ADRIAN's POV
"Anu bang biblhin natin?" tanong ko habang kumukuha ako ng cart na gagamitin namin sa pag-gogrocery.
"U-Uhm, anu nga ba? Ah alam ko na! Halika bilis!" sabi niya sabay hinila ko.
Bigla na lang ako nakuryente dahil sa pag-kakahawak niya sa kamay ko. Err-- umiinit na naman yung mukha ko, na-alala ko kasi yung sinabi ni ate Jennifer sakin kanina.
"Isipin mo na lang, nagde-date kayo! ^___^"
Ayan lang naman ang sinabi niya. Pero... Uhm... Pwede nga ba?
.
.
.
.
.
"HEP HEP HEP!"
"O bakit?" sabi niya sabay lingon sakin.
"Bakit puro candy 'to huh?! =____="
"Eh kasi gusto ko ng makatamis?"
"Tsk!"
Kinuha ko yung ibang mga candy ditto sa cart at binalik kung saan yun nakalagay.
"HEP HEP HEP!" this time siya naman ang nag-hep sakin.
"O bakit?"
"Bakit mo binabalik?! =___="
"Kasi puro matamis! Gusto mo bang magka-diabetes?"
"Tsk!"
Hay. Paniguradong magkaka-diabetes 'to kung bibilhin niya 'to lahat. Tsk! Puro matamis!
"Dun naman tayo sa mga junk foods!" sabi niya sabay hila ulit sakin.
Ayan na naman ang kuryente~
.
.
.
"TSK! HINDI KA NGA MAGKAKA-DIABETES! MAGKAKA-U.T.I KA NAMAN!"
"EH?! Unti lang naman 'to ah?!"
"UNTI BA YAN?! 10 PIATOS, 10 NOVA, 10 LACE, 10---"
"Oo na! Oo na! Babawasan!"
"Tsk! AKO NA!"
Binalik ko yung walong piraso each brand at nag-tira ng dalawa. Hehehe. Siyempre tag-isa kami no!
"Dun naman tayo sa mga tindahan ng mga karne!" sabi ko at siya naman ang hinila ko.
.
.
.
"GRABE! ANG BAHO DITO!" sigaw niya sabay takip ng ilong.
Tsk! Arte nito! Nakatingin tuloy samin lahat ng namimili.
"Manahimik ka na lang Clark. =___="
Pumili ako ng magandang manok, magandang karne, tapos liempo. Hindi ako marunong mag-luto pero marunong ako tumingin ng magandang mga karne at mga gulay. ^____^
"Kung makakuha ka naman diyan oh! Hindi ka naman marunong mag-luto!"
"Eh ba't ba! Ikaw kaya ang mag-luluto!" tumalikod ako sa kanya at humarap ako kay manong. "Eto po." at binigay ko sa kanya yung mga napili ko. Tinimbang niya yun tapos pinlastic at inabot sakin.
"Anung ako?! Ikaw!"
"WHAT THE?! HINDI NGA KO MARUNONG MAG-LUTO!"
"Problema ba yun? Edi tuturuan kita!"
"Tsk! Pero marunong pala ako ng unti. Tinuruan nga pala ako ni Gab."
"Lagi na lang epal yun..." bulong niya pero di ko narinig,
"Anu?"
"Wala! Sabi ko dun na tayo sa mga gulay!" at hinigit na naman niya ko.
KURYENTEEEEEE~ BAKIT BA HINDI PA MA-ALIS?!
.
.
.
"Eto"
"Eto"
"Eto"
"Eto"
"Eto"
"Eto"
"Et---"
"TEKA NGA! ANDAMI NAMAN ATANG GULAY! TINGIN MO SAKIN HUH?!"
"TSK! WAG KA NGA UMANGAL! MASUSTANSYA ANG GULAY PERO YANG MGA PINIPILI MO NA PAGKAIN HINDI! TSK!"
"TSS!"
Nang-matapos kaming mamili ng gulay. Kumuha siya ng 2 bote ng coke. Yung 2 liters, tapos bumili din siya ng tubig 1 liter lang pero dalawa din yung kinuha niya. Tapos nun pumunta na kami sa counter at binayaran yun.
"O tara na't umuwi---"
"WAG MUNA!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Problema nito?
"Uhm. Hehehe. Gusto ko pa kasi mamili ng mga... Uhm... Damit? Hehehe"
Tsk! Weird talaga nito ngayon. =_____=
"Ah. Pero paano 'tong mga pinamili natin?"
"Akin na muna" inagaw niya sakin yung bitbit kong 2 plastic bags. "Ilalagay ko muna sa kotse. Intayin mo ko dito huh?"
"Huh? Tu--"
"BASTA DIYAN KA NA LANG!"
Okay. Ang bait ata nun sakin. =__= Hay. Weirdo talaga yun. Tsk!
After 15 minutes nakabalik na rin siya. Dumeretso naman kami sa SM department store. Siyempre mamimili daw siya ng damit. Dumeretso siya sa Bench kaya sumunod naman ako.
"Anu kayang babagay sakin?" tanong niya.
Nag-libot siya at siyempre ako din. Hahanapan ko siya ng magandang damit na babagay sa kanya. O diba parang mag-syota lang? Hahahaha! Whooo~ >.>
"Try mo 'to Clark." sabay bigay ko sa kanya nung damit.
Kinuha naman niya at agad nag-punta sa fitting room. Siyempre ako nag-iintay sa labas, alangan namang sumama ako?
"Bagay?" napatingin ako sa kanya.
ASDFGHJKL! ANG GWAPO NIYA! *Q*
"O-oo" sagot ko sabay iwas ng tingin. Tsk! Bakit ba ko nagdu-drool?!
"Okay sige kukunin na namin 'to" sabi niya pero hindi na niya hinubad. Tss. Ayos din 'tong si Clark no? =__=
Tapos nun akala ko uuwi na kami pero dumeretso siya sa Candies! Eh diba tindahan yun ng mga damit na pang babae?! O________O
"A-ah a-anu---"
"Isuot mo 'to" sabay bigay niya sakin nung damit.
Akala ko naman nababakla na siya. Tss. -______-
"Huh? Wag na, umu---"
"ISUOT. MO."
"Oo na. Oo na."
At ayun napilitan akong isuot yung damit. Tsk! Walanjo naman eh! Dress pa yung binigay! Buti na lang naka-doll shoes ako! TSK!
Tulad nung sinabi niya dun sa tindera ng Bench, yun din ang sinabi niya ditto sa tindera ng Candies.
"Kukunin na namin to"
In short hindi niya din pinahubad sakin 'to. -____- Uuwe na nga lang kami kailangan nakasuot ng bagong damit?
"U-Uh, thank you." nahihiyang sabi ko.
"Tara!" hinatak niya lang ako sa parking lot.
Hay mabuti naman at uuwe na kami. Kapagod kaya mag-lakad lakad.
Kaso napansin kong iba yung dinaanan namin, so ibig sabihin hindi pa kami uuwe?!
"Saan tayo pupunta?"
Hindi siya umimik. Okay. Nice talking. -_____-
Hay nako! Saan ba kasi kami pupunta?!