My Husband Lost His Memory

By the_innocent

247K 3.3K 354

What will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Hu... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
EPILOGUE

CHAPTER TWELVE

8.3K 123 9
By the_innocent

ANDREW'S POV

Maaga akong nagising dahil sa pag iyak ni Andrey. Binuhat ko yung anak ko tapos ay bumaba kami sa dining area bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. Pag baba ko naman ay parang nakaramdam ako ng lungkot. Sobrang tahmik kasi ng bahay. Si Kim, maagang pumasok sa school Si sophia naman ay malamang na maagang pumunta sa ospital para kay Intoy. Si manang naman ay hindi ko alam kung nasaan.

"Ang tahimik dito sa bahay noh, baby.. Tara sa garden na nga lang tayo."

Ibig sabihin kami lang dalawa dito ni Andrey. Nasan naman kaya si Manang? Wala kasi akong makausap dito eh. Hindi naman sumasagot si Andrey kapag kinakausap ko puro ngiti lang ang alam na gawin.

"Andrey, gusto mo bang mamasyal? Di ka ba nababagot dito? Parati ka na lang nandito sa bahay."

Syempre ngumiti lang sa akin si Andrey.. Grabe ang gwapo talaga ng anak ko, paglaki nito malamang na maraming babae na paiiyakin 'to. Tama nga si Kim.. Kamukhang kamukha ko si Andrey, parang ayaw ko na tuloy na lumaki si Andrey. Ayokong dumating yung panahon na iwan nya kami ng mommy nya.

"Hay naku, nag dadrama ako sa harap mo anak. Kahit hindi ka nakakapag salita alam ko naman na naiintindihan mo ako diba? Ano na, gusto mo bang mamasyal?"

Ngumiti lang ulit sa akin yung anak ko, adik sa ngiti 'tong bata na 'to ah. Umakyat na ako sa kwarto namin at binihisan ko na sya. Ako din syempre nag bihis na rin. Hindi naman ako pwedeng lumabas ng mukhang engit lang diba? Dapat hot Daddy pa rin ang dating ko. Nang masiguro kong ok na ang ayos namin ni Andrey ay lumabas na kami ng bahay.

"Ayan! Diba baby, ang saya dito sa labas? Yung mommy mo naman hindi ka makuhang ipasyal."

Dinala ko si Andrey sa isang park na malapit sa University na pinapasukan ni Kim, bigla namang umiyak si Andrey.. Ewan ko ba dito sa batang 'to. Kanina lang tawa ng tawa ngayon naman biglang iiyak. Bipolar yata 'to eh. Sinayaw sayaw ko si Andrey, hanggang sa makatulog. Inaantok lang pala 'to nag wawala pa ng ganun. Pero.. Kakagising nya lang ah. Tapos tulog ulit? Yaan na, ganyan ang trip nya eh.

"Halika, na nga iuuwi na kita.. Akala ko pa naman mag eenjoy ka dito sa labas. Yun pala tutulugan mo lang ako."

Nag umpisa na akong maglakad para maiuwi ko si Andrey sa bahay. Pero hindi pa ako nakakalayo ng makita ko si Kim sa di kalayuan. Nakatayo lang sya sa may Waiting Shed at panay ang tingin sa wrist watch nya. Mukhang may hinihintay sya. Pero sino naman kaya yun? Ah. Baka kaibigan lang.. Lalapit na sana ako ng biglang may humintonh kotse sa tapat nya.

"Si Jansen Yun ah.. Saan naman kaya sila pupunta? Tsaka.. Ano ba ni Kim yan si Jansen?"

Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko na niyakap ni Jansen si Kim. Yung asawa ko naman ay todo ngiti habang nag uusap sila nung lalake. Bigla naman akong nakaramdam ng selos? Selos nga ba? Basta ang alam ko lang ay nabwisit ako ng makita ko yung eksena nilang dalawa. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at sinubukan kong tawagan si Kim.

"Hello,Kim nasaan ka?"

"Nandito ako sa school ano ka ba naman? Nasa canteen ako. Free time namin eh. Bakit Hubby?"

"Ah, wala naman.. Sige bye."

Malungkot kong ibinaba yung cellphone ko, nag lakad na lang ako pabalik sa bahay namin. Akala ko ba gusto ni Kim na bumalik ako sa buhay nya? Pero bakit nya ako ginaganito? Nag sisinungaling pa sya sa akin, akala ko pa naman seryoso sya sakin peri mukhang hindi naman. Mukhang kailangan nya lang ako para sa anak namin. Bwisit namang buhay 'to oh. Pag kapasok ko palang sa bahay ay sinipa ko yung electric fan kaya naman natumba yun.

"Ay Andrew! Ano ba yan bata ka? Bakit nag sisira ka ng gamit?"

"Wala po, pasensya na.. Sige ho akyat lang ako sa itaas. Ilalapag ko lang si Andrey."

Pag akyat ko sa kwarto namin ay inilapag ko na si Andrey sa crib nya at nahiga ako sa kama. Hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa ni Kim. Bakit sya nag sinungaling sa akin? Bakit nilihim nya na magkasama sila ni Jansen? Ano ba kasing meron sa kanila? Bakit ba kasi ako bumalik balik pa dito sa bahay na ito. Lolokohin lang naman pala ako ng asawa ko na yun. Badtrip talaga yang si Kim!

"Waaah!!! Nakakainis talaga!"

Kinuha ko yung laptop ni Kim, pumunta ako sa facebook account nya dahil hindi naman sya naka log-out kaya malaya akong galawin yung account nya, tiningnan ko yung mga photos nya at doon ko nakita yung marami nilang pictures ni Jansen. Mas lalo nanaman akong nainis sa mga nakita ko. Habang wala pala ako ay silang dalawa ang magkasama. Pumunta din ako sa account ni Jansen. At mas marami silang pictures doon. Pabalibag 'kong sinara yung laptop at nagpalakad lakad sa buong kwarto.

"Bakit ba ako nag kakaganito?! Bahala nga sya kung gusto nya si Jansen! Wala akong pakielam! Nandyan naman si Sophia eh!"

Bumaba ulit ako ag nag paalam kay Manang Rosie na lalabas lang sandali. Narinig ko pa nga na pinipigilan nya akong umalis kaya lang hindi ko na sya pinakinggan. Nag madali akong lumabas ng bahay at nag ikot ikot lang sa buong subdivision.

"Nakakainis! Kunwari pa syang mahal nya ako eh ang totoo naman pala si Jansen ang gusto nya."

Lakad lang ako ng lakad sa buong subdivision. Ayoko kasing manatili sa loob ng bahay dahil hindi ko mailabas yung inis na nararamdaman ko. Sa totoo lang ha, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nitong mga nakaraang araw parang si Kim lang ang gusto 'kong makita. Hindi naman sa wala na akong pakielam kay Sophia pero pakiramdam ko ay mas hinahanap ko na si Kim. Sya na yung palaging gusto kong kasama. Umupo ako sandali sa bangketa at nag isip isip ng biglang mag ring ang cellphone ko.

"Hello Kim, Bakit?"

"Bakit parang ang sungit mo naman?"

"Pwede ba, sabihin mo na lang yung gusto mong sabihin?"

"Oo na! Sunget mo naman eh! Punta ka sa bahay nina mommy at daddy.. Mga 3pm okay?? Isama mo si Andrey.Saktong 3pm ha! kbye love you!"

"Bakit naman ako pupunta? Hello? Hello Kim?!"

Kita nyo na?! Binabaan lang ako ng phone. Syempre sino ba naman ako para kausapin pa nya diba? May Jansen na nga sya eh. Sana pala kinuha ko na si Andrey tapos umalis na lang kami nila Sophia. Eh kasi naman!! Manloloko yang si Kim! May paselos selos pa syang nalalaman yun pala may Jansen naman sya! Tumayo na ako at naglakad na ako.. Wala akong balak na pumunta sa bahay ng mga magulang ko. Wala akong pakielam kung magalit pa si Kim. Ayokong makita sya ngayon. Pupunta na lang Ako sa ospital at dadalawin ko si Intoy.

KIM'S POV

"Uy! Bilisan natin! Baka mamaya maabutan pa tayo dito ni Andrew na nag-aayos pa!"

Inayos ko yung mga decorations na nasa hagdanan. Birthday kasi ngayon ni Andrew kaya medyo pinaghandaan ko, pero mga kaibigan lang naman nya yung nag punta, gusto ko lang din syang tulungan na maalala yung mga kaibigan nya. At syempre gusto ko lang din na maramdaman nya na special 'tong araw na 'to . Syempre tinulungan ako ni Jansen na mag-ayos ng mga decorations dito. Tapos sina mommy naman ang bahala sa mga pagkain. Sigurado akong matutuwa si Andrew. At isa pa pala!! Hindi rin alam ni Andrew na birthday nya ngayon. Kasi nga diba may Amnesia sya. Pero mukang malapit na rin naman na bumalik yung memorya nya.

*4 pm*

"Bakit kaya wala pa si Andrew?"

Ayos na kasi ang lahat pero wala pa sya. Tinawagan ko si Manang pero ang sabi naman ay kanina pa daw na umalis ng bahay si Andrew. Nakausap ko naman na sya kaya sigurado akong alam nya na pinapapunta ko sya dito sa bahay. Tsaka nakakahiya na rin sa mga bisita kasi nag hihintay sila. Saan naman kasi pupunta yun si Andrew? Kanina ko pa tinatawagan pero hindi naman sumasagot kinakabahan na tuloy ako.

"Mabuti pa kumain na tayo. Baka na traffic lang si Andrew."

Sabi ng mommy ni Andrew. Nauna na nga lang kami kumain sa kanya, bahala na nga sya dyan, wag na wag syang magagalit kapag naubusan sya ng pagkain dyan! Pero.. Dumaan ang 5 pm at 6 pm pero walang Andrew na dumating. Hanggang sa mag uwian na lang din ang mga bisita nya. Sina mommy naman ay itinatabi na yung mga pagkain baka daw kasi mapanis.

"Gusto mo mamasyal muna tayo?"

Hinawakan ako ni Jansen sa balikat. Alam nya siguro na nalulungkot ako, hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit hindi sumipot sa usapan namin si Andrew. Tinetext at tinatawagan ko sya pero hindi naman sumasagot. Hindi ko alam kung anong iispin ko eh.. Ayokong isipin na naaksidente sya at ayoko rin isipin na magkasama sila ngayon ni Sophia.

"Okay lang ako Jansen.."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at mabilis pa sa alas kwatro na lumabas ako ng bahay at pumunta ako ng ospital. Sana mali yung hinala ko.. Sana na traffic nga lang si Andrew o kaya naman ay namasyal lang saglit. Dahan dahan akong lumapit sa pinto ng kwarto ng anak ni Sophia. Kinakabahan talaga ako sa gagawin ko. Yung ilang nurse nga na dumadaan napaptingin sa akin eh. Nag tataka siguro sila kasi hindi ako pumapasok sa loob.

"May gusto ka bang ipabili Sophia?"

"Cup noodles na lang.."

Hindi talaga ako umalis sa may pintuan. Kaya naman pag bukas noon ay nagulat si Andrew dahil nakita nya ako sa tapat ng pinto. Gusto ko syang batukan! Kaya pala hindi sya pumunta dahil nandito sya kay Sophia! Mas pinili nya yung babae na yan kesa sa akin na asawa nya. Aalis na sana ako Ng hawakan nya ako sa braso.

"Anong ginagawa mo dito Kim?"

"Hindi ba dapat ako ang mag tanong sayo nyan?! Kanina pa kita hinihintay sa bahay ni Mommy pero eto ka.. Kasama si Sophia."

"Mas gugustuhin ko namang kasama si Sophia kesa sa'yo na manloloko."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Ano daw? Ako manloloko? Ano naman ang ginawa ko sa kanya? Kung anu-ano nanaman ang pumapasok sa utak nito. Nag lakad si Andrew palabas ng ospital, wala akong nagawa kundi ang sundan na lang sya.

"Anong sinasabi mo Andrew?! Wala naman akong ginagawang mali ah! Makinig ka nga!!"

Paano naman kasi habang kinakausap ko sya ay lakad pa rin sya ng lakad ni hindi man lang mag react sa sinasabi ko parang nakikipag usap lang ako sa hangin. Ako na nga ang nag magandang loob na hanapin sya ako pa ang naging manloloko. Ang labo talaga!

"Tinawagan kita kanina! Diba ang sabi mo sa akin nasa canteen ka?! Pero ang totoo nasa waiting shed ka lang naman at kasama mo yung Jansen na yan! Doon ka na nga!!"

Pagkatapos nyang sabihin yun ay nag lakad nanaman sya palayo sa akin. Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Andrew. Kaya pala sya nag kakaganyan dahil sa nangyari kanina. So kaya pala sya nagkakaganyan dahil nag seselos sya? yiee. Parang baliw lang eh, kanina naiinis ako ngayon naman natatawa na kinikilig ako.

"Sandali nga! So ibig sabihin ba nyan... Nag seselos ka? ayiiie!! Si Andrew nag seselos."

"Tigilan mo nga ako! Nakukuha mo pang mag biro akala mo nam-"

Hindi ko na sya pinatapos sa sinasabi nya dahil kiniss ko sya. Pero smack lang naman.. Kaya ayun natameme sya.. Hinawakan pa nga nya yung labi nya eh. Parang sira tuloy yan si Andrew! Feeling naman nya first kiss namin 'to? Pansin ko lang ha. Parang napapadalas ata yung pag kikiss namin. Nakakarami na 'to si Andrew sa akin ah!

"Bakit mo ginawa yun?"

Tanong ni Andrew tapos tumalikod sya sa akin.

"Ang ingay mo kasi eh. Haha!"

Nag lakad nanaman paalis sa akin si Andrew. Natutuwa ako kapag umaarte sya ng ganyan feeling ko kasi ang ganda ganda ko. Haha! Akala ko ako lang ang selosa. Seloso naman pala 'tong asawa ko eh. Hinabol ko sya tapos ay humarang ako sa dinadaanan nya.

"Happy Birthday.."

Niyakap ko si Andrew. Tapos ay bumitaw ako sa kanya.. Tapos ay tumingin sya sa akin para bang nag tataka. Ngumiti lang ako sa kanya tapos ay hinawakan ko yung left hand nya.

"Kaya lang naman ako nag sinungaling sayo kanina kasi.. Tinulungan ako ni Jansen na mag ayos, Balak kasi namin na bigyan ka ng surprise birthday party. Kaya lang hindi ka dumating. Mag kaibigan lang talaga kami ni Jansen. Nothing more.. Nothing Less"

"Talaga? Magkaibigan lang kayo?"

Tumango lang ako bilanh sagot sa tanong nya. Ngayon alam ko na, dapat pala wag pag selosin si Andrew kapag may ganitong birthday surprise kasi hindi talaga sya dadating. Kung hindi ko lang talaga mahal 'to malamang na binatukan ko na sya kanina pa. Ang lakas hindi sumipot sa usapan yun pala nag selos lang.

"Eh bakit ako nag selos?"

"Ewan ko sayo?! Haha. Halika na nga.. Umuwi na lang tayo."

"Sorry..."

Hinawakan ni Andrew yung kamay ko tapos ay nilagay nya yung kamay ko sa pisngi nya. Ngayon naman para syang pusa na nag papaawa. Natawa lang ako sa ginawa nya tapos ay pinisil ko yung pisngi nya.

"Ang cute cute mo talaga! Sa susunod kasi mag tanong ka muna.. Ayan tuloy nasayang yung party :("

"Sorry na nga diba?"

Hinalikan ako ni Andrew sa pisngi tapos ay kinuha nya yung kamay ko.. Nag lakad lang kami na magkaholding hands. Habang magkaholding hands kami ni Andrew hindi ko mapigilan na masulyap sa kanya.. Sana lagi kaming ganito. Kahit na nag-aaway.. Naayos pa din naman namin sa bandang huli.

Continue Reading

You'll Also Like

822K 11.1K 56
You lie just to get him. You lie just to be with him. You plan just to be his wife. You wait until he loves you but what if destiny turns down and i...
166K 4.3K 35
She's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface...
2.9M 13.9K 7
Pinabayaan ng kanyang mga magulang dahil sa isang pagkakamali na hindi niya nagawa, natagpuan ni Paige ang sarili sa kalye na walang anuman ngunit an...
2.3K 102 20
[Completed] May mga tao talagang hindi marunong tumingin sa paligid niya, sa taong mahal siya. hindi niya mapansin kasi umaasa pa din siya sa taong h...