Operation: Destroy Thomas Tor...

By TeamKatneep

445K 6.7K 1K

He’s too hot to handle. But is she too cool to resist? Ara hates Thomas. And the feeling is mutual. Pero isan... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 9

10.9K 134 14
By TeamKatneep

Chapter 9

Ara

 

Kakatapos lang ng practice namin kaya pagdating sa dorm, pagod na pagod na talaga kaming lahat. Pero itong si Mika, ang hyper-hyper pa rin. Kanina ko pa nga siya napapansin habang nasa practice kami. Kakaiba talaga ang energy level niya. Ganadong-ganado at todo-bigay pa siya sa mga spikes niya. Inspired yata ‘tong babaneg ‘to.

“BEST!!!” Sabi ko nga, hyper na hyper pa rin siya hanggang ngayon.

“Bakit?”Buti na lang may natira pa akong energy para sa kanya.

“May lunch date ako kanina!” Masayang-masaya pa talaga ang mukha niya.

“Ako rin!” Teka,  sa’n ba nanggaling ‘yun? Nako, nadulas yata ako...

“Ikaw rin? Wow!!! Bestfriends nga tayo! Kwento ka na!” Siguro ‘yung ka-lunch date niya ang dahilan kaya napakasaya niya ngayon.

“Ikaw nauna eh. Makikinig muna ako.” Mag-iisip pa kasi ako ng paraan kung paano i-edit ang mga pangyayari kanina para di niya ako asarin.

“Fine. Parang kinikilig ako kanina kasi niyaya ako ni Jeron na mag-lunch!” Sinasabi ko na nga ba si Jeron ang kasama niya.

“At kinantahan pa niya ako habang nagmamaneho siya. Okay lang kahit sintunado ang boses niya. Ang cute-cute at ang gwapo-gwapo nga niyang tingnan. Isa pa, gustong-gusto ko talaga ‘yung song na kinanta niya. At ang sarap-sarap niyang ka-kwentuhan. Ang layo-layo kapag nasa court siya. Ewan ko ba best, ayaw ko namang maging assuming pero tingin ko, may gusto siya sa’kin. Yieeeee…” Seryoso, ngayon lang talaga niya napansin na may gusto si Jeron sa kanya? Eh halos alam na yata ng lahat kung gaano siya ka-mahal ni Jeron.

“Kaya lang best…” Ano kaya ang nakita ni Mika kay Jeron at mukhang disappointed siya?

“Kaya lang ano…?”

“Iniwan niya ako sa restaurant…”

“Ha? Seryoso? Weh? Di nga? Baka hindi ka iniwan… baka may emergency lang.”

“Sus kung maka-react maka-Jeron na maka-Jeron. Hindi ko nga rin alam kung bakit bigla siyang naglaho. Siguro nga’y may nangyari lang pero nakakaasar ang pang-iiwan niya sa’kin ha? Pero di bale, kasi na-meet ko naman ang idol ko! WHOOOO!!!!” Kung mataas na ang energy level ni Mika, mukhang naging x100 naman ang pagka-hyper niya ngayon. Minsan talaga naloloka ako sa babaeng ‘to.

“Pakihinaan mo nga ‘yang boses mo. Wagas ka naman kung maka-sigaw. Sino ba ‘yung idol mo?”

“Si Kiefer Ravena! Niligtas niya ako… tapos hinatid niya ako sa La Salle! Nako, mukhang hindi yata nauubusan ng kilig ang araw ko ngayon! Hahahaha.” Adik din talaga ‘tong si Mika. Kinilig kay Jeron tapos kikiligin rin siya kay Kiefer? Hindi pa nga ako nakasagot, kinwento na niya sa’kin ang lahat ng nangyari kanina habang hinahatid siya ni Kiefer.

“Sabi niya matagal na daw siyang naghahanap ng paraan para makilala ako…”

“…….una niya akong napansin nung rookie year pa lang natin….”

“binigyan niya ako ng nickname na Mikkie…”

“nagagandahan daw siya sa’kin…” Sobrang dami nang pinagsasabi ni Mika pero ‘yung mga huling linya lang ang na-gets ko. Bakit bigla namang umepal ang Kiefer na ‘to sa buhay ni Mika? Team Jeron pa naman ako. Hahahha

Napatalon kami sa sobrang gulat nang may biglang kumatok sa pinto.

“Mika, bumaba ka dali!” Si Kim pala ang kumatok.

“Bakit ba? Nakakatamad kayang bumaba.” Ang OA rin nitong si Mika.

“Ayaw mong bumaba? Sige, amin na lang ‘tong mga donuts mo!” Banta ni Kim.

“Ha? Donuts?” Agad namang binuksan ni Mika ang pinto at nagmamadaling bumaba. Dahil may pagka-chismosa rin ako, sumunod naman ako kay Mika at Kim. Pagdating ko sa baba, nakita kong may dalawang box ng donuts para kay Mika.

“Wow! Krispy Kreme!” Masiglang-masiglang sabi ni Mika.

“Saan ba galing ‘yan?” Tanong ko sa kanila.

“Pinapabigay ni Kiefer Ravena. Siya nga mismo ang naghatid nito.” Sagot ni Kim na may halong pang-aasar kay Mika.

“Ha? Eh ba’t hindi mo man lang ako tinawag para makaharap ko man lang siya?” Nanghihinayang na sabi ni Mika.

“Ye! Ang ganda-ganda mo talaga!” Bigla kasing pumasok si Cienne.

“Ano na naman ba ang ginawa ko?” Tanong naman ni Mika.

Bigla namang itinaas ni Cienne ang kamay niya na may dala-dalang J.CO donuts.

“Wow! Another batch of donuts. Kanino daw galing?” Ito talagang si Kim, puro pagkain ang nasa isip.

“Galing kay Jeron. Nasa labas kasi ako nang dumaan siya. Ipinapabigay daw niya sa’yo.” Pahayag ni Cienne.

“Pati rin si Jeron? Ano ba ‘yan… bakit ba hindi niyo ako tinawag?” Sabi ni Mika.

“Sabi ko kasi sa kanya baka nagpapahinga ka na. Ayaw naman daw niyang maka-isturbo kaya pinabibigay na lang niya sa’yo.” Inabot na ni Cienne ang box. Nakita kong may note pala na nakalagay sa ibabaw ng box. Kinuha ni Mika ang note at binasa. Nakibasa na rin ako sa note.

 

Mika,

I’m sorry sa ginawa ko kanina. I swear something came up kaya kailangan kong umalis. I’m deeply sorry. Sana hindi ka pa na-trauma sa nangyari kanina ‘cause I’m hoping na masusundan pa ‘yun. Sobrang nag-enjoy talaga ako na kasama ka. I heard from someone that you like donuts. Hope you like what I sent you, peace offering ko na rin. Take care & good luck sa next game n’yo! :)

Jeron

 

“Wow, ang sweet naman ni Jeron! Sagutin mo na siya, best!” Hindi ko mapigilan ang mag-react. Sobra kasi akong kinilig sa ginawa ni Jeron. Binigyan naman ako ni Mika ng tingin na parang nagsasabing, “naloloka ka na ba?”

“Hehehe, syempre nasa’yo pa rin ang huling desisyon. Suggestion ko lang naman ‘yun.” Nahihiya kong sabi.

“Teka, may note din pala ‘tong Krispy Kreme ni Kiefer.” Singit ni Kim. Halos buksan na nga niya ang box dahil kakain na daw siya.

“Uy Kim, hindi naman sa’yo ‘yang donuts ah, bakit bubuksan mo?” Sita ni Cienne kay Kim.

“Wala namang paki ‘yang isa. Tingnan mo, concentrate na concentrate sa love letters ng mga manliligaw niya. Kung gusto mo, kumuha ka na rin. Buksan mo na rin ‘yung J.Co! Hehehe…” Sabi ni Kim sabay nguso kay Mika na tutok na tutok sa pagbabasa ng sulat ni Kiefer.

“Ye, kakainin na namin ‘tong donuts ha? Thank you!” Grabe talaga ‘tong dalawa, hindi pa nga sumasagot si Mika kumuha na agad ng tig-dadalawang donuts. Napailing na lang ako.

“Uy Ara! ‘Wag ka ngang magbait-baitan dyan. Alam naming gusto mo ring kumain ng donut. Kumain ka na rin.” Idadamay pa talaga ako ni Cienne. Sige na nga, masarap rin naman kasi ang mga donuts. Hahaha

“Bestfriend, kumain ka na rin ng donuts! Sayang naman kung hindi ka makakatikim kahit isa.”

“BESTFRIEND!!!! Sobrang kinikilig akoo!!!!” Grabe talaga tumili ‘tong si Mika, nakakabingi.

“Bakit? Ano naman ang sabi ni Kiefer?” Lumapit na kasi ako sa may mesa kaya hindi ko makita ang sulat ni Kiefer.

“Basahin mo na, bilis!” Excited na sabi ni Cienne pero hindi pa nga nakakasagot si Mika, agad niyang inagaw ang sulat.

“Basahin mo nang malakas, Cienne!”

Dearest Mikkie,

I’m so glad that I finally met you. If may kanta na nababagay sa pagkikita natin kanina, it woud definitely be Taylor Swift’s Enchanted ‘cause I am definitely enchanted to meet you. I hope you’re not in love with someone else or have somebody waiting on you. Yeah, I listen to Taylor Swift and I just quoted those lines from the song.  I hope you don’t mind that I called you Mikkie. Take care!

Kiefer

“What? May nickname na agad siya sa’yo best?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Mika.

“Kanina lang ‘yan. Katuwaan lang naming dalawa.” Sagot ni Mika sabay kuha ng sulat mula kay Cienne.

“Oohhh… the ultimate question, Team J.CO or Team Krispy Kreme?” Natatawang tanong ni Cienne.

“Team J.Co!”

“Team Krispy Kreme!”

“Ay, ewan ko sa inyo. Hindi pa nga sila nanliligaw pero talagang kinikilig ako sa kanila. Hahaha” Nahihiyang pag-amin ni Mika.

“Eh alangan namang malungkot ka? Ang haba nga ng hair mo! Dalawang sikat na UAAP stars ang manliligaw mo!” Ganti sa kanya ni Kim.

“Ang problema, kaninong donut ang uunahin niya? Is it Krispy Kreme or the J.CO?” Tanong ni Cienne na tinataas-taas pa ang kilay.

“Importante pa ba kung aling donut ang uunahin ko?”

“Syempre naman bestfriend! Ibig sabihin nyan, kung Krispy Kreme ang una mong kakainin, mas lamang si Kiefer pero kung J.CO nama, lamang si Jeron.” Paliwanag ko kay Mika.

“Ha? Eh paano ba ‘to…” Ang OA talaga nitong si Mika. Kumain na nga lang ng donut prinoproblema pa niya. Ganyan yata ‘pag confused. Hehehe

“Nako, I’m sorry Ye… naubos ko na pala ang lahat ng donut.” Medyo nahihiya pa si Kim pagkasabi niya nun. Hanep rin talaga ‘tong appetite ni Kim.

“Kim naman… bigay ‘yun nina Jeron at Kiefer eh…”

“Ayaw mo nun? At least hindi mo na proproblemahin kung aling donut ang uunahin mo. Hehehe…” Galing talaga magpalusot ni Kim. Ikaw na! Hahaha

“Buti pa, magpahinga na tayong lahat. Maaga na naman ang training natin bukas. Alam niy namang ayaw ni Coach na maulit ang pagkatalo natin. Kim, palitan mo na lang ‘yung donuts ni Kim.” Paliwanag sa’min ni Cienne.

“Mabuti pa nga. Halika na best, may letter ka naman galing sa kanilang dalawa.” Pampalubag-loob na sabi ko kay Mika.

“Sorry talaga Ye, bibilhan na lang kita bukas. Hehehe… sige, akyat na ako. Good night.” Ibang klase talaga si Kim.

Umakyat na rin kaming tatlo. Pagdating namin sa kwarto, kinulit ko agad si Mika.

“Uyy… nanliligaw ba silang dalawa sa’yo?”

“Hindi ah. Kakakilala pa nga lang namin ni Kiefer.” Pero nakita ko na pinipiglan ni Mika ang mapangiti.

“So si Jeron ang nanliligaw?” Napaka-chismosa ko talaga.

“Hindi rin. Hindi ko alam…”

“Pero di ba sabi mo napapansin mong may gusto siya sa’yo?” Usisa ko.

“Hindi naman ako sure eh.”

“Kung ako sa’yo best, hanapin mo si Jeron bukas. Kausapin mo siya at bigyan mo ng chance na magpaliwanag. Magpasalamat ka na rin dahil sa donuts niya.”

“Ara Best, you’re a genius!” Niyakap pa ako ni Mika.

Kinabukasan:

 

Dahil parehong free kami ng 12-2, nag-usap kami ni Mika na mag-meet sa labas ng aking classroom at sabay naming hahanapin si Jeron para makausap na rin niya.

“Ayon sa aking sources, may klase daw si Jeron ng 12-1.” Sabi ko kay Mika.

“Talaga? So ibig sabihin nagsinungaling siya sa’kin kahapon. Mga ganitong oras kasi kami nagkita para mag-lunch.”

“Which means na may gusto talaga siya sa’yo!” Panunukso ko kay Mika.

“Tumigil ka na nga dyan, best. Nakakahiya. Buti pa pumunta muna tayo dun sa may garden-garden para makalanghap ng fresh air.”

Pumunta nga kami sa may mini-garden ng La Salle. Buti na lang konti pa ang mga studyante pagdating namin sa garden. Napili naming umupo sa isang upuan na hindi kalayuan sa ilalaim ng malaking puno. Kukunin ko n asana ang iPad ko nang marinig ko ang malakas na tawa ni Thomas. Hindi ako pwedeng magkamali dahil siya lang ang may ganung klaseng tawa. Nilingon ko ang puno at confirmed nga ang hinala ko. Nandun nga si Thomas na nakaupo sa may grass area sa ilalim ng malaking puno. Mukhang hindi naman niya napansin na may nakaupo na pala sa upuan. Sabagay, malaki-laki naman ang puno kaya mahirap makita ang kinalalagyan namin ni Mika.

Hindi na talaga nagbago ang asungot na ‘yun, kahit saan mo ilagay ang lakas-lakas pa rin ng boses. Baka akala niya sa kanya rin ‘tong La Salle? Nako, bakit ko nga ba inaaway ang Thomas na ‘yun? Naging friends na nga kami kahapon. Instinct ko na kasi ang siraan siya sa aking utak. Patawad po, Lord.

Pero sobrang lakas talaga ng tawa na nagmumula sa kanya. Teka, hindi kaya baliw na si Thomas kaya tumatawa siyang mag-isa? Ginalaw ko ang aking ulo para masilip si Thomas at nakita kong may isa pa palang tao na kasama si Thomas. Hindi ko lang makitang mabuti kung babae o lalaki ba ang kasama niya. Buti naman hindi pala siya baliw. Hahayaan ko na lang sana sila nang masagot ang tanong ko kung babae o lalaki ba ang kasama ni Thomas dahil dinig na dinig namin ang kanilang usapan. Hindi ko man sinasadya, nakikinig na pala ako sa usapan nila.

 

“I’m so glad at hindi ka naniwala tungkol sa mga bad rumors tungkol sa’kin. You have no idea kung gaano ako ka-saya. I swear ikaw lang ang sineryoso ko sa lahat ng babaneg nakilala ko” – Thomas

 

“I totally appreciated your effort. Kaya lang, don’t you feel guilty about using her?”- girl

 

“I would do everything and anything for you.” – Thomas

 

“But not at other people’s risk. Pati ako na gi-guilty.” – girl

 

“Pero this is the only way para hindi tayo pag-dudahan ng parents mo.” – Thomas

 

“You’re right…” – girl

 

“Why? Are you jealous of her?” – Thomas

 

“No. I trust you too much. Plus, alam ko namag enemies talaga kayo. Kaya nga pumayag ako sa set-up na ‘to.” – girl

 

“Don’t worry too much, okay? You don’t have to be guilty; I’m already working on being friends with her.” – Thomas

 

“Yeah, like that would make me feel less guilty.” – girl

 

“At least hindi ko na siya inaaway gaya ng dati.” – Thomas

 

“Thank you so much for doing this, Thomas. I love you!” – girl

 

“I love you more, Ara.” - Thomas

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

149K 4.4K 89
Simpleng buhay lang ang hangad namin ngunit bakit naging ganito? * (A/N: Kung ano man ang mababasa nyo dito ay mga kahibangan lang ni Author . ) #Ka...
71.9K 2.5K 24
How can something so beautiful be so deadly? Ara Hope does not have the perfect family but despite this fact she had the perfect childhood. She has a...
615K 6.6K 27
Police Inspector Artemis Ceanne Galang and Dr. Dylan Christopher Torres's Story.