalit masaya sila. Pumapalakpak sila nang masaya.

Humarap ako kay Kyo at tinanguan ko sya. Pagkatapos ay nagsimula na muli akong kumanta.

âÂÂ

Tell me you love me
Come back and haunt me
Oh, and I rush to the start
Running in circles, chasing our tails
Coming back as we are....
â«

...

PADABOG kong binuksan ang pinto ng opisina ni Rom. Namumula ako sa galit nang makita ko sya. Relaxed syang nakaupo sa kanyang executive chair at nakasandal sa backrest. Nakasalikop ang kanyang mga daliri habang nakatitig sa akin.

"Anong nangyayari?! Bakit tinanggihan ng mga orphanage at foundation ang donations ko?!" asik ko. May duda kasi ako na may kinalaman sya rito.

"You're a Montenegro, baka may ideya sila na illegal ang pinaggalingan ng pera mo."

"Hindi, Rom. Wala silang alam na sa akin ang account. Paano sila magkakaroon ng hesitasyon?"

Tumayo sya at tumanaw sa bintana. "Iyan ba talaga ang ikinagagalit mo... o iyong pagtanggi ng family mo sa perang ibinibigay mo?"

"Ha?" napaatras ako. Paano nya nalaman iyon? That was true. Nagtangka akong magbigay ng pera kila Amang at Mama nang hindi nila alam. Pero bumalik lang sa account ko iyong pera.

Hindi ko alam kung bakit pero may mali!

"Iniisip mo ba, Erika, na tutol ako?"

Hindi ako umimik.

"I admit, tutol ako. Pero wala akong magagawa dahil pera mo na iyan. Ikaw si Erika Montenegro kaya sa'yo na iyan." Bakas sa tinig nya ang galit. "Subalit pinaghirapan pa rin iyan ng mga Montenegro. Pinaghirapan ko... pinaghirapan kong makuha para sa'yo..."

Napayuko ako. "I'm sorry... pero hindi ko kailangan ang mga perang iyon. Mas gugustuhin ko pang ibigay na lang iyon sa mga nangangailangan."

"Ganyan ka ba kalungkot, Erika?"

"Ha?"

"Ang makakagawa lang ng mga ginagawa mo ay iyong may matinding kalungkutan." Humarap sya sa akin at may hinugot sa kanyang drawer. May inilabas syang folder doon.

"Ano iyan?"

"The reason why they declined your donations."

Kinuha ko iyon at maingat na binuklat. "Hindi ko maintindihan. Kaninong account number itong nakasulat dito?"

"Someone spent his whole savings to donate. Ibinigay nya rin ang malaking bahagi ng kanyang pera sa pamilya mo."

Naestatwa ako. Sino ang makakagawa nito?

Nagtagpo ang mga mata namin ni Rom. "Ito ang dahilan kung bakit tinaggihan nila ang pera mo. Because they had enough."

Napalunok ako. "S-sino ang may ari ng account na ito?"

Napabuga sya ng hangin at muling tinalikuran ako. "I know the owner of that account."

"S-sino?"

Kumuyom ang kanyang kamao. "Si Kyo..."

Oh God.

Kaya pala wala na syang pera! Kaya pala ibinenta nya ang lahat ng mga condos at kotse nya ay para ibigay sa pamilya ko! Kaya pala wala na syang savings sa bangko ay dahil idinonate nya lahat sa mga orphanage at foundations.

"You're right... I was lonely." Pumatak bigla ang aking luha. "Pero ngayon na nalaman ko na lahat ng ito ay may natuklasan ako...
na may mas malungkot pa pala kaysa sa akin..."

Tumalikod na ako palabas ng opisina ni Rom.

...

HALOS madurog ko na and doorbell ng suite na tinutuluyan ni Kyo. Kanina pa ako nagpipi-pindot dito ay hindi pa rin sya lumalabas. Humanda sa akin ang pogi na iyon. Hindi porket nakainom ako ngayon ay makakaligtas sya sa akin.

Oo, nakainom ako. Hindi ko kasi matanggap na ang taong nilalait ko at inaapi ay ang taong dahilan kung bakit ako nag-inom.

Naka-ilang bote ba ako ng alak ngayon? Tatlo? Hindi, walo yata?
Parang ang layo yata ng tatlo sa walo?

Mayamaya ay bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang lalaking anak yata ng griyegong diyos. Lintek sa katawan, daming abs! Tapos naka-boxers lang sya, sarap pagsamantalahan!

"Erika?" nangunot ang kanyang noo.

"Hi! Pwede patingin ng titi mo?"

Pucha, paano ko nasabi iyon?!

"Erika, you're drunk." Nagsalubong ang mga kilay niya.

"So, pauuwiin mo ako?"

Napatitig muna sya sa akin bago sya nagsalita. "Bakit ka ba naglasing?"

Dinuro ko sya sa dibdib. "Fuc k me and I'll tell you."

"No!" hinila nya ako papasok. "Mahiga ka roon." Itinuro nya ang sofa sa gitna ng sala.

"Bakit ayaw mo?" pumiyok ako.

Napahinto sya.

"Dahil ba hindi ako si Ruby?"

Kumunot ang noo ni Kyo. "Just sit down and I'll get some water."

"Tell me, damn it!" lumapit ako sa kanya at idinikit ang aking katawan sa matigas niyang dibdib. "Do you really love her?"

Tiningala ko sya at tumingkayad ako. Inabot ng mga labi ko ang mga labi nya. Ngunit panandailan lang ito dahil tinabig nya ako palayo.

"O bakit hindi na lang ganito?" lumapit muli ako sa kanya. "Paano kung sabihin ko sa'yo na nagpapanggap lang akong si Erika? Bobo ka lang talaga at madali kang mapaniwala."

Pero walang pagbabago sa ekspresyon ni Kyo.

"Paano kung sabihin ko sa'yo na ako talaga si Ruby? Ako siya, Kyo... ang Ruby mo..."

"Okay."

"A-anong okay?"

"Okay."

Napakurap ako. Kung hindi ako lasing at nanlalabo ang paningin ay baka iisipin kong nakangiti siya sa akin.

Pero bago pa gumana nang maayos ang utak ko ay naihiga na ako ni Kyo sa sofa habang ang buong bigat niya ay nasa ibabaw ko na. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi na rin maaari dahil sakop na rin pala ng mainit niyang mga labi ang aking bibig.

JAMILLEFUMAH


Song used: The Scientist by Cold Play 





Continue Reading

You'll Also Like

743K 16.7K 35
For twenty-five years, the Yaji and Roswells have secluded themselves from the Mafia world, and people wonder what exactly happened in those years of...
13.4M 751K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...
1.1M 43.1K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
870K 50.3K 66
The two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos just wanted to come, to play, and... to c...