CHAPTER NINE

8.7K 145 27
                                    

Bestfriend Nyo oh si Sophia --->>

KIM'S POV

Nandito na kami ngayon sa bahay. Kasama ko na si Andrew pero... Sinama nya rin si Sophia, ayaw nya kasing sumama dito sa bahay ng hindi kasama si Sophia. Wala kaming nagawa kundi isama na lang sin yung babaeng yun pero Uuwi din naman yan mamaya kaya pinabayaan ko na lang. Wala rin naman akong magagawa eh.

"Andrew, ito ang bahay nyo nyo ni Kim.. Nasa taas si Baby Andrey yung anak nyo kaya lang tulog na sya, puntahan mo na lang mamaya sa kwarto yung bata."

Sabi ni Daddy na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin. Katulad ko ay masayang masaya din sya sa pag babalik ni Andrew, pero hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko kasi alam ko na hindi ito magiging madali para sa aming dalawa. Dapat kasi umalis na 'tong Sophia na 'to sama pa ng sama kay Andrew.

"Dito ang bahay ko? M-mayaman ako?"

"Oo Andrew, mayaman ka.. Only son ka lang namin ng mommy mo.Hindi mo na kailangan pa na mag trabaho bilang Janitor sa Kompanya nila Jansen. Babalik ka na rin sa University at itutuloy mo ang pag-aaral mo. Babalik sa Normal ang lahat."

"Sophia, Mapapagamot na natin si Intoy! Hindi ka na mamomroblema sa pera. Wag kang mag-alala tutulungan kita para gumaling si Intoy."

Niyakap ni Andrew si Sophia. Ouch ha! Grabe naman.. Talagang sa harap ko pa sila mag gaganyanan?! Okay lang namnamin mo na ang sandali nyong dalawa Sophia dahil ito na ang huling pagkikita nyo. At ano daw? Ipapagamot ni Andrew yung anak ni Sophia? Pero bakit naman? Hindi naman sya yung tatay nung bata eh! Eh di lumalabas na dalawa kaming asawa at dalawa rin ang anak ni Andrew?! Aba! Hindi naman yata tama yun!

"Teka nga Andrew.. Bakit ikaw pa ang aako sa responsibilidad ng tunay na asawa ni Sophia? At tsaka diba niloko ka lang ng babaeng yan?! Kung anu-ano ang ipinasok sa utak mo na puro kasinungalingan naman tapos eto.. Mabait ka pa rin sa kanya?! Ano ba naman yan!"

"Naiintindihan ko naman Sya Kim kung bakit nya nagawa yun dahil para kay Intoy naman ang lahat ng iyon.. Para sa anak nya, hindi ko naman pwedeng iwan na lang sila ng ganun na lang."

"Paano naman kami Andrew? Paano kami ni Andrey?! Eh mas mahal mo pa yata si Sophia at ang anak nya kesa sa amin ni Andrey na tunay mong pamilya!"

Lumapit sa akin si Jansen at hinawakan ang balikat ko, umiral nanaman kasi ang pagiging Annabelle Rama ko, syempre! Pamilya ko na ang usapan dito eh! Inaangkin ng iba ang asawa ko. At balak pa yata nila na tanggalan ng ama ang anak ko!

"Relax Kim.."

"Hay naku Jansen! Hindi!! Hindi ako makapag relax sa tuwing nakikita ko ang pag mumukha ng babaeng yan! Hindi ko kaya na may kahati ako kay Andrew. At tsaka dapat naman talaga ay umalis na yan si Sophia. Wala na syang dapat pang habulin kay Andrew. Hoy ikaw Sophia! Pampagamot ba ng anak mo ang kailangan mo? Magkano ba? Babayaran ko na lang basta wag ka ng mag papakita sa amin ni Andrew."

"Kim ano ba?! Wag mo namang ganyanin si Sophia! Pamilya ko na rin sila ni Intoy! Sya ang nag- alaga sa akin nung mga panahong nanghihina ako. Kung hindi dahil kay Sophia malamang ay wala na ako ngayon! Sa tingin mo sa ginagawa mo ay mapapalapit ak sayo? Hindi eh, hindi ko maintindihan ang ugali mo.Sa nakikita ko, parang nagsisisi na ako na pinakasalan kita!"

Nagulat ako sa mga sinabi ni Andrew. Ano daw? Nagsisisi sya dahil pinakasalan nya ako?! Di nga seryoso? Ang sakit naman nun. Sige na ako na masama tapos si Sophia na ang mabait! Hindi kasi ako naiintindihan ni Andrew. Gusto ko lang naman na bumalik sa dati ang lahat. Walang Sophia at Intoy. Kami lang naman talaga ang pamilya nya eh. Hindi ko naman basta basta na iiwan sa ere sina Sophia. Kaya nga nag offer ako ng pera para maipagamot ang anak nya. Bakit pati asawa ko ay kailangan pa nya? Sobra na talaga.

My Husband Lost His MemoryDär berättelser lever. Upptäck nu