CHAPTER 9

3K 31 0
                                    

Kinabukasan..

        Nagising si Lheign na parang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya dahil sa naalala niya ang nangyari nang nagdaang gabi ngunit pilit niyang iniisip kung paano siya napunta sa kwarto niya.

        Nagulat si Lheign ng marinig niya ang malakas na tawa ng mommy niya kaya agad siyang naghilamos at nanakbo pababa.

Lheign: “Mom!!ang ingay nyo..sino ba kausap niyo?” sabay silip sa nakaupo across the dining hall.

        Napaupo si Lheign sa sahig ng makitang si Mark ang nakaupo doon. Tumayo naman si Mark at tinulungan si Lheign mula sa pagkabigla.

Lheign: “Anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong nito.

Mark: “Dinalhan kita ng breakfast” sagot nito at ngumiti ng nakakaloko.

Lheign: “Bakit?anong nakakatawa?!!” tanong nito.

        Sabay turo ni Mark sa buhok nitong ni Lheign na hindi pa nasusuklay.

Lheign: “Ay!!nakakahiya” sabay takbo paakyat sa kwarto niya.

        Inayos ni Lheign ang kanyang sarili at agad na bumalik sa dining hall para itanong sa kaniyang mommy kung paano sila nagkakilala ni Mark.

Lheign: “Mom!, paano kayo nagkakilala ni Mark?” nagtatakang tanong nito.

Mommy Marissa: “To make the long story short, hinatid ka niya kagabi dito kaya ko siya nakilala” sagot nito.

Mark: “Lheign, dinalhan kita ng tocino at garlic rice” aya nito.

Mommy Marissa: “Naku anak!mukang mananaba ka sa boyfriend mong ‘to” sambit nito sabay tawa.

Lheign: “Mom!!paano mo nalaman yan?” tanong nito.

Mark: “Sinabi ko princess” sagot nito sabay kamot sa ulo.

Lheign: “Grabe ka talaga mom!!” nakangiting sambit nito.

Mommy Marissa: “Why? Sige na kain na honey” aya nito.

        Kumain sila at nang matapos silang kumain ay nagpaalam na sila kay mommy marissa at sinabay ni Mark si Lheign at sinabing ihahatid niya rin ito pauwe.

        Habang nasa byahe sila ay hindi maiwasan ni Lheign na maalala ang nangyari ng nakaraang gabi kaya naman napapangiti siya na ipinagtataka naman ni Mark.

Mark: “Bakit nangingiti ka dyan?” nagtatakang tanong nito.

Lheign: “Wala lang” sagot nito.

Mark: “I love you princess” lambing nito.

Lheign: “I love you too prince” malambing na sagot nito.

        Binaba na lang ni Mark si Lheign sa tapat ng site dahil sa late na rin ng 15 minutes si Mark sa 1st class niya.

       

        Last class na ni Mark before lunchbreak pero, before pumasok si Mark doon ay nagtext siya kay Lheign pero, hindi ito nagrereply. “Siguro busy” kaya naman napagpasyahan niya na pumasok na sa klase niya.

        Nang makapasok siya sa klase niya ay laking pagtataka niya ng parang nakangiti ng nakakaloko ang lahat ng estudyante niya.

Mark: “Yes class..may problema ba?” tanong niya.

Class: “Wala naman po Sir” sagot nila.

Mark: “Ok!Let’s start the class” sambit nito.

Student 1: “Sir!!Can I ask a question?” tanong nito.

Mark: “Ano naman yun?” nagtatakang tanong nito.

Student 1: “May girlfriend nab a kayo Sir?” tanong nito.

        Nagulat naman si Mark sa tanong nito at napangiti na lamang ng maalala si Lheign.

Mark: “Bakit mo yan natanong?” nakangiting sagot nito.

Student 2: “Uyyy..si Sir iba ang ngiti” pang-aasar nito.

        Matapos ang pang-aasar ng kaniyang mga estudyante ay nagulat si Mark nang manahimik ang mga ito at biglang may babaeng tumayo at tinitigan niya ito. Si Lheign at nakasuot pa ng uniform ng mga estudyante sa school nila.

        Kumaway ito sa kanya mula sa likuran at ngumiti ng matamis sabay labas ng mikropono at kumanta.

I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
Oh all I wanna do is grow old with you

I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you

I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold

Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you.

        Hindi mawala ang ngiti ni Mark sa buong kanta ni Lheign at hindi naman tumigil sa paghiyaw ang kaniyang mga estudyante sa sobrang kilig.

Lheign: “I love you” sambit nito matapos ang kaniyang kanta.

        Lumapit kay Mark at ibinigay dito ang isang maliit na box at nang buksang ito ni Mark ay isang white gold na plain bracelet at may naka-engrave na “My Princess: Lheign” nagtaas siya nang tingin at ibinuka niya ang bibig niya at sinabing “Thank you”.

        Itinaas naman ni Lheign ang kaparehong bracelet na ibinigay niya kay Mark na suot na niya at may naka-engrave naman na “My Prince: Mark”.

Class: “Kiss…Kiss” sigaw ng mga ‘to.

Mark: “Class..enough” saway nito.

Lheign: “Wag!!baka ma-osa kami” biro niya.

(OSA – office of student’s affair parang guidance councilor)

        Nag-antay si Lheign na matapos ang klase ni Mark para sabay silang mag-lunchbreak. Hindi alam ni Mark ang gagawin dahil sa naiilang siya sa presensya ni Lheign na alam niyang nakatingin sa kaniya.

        Tapos na ang klase ni Mark ng bandang 12:00 pm kaya naman lumabas sila ng school dahil meron namang isang oras na lunchbreak si Mark.

"My HotThrob Teacher"Where stories live. Discover now