CHAPTER SIX

8.5K 160 10
                                    

KIM'S POV

"Ano?! kainis naman 'to. Kapag pupunta ka sa bahay wag ka ng magdadala ng files.bye!"

Sino pa ba yung kausap ko. Eh di Jansen. Paano nakaiwan nanaman ng files. Kabata bata napaka ulyanin. Dapat yata title netong story, Jansen lost his memory.Hindi ko alam kung sinasadya nya o talagang nakalimutan nya lang.

"Manang kayo po muna bahala kay Andrey. May ihahatid lang ako sa company ni Jansen."

"Ay sige mag-iingat ka."

Kinuha ko na ang bag ko at sumakay na ako sa kotse ko. Habang nasa byahe ako ay nakaramdam ako ng kaba.

"Bakit kaya ako biglang kinabahan? wala naman sanang mangyaring masama."

Nakarating na ako sa kompanya, kinuha ko ang cellphone ko sa bag dahil ayaw ko ng umakyat sa itaas.

"Hello Jansen,bumaba ka na lang tinatamad na akong umakyat..ano? hello di kita marinig. hello?"

pinasok ko na lang sa bag ko yung cellphone ko. Nakakainis naman kasi si Jansen eh. Wala tuloy akong choice kundi ang umakyat na lang. Sasakay nanaman ako sa pagong nilang elevator. Naglakad na ako papunta sa elevator. Wala na akong pakielam sa mga tao sa paligid ko, kahit na pinagtitinginan nila ako dahil sa ginawa kong eksena nung nakaraang araw yung nag sisigaw ako dito sa lobby. Kasi naman nakita ko dito si Andrew, hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na mapasigaw.

"William linisin mo yung Cr sa 4th floor"

"Opo sir"

Narinig ko lang yung usapan ng dalawang janitor sa likod ko. Pero di ako nag abalang lumingon sa kanila.

"Kainis talaga elevator dito ang tagal."

may narinig ako na mga hakbang palapit sa akin. Alam ko na nasa likod ko na yung tao.. buti na lang may makakasabay ako sa elevator.

*ting*

bumukas na yung pinto ng elevator. Nauna akong pumasok sa kasabay ko. Yung kasabay ko naman ay nakatalikod sa akin pero pamilyar yung bulto ng katawan nya parang syang si Andrew kapag nakatalikod. Kinuha ko yung phone ko sa bag kaso nung hawak ko na ay nadulas sa kamay ko kaya ayun nalaglag.

"Ay ano ba yan"

Yumuko ako para kunin yung cellphone. Pero naunahan ako ng kasabay ko sa elevator sa pag pulot.Nakapatong pa nga yung kamay nya sa kamay ko dahil nag unahan kami sa pag pulot. Napatingin naman ako sa kanya, sobrang lapit namin sa isa't isa pero nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"A-Andrew!"

Hindi lang pala simpleng kasabay dito sa elevator ang kasama ko. Kundi sya yung taong mahal na mahal ko at matagal ko ng hinahanap. Ito yung panahon na matagal ko ng hinihintay. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong sitwasyon at lugar pa kami magkikita.

"A-andrew.. B-buhay ka.."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya ng mahigpit na mahipit. Mabilis din na tumulo ang mga luha ko.

"t-teka Miss"

"Andrew..I love you very much"

hinawakan ako ni Andrew sa balikat at inilayo nya ako sa kanya. Nagkatinginan kami. Pero bakit ganun? bakit parang wala syang pakielam sa akin? bakit parang hindi nya ako mahal?Bakit parang hindi nya ako kilala. At isa pa bakit Miss ang tawag nya sa akin?!

"Andrew.. Halika umuwi na tayo sa bahay nag hihintay sayo si Andrey yung anak natin"

Niyakap ko sya ulit. Pero lumayo lang ulit sa akin si Andrew.

My Husband Lost His MemoryWhere stories live. Discover now