CHAPTER EIGHT

8.8K 147 20
                                    

KIM-DREW --->>

KIM'S POV

One week and three days na ang lumipas simula ng mag kita kami ni Andrew. Pagkatapos noon ay hindi na muli kami nag kita. Bakit? kasi pinaimbestigahan ni Jansen si Andrew hayaan ko daw muna yung asawa ko kay Sophia, pumayag naman ako dahil isang linggo lang naman ang itinagal ng imbestigasyon.And guess what? confirmed! Si William ay si Andrew Barredo my Loves! Hawak ko na ngayon ang mga ebidensya na magpapatunay na si William at si Andrew ay iisa. Wala ng kawala ngayon si Sophia.

"Hi Kim"

Nag beso beso kami ni Jansen. Nandito kami sa isang hotel dahil may party ang company nila. Grabe unti unti ng lumalago ang negosyo nila Jansen.

"How are you?"

tanong sa akin ni Jansen na noon ay abala sa pag tetext.

"I'm very Fine..Thank you Jansen for helping me. I owe you big time."

"No problem my dear. Sino pa ba ang mag tutulungan kundi tayong dalawa rin. Cheers to our success"

Sabay kaming tumawa ni Jansen at ininom namin yung Wine. Ito na siguro ang katapusan ng lahat ng pag durusa ko. Sa wakas babalik na rin si Andrew.

"Pero Kim.. yung usapan natin ha."

Nasamid naman ako ng maalala ko yung usapan namin ni Jansen. Kinuha ko yung panyo ko at pinahid sa labi ko. Patay ako kay Jansen kapag nalaman nya na hindi ako sumunod sa usapan namin.

"Ha?"

"Kim, anong Ha? ang usapan natin ay hindi mo muna sasabihin sa mga magulang ni Andrew na nakita na natin sya. Alam mo naman na may Amnesia si Andrew baka mabigla lang yun."

"O-oo naman! hindi ko naman nakakalimutan yung usapan natin no. Teka, is he coming?"

"Yeah. Nasabihan ko na sya so don't worry because you will see each other again."

Ngumiti lang ako. Finally mag kikita na ulit kami ni Andrew and this is the right time to tell him the truth. Pag katapos ng gabing 'to ay mabubura na sa buhay nami ni Andrew si Sophia. Babalik na sa normal ang lahat. Kotong sakin si Sophia kapag nag pumilit pa sya na pumasok sa buhay naming mag-asawa.

"Ah Kim..Alis lang ako saglit. Mukhang may Bebot sa bandang dulo.It's my time to shine!"

"Go ahead. Break a leg Jansen."

Umalis na si Jansen kaya naman naiwan akong mag-isa dito sa table.Palingon lingon lang ako sa paligid baka kasi nasa paligid na si Andrew.

"Ang tagal naman ni Andrew.."

Nag umpisa ng mag sayawan ang mga tao sa dance floor pero hanggang ngayon ay wala pa rin sya. Si Jansen naman alam ko na nag papasikat sa bebot na type nya.

"Makapag rest room nga muna."

Pumunta muna ako sa rest room para mag retouch. Nilabas ko yung Kit ko at nag simula na akong mag retouch.

"Sige hintayin mo na lang ako sa labas."

Narinig ko na sabi ng isang babae. Dumaan sya sa likod ko at agad na pumasok sa isang cubicle. Tinigil ko ang pag aayos ko dahil parang pamilyar yung boses nya sana nagkakamali lang ako sa hinala ko.

Maya maya ay lumabas na sya sa cubicle. Hindi nya ako napansin dahil agad syang pumunta sa sink at nag hugas ng kamay. Ang kapal talaga nandito din pala sya. Kinuha ko ang blush on ko at balik retouch ulit ako.

"Hindi mo ba alam na bawal ang gatecrasher dito?"

Napalingon sya agad sa akin pero ako ay nakatutok pa rin sa salamin at abala sa pag aayos ng sarili ko.

My Husband Lost His MemoryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt