Shadow Lady

Autorstwa Sweetmagnolia

433K 15.3K 1.8K

Unknown to humanity, there are two kinds of secret society inhabiting this modern world, both possess abiliti... Więcej

Shadow Lady
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 1

39.8K 978 43
Autorstwa Sweetmagnolia

                                                                              *****

  

"Anong kailangan mo?"

"May nakapagsabi po sa aking kayo daw ho ang bagong dayong manghuhula dito sa amin."

"Ako nga. Bakit magpapahula ka rin ba?"

"Gusto ko pong humingi ng pahiwatig kung saang lugar ako makakahanap ng kamag-anak."

"Anong pangalan mo?"

"Amerie Valerius."

"Ilang taon ka na?"

"Magdadalawampu't isang taong gulang sa susunod na dalawang buwan."

"Halika, lumapit ka...."

"Lapit pa..."

"Lapit."

                                                                            ------

  


Kalagitnaan ng gabi. Nangingitim sa galit ang kalangitan. Malakas ang buhos ng ulan. Nagsasalitan ang pagkulog at pagkidlat. Napapayuko ang mga puno sa lakas ng ihip ng hangin.

"Ako ang unang nakakita kaya akin ang babaeng ito!"

"Huwag kang gahaman! Ipatikim mo rin sa amin yan!"

"Ano pang hinihintay natin simulan ng tikman yan bago pa man yan magkamalay!"

Kumukurap-kurap ang mga mata ni Amerie. Unti-unting bumabalik ang kanyang ulirat dahil sa malalakas na boses lalaking naririnig niya. Nakalapat ang pisngi niya sa sahig ng isang umaandar na bagay. Ramdam niya ang basang katawan at ang mahihinang tusok ng mga patak ng ulan sa kanyang likuran.

Dahan-dahan niyang iniharap ang mukha sa pinagmumulan ng mga boses. Naaninag niya ang tatlong taong may kalakihan ang mga pangangatawan. Napatingin siya sa kalangitan, sunud-sunod na paguhit ng mga kidlat ang kanyang nasaksihan. 

"Pare nagkamalay na! Ang bagal niyo kasing kumilos!"

"Sabihin niyo sa driver ihinto muna ang trak!"

Lumapit ang isa sa katabing bintana ng drayber at kumatok dito.

"IHINTO MO DAW MUNA ANG SASAKYAN!" sigaw nito na pilit nakikipagtuos sa ingay ng buhos ng ulan.

Huminto ang trak sa tabi ng isang masukal na lugar. Bumaba ang drayber at umakyat sa likod ng walang bubong na likuran ng sasakyan. Itinayo nila ang babae at tila gutom na gutom na mga leon na napatitig sa napakagandang hubog ng katawan nito. Nakadamit ito ng purong puting manipis na bestida na walang manggas at  hanggang tuhod ang haba.

Nang maitayo ay inilibot ni Amerie ang kanyang mga paningin. Sinipat niya ang paligid sa gitna ng sagabal na makapal na buhos ng ulan. Wala siyang ibang makita maliban sa malawak na sementadong daan, matatayog at malalaking puno at apat na kalalakihang lahat ay nakatitig sa kanya.

Mahigpit na hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabilaan niyang braso. Hindi niya alam kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya. At bakit lahat ay nakatingin sa kanyang katawan. Lumapit ang isa sa kanya at pinunit ang damit niya sa bandang dibdib. Lumabas ang suot niyang panloob. Anuman ang binabalak ng mga ito ay nararamdaman niyang hindi ito maganda. Hinawakan ng mariin ng lalaki ang kanyang pisngi at ngumisi.

"Huwag ka lang papalag, makakauwi kang buhay sa inyo."

Bumitaw sa pagkakahawak sa kanyang mga braso ang dalawang lalaki at itinulak siya papahiga ng taong pumunit ng damit niya. Nasaktan siya sa malakas na pagkakatama ng kanyang likod sa sahig ng sasakyan. Nang mapahiga siya ay  muling humawak sa magkabilaang kamay niya ang isang lalaking nakapuwesto sa kanyang ulunan samantalang ang dalawang lalaki naman ay nakahawak sa kanyang magkabilaang paa na pilit ng mga itong pinaghihiwalay.

Tiningnan niya ang isang lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Naghuhubad ito ng suot na sinturon habang nakangisi. Pumalag siya ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanya ng mga lalaki. Sinampal siya ng taong nakahawak sa kanyang mga kamay.

Namuo ang galit sa dibdib niya dahil sa pananakit ng mga ito. Unti-unting tumalim ang kanyang mga paningin. Tinitigan niya ng masama ang lalaking naghuhubad sa kanyang harapan.  

Bumuhos ng ubod ng lakas ang ulan.

Nagliwanag ang kalangitan sa sunud-sunod na pagkidlat.

May kumawalang isang guhit ng liwanag mula sa langit.

At tumama ito sa nakatayong naghuhubad na lalaki. Nangisay ito at sa isang iglap lamang ay bumagsak ang sunog nitong katawan.

Gumapang ang liwanag ng kuryente. Tumungo ito sa tatlong lalaking nakahawak sa kanya at ilang saglit din lamang ay nagsibagsakan ang mga nangingitim nitong katawan.

Namatay ang gumagapang na kuryente. Unti-unting humina ang ulan. Naglaho ang mga kidlat at tumigil ang pagkulog. Huminahon ang kalangitan hanggang sa tuluyang tumila ang ambon.

Nanlaki ang mga mata ni Amerie sa nasaksihan. Kinilabutan siya sa takot. Agad siyang bumangon at bumaba ng sasakyan. Nanginginig ang kanyang mga kalamnang tumakbo papalayo. Hindi siya makapaniwalang may apat na taong namatay sa harapan niya.

Ilang oras siyang nagtatakbo subalit nang mapagtantong hindi niya alam ang pupuntahan ay saka lamang siya huminto. Muli siyang tumingin sa paligid. Mag-isa lamang siya sa tinatahak na madilim at liblib na lugar. Ang tanging naririnig niya ay ang iba't ibang tunog ng mga insekto. Pagaspas ng mga dahon. Huni ng mga ibon. At ingay ng mga kuliglig.

Nasaan siya?

Paano siya napadpad dito?

At saan siya nanggaling?

                                                                 -----

Sa isang kagubatang may nagtataasan at naglalakihang mga puno. May dalawang taong naghahabulan. Parehong tila mga lobo sa bilis kung tumakbo. Parang mga hangin sa gaan ang mga katawan kung makatalon sa matataas na sanga ng mga kakahuyan. Tila mga higanteng tipaklong kung makalipat mula sa isang puno patungo sa kabilang puno.

  

Nagliliparan ang mga espada sa ere. Nagpapalitan ng mga sipa. Nagpapaliksihan sa kilos ng mga kamay. Walang matamaan. Animo'y mga kidlat sa bilis umiwas. 

 "CUUUUTTTTTT!!!!"

"Bakit ho Direk Brad?" nagtatakang tanong ng assistant.

Tiningnan ng direktor ang monitor ng kamera. Ni-replay nito ang mga huling eksenang kinuhanan. Itinigil sa isang partikular na eksena. Pinalaki ang larawan at itinuro ang isang babaeng nakaupo at nakasandal sa isang puno.

"Ano to? Akala ko ba klarado ang buong vicinity ng kukuhanan? Bakit may talent na nagpapahinga dito?! Sinasayang niyo ang oras at pagod natin! Hindi madaling umulit ng ganitong eksena! Paalisin nyo ang taong yan!" galit na sigaw na direktor.

Dali-daling lumapit ang mga crew sa malaking punong kinaroroonan ng babae.

"Direk, halika tingnan niyo. Mukhang hindi ito isa sa mga nageekstrang talents!"

Magkasalubong ang mga kilay na lumapit ang direktor sa puno. Nakita niya dito ang isang walang malay na nakaupong babae. Namumutla ang mukha. Gusut-gusot ang maitim at mahabang buhok. Pasa-pasa ang mga braso at mukha. May sugat sa gilid ng nanunuyong mga labi. Nakasuot ito ng punit na puting bestida sa bandang harapan kung kaya't nakikita ng bahagya ang itaas na bahagi ng malulusog nitong mga dibdib. Nakayapak lamang ito at kita rin ang sugatan nitong mga talampakan.

"Buhay pa ba yan?" wika ng isang crew.

"Hindi kaya engkanto yan?" dagdag naman ng isa pang crew.

Nilapitan ito ng direktor. Kinapa ang leeg. Mainit pa. Hinawakan ang pulso. Tumitibok pa. Niyugyog ng lalaki ang balikat ng babae, nagbabakasakaling natutulog lang ito.

"Miss! Miss! Miss!"

Gumalaw ang ulo ng babae na halatang naalimpungatan ito. At nang iminulat nito ang mga mata ay agad itong napatingin sa mga taong nakatunghay sa kanya.

Natigilan at natahimik ang lahat... Nang magmulat ng mga mata ang babae ay lumantad ang taglay nitong kakaibang ganda. Maliit ang mukha, matangos na ilong, maninipis at maganda ang hugis ng mga labi at higit sa lahat ay may pares ng mga matang tila hindi nakakasawang titigan. Itim na itim ang bilog sa loob, purung-puro ang kulay ng puting bahagi na tila wala ni isa mang maliit na ugat na pwedeng maaninag at may mahahaba at mapipilantik na mga pilikmata.

"Sabi ko na mukhang engkanto nga." bulong ng crew.

"Ano pang hinihintay niyo? Alalayan niyo na yan papuntang tent at patingnan niyo sa first aid team," madiing utos ng direktor at mainit ang ulong naglakad pabalik sa kinauupuang pwesto.

"...OKAY RETAKE TAYO!"

Siya si Bradley Candor. Dalawampu't pitong taong gulang. Binata. Isang respetado at premyadong direktor. Tinaguriang henyo sa larangan ng kanyang trabaho. Kaliwa't kanan kung humakot ng mga parangal sa mga pelikulang nagawa. Prayoridad ang trabaho. At buong puso kung magbuhos ng pagmamalasakit sa bawat proyektong ginagawa...

                                                              ------

Lumipas ang maghapon. Natapos ang shooting. Nagliligpit na ng mga kagamitan ang buong crew. Saka lamang naalala ni Bradley ang natagpuang babae.

"Nasan na pala ang babae?" tanong nito sa isang crew habang nagliligpit ng sariling kagamitan.

"Nasa tent . Simula kanina ay hindi pa daw ito nagsasalita. Hindi kaya may diperensiya sa utak yun. Sayang, ang ganda pa naman. Paano pala yan direk, pack-up na tayo. Iiwanan na lang ba natin yung babae dito? Magagabi na hindi kaya delikado kung pababayaan nating umuwi mag-isa yun."

"Bahala kayo. Ang dami natin dito. Siguro naman ay mayroong isa man lang na magmamagandang loob na maghahatid sa kanya kahit hanggang sa pinakamalapit na bayan man lang."

"Direk, andyan siya oh, papalapit sa atin."

Lumabas sa pahingahang tent si Amerie. Napansin niyang nag-aayos na ng mga gamit ang bawat isa. Tapos na ang mga ito sa ginagawa, pwede na siyang maglibut-libot nang hindi nakakaistorbo. Titingnan niya kung may makikita siyang pamilyar na mukha.

Nagikot-ikot siya subalit ni isa ay wala siyang namumukhaan hanggang sa namataan niya ang isang lalaking may katangkaran, matikas ang tindig, hindi lalagpas trenta ang edad, may kahabaan ang buhok para sa isang lalaki, nakasuot ng kulay brown na jacket at kupas na maong na pantalon. Ito ang taong yumugyog sa kanyang balikat kanina. Lumapit siya dito. May namumuong kutob sa dibdib niya na nagsasabing sa lahat ng naroroon ay ito lamang ang may kakayahang makatulong sa kanya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo Miss?" tanong nito sa kanya.

Tumango siya.

"Malapit ng gumabi hindi ka pa ba uuwi?"

Wala siyang maisagot.

"Delikado sa isang babaeng katulad mo ang gumala sa ganitong lugar. Ano bang nangyari sayo at napapunta ka dito?"

"H-Hindi ko alam..."

Natigilan si Bradley nang marinig nitong magsalita ang babae.

"O nagsasalita naman pala." tugon nito sa kausap na crew.

"Ano bang pangalan mo?" dagdag na tanong ng direktor habang patuloy sa pag-aayos ng mga gamit.

Ibubuka na sana ng babae ang bibig subalit natigilan siya nang mapagtantong wala siyang maisasagot. Hindi niya alam kahit pangalan niya! Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit pakiramdam niya ay tila nasimot lahat ng laman ng utak niya. 

Napatingin siya ng may blankong mukha sa nagtanong. Wala siyang naibigay na sagot dito maliban sa isang iling.

"Tagasaan ka ba? Sinong mga magulang mo? "singit ng crew.

Wala uling sagot ang babae.

Huminto sa pagbutingting ng kamera si Bradley at tiningnan mula ulo hanggang paa ang weirdong babae. Nagkaroon na ng kulay ang kaninang maputlang mukha nito. May nakapatong ng jacket sa suot nitong punit na damit. Nakasuot na rin ito ng tsinelas. Ibinalik niya ang mga mata sa blankong mukha ng babae. Napakaganda. Pwedeng mag-artista. Sa tingin niya ay wala pang bente ang edad nito. Napailing siya ng ulo. Kung inaartehan man sila nito ngayon ay masasabi niyang may itinatago itong kahusayan.

"Miss, kung gusto mong mag-artista. Hindi mo na kailangang gawin ang mga ito. Maganda ka naman eh bakit di mo subukang maghanap ng agent mo." ngingiti-ngiting wika ni Bradley.

Lumapit si Amerie sa binata at walang pasabing humawak ito sa braso ng lalaki ng may nakikiusap na mukha.

"T-Tulungan mo ako...."

Nagulat si Bradley sa ginawa ng babae. Agad niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Miss, direktor ako. Hindi ako talent manager. Hindi ako nakikialam sa larangang iyan."

"T-Tulungan mo ako. Wala akong maalala. H-Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung saan ako babalik...Tulungan mo akong makaalis sa lugar na ito."

Tumitig ulit ang binata sa misteryosang kausap at huminga ng malalim. Nagdududa pa rin siya sa motibo ng kakaibang mga kilos nito.

"Miss kung gusto mo sumabay ka sa amin papalabas dito sa gubat. Yun lang ang maitutulong ko sayo. At kung maari ay huwag mo na akong istorbohin at marami pa akong dapat asikasuhin. Maghintay ka na lang uli sa isang tabi hanggang matapos kami sa pagpapapack-up."

Sumunod ang babae. Naupo ulit siya sa isang tabi. Tinitigan niya ang binatang direktor habang abala ito sa mga ginagawa.

Malakas ang kutob niya.

Sa loob ng dalawang araw na paglalakbay, dinala siya ng mga paa niya sa lugar na iyun dahil sa taong ito...

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

71.5K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...
929K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...