"My HotThrob Teacher"

By mjGielyn

57.6K 481 25

..The story is all about the student who's in love in her hot college professor... More

Prologue:
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
hot

CHAPTER 6

3.6K 30 1
By mjGielyn

Matapos ang gabing yon ay pinangako ni Lheign sa sarili na kakalimutan na niya nga tuluyan si Sir Mark. Nagpatuloy ang buhay niya at pinilit niyang bumangon at kalimutan si Sir Mark kahit na palagi niya itong nakikita at nakakausap sa school.

        Naging successful ang thesis niya at nagpag-martsa siya after 5 years she was so overwhelmed sa lahat ng achievements niya sa buhay.

        Nagtrabaho si Lheign at nag-gain ng experienced sa company ng daddy niya at naging Top 8 sa licensure exam for Architecture. After 5 years of graduation she can say that she has a successful carreer but no she can’t say that she’s happy.   

  

Lizzy: “Arkitek, ok lang po ba kayo dito? Alis na po sana kami” paalam nito.

Lheign: “Yes Lizzy, I’m gonna be okay here..may tatapusin lang ako tapos uwi na din ako” sagot naman nito.

Lizzy: “Sure Arkitek?” tanong nito.

Lheign: “Yup!ingat kayo” sagot nito.

        Sa tuwing mag-iisa ni Lheign ay parati niyang nararamdaman na hindi siya masaya sa kabila ng lahat ng tagumpay na natamasa niya. Alam niya kung ano at sino ang taong pupuno sa lahat ng pagkukulang sa buhay niya ngunit alam niyang imposible na dahil alam niyang sa tinagal-tagal ng panahon ay marami nang nagbago sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya si Mark.

Sir Terence: “Sir Mark, nasa dyaryo na naman yung estudyante nating si Lheign oh! 5 years ago” proud na sambit nito.

Sir Mark: “Oo nga, sobrang successful na niya at mukang naungusan na tayo ah!” asar nito.

Sir Terence: “Wala eh!mahal natin ang pagtuturo eh!at least we used to produced those kinds of Architects that we can be proud of” sabay turo sa picture ni Lheign.

Sir Mark: “Yup! Your right Sir” pagsang-ayon nito.

“5 years is a long period of time pero, ni minsan hindi ka nawala sa isip. Mahal kita noon pa pero, kahit na hanggang ngayon ay minamahal pa rin kita Lheign” sambit nito sa isip niya habang nakatingin sa picture na Lheign sa dyaryo.

In Liamares Group of Companies..

Lheign: “Guys, I have a good news!! We took over the Ayala Condominium Project along UP Diliman!!” sigaw nito sa mga ka-team niya.

Lizzy: “Talaga Arkitek??We should celebrate!!Right guys?” aya nito.

Employee 1: “Oo naman Mam!!Let’s go Arkitek?”

Lheign: “Ok!!tara..” aya nito.

        Sa kabila ng kaliwa’t kanang achievement ni Lheign sa carreer niya ay never siyang naging mapagmataas sa lahat ng empleyado niya. Ultimo mga construction worker sa team niya ay kilala niya personally. Itinuturing niya ang mga ito na pangalawang pamilya nya kaya naman ganun na lamang ang pagmamahal ng mga ito sa kanya.

1st day of construction in Ayala Condominium Project along UP Diliman..

        Katabi lang ng dati niyang school ang project na na-close ng grupo nila nagkaron ng kaso ang Ayala Group of Companies against sa dating contructor ng building kaya natigil ang construction nito.

It has a 4 condominuim building with 45 storeys each, pero ang nagagawa pa lang ay 5 storey each.

They offer Ayala Company a good presentation kaya naman na-closed nila ang deal with one of the finest company in the Philippines.

        Kaya ito ngayon s Lheign managing the whole project as a Head Architect.

Dahilan malapit lang ang project na yun sa kinaroroonan ni Mark ay di niya napigilan ang sariling magtungo sa school niya dati upang dalawin iyon at makita na rin ang kalagayan ni Mark.

        Nagpa-order si Lheign ng 5 boxes of pizza, 2 bilaong pansit na may kasamang softdrinks tsaka nagpasama sa dalawa sa mga draftsman niya para magbuhat ng mga ito.

        Pag-akyat niya sa building nila ay naalala niya ang College days niya dahilan sa parang walang nagbago sa building nila. Nang makarating siya sa tapat ng faculty room ay agad niyang nakita si Mark.

        Ganun pa din ang itsura nito at parang kahapon lang nang una silang magkita dahilan sa ganun pa din ang nararamdaman niyang kuryente sa tuwing makikita ito.

        Kumatok siya sa window ng secretary at nagtanong.

Lheign: “Mam, andyan po ba si Sir Terence?” tanong niya.

        Napalingon naman si Mark sa bintana ng faculty ng may maulinigang pamilyar na boses na parang kumiliti sa kanyang puso.

“Si Lheign ba yun?” tanong niya sa sarili sabay titig sa babaeng kausap ng secretary.

Secretary: “Ahhh..oo, wait lang huh? Sir Terence!!may naghahanap po sa inyo” sambit nito.

Sir Terence: “Sino na namang chicks yan?” nakangising sambit nito sabay tingin sa bintana.

        Agad namang kumaway si Lheign sa kanyang adviser at napangiti si Terence ng mamukaan kung sino ang naghahanap sa kanya.

Sir Terence: “Lheign!!” sigaw nito sabay punta sa pinto at pinapasok si Lheign at mga kasama nito.

        Inilipag naman nila Lheign ang lahat ng dala sa conference room at saka nakipag-kwentuhan sa lahat ng faculty na halos lahat ay naging professor niya noong college siya.

Sir Terence: “So, How’s the finest Architect?” pang-aasar nito.

Lheign: “Sir naman!!ang galling mo pa din mag-joke!!”ahaha malakas na tawa nito.

Sir Terence: “Na-miss ko yang kaingayan at kakaibang tawa mo” sambit nito.

        Sa gitna ng kwentuhan nila ay nakaupo pa rin si Mark sa gilid at nagpatuloy sa pagtitig kay Lheign mula sa malayo. Hindi makapaniwala si Mark na nasa harap na niya ang babaeng pinakamamahal niya noon pa man.

Sir Terence: “Sir Mark!!ano?natulala ka na naman ba sa kagandahan nitong si Arch. Lheign huh?” pang-aasar nito.

        Agad na naputol ang pagtitig ni Mark kay Lheign at napansin na nakatingin na din ito sa kanya.

Sir Mark: “Ahh..sira ka talaga Sir Terence!!kamusta ka na Lheign?or should I say Arch. Lheign?” nakangiting tanong nito.

Lheign: “Ok naman po Sir!!wala pa rin kayong pinagbago ditto mga Sir!hahaha” pabirong sambit nito.

Sir Mark: “Tama ka dyan wala pa ding nagbago samin” sagot nito.

        Matapos ang mahabang kamustahan at kwentuhan ay nagpaalam na din si Lheign sa mga faculty members dahil sa hinahanap siya ng daddy niya na bumisita sa site nila.

Lheign: “Mga Sir!!Sige po, una na ko!may kailangan pa po kasi akong gawin” paalam nito.

Sir Terence: “Sige!dalaw ka ulit huh?ingat” sagot niya.

        Nakalabas ni si Lheign ng faculty room ng habulin ni Mark ito hingin ang number nito.

Sir Mark: “Lheign!!!buti nahabol kita” hingal na sambit nito.

Lheign: “Bakit po Sir?” nagtatakang tanong nito.

Sir Mark: “Can I have your number Lheign?” agad na tanong nito.

Lheign: “Sure” sabay kuha ng calling card nya sa pouch niya at nagpaalam na.

        Ginawa ni Mark ang bagay na yun ng hindi nag-iisip dahil sa ayaw na nyang mawala pa ang babaeng minamahal niya at this time gusto niyang ipaglaban na ito at ayaw na niyang matakot pa na ipaalam sa buong mundo kung gaano niya kamahal ito.

        Habang nasa sasakyan si Lheign pauwi ng bahay nila ay hindi niya maiwasang mapangiti pag naaala ang mukha ni Mark nung hinabol siya nito para lang kunin ang number niya.

        Pinipilit niyang iwaksi ito sa isip niya ngunit hindi niya maipagkakaila na kanina pa niya inaabangang mag-text o tumawag ito.

Continue Reading