The Bachelor's Game (Great Ba...

By Maria_CarCat

6.2M 147K 7.9K

Wala na bang pinipili ngayon? pati bestfriend kabilang na din sa listahan ng papaiyakin, papaasahin at paglal... More

The Bachelor's Game
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 (Meet the Bachelors)
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 (Flashback)
Chapter 35 (Flashback)
Chapter 36 (Flashback)
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue 1
Epilogue 2
Special Chapter

Chapter 41

99.1K 2.5K 114
By Maria_CarCat

Grace Pov

"Ito na ba lahat?" tanong ni Zach habang tinutukoy ang mga gamit namin ni Ken.

"Uhm...Oo yan na lahat" sabi ko habang nakatingin lang sa kanya habang inaayos iyon sa sasakyan. Karga karga ko kasi ngayon si Ken kaya hindi ko siya matulungan.

"Makikita mo na si Lolo!" nakangiting sabi ko kay Ken na pinapagulong ang laruan niyang car sa balikat ko.

"Let's go" tawag sa akin ni Zach.

"Uuwi na ang Baby ko sa Manila!" masayang sabi ni Zach kay Ken.

"Yey!" sabi ni Ken tsaka pumalakpak pa.

Kumulo nanaman ang Dugo ko ng Kinurot nanaman niya ang pisngi nito. "Bakit ba kinukurot mo!" inis na suway ko. Hinimas ko ang pisngi ng anak ko, Buti na lamang at hindi siya iritado ngayon mukhang Nakakondisyon ang mood niya para sa byahe namin.

"Ang cute kasi..." nanggigigil na sagot ni Zach.

Agad kong pinisil ang pisngi niya "Edi yung pisngi mo ang kurutin mo!" madiing sabi ko kasabay ng madiing pagpisil ng pisngi niya.

"Aray naman, Grace!" pagmamaktol nito.

"Baby inaaway ni Mommy si Daddy!" pagsusumbong niya sa anak ko.

"Tito!" pagtatama ko.

"Daddy!" sagot din niya.

"Ing...ay" sabi ni Ken at tsaka sumubsob sa leeg ko.

"Ingay mo daw!" natatawang sabi ko kay Zach.

"Si Dada o si Mama?" natatawang tanong Ni Zach.

"Dada" sagot niya, hindi niya tinatawag na Daddy si Zach, Mama kasi ang tawag niya sa akin kaya siguro Dada ang tawag niya dito.     

Hinarap ko si Zach at dinilaan! "Buti nga sayo!"

"Napatingnan mo na ba yang anak natin, Grace? Bakit Dada pa din ang tawag sa akin? diba dapat Daddy!? tsaka bihira lang siyang magsalita!" sabi ni Zach.

Agad ko naman siyang binatukan, Buti na lamang at naka seatbelt siya kung hindi! Nauntog siya sa manibela. 

"Anak ko lang!" sabi ko tsaka siya pinanlakihan na mata. "Tsaka kung meron mang dapat magpatingin ikaw yon! Ano bang akialam mo? Eh yun yung trip ng anak ko!" sabi ko sa kanya.

"Masyado mong biniBaby! Nilalagay mo pa sa crib! Hoy Grace, mag dadalawang taon na yang anak natin!" sabi nito sa akin.

"Anak ko lang sabi!" madiing sabi ko.

Nagkibit balikat ito.  "Nga naman, hindi nga pala madaldal ang Ama niyan!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Will you just shut up, Zach!" 

"Ok...Sabi mo eh!" natatawang sabi niya.

Nang dumating kami sa airport ay agad kong ibinaba si Ken para palakarin. Tawang tawa ako sa kanya dahil parang bibe siya maglakad malaki ang pwet nito. Dagdag pa dahil may diaper pa siya, Nakasuot siya ngayon ng jumper na may white tshirt sa loob, Nakarubber shoes din siya.

"Plane..." turo niya sa eroplano na makikita sa malaking bintana.

"Oo Baby...Sasakay tayo diyan" masayang sabi ko sa kanya, Agad siyang nagtatatalon.

"Kailangan na nating sumakay" singit ni Zach.

"Tara na, Baby" sabi ko kay ken, bubuhatin ko na sana siya ng bigla itong humarap kay Zach at nagtaas ng kamay.

"Ikaw daw" inis na sabi ko kay Zach.

"Alright!" Masayang sabi ni Zach tsaka binuhat si Ken.

"Wag mong ilalaglag yan sasapakin kita" sabi ko tsaka tumulong bumuhat ng mga bagahe.

After ng byahe mula sa Iloilo ay Nakarating na kami ng Manila. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman, Matuwa o kakabahan. Dito, Malaki ang possibilidad na magkita ulit kami. Anong gagawin ko? Kahit naman nasaktan ako noon hindi ko pa din nagawang magtanim ng galit kahit kanino. Pero isa lang ang ipapangako ko, Hindi ko na ulit hahayaang magkalapit kami. Kahit ang anak kong gusto niyang ipalaglag noon, hindi ko hahayaang malapitan niya.

Dumiretso muna kami sa condo ni Zach. Sabi niya Nagpahanda daw sina Daddy ng dinner para sa pagdating namin. Pagkadating na pagkadating namin ay nakatulog agad si Ken. Si Zach naman ay nagshower kaya nagayos na lang ako ng gamit namin. Naisipan kong maghanda ng mirienda, Gagawa din ako ng cookies dahil paborito iyon ni Ken.

"Si Ken?" biglang tanong ni Zach, Nakadungaw siya sa pintuan ng kusina habang half naked at pinupunasan ng tuwalya ang buhok.

"Natutulog" sagot ko.

"Buti naman at pinabayaan mong matulog, akala ko hahanap ka pa ng crib eh!" pangaasar niya.

Inirapan ko na lang siya, Maya maya ay narinig ko ang halakhak niya. "Damn Girl, Kulang na lang matabunan ng unan itong anak mo!" natatawang sabi niya, Dahil pinalibutan ko ng unan ang higaan para hindi malaglag si Ken.

Nang mag alaskwatro na ay nagayos na kami. Binihisan ko si Ken ng puting tshirt at brown na pantalon, Maputi ang Baby ko kaya naman bagay na bagay iyon sa kanya. Ako naman ay nagdress lang na kulay itim at sandals.

"Ang gwapo ng Baby ko!" sabi ni Zach ng makita si Ken.

"Syempre ang Mommy din maganda!" pangaasar nito sa akin.

"Dada!" tawag ni Ken Kay Zach tsaka kumapit sa paa nito.

"Tara na Baby!" sabi niya dito tsaka hinawakan ang kamay at sabay silang naglakad papunta sa pinto.

"Tara na, Grace..." tawag sa akin ni Zach.

"Mama! Ta!" tawag ni Ken sa akin habang pumapaypay pa ang kamay, Ta, ibig sabihin niya ay Tara.

"Wala naman siguro siya don" sabi ni Zach, nakasakay na kami sa sasakyan niya ngayon.

"Hindi naman yun ang iniisip ko, Ang iniisip ko eh kung paano tatanggapin nila Daddy ang tungkol kay Ken. Ang tagal kong hindi nagpakita sa kanila, Tapos paguwi ko may dala akong anak" paliwanag ko.

"Kaya nga andito ako diba?" sabi niya.

"Pero Zach, Hindi ko kayang magsinungaling kay Daddy" sabi ko.

"White lies, Grace. White lies" sabi nito.

Pagkadating sa bahay ay huminga ako ng malalim. Kaya ko ito, Para sa anak ko. Si Zach ang may hawak kay Ken habang naglalakad kami. Pagkabukas ng pinto ay agad kaming sinalubong ng mga tawanan, Agad ko silang nakita sa may sala. Si Daddy, Mommy, at si Kuya khurt.

"Grace! Anak!" gulat na sabi ni Daddy tsaka ako nilapitan at niyakap.

"Daddy..." naiiyak na tawag ko sakanya tsaka siya ginantihan ng yakap.

"NaMiss kita! Sobra sobra baby!" sabi nito sa akin. "Kayo din po, Daddy...Sorry Po" sabi ko.

"It's ok..." nakangiting sabi niya sa akin.

Agad kong natanaw si Mommy sa gilid nito.

"Good evening po, Ma"sabi ko. Nagulat ako ng agad itong nagalok na yakapin ko siya kaya naman hindi ko na iyon pinalagpas.

"I'm...I'm sorry for my attitude towards you. I'm so sorry, Akala ko kasi mawawala na sa akin si Rhia kaya ikaw ang napagbuntunan ko. But everything is fine now" sabi nito sa akin.

Tumango tango lang ako. "I'm sorry if we did not told you everything. Akala kasi namin mas makakabuti sayo if ikaw mismo ang makaalala ng lahat" paliwanag ni Daddy.

"It's ok Dad. Zach told me everything" sabi ko. Agad nabaling ang tingin nilang lahat kay Zach.

"Sino naman itong cute na batang ito?" nakangiting tanong ni Daddy habang nakatingin siya kay Ken na hawak hawak ni Zach.

"Apo mo Dad, Anak nila ni Zach" si Kuya Khurt na ang sumagot.

"Apo ko!? Goodness Grace! bakit hindi mo sinabi?" nakangiting sabi ni Daddy at agad nilapitan si Ken.

Agad siyang lumuhod at pinantayan ito. "Ang akala ko si Kervy ang boy..." nagtatakang tanong ni Daddy na pinutol ni Kuya khurt.

"Matagal na iyon Daddy, Wag na nating balikan" sabi ni Kuya.

"Mapansin ko lang! bakit ba ang init ng dugo mo kay Kervy? Eh diba nga, Close kayo nun!" tanong niya kay Kuya.

"Long story, Dad..." sagot ni Kuya.

"Tsk. tsk. Muntik mo na ngang mapatay sa bugbog" sabi ni Dad habang umiiling iling pa.

"Binugbog mo, Kuya?" gulat na tanong ko.

"Oo, Nung kadarating lang namin sa airport" sagot ni Dad sa akin. Agad kong pinagtaasan ng kilay si Kuya.

"Bakit?...He deserve it" nakangising sabi nito tsaka ka nakipagapir kay Zach.








(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

388K 2.4K 5
Katerina Torres, sole heiress to one of the richest businessmen in Asia, was kidnapped on the night of her eighteenth birthday. Nakilala niya si Alec...
1.8M 42.2K 22
Mahal ko siya pero sumusuko na siya... Palagi kong sinasabing andito lang ako pero di siya naniniwala, ayaw niyang ipagkatiwala yung puso niya hangga...
5.3M 136K 62
Can I be the missing piece, if he was damn broken?
1.6M 23.1K 36
PUBLISHED UNDER LIB PHR Available in NBS Bookstores and thru online stores via shopee and lazada for as low as 199 pesos. Lahat na ata ng zone mapa-f...