Operation: Destroy Thomas Tor...

By TeamKatneep

445K 6.7K 1K

He’s too hot to handle. But is she too cool to resist? Ara hates Thomas. And the feeling is mutual. Pero isan... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 6

11.1K 156 9
By TeamKatneep

Chapter 6

Ara

After that “fateful” night, pilit kong kinakalimutan ang lahat ng mga pangyayari. At masasabi kong gumagaling talaga ako sa paglimot sa lahat. Kilala ko ang mga gaya ni Thomas, playboy nga siya kaya malamang mahilig siyang magpaasa ng mga babae. Hindi lang pala ako gumagaling sa paglimot, gumagaling rin ako sa pagtatago at pag-iwas kay Thomas. Kapag naglalakad ako sa hallway, humahaba ng ilang inches ang leeg ko para makita kung nasa paligid ba siya. So far, so good naman. Mag-iisang linggo na pala na hindi kami nagkikita kaya ceasefire muna ang away namin ngayon.

Last period na!!! Uwian na namin!!! Ay, may training pa pala kami. Buti na lang lumipat na sa ibang gym ang Green Archers kaya nakatulong rin ‘to sa pag-iwas ko kay Thomas. Looks like the odds are always in my favor. Hahahaha

Masaya akong naglalakad patungo sa gym. May pakanta-kanta pa akong nalalaman.

“Meron bang makapagsasabing iniisip kita? At meron bang may alam na laging hinahanap ka… kung ako naman ay iiwas, malalaman mo ba…………………………. na ako ay may lihim na pagsinta……..”

 

Aray! Naputol ang mini-concert ko nang naramdaman kong bumangga pala ako sa likuran ng isang studyante.

“I’m so sorry, hindi ko sinasadya.”

“No, it’s okay. Pero next time pwede tumingin ka naman sa dinadaanan-”

Pagharap niya sa’kin…

“Ara! It’s you! Long time, no fight. Hehehe”

Grrrr… pag minamalas ka nga naman. Akala ko pa naman matatapos ang linggo na hindi ko nakakaharap ang lalaking ‘to. Pero I was very wrong! Susungitan na naman ba niya ako? Nung simula parang ‘yes’ ang sagot pero ba’t bigla yatang bumait ang tono ng boses niya nang humarap siya at nakita niyang ako ang nakabangga sa kanya? Ang lapad-lapad pa talaga ng ngiti niya sa’kin ngayon na naging dahilan kaya lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Si Thomas Torres ba talaga ‘tong kaharap ko ngayon o baka doppelganger lang niya? Kinust-kusot ko pa ang mga mata ko pagkatapos kong mag-blink nang ilang beses.

“O ba’t ganyan ka naman makatingin sa’kin? Napapansin ko na talaga na iniiwasan mo ako this entire week.”

“Huh? Hindi ah. Busy lang ako.” At bago pa siya makasagot, nagsimula na akong maglakad palayo pero pinigilan niya ako.

“Teka lang. Pwede ba tayong maging friends? I mean sobrang dami na nating bangayan… hindi ka pa ba napapagod?” Sinasapian yata si Thomas ngayon. Come to think of it, ito ang pinaka-matinong usapan namin mula nung una kaming nagkita at nagkakilala.  

“Yes, napapagod ako. And no, we CAN’T be friends.” Sagot ko sa kanya with emphasis sa salitang CAN’T.

“But why?” Medyo nag-whine pa siya. Alam kong isa na naman ‘to sa mga schemes niya para makaganti sa’kin. Nalaman ko kasi mula kay Jeron na sobrang galit daw si Thomas nang malaman niyang may strawberry pala akong nilagay sa cake. Aba, I swear to God wala talaga akong alam na allergic pala siya sa strawberry. Ni hindi ko nga alam ang birthday niya, paano pa kaya ang allergies niya? Nagkataon lang kasi na ‘yun ang available nung binake ko ang cake.

“Because I don’t trust you. Pero kung gusto mo nang itigil ang war natin, pwede naman tayong maging invisible sa isa’t isa. Walang pakialaman. Hindi kita nakikita, hindi mo rin ako nakikita. Let’s act like we don’t exist in each other’s worlds for our entire college years. Ay correction, forever!” Mahaba kong paliwanag sa kanya. Sana naman ma-gets na niya ang gusto ko. Kung hindi pa, i-hahampas ko talaga sa kanyang pagmumukha ang bola ng basketball at volleyball.

“Fine. From now on, wala nang pansinan.” Nilahad pa niya ang kanyang kamay para makipag-shake hands sa’kin.

“Deal.” Tinanggap ko naman ang kamay niya. Pagkatapos nun, naglakad na ako palayo sa kanya

papunta sa gym para sa aming training.

After training, DLSU Dorm:

“YOU DID WHAT??!!!” Hindi makapaniwalang tanong/sigaw ni Mika.

Agad ko namang tinakpan ang kanyang bibig. Ang tahi-tahimik na sa dorm tapos bigla na lang mabubulabog dahil sa sigaw ni Mika.

“Oo nga kasi. At pwede ba, ‘wag kang sumisigaw. Baka magising ang buong dorm dahil sa ka-OA-han mo.”

“Pero seriously best. Really?” May-duda pa ring tanong ni Mika. Buti na lang medyo mahina na ang boses niya.

“Yup. We made a deal kanina. Walang pakialaman at pansinan from now until…”

“Until when?”

“Forever.” Pagtatapos ko.

“Forever? Weh? Kaya mo ba?” Pang-aasar sa’kin ni Mika.

“Syempre naman! Mas mabuti na ngang ganito kesa palagi kaming nag-aaway. At teka, di ba dapat masaya ka ngayon? Eh ikaw nga ang nag-suggest na ito ang gagawin namin in the first place!”

“Yeah but that was before I or rather, the entire world discovered that all this time, he’s been secretly harboring romantic feelings towards you.” Tinusok-tusok pa ni Mika ang tagiliran ko. Ang weird talaga ng babaeng ‘to.

“Romantic feelings? Eww! Hindi nga kasi ako ang tinutukoy niya. At isa pa, kung totoo man ‘yang sinasabi mo, bakit siya pumayag sa deal ko sa kanya na walang pansinan? If interesado talaga siya sa’kin, dapat gumawa siya ng paraan para maging friends talaga kami.”

“So inaamin mo na! Gusto mo rin palang makipagkaibigan sa kanya pero kailangan mo lang ng konting push and of course, gusto mong sinusuyo ka ni Thomas para pumayag ka sa gusto niya!” Para namang na-solve ni Mika ang biggest mystery ng buong mundo sa pagmumukha niya ngayon.

“Hindi ko sinabing gusto kong makipagkaibigan sa kanya!”

“Weh? Eh implied na nga sa mga sinabi mo kanina na if interesado talaga siya sa’kin, dapat gumawa siya ng paraan para maging friends talaga kami.” Pag-quote ni Mika sa sinabi ko.

“Well, hindi na  rin naman ‘yan mangyayari dahil tapos na ang deal. We’re already invisible to each other.” Sagot ko kay Mika.

“Pero best, hindi ka ba nanghihinayang sa mga pwede sanang mabuo sa pagitan ninyong dalawa ni Thomas? I mean malaki sana ang chance na maging more than friends kayo.”

“NEVER! Pinanganak na nemesis ko ‘yang si Thomas kaya kahit kailan, imposible lahat ng mga sinasabi mo.”

“O-kay. Suko na ako. Good luck sa’yo.” At ‘yun lang ang nasagot ni Mika sa’kin.

Pagkatapos ng kwentuhan namin, natulog na rin kami. Pero bago ako tuluyang makatulog, hindi ko maiwasan ang mapa-isip sa mga sinabi ni Mika. May posibilidad ba talaga ang lahat ng ‘yun? Ugh! Kapagod isipin at problemahin… buti pa matutulog na lang ako.

6 months later:

 

Ara

 

Ang bilis-bilis talaga ng panahon. Volleyball season na pala ngayon at ngayon na ang opening games ng women’s volleyball.  Syempre, kasali kami sa mga maglalaro pero bukas pa talaga ang game namin. Kaya todo-training na talaga kami ngayon.

“Tandaan niyo girls, alam niyo na dapat kung ano ang gagawin niyo inside the court. Presence of mind at basahing maigi ang pupuntahan ng bola. Okay? You may now go.” Huling bilin sa’min ni Coach Ramil bago niya tinapos ang training.

“Yes Coach!” Sagot naman namin sa kanya. Pagkatapos nun, pinauwi na niya kami. Maaga pa naman pero gusto kasi niyang magpahinga na agad kami. Habang naglalakad kami palabas ng gym, bigla na lang akong kinalabit ni Mika.

“Bakit?”

“Si Thomas o… naglalakad papunta sa direksyon natin,” sabay nguso sa kinaroroonan ni Thomas.

“So? Wala ngang pakialamanan di ba?” Nagpatuloy na ako sa paglalakad kaya sumunod na rin sa’kin si Mika.

Nang nasa kwarto na namin kami sa dorm, bigla na lang nagsalita si Mika kaya napatalon ako sa sobrang gulat. Ang tahi-tahimik kasi naming dalawa dahil pagod na pagod kami sa sobrang training.

“Best, alam mo ba? Nung nagkasalubong tayo ni Thomas kanina, tinitingnan ka niya.”

“Eh ano naman ngayon?”

“Hindi ka niya hinihiwalayan ng tingin hanggang lumiko tayo kaya di ka na niya nakita. Best, baka may pagtingin pa rin siya sa’yo!” Masayang sabi ni Mika.

“Pwede bang tigilan mo na ako dyan, best? Okay na ang lahat eh… hindi na kami nagpapansinan ng 6 months. Mag-focus muna tayo sa big game natin bukas. Okay? Matutulog na ako. Good night.” Pinatay ko na ang ilaw at humiga na ako sa kama.

The next day:

This is it. Nandito na kami sa San Juan Arena para sa pinaka-unang UAAP match namin against UST Tigresses. Relax lang, Ara… maipapanalo niyo rin ‘to.

Nagsimula na nga ang laro. Ginawa namin lahat pero magaling talaga ang UST. Isang set na lang ang kulang para manalo sila. Hindi kami papaya. Lalaban kami.

At umabot na nga ng 5th set! Dapat talaga mag-focus pero habang naglalaro kami, nakuha ng atensyon ko ang crowd. Bakit ang ingay-ingay nila? Syempre, laro ito kaya malamang maingay sila pero bakit parang kakaiba ang sinisigaw nila ngayon habang nakatingin sa malaking screen? Wala sa isip na napatingin rin ako sa screen sa taas at alam kong from that moment, I made the biggest mistake of my life!

Pagtingin ko sa taas, nandu lang naman si Thomas habang ini-interview ng courtside reporter. At tyempo pang narinig ko ang tanong at sagot ni Thomas.

Author’s Note: In reality, sa game against ADMU talaga ang interview in Thomas pero ginawa kong sa game 1 dito at iniba ko rin nang konti ang flow ng interview ni Thomas. Hahaha

 

“May friends ka ba sa Lady Spikers at sino naman ‘yung ina-idolize mo?” - Billie

“Ah, I know Abi Marano but ‘yung idol ko talaga si Ara Galang.” - Thomas

“Ahhh… si Ara. If you don’t mind, bakit si Ara? Is she the same girl you’re referring to nung nag-greet ka last basketball season?” – Billie

Napaisip sandali si Thomas at nagulat ang lahat sa sagot niya.

“Yes. Actually, siya talaga ang tinutukoy ko. I just want to take this opportunity to say sorry sa lahat. At sana patawarin mo na ako so that we can be friends again. Good luck!” – Thomas

Sobrang nabigla ako sa narinig ko kaya hindi ko na-dig ang spike ni Maika Ortiz which causes us to lose the game.

Natahimik at na-stunned ang mga tao sa Arena, hindi makapaniwalang natalo kami. Ganun din ang nararmdaman ko, shock at disbelief pero sa ibang kadahilanan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 152 6
17-year-old Erich Gomez was sent to her mother's hometown in Zamboanga City, after she was caught kissing a boy schoolmate in an empty classroom at t...
67.9K 2.2K 29
(ALDUB FANFIC) She's on her 4th Grade when she met this guy. She doesn't care anything about him, all does she know is he's a total stranger that cam...
90.2K 3K 86
"Floor wax kaba" "What?" "Kasi I like you hihi" 𝕊𝕥𝕒𝕣𝕥: 3-31-20 𝔼𝕟𝕕 : 4-25-20 Completed
221K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...