My Husband Lost His Memory

By the_innocent

247K 3.3K 354

What will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Hu... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
EPILOGUE

CHAPTER SIXTEEN

8.4K 125 12
By the_innocent

A/N thank you sa lahat ng nag babasa, nag vovote at nag cocomment sa story ko. Hehe. Post na lang kayo sa message board ko yung mga gustong mag padedicate nakakalimutan ko kasi eh. Hehe salamat!

ANDREW'S POV

Nakadungaw ako sa bintana.. Sobrang lakas kasi ng ulan. Ang balita ko nga ay may bagyo ngayon. Nakaramdam tuloy ako ng matinding pag-aalala para kina Kim at Andrey. Paano na lang kung may mangyaring hindi maganda? wala pa naman lalake sa bahay nila.

"Wag ka ng mag-alala okay lang sila"

Mula sa likod ko ay niyakap ako ni Sophia. Nandito na rin sa bahay ko si Sophia. Dumating sila ng anak nya kagabi lang. Ngumiti lang ako kay Sophia at lumipat ako ng pwesto. Medyo naiilang din kasi ako sa ginagawa nya sa akin. Ewan ko ba bakit nag iba na ako nitong mga nakaraang araw.

"Andrew!! Andrew!! Sorry na umuwi ka na sa atin!"

Nagkatinginan kami ni Sophia at sabay kaming napatingin sa bintana. Doon namin nakita si Kim nasa labas at basang basa sa ulan. Ano ba sya?! bakit nya ginagawa 'to? nababliw na ba sya? hindi nya yata alam na pwede syang magkasakit sa ginagawa nya.

Kumuha ako ng payong at ready to go na sana ng hawakan ako sa braso ni Sophia at tinitigan nya ako ng masama.

"Dito ka lang, hindi ka lalabas ng bahay."

"Ano ka ba naman Sophia?! Baka magkasakit si Kim! at napaka delikado sa labas."

Tumakbo si Sophia sa pinto at humarang doon. Ano ba kasi 'to si Sophia.. kung kailan naman ako nag mamadali tsaka pa umaarte ng ganyan. Minsan talaga hindi ko rin maintindihan si Sophia.

"Alis ka na kasi dyan! Kailangan 'kong puntahan si Kim."

"Dito ka lang Andrew. Ako ang lalabas.. ako ang pupunta kay Kim."

Agad na lumabas si Sophia at kinuha yung payong na hawak ko. Dumungaw ako sa bintana at doon ko na lang sila tiningnan.

Mula sa bintana ay natanaw ko na binigyan ni Sophia ng payong si Kim. Noong una ay nanlalaban pa si Kim. Halata na ayaw pa nyang umalis at pinipilit na makapasok sa loob ng bahay. Lalabas na sana ako para ayusin yung gulo na 'to kaya lang nakita ko na pumasok na sa kotse si Kim at umalis na. Ano kayang sinabi ni Sophia?

Hinintay ko lang si Sophia hanggang sa makapasok ulit sya ng bahay.

"Oh. Anong nangyari? Bakit biglang umalis si Kim?"

"Ha? ano kasi.. Sinabi ko na ayaw mo na syang makita dahil nga sa galit ka sa kanya. Ayun biglang umalis."

"Ganun lang kadali?"

"Oo Andrew ganun lang kadali. Sabi ko naman sayo hindi ka kayang ipaglaban ni Kim, alam mo kung bakit? kasi hindi ka nya mahal."

Hindi ako mahal ni Kim? Hindi nga ba? pero bakit nung paalis na ako ng bahay ay grabe sya kung makapigil sa akin? tsaka mukha namang hindi sya umaarte. Halos madala na nga rin ako sa emosyon nya eh. Pero.. Baka kasi tama rin si Sophia, baka hindi nya lang talaga ako mahal. Kasi kung mahal nya ako ipaglalaban nya ako.

KIM'S POV

Pag dating ko sa bahay ay nakapatay na ang ilaw. Nanlulumo ako sa nalaman ko.. Kaya pala ayaw umuwi ni Andrew dito sa bahay kasi mas pinili na nya si Sophia at ang... ANAK nila.

FLASHBACK.

"Sophia! ilabas mo si Andrew"

"Umalis ka na Kim! ayaw ka ng makita ni Andrew"

"Hindi! hindi ako naniniwala sayo! hindi ako aalis dito hangga't hindi ko kasama si Andrew"

"Wala akong pakielam sayo Kim! tatanda ka lang sa kahihintay kay Andrew! hindi na sya babalik, hindi na nya kayo babalikan ni Andrey! alam mo kung bakit? kasi.. Buntis ako at si Andrew ang ama!"

END OF FLASHBACK

Pilit kong pinapasok sa isip ko na hindi totoo ang sinabi ni Sophia. Alam nyo naman kasi yung babaeng yun. Saksakan ng sinungaling! Kaya lang kasi..Bakit sya ang humarap sa akin imbis na si Andrew?

Kung gusto nya kasi akong makasama ay sya mismo ang lalabas at haharap para sa akin..Sana hindi nya ako natiis. Pero Wala eh. Nangyari na..Tiniis at binalewala na nya ako.

"Bwisit ka Andrew..Hindi mo na nga ako mahal"

Tinakip ko yung dalawang kamay ko sa mukha ko tapos ay umiyak lang ako ng umiyak. Hindi na nga ako nag abalang mag palit ng damit kahit na basang basa ako. Napapabayaan ko na yung sarili ko ng dahil sa kanya. Pero wala naman pala akong halaga sa kanya. Badtrip lang!

"Gusto mo talagang magkasakit no?"

Hindi ko pa rin tinatanggal yung mga kamay ko sa mukha ko. Nananaginip ba ako? parang narinig ko kasi yung boses ni Andrew. Ano ba yan! hanggang dito ba naman ay naririnig ko pa yung boses nya. Ganun ko na yata sya kamahal eh.

"Kung ako sayo, magpalit ka na ng damit mo hindi yung nakatanga ka pa dyan. Tsaka bakit ba ang dilim dito?"

Tinanggal ko yung Kamay ko sa mukha ko at tumingin ako sa likod. Nasa front door si Andrew at nakatayo lang doon habang nakatingin sa akin. Ibig sabihin..hindi ako nananaginip!

"Tulog na ba si Andrey?"

Hindi ko na sinagot ang tanong nya at agad akong tumakbo palapit kay Andrew at dali dali akong yumakap sa kanya. Noong una ay ako lang ang nakayakap sa kanya pero maya maya lang ay naramdaman ko na niyakap na din nya ako. Weh? ano kayang ibig sabihin nun?

"Andrew.. dito ka na ba ulit titira?"

Umiling lang sa akin si Andrew at umakyat sa kwarto namin. Sumunod lang ako sa kanya.. Ang awkward ng sitwasyon. Sobrang tahimik namin ngayon. Gusto ko sana syang tanungin tungkol dun sa sinabi sa akin ni Sophia kaya lang nakaramdam ako bigla ng takot.

"Bumalik lang ako dito para Kamustahin ang lagay ni Andrey. Aalis din ako bukas ng umaga."

Sabi ko nga eh. Assuming kasi ako masyado. Syempre kailangan nyang bumalik kay Sophia dahil nga BUNTIS yung bwisit na babaeng yun! pero paano naman kami ni Andrey?

"Ang tigas din ng ulo mo eh"

Kumuha ng twalya si Andrew tapos ay pinunasan nya yung ulo ko at pag katapos nun ay hinubad nya yung jacket na suot nya at ibinalot sa akin.

Please lang Andrew.. wag ka naman masyadong pa-fall! alam ko naman na ayaw mo na sa akin. Pero bakit ganyan pa rin ang ginagawa mo?

"Mabuti pa, matulog na tayo kasi baka magising si Andrey at mapuyat lang tayo."

"H-ha?! sige.. magpapalit lang ako ng damit"

Pumunta ako sa dressing room at nag palit ako ng damit. Hindi ko maiwasan na matuwa kasi alam ko na makakasama ko ngayong gabi si Andrew. Atleast..kahit isang gabi lang.

Bumalik ako sa kwarto, at nakita ko si Andrew na nakahiga sa sahig at nakapikit. Tss.. wala pala syang balak na tabihan ako sa pag tulog. Pa hard to get naman 'to.

"Andrew.."

"Hmmm?"

Hindi pa rin nag mumulat ng mata si Andrew. Dahan dahan akong lumapit sa kama at naupo. Kailangan mag tabi kami ngayon. Mwahaha! Landi ba? bakit ba? asawa ko naman sya eh.

"Pwede ba tabi tayong matulog?"

Napadilat naman bigla si Andrew at tumingin sa akin.

"Ano? ayoko nga! matulog ka na dyan sa kama dito ako sa sahig."

Kinuha ko yung unan at kumot na nasa kama at humiga ako sa sahig sumiksik pa nga ako sa tabi ni Andrew. Uhhm! heaven!! ang bango ng beybe ko!

"Uy Kim ano ba?! bumalik ka nga dun sa kama."

Yumakap ako kay Andrew at hinalikan ko sya sa pisngi. Tumingin sya sa akin, medyo napapangiti nga sya eh kaya lang halata naman na pinipigilan nya lang eh.

"Tabi na tayo please?"

"Oo na! oo na! ang kulit mo eh!"

"I love you Andrew."

"mjmjgjmjad,good night"

Ano daw? good night lang naintindihan ko sa sinabi nya eh

Inangat ni Andrew ang ulo ko at ginawa kong unan yung braso nya. Pumikit na agad si Andrew. Ako naman ito hindi makatulog. Nakatitig lang ako sa gwapong mukha ni Andrew. Masaya na rin ako kahit na bukas ay aalis din sya. Atleast kahit na ngayon lang ay napag bigyan ako ni Andrew at nakasama ko sya. Pero.. ang sakit na ng likod ko. Kasi naman may Kama naman pero sa sahig pa napiling matulog.

Oo na titiisin ko na lang katabi ko naman si Andrew eh. Bago ako pumikit ay humalik ako sa labi ni Andrew. Haha, wala syang kaalam alam na hinaharass ko na sya.

Continue Reading

You'll Also Like

208K 2.7K 53
We were wrong that I never made right. He hated and left me because of that. We will be wrong again if I don't make things right, this second time. B...
822K 11.1K 56
You lie just to get him. You lie just to be with him. You plan just to be his wife. You wait until he loves you but what if destiny turns down and i...
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
176K 4.7K 30
*SOON TO BE PUBLISHED under PRECIOUS HEARTS ROMANCES* Kapalit ang isang college scholarship ay napapayag si Maggie ng kanilang high school principal...