My Husband Lost His Memory

Par the_innocent

247K 3.3K 354

What will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Hu... Plus

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
EPILOGUE

CHAPTER ELEVEN

8.4K 139 9
Par the_innocent

KIM'S POV

"Oh, manang.. Ayos lang po ba kayo?"

"Ayos lang ako anak.. Wag mo akong intindihin."

"Pero po, namumutla na kayo.Sige na po mag pahinga na muna kayo.. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo eh."

"Eh? Hindi pwede anak. Tatapusin ko pa yung mga labahin. Tambak na yung labahin ko eh."

"Yaan mo na po yan Manang. Ako na po ang bahala dyan."

Inalalayan ko si Manang Rosie hanggang sa maihatid ko sya sa kwarto nya. May edad na rin kasi si Manang Rosie kaya ayan, medyo nahihirapan na rin sa mga gawaing bahay. Bumalik ako sa utility room, doon ko lang talaga natitigan yung mga nilalabhan ni Manang Rosie.. Ang dami pala talaga. Pero kailangan kong tapusin 'to kasi wala ng damit si Andrey nasa labahan na rin lahat. Wala na rin masusuot si Andrew, syempre hindi pwedeng mag hubad si Andrew dito sa bahay syempre alam nyo na may kasama kaming Snake dito sa bahay.

"Paano ko naman tatapusin 'to? Ang dami nito tsaka hindi ako marunong mag laba."

Napakamot ako sa ulo ko, may washing machine naman kami pero kahit na! Mukhang nakakapagod pa rin eh. At tsaka hindi ko talaga alam kung paano mag laba. Hindi naman kasi ako naturuan eh. At tska bumalik na kasi ako agad sa school pagkapanganak ko so ayun.. Masyado na akong naging busy kaya ayan, wala akong alam. Kinuha ko yung mga damit na galing sa washing machine.tapos ay nilubog ko ang lahat ng iyon sa planggana na may tubig. Nilubog ko yung paa ko dun. Infairness masarap pala mag laba kapag paa ang ginagamit.

"Akala ko nakakapagod ang mag laba.. Hindi naman pala eh, pwede naman palang paa ang gamitin sa pag lalaba."

"Kim si andrey ba-"

Pumasok si Andrew sa utility room tapos napahinto sya sa pag sasalita ng makita nya ako. Ewan ko pero parang nagulat sya sa ginagawa ko. Lumingon sya sa paligid at parang naengkanto sa nakita nya. Siguro ay nagulat din sya sa dami ng dapat labhan.

"Nagulat ka ba kasi ang dami kong dapat labhan?"

Umiling lang si Andrew bilang sagot nya sa tanong ko. Napakunot naman ang noo ko sa sinagot nya sa akin. Eh kung ganoon saan sya nagulat? Binuhos ko sa isa pang timba yung mga damit na nilabhan ko gamit ang paa ko, tapos ay kinuha ko naman yung mga damit na nakasalang sa washing machine tapos ay nilabhan ko ulit gamit ang mga paa ko.

"Ah alam ko na! Nagulat ka kasi nakita mo akong naglalaba?"

Umiling lang ulit sa akin si Andrew. Pero halatang halata naman na pinipigilan nya lang ang pag tawa nya. Naguguluhan na talaga ako sa kanya hindi ko alam kung anong dahilan nya atkung bakit sya nag pipigil ng tawa. May nakakatawa ba sa ginagawa ko? Sa pagkakaalam ko kasi ay seryoso naman ako sa ginagawa ko so walang dahilan para mag ganyan sya. Nasisiraan na nga yata 'to si Andrew eh.

"nagulat ako kasi... Mukhang gagamitin mo nga lang talaga ang paa mo sa paglalaba"

Lumapit sa akin si Andrew at umupo sa tabi ko. Tinanggal nya yung mga paa ko na nakalubog sa balde tapos ay nag umpisa na syang mag kusot ng mga puting damit. Inuna pa nga nya yung mga puting damit ni Andrey. Wala akong magawa kundi ang titigan na lang sya habang nag kukusot ng mga damit, Kitang kita ko na hindi lang sya nag mamarunong o nag papabida. Halata naman na marunong mag laba si Andrew.

"Andrew? Paano ka natutong mag laba?"

Tumingin lang sya sa akin at nag patuloy lang sa pag kusot ng damit. Ang sungit naman nito, para tinanong ko lang kung paano sya natutong mag laba hindi na ako pinansin.Parang kagabi lang ang sweet sweet nya sa akin tapos ngayon ganyan naman sya. Ganun ba talaga kapag nagkaka amnesia? Pabago bago ng mood? O sadyang si Andrew lang ang ganun?

"Tinuruan ako ni Sophia.."

Automatic naman na napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ko yung pangalan na yun, Ewan ko ba!! Marinig ko lang ang pangalan nya ay nabibwsit na ako. Tapos tinuruan pala sya si Sophia na mag laba! Siguro yun yung mga panahon na mag kasama pa sila. Oo na! Mababaw lang 'to para mainis ako. Pero kasi hindi ko lang talaga mapigilan na hindi mag selos. Lalo na ngayon kasama pa namin dito yung babaen na yun sa bahay. Baka mamaya wala akong kaalam alam niloloko na pala nila ako.

"Oh, saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag laba!"

"Bahala ka dyan! Tapusin mo lahat yang mga labahin. O kaya naman tawagin mo si Sophia! Tutal sya naman ang nag turo sayo na mag laba eh."

Nasa pintuan na ako ng mapahinto ako sa paglalakad. Niyakap ako ni Andrew mula sa likod ko. Bale, nakayakap sya sa bewang ko. Hindi ko inaakala na gagawin nya yun. Ang akala ko kasi ay hahayaan nya na lang ako na umalis. Pero ito.. Yakap nya ako,

"Tinatanong mo ako tapos magagalit ka.."

Mas hinigpitan ni Andrew yung pagkakayakap nya sa akin. Natatawa tuloy ako sa sarili ko, kasi naman dahil lang sa simpleng tanong ko ay nagkakaganito na ako. Paano namang hindi eh alam ko na si Sophia ang numero unong karibal ko pag dating kay Andrew. Hangga't maaari ayokong may mga sweet moments sila. Karma ko na siguro 'to kasi dati ginawa ko na 'to kay Andrew noong mga panahon na mas gusto kong makasama si Jansen kaysa sa kanya.

"Nagseselos kasi ako..."

Umamin na talaga ako sa kanya. Bakit may karapatan naman ako hindi ba? Yun naman talaga yung nararamdaman ko eh. Pakiramdam ko kasi may gusto sya kay Sophia. Gusto ko man pigilan yung selos na nararamdaman ko,hindi ko pa rin magawa. Basta pag dating kay Andrew nagkakaganito talaga ko.

"Selosa..Wag ka ng mag selos..Iyong iyo na nga ako diba?"

Humarap ako sa kanya tapos ay tinitigan ko sya. Nakakainis talaga! Sa tuwing nakaharap ako kay Andrew pakiramdam ko twelve years old lang ako na kinikilig kapag nasa harap hg crush nya. Gusto ko pa sanang magalit at sigaw sigawan si Andrew kaya lang natunaw na yung selos na nararamdaman ko ng humarap ako sa kanya tapos ay ngumiti sya sa akin. Naman oh! Isang ngiti lang hindi na ako makapalag.

ANDREW'S POV

Akala ko ay madadaan ko sya sa pangiti ngiti ko pero nag kamali ako. Lumayo kasi sya sa akin tapos ay lumabas ng utility room. Wala akong nagawa kundi ang sundan na lang sya. Lumapit ako sa kanya at nikayap ko ulit sya.

"Ano ba Andrew! Ang init eh!"

Imbis na bumitaw ako sa kanya ay mas hinigpitan ko pa yung pag yakap ko sa kanya. Wala na akong pakielam kung mainis pa sya sakin dahil sa kakulitan ko. Hindi ako papayag na dahil lang sa paglalaba na yan ay mag-aaway pa kami.Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko kung bakit sinusuyo ko pa sya, napakaliit na bagay lang ay nag seselos na. Paano kapag nakita nyang nag uusap kami ni Sophia? Anong mangyayari na nun? Papatayin na nya ako? Pero kahit ganun, may nag tutulak pa rin sa akin na suyuin yung selosa na 'to.

"Ayaw mo nun? Mainit.. Tara sundan na natin si Andrey."

Napatakbo si Kim sa may Sofa namin habang nanlalaki ang mga mata. Hahaha! Nagulat siguro sya sa sinabi ko.

Unti unti akong lumalapit kay Kim pero sya naman ay pausog ng pausog. Halatang umiiwas sya sa akin! Haha.

"Kim.. Ayan na ako"

Natumba si Kim.. Sa upuan na katabi nya, hindi nya namalayan na wala na pala syang tatakbuhan. Ganun pa rin yung itsura nya nanlalaki yung mga mata nya. Hindi ko alam kung nagulat nga sya oh natatakot lang sa akin. Mabilis naman na kumilos si Kim at nakatakbo bigla papunta sa may Dining area.

"Andrew! Tigilan mo nga ako! Hindi ka ba nahihiya?! Tsaka ang bata bata pa ni Andrey!"

Nag lakad si Kim sa kabilang dulo ng mesa habang ako naman ay nasa kabilang dulo din ng lamesa.

"Oh? Ano naman? Maganda nga yun eh may makakalaro na si Andrey! At tsaka may sakit si Manang Rosie diba? Kaya walang magagawa yun, Si Sophia naman nasa ospital binabantayan si Intoy. Si Andrey naman tulog pa. Kaya tara na!!! Wala namang pipigil satin eh!"

Tumakbo ako palapit kay Kim. Pero mabilis naman na nakaikot sa table si Kim. Kaya hanggang ngayon ag nag hahabulan pa rin kami sa mesa na 'to. Gustong gusto ko na talagang tumawa pero hindi ko magawa kasi baka magalit lang si Kim kapag nalaman nya na inaasar ko lang sya. Masyado kasi syang seryoso sa buhay nya kaya eto.. Inaasar ko muna sya.

"Tumigil ka nga!! Hindi pa nga bumabalik yang memorya mo kung anu-ano ang gusto mong gawin! Tsaka hindi pa pwedeng masundan si Andrey! Ang hirap kaya ng buhay ngayon."

Hindi na ako sumagot at agad akong tumakbo papalapit kay Kim, Nagsisisigaw sya habang takbo ng takbo sa buong bahay. Pero kahit na anong takbo nya ay naabutan ko pa rin sya. Binuhat ko si Kim, bigla namang namula yung mukha nya ng buhayin ko sya. Halatang kinikilig nanaman sya. Kasalanan ko ba kung gwapo ako? Uy! joke lang.. Baka sabihin nyo mayabang ako eh.

"Andrew, ano ka ba ibaba mo nga ako! Mamaya may makakita pa sa atin dito eh."

"Ayoko nga! Ngayon pa ba kita titigilan eh kitang kita ko naman na kinikilig ka na eh."

Hiniga ko si Kim sa sofa, tapos ay dumagan ako sa kanya.. Pero yung hindi naman sobrang dagan ha syempre mabigat ako eh.

"Andrew ano ba?! baka makita tayo ni Manang Rosie!"

"Anong makita?! eh may sakit nga sya. Kiss mo ko!"

Ngumuso ako kay Kim. Pero tumawa lang sya sa akin. Tapos ay tinapal nya yung palad nya sa labi ko. Kinuha ko yung kamay nya tapos Ay hinalikan ko iyon pataas sa balikan nya.

"Andrew!! P-para kang sira ano bang pumasok sa isip mo at ginagawa mo 'to?"

"Ang ingay mo naman eh! gusto mo nanaman yata na mahalikan eh. Gusto mo ba?"

Ngumiti lang ng nakakaloko si Kim tapos ay kumapit sya sa batok.Alam ko na ang ibig sabihin ng ngiti nyang yan..Sus! aayaw ayaw gusto din pala.

"Pakipot ka pa.."

Unti unti kong inilapit yung mukha ko sa mukha ni Kim..Konting konti na lang magkakalapit na yung mga labi namin ng bigla naming marinig na umiyak si Andrey.

"Ano namang drama ni Andrey?"

Napatayo ako at pumunta sa tapat ng hagdan habang nakatingala. Mukhang gising na nga ang maliit na bata. Lumapit palapit sa akin si Kim tapos ay niyakap nya ako.

"Sorry na lang hubby..mukhang ayaw pa nyang maging kuya. Ni kiss nga ayaw nya eh. Akyat lang ako baka gutom na yung baby natin."

Nasa ikatlong baitang na si Kim ng hatakin ko sya.Napayakap sya sakin dahil hindi nya inaasahan na hahatakin ko sya. Pero dahil sa napalakas yata yung yakap ni Kim ay napaatras ako at nawalan ng balanse kaya naman napahiga kami ni Kim sa sahig. Nakadagan sa akin si Kim at...magkadikit ang mga labi namin.

"Sabi ko na sayo eh.. hindi ako titigil hangga't di kita na ki-kiss"

Sa sinabi 'kong iyon ay namula ang pisngi ni Kim. Tapos ay dinampi ko ulit yung labi ko sa labi nya.

"Ano ba yun?! bakit pinababayaan nyong umiyak si Andrey sa taas? at anong ginagawa nyo dyan sa sahig?"

Napatayo kami ng marinig namin yung boses ni Manang Rosie. Nasa tapat na pala namin sya..hindi namin namalayan na naglakad na pala sya palapit sa amin.

"Uy! Andrew!! ikaw na mag tuloy ng labahin. Akyatin ko lang si Andrey"

"Sige.."

Yun lang ang naisagot ko habang kinakamot ang batok ko. =_= nahihiya kasi ako kay manang Rosie eh. Nahuli kami ni kim na nasa sahig baka mamaya kung ano na yung iniisip nya sa amin.

"Andrew ha.."

Lumingon ako kay manang Rosie at nakita ko na nakangiti sya ng nakakaloko. Sinasabi ko na nga ba eh may iniisip 'to si manang.

"Bakit po?"

"Wala naman..tinawag lang kita. Magpapahinga lang ako ha."

Napailing na lang ako at pumunta na lang sa utility room para ituloy ang sangkaterbang labahin! Puro ako harot dito eh ang dami dami ko palang dapat na labhan.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

Take A Chance On Me Par L

Roman pour Adolescents

2.3K 102 20
[Completed] May mga tao talagang hindi marunong tumingin sa paligid niya, sa taong mahal siya. hindi niya mapansin kasi umaasa pa din siya sa taong h...
23.4K 910 43
Embrace Me: Book 2 I have been living with lies whole my fucking life.
4.7M 13.7K 6
"Now tell me! Gusto mo ba talagang makasal sa akin at maging Mrs. dela Merced?" "Yes!" Mabilis na sagot nya, at hindi nagbabawi ng tingin rito. Kahit...
1.6M 1.7K 1
Tulo laway ang mga estudyante sa tuwing nakikita si Lyeon. The wholesome 29 year old arrogant professor. Pero naman putik! takot sila sa istriktong...