Real & Reel (KathNiel One-Sho...

By LunarMaris

281K 5K 809

Koleksyon ng mga KathNiel One Shots. Treinta: Weird Synopsis: My boyfriend is weird. More

1. Paano Magselos ang isang Daniel Padilla? (AU)
2. Baby Names
3. Maliit Kasi (AU)
4. Vandalism (AU)
5. 57 Reasons
6. Tying the Knot Part One: The Proposal
7. When KathNiel Read Wattpad Stories...(01)
8. How I Met Him... (AU)
9. Babies, Babies, Babies
10. Reunion with my EX...EX-BEST FRIEND (AU)
11. Daniel, Kathryn, at si Harry Styles
12. Love is ORANGE (AU)
13. Si Mister at si Misis (AU)
14.1. 26 Letters (A - M) (AU)
14.2. 26 Letters (N - Z) (AU)
15. The Great Pretender (AU)
17. Kathryn's Checklist (AU)
18. Dr. Lester Giri
19. Kissing Booth
20. Kiss and Make-up
21. Sa Pagbabalik ng...The Buzz
22.1. Lester Giri, the Mighty Stalker (January-April)
23. I wanna Grow Old with You...
24. Merry Christmas, Bally
25. Feb Fair (AU)
26. Pangako ko Sa'yo
27. Protector
28. The Return of Superman
29. Si Kargador at ang kanyang Yaya
30. Weird
31. I'll See You Soon

16. Got to Believe (AU)

7.2K 133 16
By LunarMaris

Iniisip kong kwento ng Got to Believe. Bwahahahahaha. Kung makikita niyo, parang pinaghalong, Gakuen Alice, Meteor Garden at Mars. :)) Haaay buhay. Naka-high ako kaya ganito kinalabasan. OA ba? Paki-comment na lang below. At yung pangalan nila, Daniel at Kathryn pa rin hah. Di ko ginamit ang Joaquin at Chichay. Tapos, naka-focus lang talaga sa kanila yung story...Di kasama mga family nila. :D Enjoy!

Title: Got to Believe

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Comfort/Comedy

Humahangos ako papunta sa paaralan. Pinahid ko ang kamay ko na puno ng paint sa uniform ko. Nang maisip ko ang ginawa ko ay napasampal ako sa noo ko. Lagot nanaman ako nito kay nanay. Pagagalitan nanaman ako dahil sa mantsa na kulay berde sa uniform ko.

Tumakbo ako sa hallway at lumiko. Napatid ako sa isang paa na nakalagay sa direksyon kung saan ako tumatakbo.

Nadapa ako.

At rinig na rinig ko ang tawa ng taong gumawa noon.

"Hoy Daniel! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, bakit mo ko laging pinapatid hah?" sigaw ko. "Ano bang nagawa kong kasalanan sa'yo?"

Nagkibit-balikat lamang siya at tiningnan ako ng nakakaloko. "So...Teddy bears pala ang print ng shorts mo today? Kahapon, apples ah."

"Nanlaki ang mga mata ko at agad-agad na tumayo. Hinampas ko siya ng pagkalakas-lakas.

"Ang bastos mo! Hindi ka na talaga nagbago! Bwisit ka! Magsama kayo ng best friend mo na wala ng ginawa kundi bwisitin ang araw ko! Leche ka!" bulyaw ko sa kanya.

Aba ang loko, parang hindi man lang natinag. Tiningnan ko siya ng masama, yung tingin na parang papatayin na siya.

Ilang segundo pa at bigla namang tumunog ang bell.

Hala ka! Late nanaman ako.

"Diyan ka na nga!" sabi ko sa kanya at nagsimula nanamang tumakbo.

Daniel Padilla, ang transferee student sa school namin nung isang buwan. Pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Pilyo at ang tanging alam lang ata sa buhay ay bwisitin ako kasama ng best friend niyang varsity ng basketball na si Sam Concepcion.

Si Daniel ay galing sa isang marangyang pamilya. Kadalasan, tahimik lang siya, kaunti ang kaibigan. Oo, pilyo siya. Pero ako lang talaga ang paborito niyang pag-tripan, siguro dahil ako ang paborito ring pagtripan ng kaibigan niya na si Sam.

Si Sam naman, matagal ko ng kakilala. Magkaklase kami simula elementary at ang misyon niya sa buhay ay galitin ako.

Nagbuntong-hininga ako. Hindi ko dapat iniisip ang magkaibigan na yun.

Pumasok na ako sa classroom. Tahimik ang lahat pero wala pa naman ang adviser namin.

Napahinga ako ng maluwag. Naglakad na ko papunta sa upuan ko ng madulas ako dahil sa balat ng saging na nakalagay sa dadaanan ko.

Ah! Bwisit! Alam ko na kung sino may pakana nito!

Tiningnan ko ang nakangiting si Padilla na pumasok sa kwarto at nakipag-appear kay Sam.

Leche. Hindi talaga matatahimik ang buhay ko kapag nakikita ko itong dalawang ito.

Magsama sila sa impyerno.

...

...

...

Nakaupo ako sa ilalim ng puno sa isang park malapit sa bahay namin. Nakatingin ako sa mga magkakasintahan sa mga bench. Pumili ako ng isa at nagsimulang gumuhit.

Talagang naging hobby ko na pumunta sa park dahil marami akong pwedeng iguhit dito. Narito kasi ang iba't ibang klase ng tao. Mula sa mga matatandang naglalakad, sa mga nageehersisyo, sa mga teenagers na naglalandian hanggang sa mga batang naglalaro.

Nasa kalagitnaan ako ng sketch ko nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki na na naglalakad at umupo sa isang bench malapit sa puno kung nasaan ako. Nasa leeg niya nakasabit ang isang professional camera.

Ewan ko kung bakit pero tinitingnan niya ang magkasintahan at ngumiti siya ng mapakla. Maya-maya pa nakita kong tumulo ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. Agad naman niya itong pinunasan. Kinuha niya ang hood ng jacket na suot niya at inilagay ito sa ulo niya. Isang failed attempt na pagtatago ng kanyang nararamdaman dahil kitang-kita ko kung paano siya nasasaktan.

Pero bakit?

Ang isang taong tulad niya na nakangiti sa harapan ko ay umiiyak pag mag-isa lang siya?

Ewan ko pero naramdaman kong parang may kumirot sa dibdib ko.

Hindi ko namalayan na ginuguhit ko na pala siya sa sketchpad ko.

...

...

...

"Bulaga!"

"Ahhhhhh!"

Yung unang nagsalita, si Sam yan. Yung pangalawa, ako na.

Siguro kung may sakit sa puso lang ako, matagal na kong patay dahil sa mokong na ito. Kung hindi ako pagti-tripan ay wagas akong gugulatin.

"Hoy Sam! Hanggang kailan ba kayong ganito ng kaibigan mo? Bakit ba lagi na lang ako ang pinagti-tripan niyo? Madami naman diyan na willing pagtripan niyo eh, bakit ako pa?" wika ko na naiinis.

Alam niyo yun, naasar na kasi ako eh. Si Daniel, lagi akong papatirin para tingnan yung prints ng short ko sa ilalim ng uniform ko. Hindi man lang naambunan ng kaunting pagka-gentleman yun nung nagpaulan si Papa God. At eto namang si Sam, punong-puno ng kayabangan sa katawan. Siya naman sinalo lahat ng kayabangan sa mundo nung nagpaulan.

"If I know, kinikilig ka pag ginagawa namin sa'yo yun. Kinukuha mo kasi lahat ng atensyon namin," mahangin niyang sambit sa akin.

Shet. Dinadala na ko ng pagkamahangin niya. Delubyo na ata ito.

"Wow naman! Nakuha ko nga atensyon niyo, pambubully niyo rin nakuha ko. Tantanan niyo na ko dahil hindi ako natutuwa," sabi ko.

"Sus! Kunyari ka pa," ani niya sabay akbay sa akin.

Siniko ko nga siya sa tiyan.

"Aray! Ang brutal mo naman," sambit niya at hinihimas-himas pa ang tiyan niya.

Nirolyo ko ang mga mata ko, tanda na naiinis na talaga ako nang biglang may naalala ako.

"Sam..."

"Hmmm?"

"Nakita mo na bang umiyak si Daniel?"

"Hah? Si Daniel? Iiyak? Nagpapatawa ka ba?"

Ang ibig sabihin lang noon, kahit sa matalik niyang kaibigan, nagtatago siya ng lihim.

Nakakainis. Ginugulantang mo ang tahimik kong buhay Daniel Padilla! Teka, tahimik nga ba?

"Kath! Hoy! Kath!"

Nagising ako sa pagmumuni ko nung niyugyog ako ni Sam.

"Bakit ka ba natulala? Wag mong sabihin na gusto mo si Daniel?" singhal niya.

Teka, bakit ba galit ang isang ito?

"Wala no! Ako? Magkakagusto sa kumag na yun? Never!" sabi ko.

"Mabuti naman," wika niya na nakangiti na.

Bipolar talaga ang isang ito, sure na.

"Hoy Sam! Aalis na ko! Sa susunod na magkikita tayo, bawas-bawasan mo na ang panggugulat sa akin," reklamo ko sa kanya.

"Sige, sige...Susubukan ko."

"Wag mong subukan, gawin mo!"

...

...

...

Nasa club room ako, nagpipintang mag-isa.

Hindi ko alam kung bakit puro mukha ng Daniel na yun ang pinipinta ko.

Hindi ko siya maialis sa sistema ko ngayon. Nakakabanas.

Ibinaba ko ang palette at paint brush ko para kumuha ng malaking canvas. Inilagay ko sa isang sulok ang canvas at kumuha ng oil paints.

Kung ganito rin naman, I'll use this as my inspiration to my next work.

Ewan ko ba kung bakit parang sinaniban ata ang kamay ko at sinimulan ipinta ang mukha niya. Nakangiti siya sa painting ko, pero ang ngiting yun, hindi umabot sa mata. Medyo naluluha pa nga ang ipininta ko doon eh. Nakasuot siya ng hood sa painting ko.

Pagkatapos ang background ng painting ko ay ang mga kulay ng sunset.

Sunset, katapusan ng lahat. Pero sa katapusan ng isang araw, may sisibol ulit na magandang bukas. Paniniwala sa bagong pag-asa na may darating pang bukas. Magulo ba? Magulo akong tao eh.

Ibinuhos ko ang makakaya ko para iparating ang mensahe sa lahat at lalo na sa kanya.

Na kahit may katapusan ang lahat, darating na darating ulit ang simula kung saan magiging maligaya ulit siya. Magtiwala lang.

...

...

...

Nakita ko siyang pumasok sa museum.

Alam kong naiilang siya dahil lahat ng tao nakatingin sa kanya.

Hindi niya ako nakikita pero nakikita ko siya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang malaking painting sa gitna.

Gawa ko iyon.

At sinong hindi magugulat kung mukha niya makikita niya sa painting.

Hinawakan niya ang painting at pumikit. Pagkatapos ay inilagay niya ang mga kamay niya sa title nito.

Got to Believe

Oo, Daniel.

Maniwala ka.

Balang araw, hihilom din ang sugat na dala ng kung ano man ang napagdaanan mo.

Maniwala ka.

Lagi lang kami nandito para sa'yo...

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 99.2K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
686K 24.1K 44
Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang bab...
26.1K 1.4K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
1.9M 48.7K 164
Frankie (Epistolary with narration)