CHAPTER 3

4.5K 34 0
                                    

Nagising si Lheign sa isang pamilyar na amoy. Parang naaamoy nya yung pabango ni Sir Mark tandang tanda nya ito dahil sa pasimple nya itong inaamoy pa dumadaan sa hallway at nakatambay sya.

Minulat nya ang kanyang mga mata at napaupo na makita sa harap nya si Sir Mark. Luminga linga sya sa paligid at sinilip ang suot sa ilalim ng kumot.

“Iba na ang damit ko!!may nangyari kaya samin?” tanong nya sa sarili.

Pinakiramdaman nya ang sarili at sa tingin ay wala naman. Pero alam niyang wala dahil alam niya ang nangyari sa kanila kagabi. Humiga sya sa tabi nito at nagulat sya ng yakapin sya nito at ikulong sya sa hubad nitong dibdib.

Sir Mark: “Lheign..” malambing nitong sambit.

He really likes Mark kaya hinayaan nya ang sarili na makatulog sa mga dibdib ng lalaking gusting gusto nya.

Nagising si Lheign sa dahilang parang may nakatitig sa kanya. Nang imulat ni lheign ang kanyang mga mata ay nabighani sya sa lalaking nasa harap nya, nakatitig sa kanyang at nakangiti. Ginantihan sya ni lheign ng matamis na ngiti.

Matagal na nagkatinginan ang dalawa hanggang sa lumapit si mark at bumulong sa kanya.

Sir Mark: “Good morning My Princess” malambing nitong tugon.

Lheign: “My Princess?..” nakangiti nitong tanong.

Nahiya naman si Mark sa kanyang nasabi kaya napaupo sya ng patalikod kay lheign at napakamot sa ulo. Yumakap si Lheign sa kany mula sa likuran at nakapatong ang ulo nya sa balikat ni Mark.

Pumaharap si Lheign sa kanyang pagkakayakap kay mark pero nakapatong siya ngayon sa mga binti ni Mark. Nakahawak pa din si Lheign sa leeg ni Mark at magkalapit na ang mukha nila ngayon. Iniwas ni Mark ang kanyang mukha upang maiwasan ang sensasyong nararamdaman nya.

Sir Mark: “Lheign, stop it!!” sigaw nito sabay tayo at walang kaabog-abog na lumabas ng kwarto.

Si Lheign ay naiwang nakaupo sa kama at hindi mapigilang umiyak. Pilit nyang pinipigilan na pumatak ang mga luha sa mga mata nya ngunit parang nag-uunahan pa itong bumagsak.

“May mali ba sa’kin??pero, kahit anong mangyari, di ako susuko!” sigaw nya sa isip nya.

Si Mark naman ay naghanda na ng almusal dahil sa, pag weekend ay umuuwi ang kanyang yaya sa kaniyang pamilya kaya naman siya ang naghanda ng almusal para sa kanilang dalawa.

Nagluto ng tocino at itlog si Mark pero, nagtataka sya kung bakit di pa rin bumababa si Lheign sa kwarto. Naiisipan ni mark na iakyat na lang sa kwarto ang mga niluto nya.

Nang pumasok sya sa kwarto nya ay natawa sya ng makitang nanunuod si Lheign ng anime na pang-umaga.

“Feel at home naman ‘tong babaeng ‘to!!” nakangising saad nito sa sarili.

Tumabi si Mark kay Lheign na nakasalampak sa sahig. Nagulat naman si Lheign at napangiti.

Sir Mark: “Kain tayo?!!” aya nya sabay lapag nang pagkain sa harap ni Lheign.

Lheign: “Tse!!” snob nya sabay pout ng nguso.

“Ba!!pakipot effect ka pa??” saad nito sa isip nya.

Tumayo si Mark sa pagkakaupo at niyakap si Lheign mula sa likuran. Nagulat naman si lheign sa ginawa ni mark.

“Di na kita maintindihan mark?” tanong nya sa isip.

Gusto malaman ni lheign ang nasa puso ni Mark ngunit hindi nya kayang itanong ito dahil sa hindi siya handa sa isasagot nito.

Niyakap ni Mark ng mahigpit si Lheign mula sa likuran at ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ni lheign.

Sir Mark: “Sorry kanina princess” malambing nitong sambit.

Inihilig nya ang kanyang mukha sa leeg ni Lheign at agad nyang naamoy ang malabulaklak na amoy nito. Wala pa ding kibo si lheign kahit na gustong-gusto nya ang gingawa ni Mark pinilit nyang wag mag-react para magpakipot ng konti.

Napansin naman ni Mark na hindi pa din nag-rereact si lheign sa kanyang ginawa.

Sir Mark: “Sorry na, kain ka na oh!” lambing nito.

Pero, sa halip na kumain ay tumayo si Lheign at pumunta sa c.r paglabas nya ay nakabihis na sya. Doon kasi pinalagay ni Mark yung mga hinubad na damit ni Lheign kagabi. Agad na lumapit si Lheign kay Mark na nakasalampak pa din sa sahig.

Lheign: “San po yung pouch ko Sir?” sarkastiko nitong tanong.

Nagulat si Mark sa tanong nito at agad itinuro ang side table na katabi ng kama kung saan nakapatong ang red pouch ni lheign.

Sir Mark: “Aaa…Aalis ka na?” pautal na tanong nito.

Lheign: “Yes Sir!Sorry sa istorbo huh?” sagot nito.

Sir Mark: “Di ka ba muna kakain?” tanong nito.

Lheign: “Di na po!!sige sir alis na ko!” sabay labas ng kwarto.

Naiwang nakaupo at tulala si mark kanyang kwarto.

“Sobrang nagalit ata sa ginawa ko kanina..ang tanga-tanga mo talaga mark!!Ano kayang gagawin ko ngayon?!!” pagalit na tanong nito sa isip nya.

"My HotThrob Teacher"Where stories live. Discover now