My Husband Lost His Memory

By the_innocent

246K 3.3K 354

What will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Hu... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
EPILOGUE

CHAPTER NINETEEN

10.4K 137 10
By the_innocent

ANDREW AND KIM ---->>

KIM'S POV

Nasa living room kaming lahat ngayon habang hinihintay si Sophia at ang anak nya na makababa galing sa kwarto nito.Hay sa wakas sumuko na rin ang babaeng yun sa pang gugulo sa pamilya ko.

"Mag behave ka lang ha? baka naman sunggaban mo si Sophia."

Umakbay sa akin si Andrew tapos ngumiti lang. Ako naman umiwas lang ng tingin. Sa totoo lang gusto kong Kalbuhin si Sophia sa lahat ba naman ng ginawa nya eh ni minsan yata hindi ako nakaganti sa kanya.

"Andrew,Kim mauna na kami ni Intoy. Salamat sa lahat ng naitulong nyo at pasensya na rin sa mga nagawa ko.."

Lumapit si Sophia. Akmang yayakap pa sana kay Andrew kaya lang agad akong humarang kaya naman napahinto sya. Kalokang babae 'to! may huling hirit pa sa pagnanasa sa asawa ko. Hindi na lang umalis agad at may nalalaman pang drama.

"Umalis ka na Sophia Wag ka ng mag paawa pa. Sana naging masaya ka sa panggugulo mo sa pamilya ko."

Hinawakan ni Andrew yung balikat ko, tsaka sa tumingin kay Intoy..yung anak ni Sophia, Napatakip naman ako sa bibig ko. May bata nga pala sa harap ko dapat hindi ako basta basta na nag sasalita ng kung anu ano. Kahit naman na masama yang si Sophia, hindi pa rin naman tama na idamay ko yung anak nya sa galit ko. Yan tayo eh. Mabait!

"Sige mauna na kami."

"Tatay.."

Tumakbo si Intoy papunta kay Andrew na umiiyak. Pati tuloy ako ay nalungkot para sa bata, Yung magaling kasing nanay nito ay kung anu-ano yung ipinasok sa utak nya ayan tuloy inakala nya na ang taay nya talaga si Andrew. Wish ko lang, sana makita nya yung tunay nyang daddy.

"Intoy, mag papakabait ka ha. Tsaka aalagaan mo lagi yung sarili mo ha"

Ginulo ni Andrew yung buhok ni Intoy. Lumapit naman yung bata sa nanay nya tapos ay binitbit na yung maleta nila, Si Sophia naman ay umiiyak pa rin. Akala naman nya ay maaawa sa kanya si Andrew. Ang hindi nya alam maging si Andrew ay galit na rin sa kanya.

"Oh ayan, Wala na yung kinaiinisan mong babae. Ano nang gagawin natin?"

Tanong ni Andrew habang nakatingin kami sa papalayong taxi na sinasakyan nila Sophia. Ngumiti ako at tumingin ako kay Andrew, Eto na yun! Sigurado ako na ito na yung tamang panahon para makapag simula kami ni Andrew tsaka ni Andrey. Akala ko talaga hindi na namin maaayos 'to ni Andrew.

"Andrew, nood tayong concert ng Perfect 8. Alam ko banda yun ng mga teen ager na lalaki. May concert daw sila dun sa Park na malapit sa bahay natin."

"Eh? Nakakatamad naman Wifey. Mag movie marathon na lang tayo o kaya naman mag bake tayo ng cake. Just like the old times.. Namimiss ko na yun eh."

Nabigla ako sa sinabi ni Andrew, ano daw? Just like the old times? Ibig sabihin ba nyan naaalala na nya yung mga bagay na ginagawa namin dati kapag mag kasama kaming dalawa? Hindi kaya bumabalik na rin yung ala-ala nya?! Grabe!! Sobrang saya naman nyan.

"Bakit Kim? Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? O kaya naman gusto mo pumunta tayo sa Pagudpud beach. Diba doon tayo ikinasal?"

Niyakap ko agad si Andrew. Tapos ay pinaghahalikan ko yung mukha nya. Oa nanaman ako, kasi naman eh sobrang saya ko lang. Sana mag tuloy tuloy na yung pag balik ng ala-ala nya. Para mas masaya.

"Naaalala mo na Andrew? Naaalala mo na yung mga ginagawa natin dati! Ano pa? Ano pa yung naaalala mo? I'm Happy for you."

"Ha?! Oo nga! May mga bagay na naaalala ko. Pero, Hindi pa masyado. I love you Kim! Sana maalala ko na yung lahat. Konti na lang babalik na din sa dati ang lahat."

Tapos binuhat ako ni Andrew na parang kay Dawn Zulueta. Haha, pero syempre tumitingin tingin din ako sa paligid baka kasi may mga tao na nakatingin sa amin. Nasa labas pa din kasi kami ng bahay. Hindi ko naman na inaasahan na bubuhatin ako ni Andrew ng ganito.

"Andrew! Ibaba mo ako, baka may makakita sa atin dito"

"Eh ano naman? Mag asawa tayo eh."

Binaba ako ni Andrew tapos ay hinawakan nya ang kamay ko, tapos ay nag tatakbo kami ng paikot ikot. Tawa lang ako ng tawa sa ginagawa namin kung may makakakita samin ngayon malamang sabihin nila na baliw kami.

"I love you kahit na selosa ka"

Hinapit ako ni Andrew sa bewang at tsaka nya nilapit yung mukha nya sa akin. Tapos ay nag nose to nose kami.

"Mahal din kita kahit na makakalimutin ka. Kahit na hindi mo pa ako maalala."

Tumingkayad ako tsaka inabot ng labi ko yung labi ni Andrew. Napapikit ako dahil hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Para akong nag lalakad sa mga ulap.. Naramdaman ko na humigpit yung pag kapit ni Andrew sa bewang ko. Wala naman akong nagawa kundi haplusin yung buhok nya. Nag hiwalay lang kami ng parehas na kaming kapusin ng hininga.

Dinikit nya yung noo nya sa noo ko at sabay kaming nagkatawanan.

ANDREW'S POV

"bilisan mo kaya.. Para ka talagang pagong"

"Ang dami kasing tao kaya ang hirap mag lakad!"

"Palusot mo! ang sabihin mo pagong ka talaga. Oh sakay na"

Umupo ako tapos hinintay ko si Kim na pumasan sa likod ko. Paano naman kasi sobrang bagal nya hindi naman dahil sa dami ng tao kaya sya mabagal. Tingin kasi sya ng tingin sa mga pagkain na nasa bangketa. Kadarating lang namin pagkain na agad ang hanap -_-

"Ayoko Andrew! Nakakahiya. Ang daming tao tapos ipapasan mo pa ako tsaka hindi mo ako kaya kasi mabigat ako.Kaya wag na lang"

"Ang dami namang sinasabi Kim! sumakay ka na kaya! Sasakay ka o iiwan kita dito?"

Tiningnan ko sya ng masama. Ayun mukhang natakot naman kasi pumasan naman sya sa likod ko. Totoo nga! ang bigat nya! di ko mawari kung gaano ba kalakas kumain ang babaeng 'to at bakit ganito sya kabigat.

"Oh bili bili na suki! binebenta baboy 150 per kilo"

Sumigaw ako kaya naman nag tinginan yung mga tao sa akin. Natawa pa nga ako kasi yung tingin nila sa akin parang ewan. Nagtataka siguro sila paanong pumunta dito ang tindera ng baboy. Pero umiwas na rin ng tingin yung mga tao ng makita nila na nag bibiro lang ako.

"Bwisit ka Andrew! anong baboy?! sarili mong asawa inaasar mo! ibaba mo nga ako."

"Oy Kim ano ba?! wag ka ngang magulo dyan! pag tayo natumba parehas tayong mapapahiya dito!"

"Ah basta ibaba mo ko!"

Tuloy pa rin sa pag hampas sa balikat ko si Kim. Pero hindi ko sya pinansin. Tawa lang ako ng tawa kaya lalo naman syang naiinis. Ang pikon nya pa rin hanggang ngayon! at kahit kailan ang sarap nyang asarin.

"Gusto mo ba ng Cotton Candy?"

"Ayoko! ibaba mo na lang kasi ako.."

Binaba ko na si Kim. Tapos umalis sya bigla..Nangyari dun? naku mukhang napikon yata. Patay ako nito pahirapan nanaman ang pag suyo ko nito sa kanya. Sumunod na lang ako kay Kim. Sakto naman na nag simula na yung Concert.

"Uy Kim.."

Pero hindi nya ako pinansin. Napakamot na lang ako ulo, eto nanaman kami. Wala nga si Sophia pero nagkakainisan pa rin kami. Kasi naman bakit ko pa inasar 'to? Alam ko namang pikon 'to si Kim.

Napansin ko naman na panay ang tingkayad ni Kim. Nasa bandang likod kasi Kami kaya hindi namin gaanong makita yung nag peperform. Umupo naman ako tsaka ko nilusot yung ulo ko sa mga binti ni Kim at tsaka ako tuwayo. Bale, buhat ko na ngayon si Kim, nakaupo sya sa balikat ko.

"Andrew?! ibaba mo ako!"

"Ayoko! nakikita mo na ba yung nag peperform? manood ka lang dyan. Alam mo namang ayoko na nahihirapan ka eh"

Tapos nag wink ako kay Kim. Ngumiti lang sya sa akin. Ayun oh! mukha namang bati na kami eh. Pero sa totoo lang ang sakit na talaga ng balikat ko. Sobrang bigat nya lang talaga. Mas nakadagdag pa ng hirap sa akin eh yung ang likot likot nya habang nakaupo. Pasaway talaga.

"Good evening po sa inyong lahat kami po ang Perfect 8. Sino po dito sa mga audience ang gustong maki jamming sa amin? akyat na dito sa Stage"

Yung mga tao ay medyo nagkakagulo na. Lalo na yung mga babae.. Ang gagwapo kasi nung Perfect 8. May naisip naman ako agad kaya binaba ko si Kim tapos hinila ko sya malapit sa may stage.

"Dyan ka lang Honey my love so sweet"

Ngumiwi si Kim sa sinabi ko, halatang nandidiri. Natawa lang ako sa reaksyon nya. Umakyat na ako sa stage tapos ay inabutan ako ng microphone nung isang member ng Perfect 8. Nag umpisa nanaman na mag hiyawan yung mga tao. Si Kim naman ay nakangiti lang tapos pulang pula yung mukha.

"I dedicate this song to my Wife.. Ayun sya oh! Yung magandang babae na namumula na sa sobrang kilig"

Tiningnan naman sya ng mga tao tapos ay nag palakpakan sila. Si Kim naman ay nakayuko lang habang tawa ng tawa. Nag flying kiss ako kay Kim.. Yung mga tao naman lalo na yung mga babae ay nag tutulakan tapos tili ng tili. Sorry na lang taken na kasi ako eh 😍

Another day passes by, i'm dreamin' of you,

And though i know it might be just a dream, dreams come true,

Somewhere, somehow i'll find you even though it takes all of

My life...

Nag simula na akong kumanta.. Tapos ay may biglang lumabas na usok sa may Stage.. Feeling ko tuloy member na ako ng Perfect 8. Habang kumakanta ako ay panay naman ang turo ko kay Kim. Yung mga tao naman tumitingin kay Kim tapos pinapalakpakan sya.

And when i finally do.

I know inside my heart

That there could be no doubt, i knew it from the start

Bumaba ako ng stage tapos lumapit ako kay Kim tsaka ko sya inakbayan. Si Kim naman ay kumapit sa bewang ko, habang patuloy naman ako sa pagkanta. Nilapit ko yung mukha ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pagkanta tapos ay bigla ko syang hinalikan sa labi. Yung mga tao naman ay lumakas ang sigawan, tapos yung mga bakla naman narinig ko na gusto din daw nila mg kiss galing sa akin. Ang sunod ko namang ginawa ay hinawakan ko ang kamay ni Kim at niyaya ko syang umakyat sa stage. Noong una ay ayaw nya dahil nahihiya sya. Pero maya maya lang ay sumama na rin sya.

Pag akyat namin ng stage ay inabutan sya ng microphone at nag duet na kami.

you are the one

That i've been searching for my whole life through,

{you are the one}you are the one that i've been looking for

And now that i have found you,

i'll never let you go, i'll hold you in my arms

You are the one

Sabay naming binanggit yung "You are the One" tapos ay pinagdikit namin yung noo namin habang nakatingin sa isa't isa. Nagkatawanan naman kami maya maya.. Humiwalay ako kay Kim tapos hinawakan ko yung kamay nya at tsaka ko itinaas yung kamay nya na hawak ko.

"Makinig po Kayong lahat... Itong babae po na nasa tabi ko, ay ang babaeng mahal na mahal ko. Nasaktan ko sya nitong mga nakalipas na araw kaya naman sobrang naiinis ako sa sarili ko. Alam nyo po ba.. May pinagdadaanan ako ngayon. May Amnesia po ako, Noong una ay wala talaga akong maalala. Hindi ko alam kung sino ako at kung sino ang pamilya ko, ultimo ang asawa ko ay nakalimutan ko. Kaya ang dami naming pinagdaanan. Pero.. Salamat sa Diyos at hindi nya kami pinabayaan kaya eto kami ngayon.. Going strong. Totoo pala na the heart remembers what the mind forgets. Kim, hinding hindi ako mag sasawa na mahalin ka.. I love you"

you are the one

That i've been searching for my whole life through,

{you are the one}you are the one that i've been looking for

And now that i have found you,

i'll never let you go, i'll hold you in my arms

You are the one...

Yung Perfect 8 na yung nag tuloy ng kanta habang ibinubulong ko kay Kim kung gaano ko sya kamahal. Hinawakan ko yung mukha ni Kim. Tapos ay hinalikan ko sya sa labi. Habang hinahalikan ko sya ay naramdaman ko na may tumutulo sa mukha nya. Malamang na umiiyak sya, pero alam ko naman na hindi sya umiiyak dahil nasaktan ko sya. Sigurado ako kaya sya umiiyak ay dahil sa masaya sya. Napatigil naman kami ni Kim sa pag Ki-Kiss At napatingala kami sa itaas dahil biglang naglaglagan yung mga confetti kasabay nun ay may Fireworks pa lumabas. Sabay lang naming tiningnan ni Kim yung Fireworks habang yung mga tao naman ay binigyan kami ng Malakas na palakpakan.

Continue Reading

You'll Also Like

5.7K 229 23
Mula sa magulong pamilya nabuo ang pangarap ni Jewel. Gusto niyang magkaroon ng buo, malaya at masayang pamilya pero nang dumating ang sunod sunod na...
545K 14K 49
Kevin and Jasmin(JaVin)story from the "His Way of Revenge" (HWOR) Nagger.Yan ang pinakaayaw ni Kevin Sacramento sa isang babae. Mahangin at mayabang...
148K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?
878K 12.1K 34
Book 4 of I LOVE YOU, KUYA! This time, it's Clarisse and Ice Montemayor's story.