The Bachelor's Game (Great Ba...

Galing kay Maria_CarCat

6.2M 146K 7.9K

Wala na bang pinipili ngayon? pati bestfriend kabilang na din sa listahan ng papaiyakin, papaasahin at paglal... Higit pa

The Bachelor's Game
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 (Meet the Bachelors)
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 (Flashback)
Chapter 35 (Flashback)
Chapter 36 (Flashback)
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue 1
Epilogue 2
Special Chapter

Chapter 37

94.8K 2.4K 181
Galing kay Maria_CarCat

Grace Pov

"Kayo po ba ang Daddy?" tanong ng Doctora ko kay Zach.

"Hindi..." Agad niya akong pinigil.

"Opo" nakangiting sagot nito.

"Sa ngayon, Bibigyan ko lang muna si Mommy ng mga vitamis. Ok naman ang heart beat ng bata" sabi ng Doctor at nagpatuloy pa siya sa pagsabi ng mga dapat at hindi dapat gawin.

"Hindi mo dapat sinabi iyon" galit na sabi ko kay Zach habang palabas kami ng hospital.

"Eh anong sasabihin ko? tsaka Grace..." pinutol ko bigla ang sasabihin niya.

"Hindi pa ako pumapayag sa plano mo Zach! Hindi ko kayang...Hindi ko kayang sabihing sayo ito kahit hindi naman! Ayokong gumaya sa ginawa ni Ate dati!"sabi ko sa kanya.

"Its for the better. Grace" sagot nito sa akin.

"No Zach! Lying is never for the better! Wala tayong mapapala diyan!" sagot ko sa kanya.

"Ok...But andito lang ako. Pagkailangan mo ako, nandito lang ako. Hindi kita iiwan kagaya ng ginawa sayo ng pinsan ko" sabi nito.

"Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ko.

"Pigilang saktan ka?" tanong niya.

Napangisi siya at tumingin sa malayo. "Alam kong napakalaking kabaliwan ang ginawa ni Kervy, Grace. Pero may mga bagay akong alam na hindi mo alam" sabi nito sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

"It runs in the blood..." nakangising sabi nito.

Nagulat ako at umiwas ng hinawakan niya ang tiyan ko.

"Magpakatatag ka diyan pamangkin!" natatawang sabi niya sa tyan ko.

Inirapan ko lang siya dahil duon. "Wag mo nga akong hawakan!" inis na sabi ko sa kanya at nauna na sa parking lot.

Naglalakad ako palapit sa sasakyan ng bigla nanamang bumaliktad ang sikmura ko. Agad kong narinig ang mabilis na hakbang ni Zach palapit sa akin.

"Here drink this" abot niya ng tubig.

Agad kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa balikat kocat ininom ang tubig. "Wag sabi akong hawakan eh!" sabi ko sabay irap.

"Sungit nito!" sabi niya. Pero agad siyang napatingin sa akin at ngumiti. "Pinaglilihian mo ako!?" naaAmaze na tanong niya.

"Hindi!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

Natawa lang siya dahil duon. "Wag mo nga akong tawanan!" naiiyak na sabi ko.

Pero patuloy pa din siya sa pagtawa at itinuturo turo pa ako. "Wag mo sabi akong tawanan!" galit na sigaw ko at tuluyan ng bumuhos ang luha ko

Agad siyang nagulat dahil duon. "Hey...Grace, Sorry hindi na..."pagaalo niya.

"Napakasama mo! Gago ka!" sabi ko habang umiiyak.

Napatawa siya ng bahagya kaya naman sinapak ko siya. "Ouch!" sabi niya tsaka hinimas ang pisngi niya. 

"Ang lakas non ha!" reklamo niya.    

Pero hindi ko siya pinansin. "Oh sige na, Sorry na..." Sabi niya ulit.

"Gusto ko..." nahihiyang sabi ko. "Gusto ko kumain ng Pizza..." sabi ko.

"Yun lang!?" ginanahang tanong niya. Tumango lang ako habang pinupunasan ang aking luha. 

"Ayon yellow cab" turo niya.

Agad akong umiling "Gusto ko homemade! Gusto ko ikaw ang gumawa!" Sabi ko sa kanya.

"Anak ng teteng, Grace! Wala akong alam diyan!" problemadong sabi niya.

"Iyon nga ang gusto ko!" inis na sabi ko tsaka sumakay sa passenger seat.

"Wag kang magrereklamo mamaya sa akin pag hindi mo na gustuhan ha!" sabi nito habang naglalakad paikot sa driver seat.

"Napakadaming satsat!" pagtataray ko.

"Galing mo eh ano!" panunuyang sabi nito.

"Manahimik ka na nga lang! Ingay mo!" sabi ko.

"Gagong Kervy! Siya dapat ang tinatarayan mo! Hindi ako" sabi nito sa kawalan.

Kanina pa ako palakadlakad sa sala ng condo unit ni Zach. Kanina ko pa nakikita ang mga baby pictures niya kaya naman nasusuka talaga ako! Gwapo si Zach pero yung kagwapuhan niya pagtiningnan mo alam mong gago! Katulad ng pinsan niyang bwiset!.

"Matagal pa ba yan!" sigaw ko sa kanya na nasa kusina.

"Maghintay ka! Kung makautos to!" natatawang sabi niya.

"Gago!" sigaw ko sa kanya.

Nakatanaw ako sa may bintana ng condo niya. Namimiss ko na siya, Kahit nabibwiset ako sa kanya, Namimiss ko na si Kervy. Kahit nalaman ko ang totoo, Umaasa pa din akong kahit konti sa lahat ng ipinakita niya sa akin. Sana kahit konti may totoo.

"Grace! Pakisagot!" sigaw ni Zach. Agad akong napabalikwas ng Kanina pa pala Nagriring ang telepono niya.

Agad akong lumapit dito at sinagot.

"Hello..."

"Zach..." Tawag sa kabilang linya,

"Kervy..." umiiyak na sabi ko ng narinig ko ang boses niya.

Hindi siya nagsalita. "Please...Please wag mong ibaba" umiiyak na sabi ko.

"What now, Grace?" tamad na sabi nito.

"Kervy...Bumalik ka na" nahihirapang sabi ko dahil sa pagiyak.

"Alam mo na ang lahat, Bakit lumalapit at nakikipagusap ka pa din sa akin?" walang kaemoemosyong sabi nito.

"Kervy naman... kailangan kita ngayon dito" sabi ko at patuloy pa din sa pagiyak.

"I love you, Kervy... and I know you love me too!" sabi ko.

"No Paula!  I hate you! I really really hate you!" madiing sabi niya.

"Alam mo ba kung bakit hindi kita matawag na Grace? Because it doesn't suits you! You are a big disgrace! " sabi nito sa akin. pero umiling lang ako sa mga pinagsasabi niya. Niloloko niya lang ako.

"Bu...Buntis ako Kervy..." nanghihinang sabi ko.

Agad nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya.

"Buntis ako...At kailangan kita ngayon" pagpapatuloy ko.

"Ipalaglag mo" sabi niya na ikinagulat ko.

"Ano!? Anak mo ito!" Sigaw ko at agad kong narinig ang yapak ni Zach.

"Sino yan Grace?" tanong ni Zach sa akin.

Pero hindi ko siya pinansin. "Hindi ako tatanggap ng kahit sinong bata kung hindi si Rhia ang ina" sabi niya na lalong dumurog sa puso ko.

"Bakit? Kervy naman" pakiusap ko sa kanya, Dahil baka nagbibiro lang siya.

"We're talking non-sense Paula, Ibababa ko na" sabi nito.

"Wait!...No Please!" patuloy na pakiusap ko.

"Grace..." tawag ni Zach sa Akin.

Last na to. "A-ano ako sayo Kervy?..." nahihirapang tanong ko.

"A stain Paula... Stain that I want to erase" sabi niya at tuluyang ibinaba ang telepono.

Napahagulgol ako sa aking mga narinig. "Hindi..." mumunting sabi ko kasundo ng paghikbi.

"Tama na yan..." pagaalo sa akin ni Zach pero patuloy pa din ako sa pagiyak.

"Hindi yon si Kervy... Mahal ako ni Kervy " sabi ko at nagwala, Pero agad akong niyakap ni Zach.

"Remember that you are fucking pregnant, Grace! Wag kang magpadalosdalos!" galit na suway niya sa akin.

"Ayoko na..." sabi ko. "Ayoko na..." paguulit ko.

"Shh...Talo siya, Grace. I tell you. Talo siya" pagpapatahan ni Zach sa akin.








(Maria_CarCat)

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

161K 3.9K 54
What will you do if you end up in someone else body?
22.5M 508K 50
[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Love's life takes a thrilling twist when sh...
2M 78.3K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.