CHAPTER 5

4.1K 38 2
                                    

Nakalipas ang isang linggo na ganun ang set-up nila para silang student-teacher relationship na hindi magkakilala.

Kilala si Lheign sa department nila dahil sa pagiging maingay. Parating pa lang ito ay alam na alam na ng buong department dahil sa kadaldalan nito.

Dinig na dinig ni mark ang pakikipagdaldalan ni Lheign sa kanyang mga kaibigan mula sa conference room kasama naman niya si Terence doon at nag-checheck sila ng plates ng mga estudyante nila.

Sir Terence: “Andiyan na naman si Ms. Liamares. Naririnig ko na naman ang malakas na tawa niya” nakangising sambit nito.

Sir Mark: “Oo nga, ang ingay pa kamo!” sambit nito.

Sumilip si Terence sa pinto ng conference room at nakita nga niya ang makulit at maingay nyang advisee.

Sir Terence: “Ms. Liamares!!sabi na nga ba at nandyan ka na naman!!ang ingay kasi, dinig na dinig ditto sa loob” pabirong sambit nito.

Lheign: “Hahaha..grabe ka naman sir!di naman masyado, na-miss mo lang siguro kong pagalitan sir kaya naririnig mo ang boses ko” pabirong sagot nito.

“Close na sila ni Terence, kung sana ako ang adviser niya for thesis” sambit ni mark sa sarili niya.

One week before ng per-final defense ng thesis ay pumunta si Lheign sa faculty room para magpa-advice kay Sir Terence.

Lheign: “Good afternoon mam, pwede po kay Sir Terence?” magalang niyang tanong.

Narinig agad ni Mark ang boses ni Lheign mula sa kinauupuan niya.

Secretary: “Sir Terence, andito yung makulit mong estudyante” pang-aasar nito.

Agad namang tumayo si Terence sa upuan niya at sinenyasan si Lheign mula sa labas na pumasok ng faculty room.

Lheign: “Good afternoon sir, mangungulit uli” nakangising saad nito.

Sir Terence: “Ayoko nga!!ahahaha” biro niya.

Napansin ni Terence ang bagong buhok ni Lheign na pinakulot ng konti ang bandang baba.

Sir Terence: “Aba!!Ms. Liamares, bago ang hair mo ngayon..mas bagay sa’yo” pang-aasar nito.

Lheign: “Naku Sir!!wala akong pera” ganti naman nito.

Sir Terence: “Totoo naman, di’ba Sir Mark?” dugtong nito.

Sir Mark: “Oo!!dapat ganyan ka palagi, bagay sayo” dagdag nito.

Lheign: “Hay naku mga sir!!wala po akong pera!ahaha” pabirong sagot nito.

Napagpasyahan ni Lheign na maging casual na lamang sa pakikitungo kay Sir Mark dahilan sa parang ganun din naman ito sa kanya. Kaya naman pinipilit niyang di mag-paapekto sa sakit na nararamdaman nya kahit na parang dinudurog ang puso niya sa pagpapanggap na ginagawa niya at sa ginagawang pagbalewala sa kanya ni Mark.

"My HotThrob Teacher"Where stories live. Discover now