Writing Tips at mga Payo ni P...

By timmyme

8.7K 409 93

Ito ang librong makakatulong sa inyo. Harapin natin ang mga problema nang pagiging isang manunulat. Sabay-sab... More

ANG SIMULA
UNANG SULIRANIN ni "Mondemazing"
PANGALAWANG SULIRANIN ni "DyslexicParanoia"
PANGATLONG SULIRANIN ni "KentKitty"
PANG-APAT NA SULIRANIN ni "ProudToBeNothing"
PANGLIMANG SULIRANIN ni "QueenLaurenrence"
PANG-ANIM NA SULIRANIN ni "ZenRoxen_Boy"
PANGPITONG SULIRANIN ni "nicsHateBoys_143"
PANGWALONG SULIRANIN ni "RLperi"
PANGSIYAM NA SULIRANIN ni "HeyGhostWriter"
PANGSAMPUNG SULIRANIN ni "StyleGreen"
IKA-LABING ISANG SULIRANIN ni "ISTH_23"
IKA-LABING DALAWANG SULIRANIN ni "SiBinibiningMaria"
RandomQuestion: Mapagsasabay po ba ang pagsusulat habang ako po'y nag-aaral?
IKA-LABING TATLONG SULIRANIN ni "Chrono_Icarus"
IKA-LABING APAT NA SULIRANIN ni "AsulNaManunulat"
Different Point of View: Ano nga bang magandang gamitin?
WRITERS BLOCK NGA BA O KATAMARAN?
NG at NANG*Part 2*
IKA-LABING LIMANG SULIRANIN ni "EmpressWinteroo"
IKA-LABING ANIM NA SULIRANIN NI "DarylJohnSpearsWP"
IKA-LABING PITONG SULIRANIN ni "tatalina"
UNANG PAYO: Popularity Kills Creativity
PANGALAWANG PAYO: Kuwentong Romansa
PANGATLONG PAYO: O Bakit Writers Block?
PANGAPAT NA PAYO: Connections?
PANGLIMANG PAYO: Limitations and Inspirations
PANGANIM NA PAYO: Faster and Slower Please!
PANGPITONG PAYO: Bagong Salta
PANGWALONG PAYO: Mukha O Obra?
PANGSIYAM NA PAYO: PAGBABASA'T PAGSUSULAT
Special Chapter Kuno: Bukambibig ang Pagsusulat.

NG AT NANG *PART 1*

233 9 9
By timmyme

Palagi ko na pong nakikita at nababasa ang mga maling salita na inilalagay nila sa kanilang kuwento. Ang tamang gamit ng Nang at Ng.

Kung tutuusin ay karamihan sa mga taong nakakasalamuha ko ay hindi pa tuluyang alam ang pagkakaiba ng mga salitang ito. Minsan napapabaliktaran nila ang paggamit nito. 

Kaya simulan na natin ang pagbukas ng imahinasyon natin at siguruhing may nakatagong isang pirasong papel at bolpen upang maisulat mo ang aking mga sasabihin.

Wastong gamit ng "NANG"

*Kapag sinasagot ang katanungan na PAANO*

Halimbawa:  

Nagsusulat si timmyme nang mabagal. Paano nagsusulat si timmyme? Mabagal.

Nagsasalita si timmyme nang mabilis. Paano nagsasalita si timmyme? Mabilis.

O 'di ba as simple as that. Tapos na? Nope meron pang kasunod 'yan...

*Kapag umuulit ang KILOS*

Halimbawa:

Dada nang dada si timmyme kaya ayun pinalo ng nanay.

Ikot nang ikot si timmyme sa mall kahapon pero wala siyang kahit ni isang librong nabili.

*Kapag sinasagot ang katanungan na GAANO*

Halimbawa:

Gaano kalaki ang itinaba ni timmyme? Tumaba si timmyme nang bahagya. 

Gaano katagal nakapagsulat muli si timmyme? Isang buwan nang matutong magsulat muli si timmyme.

Wastong gamit ng "NG"

*Kapag sinasagot ang katanungan na ANO*

Halimbawa:

Ano ang ginagamit ni timmyme sa kanyang balat? Gumamit si timmyme ng Dove pampaputi.

Ano ginagawa ni timmyme sa mga oras na ito? Nagsusulat si timmyme ng mga payo patungkol sa tamang paggamit ng NANG at NG.

*Kapag PAGMAMAY-ARI*

Halimbawa: 

Nakakarindi ang boses ng lalaki ng kapitbahay.

Kaibigan ko ang apo ng lola ng tito ng kaklase ko.



Continue Reading

You'll Also Like

89.6K 140 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞
1.7M 71.8K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
4.3K 216 6
Inosente ang batang si Renren ngunit nagbago ang lahat ng matuklasan niya ang papel niya sa buhay.
105K 2.5K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...