Ang Boyfriend kong Sikat

By IM_Missing_U

170K 3.7K 478

Iniwan mo ako! Nandiyan siya sa mga oras na mag-isa ako! Tapos ngayon babalik ka at basta na lang akong kukun... More

Prologue
C1- THE BEGINNING OF THE BROKEN HEART
C2- FIRST ENCOUNTER? SPELL HUMILIATED, P-A-O.
C3- STILL HURTING
C4- THE FAMOUS BAND
C6- THE VOICE
C7- SO MANY REALIZATIONS
C8- CJ'S ACT
C9- MYSTERIES
C10- JSEN'S FINAL DECISION
C11- THAT VOICE AGAIN
C12- OVERHEARD CONFESSION
C13- CONCERT
C14- UNEXPECTED DECISION
C15- YOUR GUARDIAN ANGEL
C16- NIGHT CHANGES (JSEN'S CHANGES)
C17- A DATE WITH JSEN (1)
C18- A DATE WITH JSEN (2)
C19- A DATE WITH JSEN (3)
C20- A DATE WITH JSEN (4)
C21 - START OF MOVING ON
C22 - A Day With Him
C23 - Ang Batang Babae..
C24 - Remembering Her
C25 - Pain and Memories
C26 - PANGAKO
C27 - Let's clear it up
C28 - Their Sides
C29 -
C30 - THE LEAD VOCALIST Part 1
C31 - THE LEAD VOCALIST Part 2
C32 - WHO IS MOMOXINE CLARKSON
C33 - PART 1
C34 - PART 2
C35 - CJ's P.O.V
C36 - NASIRANG PLANO
C37 - AKO SI MOMOXINE CLARCKSON
Epilogue

C5- CAN'T STOP FROM BEING HURT

5K 114 20
By IM_Missing_U

Paolline's P.O.V 


Nakabalik na kami ngayon sa classroom namin. Ang tahimik nga bigla noong dumating kami e. Parang halos lahat ng tao sa classroom nakatutok ang tingin sa'min. Umupo  kami sa mga upuan namin. Wala pa naman 'yong prof namin kaya nag-iingayan pa rin 'yong mga classmates namin . 

"Oy! Oy! Tara mga bro jamming tayo daliiii" aya sa'min ni Jp na soooooobrang energetic na naman.  

"Grabe ka Jp hindi ka ba nauubusan ng energy?" pang-aasar ko sa kanya . 

"NO I'M NOT! I'M FULL OF ENERGY YOU KNOW! " sabi niya ng pambaklang boses at nag-aarteng bakla sa harapan naming apat. Lahat kami natawa except nalang ata kay chris na nagse-cellphone habang may nakasalpak na earphone sa tainga. E, shunga ka pala Pao e. Paano makikitawa si Chris sa'tin e NAKA-EARPHONE NGA DIBA? Shoot!. Mukha akong tanga -_- . Pero kahit naman hindi siya naka-earphone hindi naman talaga siya nakikipagtawanan sa'min diba?. So who cares? Pero nagtataka talaga ako kay chris kung bakit ba ang tahi-tahimik niya. Oh well, hayaan ko nalang siya mamaya nan magalit pa siya sa'kin. 

"OY! Isa ngang sample diyan" panggugulo ni Jp kay Ian na ngayon ay nakaupo sa sulok. Nakasandal ang likod sa pader, hawak ang gitara habang nag-i-strum. Ewan ko kung ano'ng tinutugtog niya. Nakatingin pa siya sa taas na parang bang may iniisip. Ngunit ng kausapin siya ni Jp ay napatigil siya sa paggigitara.

"Oo nga!. Oo nga!. Bakit hindi magbigay ng sample ang ating prince of all in this school? Baka sakaling UMULAN! HAHAHA!" at inasar na po ni Jd. Alam kong nakikisakay lang siya sa trip ni Jp. Nakitawa nalang ako habang pinapanood sila. Nakaupo lang ako sa upuan ko. Si Jp naman nakatayo, si Jd nakaupo sa arm chair kaya parang lang din siyang nakatayo.

"Oo nga, Ian. Hindi ko alam marunong ka palang mag-gitara" naupo ako sa harapan niya sa sahig habang pinapanood ang bawat galaw ng kamay niya sa gitara.

"Psh. 'Yun lang ba? Sige pagbibigyan ko kayong mga fans ko" pagmamayabang ni ian. 'Yong isang kamay niya pa nakataas sa ere habang parang nagbabow ang braso niya.  

"HOY! SINO'NG NAGSABING FAN MO AKO?! NEVAAA!" kontra ni Jp na nagbabakla-baklaan na naman. Tumawa nalang kami at nagsimula ng mag-strum ng gitara si Ian. 


~~~It took

One look

Then forever laid out in front of me
One smile

Then I died

Only to be revived by you~~~


Ewan ko kung bakit pero nakatingin lang siya sa'kin. Nakangiti. Nakafocus ang tingin sa'kin. 

Napangiti nalang din ako dahil sa sobrang ganda ng boses niya at pati na rin dahil 'yong kinakanta niya sa harapan ko ngayon ay ang favorite kong kanta. Nakakagaan ng loob ang boses niya. 'Yong parang bang pinapatahan ka niya. 


~~~There I was

Thought I had everything figured out

Goes to show just how much I know

'Bout the way life, plays out~~~


Bigla nalang siyang pumikit habang patuloy lang siya sa paggigitara at pagkanta.


~~~I take one step away

Then I find myself coming back

To you

My one and only you

One and only you

Ohhh ohhh~~~


Pagmulat niya, 'yong mga mata niya dumaretso sa'kin ng may seryosong titig. Hindi ko maalis 'yung tingin ko sa kanya.

"WOW! MAHUSAY KA TALAGA" pumapalakpak na aniya ni Jp. Du'n ko lang narealize na tumigil na pala siya sa pagkanta at magkatitigan nalang kami sa mga sandaling iyon. Napatingin nalang ako sa ibang direksyon.

Gumalaw ang mga tao sa paligid namin kasabay ng ingay ng mga halu-halong boses nila. Dumating na kasi ang prof namin kaya't tumayo na rin kami nila Ian. Wooo! Buti naman nagtime na, na-blangko ako kanina. 

Nagsimula na ang klase kaya naman tumahimik na ulit. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon promise!. Naiilang kasi ako. Pero bakit naman ako maiilang?. E, nagkatitigan lang naman kami a?. Psh!.

Habang nagdi-discuss ang prof namin drawing lang ako ng drawing sa papel ko. Wala naman kasing magawa tyaka feeling ko bored na bored ako sa klase ngayon.

Tumingin-tingin ako sa mga katabi kong mga lalaki para malibang. 

Bakit ngayon ko lang napansin, ako lang pala ang babae at ako pa ang nasa gitna. Kaya naman pala ako napagchi-chismisan e. Paano ba naman, dahil na sa ako lang ang babae e kasama ko pa 'tong apat na sikat na mga lalaking 'to. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon agad?. E, halos pagkaguluhan na sila ng mga students noong pumasok kami sa school diba. Psh. Bakit ba ang slow ko kahit kailan -_-.

Kaya pala ang sabi sa'kin ni Ian e, malalaman ko rin ang sagot sa tanong ko. Sikat sila sa school na ito at sikat din ang banda nila. 

Napansin ko lang. Mayroon pala silang mga sari-sariling mundo. Si Jp na nangunguna sa kakulitan ay ngayong KNOCK OUT!. You know what I mean, tulog ang bata!. Akala ko ba hindi nauubusan ng energy itong si Jp?, HAHAHA. 

Eto namang si Jd simple lang naman ginagawa niya, NAGLALARO SA CELLPHONE!. At hindi lang basta naglalaro--

"ALRIGHT!. Yo--yon!BOOM! BUWAHAHAHAHA!" mukhang shunga no?. Mga highschool na ba talaga 'tong mga 'to?. Parang hindi sila mga high school e. Daig ko pa'ng may kaklaseng mga pre-elem -_-.

Ito namang isa, si mister seryoso mode, nagsusulat sa notebook niya. Ewan ko ba doon kung ano'ng sinusulat. Pero halatang nakikinig siya kasi tumitingin siya kay prof tapos mayamaya magsusulat ulit. O baka naman style lang 'yon para magmukhang nakikinig?, hahaha. Masyado akong judgemental. 

Tumingin naman ako sa katabi ko. Aba aba! Tulog din ang mokong! .Nakasandal 'yong ulo niya sa sandalan ng chair niya tapos naka-earphone pa. 

'Bakit ba ang gwapo ng lalaking 'to?' 

AY POTEK ANO BA'NG PINAGSASASABI KO -_- . 

Nakakapagtaka talaga. Tignan niyo nga naman, isang lalaking halos isang palasyo na 'yong bahay tapos pumapasok lang sa isang klaseng eskwelahan na talagang pag-guguluhan siya. Tapos miyembro lang siya ng bandang may mga kaibigan na mga pre-elem ang mga utak (except lang sa isa). Paano niya natiisan 'tong mga 'to?. 

Kung sabagay masasaya naman silang kasama e, tyaka ang galing talaga nila tumugtog kaya hindi na ako magtataka kung bakit sila gano'n kasikat sa school na 'to. 

Sigurado ang swerte ng magiging girlfriend nito. Mayaman na, gwapo pa. Mabait rin, sweet, may magagandang mata, may matangos na ilong at ang kissable lips niya na parang..Parang---

O.O 

WAAAAAAAAAAAAAA! ANO BA'NG MGA PINAGSASASABI KO!?. 

Ok Pao calm down. WOOOO!

Pero kasi parang--parang ang sarap halik--WAAAAAAAAA!. JUSKO NASASAPIAN NA AKO NG MASAMANG ESPIRITO!. 

TUKSOOOO!. LAYUAN MO AKOOOOOOOOOOOOOO!.

"Iiiiiii!" napatakip ako ng dalawang palad ko sa dalawang tainga ko at umiling ng umiling. 

'Pao!. Ano ba'ng mga pinagiiisip mo ha?!. Hindi na ikaw 'yan pao!. Nasasapian ka lang ng masamang espirito! UMALIS KA SA KATAWAN KO MASAMANG ESPIRITO!'


Natapos na naman ang klase namin. Inaantok na ata ako e. Gusto ko ng umuwi. Kung pwede nga lang mag-cutting nagawa ko na sana. Kaya lang ang panget naman baka mamaya magkareferall pa ako. 

Naglalakad na kami ngayon sa corridor palabas ng school ng makaramdam ako ng pagkaihi.

"Uh guys mauna na kayo, c-cr lang ako " sabi ko ng hindi mapakaling ewan. Mukha na siguro akong uod dito sa harapan nila. EEEEEEEEE!. Naiihi na kasi akooo! >3<. 

"Ah sige babes, bilisan mo ha!" sabi ni Jd. Tatakbo  na sana ako ng bigla akong hawakan ni Ian sa braso. 

"Dalian mo, hihintayin kita sa parking lot ha" sabi niya ng ang lapit-lapit ng mukha. WAAAAAA!. NAIIHI NA TALAGA AKO!. Hindi ito ang oras ng paglalandi. I really need to peeeeeee!. 

"Uh si-sige" at doon nagkaripas na talaga ako ng takbo sa malapit na cr dito sa corridor. Grabe buti nalang may isang empty cubicle agad kaya naman dare-daretso lang ako at nag-pee. Pagkatapos kong mag-pee ay bumuntong hininga ako. 

'Hay nakahinga din ng maluwag'

Lumabas na ako ng cubicle at naghugas ng kamay. Grabe nakakahiya naman 'yon parang akong taeng hindi mapakali kanina e >3<. 

Lumabas na ako ng CR. Pagkaliko ko sa kanan ay may nakabangga akong lalaki.

"Ay sorry po, sir!" sabi ko sabay paulit-ulit na nagbo-bow sa harapan niya. Sorry naman nagpanic ako e, kasi kapag may nababangga akong tao bigla-bigla nalang kung anu-ano ang gagawin ko. 

"Ah ok lang, miss" bigla siyang lumuhod at pinulot 'yong mga gamit niya. 

"Ay!. sorry po ulit!"

Tinulungan ko siya sa pagpulot ng mga gamit niya na nahulog. Habang tumutulong ako sa pagpulot ng gamit niya ay may napansin akong isang papel na kasama sa mga gamit na pinupulot ko. Binasa ko ito.

"Wanted, lead vocalist?" pabulong kong saad. Wala lang trip ko lang basahin pero parang masaya 'to. Ay ewan. Parang gusto ko talagang sumali e.

"Miss akin na 'yong mga gamit ko" nataranta na naman ako ng makita kong inaabot niya ang mga gamit niya sa'kin. Binigay ko naman pero hawak ko pa rin 'yong papel na binasa ko kanina. 

"Um sir, sa inyo po ba 'to?" sabay pakita ko sa kanya ng papel na binasa ko.

"Oo, miss. Bakit?. Gusto mo bang sumali diyan? " aniya habang ipinapasok ang mga papel sa brown envelope na hawak niya.

"Pwede po ba akong mag-apply?" Tumingin siya sa'kin nang matapos na niyang ayusin 'yong gamit niya 

"Oo naman, miss. Kakanta ka lang naman sa stage. Basta maganda ang boses mo at marunong kang kumanta o kaya kung kaya mong mag-gitara habang kumakanta" aniya nito. Tapos na niyang maayos ang mga gamit niya.

"Sige po, sasali po ako" 

"Osige puntahan mo lang 'yang bar na 'yan. Nand'yan na din 'yong time at kung magkano ang sweldo mo diyan. Basta pumunta ka lang ha" tinignan ko naman ang tinuro niya't binasa ito. Tumango-tango ako sa kaniya.

"Sige miss, mauna na ako ha. I'm in a hurry" at tuluyan ng umalis 'yong lalaki. Binabasa ko pa rin 'yong papel habang naglalakad na ako papunta sa parking lot. Pupunta ba ako o ano?. Well mamaya ko nalang iisipin 'yon. 

Baka kanina pa ako hinihintay ng mga pre-elem, Hahaha. Feel ko na ngayon ang pagiging kaibigan nila ah. 

Nang makarating ako sa parking lot nakita kong isang kotse nalang ang nandoon, at 'yon ay ang kotseng itim na ferrari. Hulaan niyo kung kaninong car ang itim kung natatandaan niyo pa.

Lumapit ako sa kanya na nakatayo pero slight na parang nakaupo sa hood ng kotse niya habang nag-e-earphone na naman. 

Nang makalapit na ako sa kanya ay tinaggal ko 'yong isa niyang earphone sa right ear niya, "Hey tara na" Tumingin naman siya sa'kin. Mukha ngang nainis siya sa una pero nang nakita niya ako'y bigla nalang siyang ngumiti at nagnod sa'kin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa Passenger's Seat. Nag-thank you nalang ako sa kanya at tyaka umupo. Umupo na siya sa driver's seat at nagsimula ng magdrive. 

Habang nasa byahe kami'y walang umiimik sa'ming dalawa. Ewan ko nga kung bakit ang tahimik e. Pero hindi naman 'yong awkward. Nakatingin lang ako sa mga nadadaanan namin.  Mayamaya biglang may nagplay na music sa stereo.

~~~Let's run away from these lies

Back to yesterday, safe tonight
I feel the sun creeping up like tick tock

I'm trying to keep you in my head but if not

We'll just keep running from tomorrow with our lips locked

Yeah, you got me begging, begging 

Baby, please don't go

If I wake up tomorrow will you still be here?

I don't know

if you feel the way I do

If you leave, I'm gonna find you
Baby, please don't go, go, go, go

Baby, please don't go, go, go, go

Baby, please don't go, go, go, go

Baby, please don't, baby, please don't ~~~


Ayan na naman po tayo. My tears are desperately falling from my eyes. I'm tired of crying. I'm so pathetic. I want to stop crying but I can't help it. It's deliberately dripping from my eyes. I want to get rid of this hurtful feeling. I don't want anybody to see me like this so weak. I'm such a loser.


~~~Baby, please don't run away

From my bed and start another day

Stay instead
I feel the sun creeping up like tick tock

I'm trying to keep you in my head but if not

We'll just keep running from tomorrow with our lips locked

Yeah, you got me begging, begging
Baby, please don't go

If I wake up tomorrow will you still be here?

I don't know if you feel the way I do

If you leave I'm gonna find you

Baby, please don't go, go, go, go

Baby, please don't go, go, go, go

Baby, please don't go, go, go, go

Baby, please don't, baby, please don't

Baby, please don't~~~


"Mich. Mich are you crying?" naririnig kong sabi ni Ian habang nagda-drive siya. At ako?. Nakatingin lang sa window habang kusang tumutulo ang mga traydor kong luha. Pilit kong pinipigil na huwag tumulo ang mga luha ko pero wala, hindi ko magawa. Weak kasi ako. WEAK.


~~~I stay running from tomorrow

I stay running from tomorrow

Well, I stay running from tomorrow

Said, I stay running from tomorrow~~~


Bwiset! 

Bwiset! 

Bakit ba siya pa rin?!. Bakit ba ang sakit sakit pa rin?!. Pwede bang lagyan nalang ng anesthesia 'tong puso ko ng maging manhid nalang?!.


~~~Baby, please don't go(Please don't go)

If I wake up tomorrow will you still be here?

I don't know if you feel the way I do

If you leave I'm gonna find you(I'm gon', I'm gon', I'm gonna find you)
Baby, please don't go, go, go, go

Baby, please don't go, go, go, go(Don't leave me, leave me)

Baby, please don't go, go, go, go

Baby, please don't, baby, please don't run away~~~


Naramdaman ko nalang ang yakap ni Ian from my back, habang ako ito nakatakip ang dalawang palad sa aking mukha na may mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak. 

Ayoko, ayoko na'ng ganito. Masyado ng masakit. Hindi ko siya kayang mawala sa'kin pero nagawa niya akong iwanan ako ng walang sapat na dahilan, nasasaktan at hindi makamove on sa pang-iiwan niya sa'kin. Mahal na mahal ko siya pero siya?. Mukhang hindi sapat ang pagmamahal ko para sa kaniya. Siguro ngayon masaya na siya. Alam ko naman noong magkasama palang kami'y hindi ko na maramdaman na masaya siya sa piling ko. Aminado na naman ako do'n e, pero hindi naman 'yon sapat na dahilan para iwan niya nalang ako ng basta-basta.

"Mich nandito lang ako. Iiyak mo lang 'yan. Nandito lang ako wag kang mag-alala. Hinding-hindi kita iiwan"  mga salitang binitawan ni ian. 

Medyo natigilan ako sa mga sinambit ni Ian. 

'Totoo ba ang lahat ng sinabi mo Ian?.'

Ngayon ko lang na-realize. Bakit ba hindi ko siya magawang kalimutan at magmahal nalang ulit ng iba?

SANA.

SANA MAKALIMUTAN NA KITA.

AYOKO NG MASAKTAN PA. 

MASAKIT NA ISIPIN PERO KAILANGANG TANGGAPIN KO NANG HINDI KA NA AKIN THYLER.


Sa buhay kasi natin, ang pagtanggap nalang sa katotohanan ang kailangan nating gawin. 


~Abangan..

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Date : September, 19. 2016 

Btw, I'm already editing this story and I must say, marami akong naidagdag at nabago sa story ko. Pinipilit ko na ring maiayos ang mga typo ko sa bawat chapter. Sana mas magustuhan niyo siya ngayon. Gusto ko kasing umayos 'yong story kasi sayang kung magulo. And now I decided na ibuhos ko muna lahat ng time ko sa page-edit nito. 

P.S: Hindi ko nga pala inaalis 'yong mga author's note ko dati sa bawat chapter ng story nito.  

Keep supporting guys~

Don't forget to leave a comment :)





Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 178 51
Leaving someone that you love is so hard pero wala kang magawa dahil masgusto mong iligtas siya sa pahamak kaysa mawala siya ng tuluyan sayo. you ha...
5.2K 538 63
"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
19.8K 332 15
Skylar, Calvin and Jake. Tatlong kagwapuhan na mga lalaki na nagkagusto kay Aylo Rodriguez, a former popular girl in campus who is now known such as...