Gangster's In Disguise

By TheLostPrincess13

3.6K 319 86

Ace,Zero,Zeon. Tatlong pangalang kinakatakutan. Tatlong gangster na itinadhana para magsama sama. Tatlong kil... More

Prologue
Gangter's In Disguise
Chapter 1: GID - The Three
Chapter 2: GID - The Doubts
Chapter 3: GID- The 3 Gangster's Met
Chapter 4: GID - Hey! What Happen
Chapter 5: GID - I see her again
Chapter 6: GID - Trouble
Chapter 7: GID - Happy Birthday Zeon!
Chapter 8: GID - Missing in Action
Chapter 9: GID - See you soon
Chapter 11: GID - Don't Test Me
AUTHOR NOTE

Chapter 10: GID - Treasure the moment

126 12 6
By TheLostPrincess13

Chapter 10: GID - Treasure the moment


BLAIRE's POV

Hindi ko alam kung paano papatigil sa pag-iyak tong batang 'to. Iniwan ba naman sakin, ni hindi ko nga kilala yung babaeng nang-iwan sakin, pero kilala niya ako.

Napakamot nalang ako sa ulo at pumunta sa harapan ng bata saka umupo para mapantayan siya.

"Shhhh wag kana umiyak please, baka akalain kasi nila pinapaiyak kita" sabi ko habang pinupunasan ang luha sa mukha niya

"*sobs* ayaw *sobs* mo *sobs*ako samahan *sobs* sa *sobs*---"

"Zeona!" sigaw ng isang lalaki. Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw na yun, parang pamilyar sakin yung babaeng kasama niya hmm.

Napalingon na din ang bata sa lalaking sumigaw at agad na tumakbo ito.

"Ooppsss teka--"

Agad na nakawala ang bata sa pagkakahawak ko at tumakbo papalapit sa lalaki.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Nakatingin lang ako sa kinaroroonan ng lalaki at ng bata.

"Beshy, bakit mo siya kasama?--"

"Ay pala--ka! Woaaaah is that you Sophi--"

Anak ng! di ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Sophia,wait baka namamalikmata ako siya ba 'to? O___O

"Yes beshy ako to, at bakit parang gulat na gulat ka?" sagot niya saka isinuot muli ang eyeglass niya.

"Hmm.. ah-ehh" napatingin ako muli sa kinaroronan ng lalaki at nung bata, magkayakap sila. Tsk drama, binalik ko muli ang tingin ko kay Sophia. "Ahh kasi-- may nagpabantay sa kanya na babae" sagot ko saka hinawakan ang strap ng bag ko.

Papalapit sa kinaroroonan namin yung lalaki kasama yung bata. Napalunok ako, sh*t ang hot niya--erase erase typo si Author, sh*t 'di ba siya yung.....

"Hoy beshy! kinakausap ka niya" bulong ni Sophia with matching siko sa tagiliran ko tsk, nagising ang diwa ko nasa harapan ko na pala yung lalaki. Napalunok muli ako, nakatingin lang siya sakin.

Why so cold? ang lamig ng mga mata niya. Tinignan ko yung bata at sinimangutan lang niya ako. Ibinalik ko muli ang tingin sa lalaki ngayong nasa harapan ko.

"Ah eh-- ano na ulit yun?" tanong ko pero kay Sophia ako napatingin. Nakagat ko nalang ang gilid ng labi ko aisssshh tignan mo nga naman kung sinuswerte.

"Siya ang kumakausap sayo baliw haha" sagot ni Sophia saka tinapik ako sa likod. "Una na ako, may aasikasuhin pa ako" dagdag pa niya.

"Tek--"

Ngumiti nalang siya saka tumalikod at naglakad. Napayuko ako at huminga ng malalim.

"Wait teka teka bitawan mo ko!" sabi ko, bigla bigla nalang kasi siyang nanghihila. Uso naba hilaan ngayon? bakit di ako nainform.

Arrghh patuloy lang siya sa paghila sakin, dibale buhat buhat ng isang kamay niya yung bata at yung isa naman hawak hawak niya kamay ko at eto hinihila niya ako.

"Hoy ano ba! bitawan mo ko sabi eh!" sigaw ko pero patuloy pa din siya sa panghihila sakin. Sinusundan kami ng tingin ng mga estudyanteng nadadaanan namin arghhhh nakakainis na 'to ah.

Sadyang bingi ba talaga to o nagbibingi bingihan. Pinilit kong makakalas sa pagkahawak niya sa kamay ko pero masyado siyang malakas.

"Isa! sinabing bitawan mo ako ano ba?!!!" mas malakas na sigaw ko. Tumigil naman siya at ibinaba ang bata pero hawak hawak pa din niya kamay ko.

"Arrghhh bitawan mo ko sabi eh!" dagdag ko muli.

Nakakainis lang kasi eh, nung una may humila nanaman sakin pero mas malala to tsk. Naalala niyo yung lalaking binato ko ng coke-in-can? psh

Hinila niya ako saka niya ako mahinang itinulak sa pader. He pinned me on the wall. Parang lang iyong sa mga napapanood ko sa mga movie tapos hahalikan nung lalaki yung babae. Aissh ano ba tong sinasabi ko Tsk.!

Ilang metro lang pagitan namin, nakatitig lang siya sakin. Napaiwas ako ng tingin, rinig na rinig ko ang pitik ng puso este rinig na rinig ko ang paghinga niya.

Tumingin muli ako sa kanya, ngumisi siya. Mas inilapit pa niya ang mukha niya. Napalunok ako ng dahan dahan.

Nakailang lunok naba ako ngayon. Aircon please!!!.... ramdam na ramdam ko na din na pinagpapawisan ako. Sh*t gusto ko siyang sipain kaso ayaw magreact ng katawan ko.

Arghhhhhh katawan ko naman 'to pero bakit hindi nila ako sinusunod.

Inilapit pa niya ang mukha niya, waaaaahhh konti nalang. Ipinikit ko ang mga mata ko. Heto na..Heto na...

"Kuya!!!!! don't do that!" sigaw ng bata at agad kong iminulat ang mga mata ko. Sabay kaming napalingon sa bata, nakakunot na ang noo nito at nakacross arm pa. Sh*t muntikan na! good lil kiddo, I owe you this time.

Agad niya akong binitawan at lumapit siya sa batang babae. Nakahinga ako ng malalim. Kyaaah muntikan na talaga pero sayang yun muntikan na--aissshhh waah ano ba tong pinagsasabi ko. Sinampal ko ng dalawang beses ang noo ko

"Awww" mahinang sabi ko. Masakit pala hehe ^_^V

"Oh he-he bakit kayo nakatingin sakin?" tanong ko sa kanila. Pareho pa sila ng facial expression pfft ang cute nila, magkapatid ba sila?

"Tsk." sabi ng lalaki. Siya si birthday boy. Huehue alam ba niya kaya na ako nagsulat nun?

Tangeks pano sana niya malalaman? Aisst tanga lang Blaire!

Lumapit sakin yung batang babae saka hinila ang kamay ko palapit sa lalaki este kapatid pala niya kasi kinuya niya kanina. Aba tignan mo nga naman magkapatid nga talaga, hilig nilang manghila.

Binitawan ng batang babae yung kamay ko. Nakatingin lang sakin yung lalaki. Napakamot ako ng ulo saka napa crossfinger sa likod huehue.

"Sinabi mo na?" tanong ng lalaki.

"Huh ang ano---" sagot ko, pero narealize ko na hindi pala ako ang pinagtatanungan niya ng marinig kong sumagot ang kapatid niyang babae.

"Pfffttt" pigil tawa ng bata at inirapan ko lang siya pero ngumisi lang.

"Hmmm, hindi pa kuya." sagot ng bata saka tinignan niya ako witch matching hawak sa baba.

Hayys what ever. "Una na ako" walang gana kong sabi saka tumalikod pero hinila lang ako ng lalaki.

Napatingin ako sa kamay ko at agad naman niyang binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"What?!" inis kong tanong habang nakatingin sa kanya, pero iniwas niya ang tingin niya, nakatingin lang siya sa kapatid niyang bata.

"Treat mo kami ni Kuya ng ice cream!!" sabi ng batang babae saka nagpuppy eyes.

Oo cute tong bata, awww parang natunaw na ako mas cumute pa tong batang 'to sa paningin ko.

"Sure!" agad kong sagot sabay thumbs up. Nag-apir naman ang magkapatid.

WAIT!!! teka teka!!!bakit ako umoo!!! takte hindi ko kontralado sarili ko.!


ACE's POV

Its kinda boring aisssh. Inilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko, san nanaman ako pupunta?tapos na klase ko. Boring naman -_-

Napatingin ako sa mga estudyante na nasa kubo. Masaya silang nagkwekwentuhan at nagtatawanan, while eating ice cream. Hindi ko namalayan na nakangiti na din pala ako pero agad ko ding itinigil yun.

Nandito ako ngayon sa park ng school naisipan kong pumunta muli rito,dito ako dinala ng mga paa ko pagkalabas ng laboratory room. Umupo ako sa swing at dinadama ang hangin.

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko, naalala ko tuloy mga kaibigan ko. Nasan naba ang mga gunggong.

"Oh siya na ata yun?"

"Tara na--"

"Wait mga gago, may nakalimutan ata ako"

"Alam ko! chixx mo"

Tignan mo nga naman, naisip ko lang sila tapos ngayon maririnig ko na ang mga boses nila.

"Tignan mo tol, may pinagdadaanan ata si Ace. Nakapikit pa amp!"

"HAHAHAHA kaya nga tol, walang pagbabago!"

"Woah tol wait parang naging mas malinis siyang tignan."

"Woaaah inspired?"

Ganito ko naba sila namiss? takte ambakla pakinggan. Mas lalong lumalakas ang boses nilang naririnig ko, pero parang totoong nandito sila.

Agad kong minulat ang mga mata ko at papalapit sa kinaroroonan ko ang apat na lalaki. Sh*t kinusot kusot ko ang mga mata ko. Totoo pala, totoong nandito sila.

"Oh tol Ace, hoy haha" sabi ni Ethan saka nagwave sa harapan ko.

Hindi parin ako nakapaniwala.

(Tok)

Napahawak ako sa ulo ko saka sila tinitigan ng masama. Mambatok ba naman aissh. Hindi nga ako nanaginip at nagdedaydream.

"Hahaha namiss namin yang mga ganyang tingin mo Ace" tugon naman ni Kyle saka ginulo ang buhok ko, agad ko naman inayos yun.

"Menopausal stage ka pa din tol?" dagdag naman ni Ethan at nakipag apir kay Dylan.

Nagtawanan silang apat at ako nakatingin pa din ng masama sa kanila. Matutuwa ba ako kasi nandito sila o maiinis kasi ako nanaman trip nila.

Tumayo ako at naisipang walk-outan nalang tong mga 'to tsk. Agad naman nila akong pinigilan kaya naupo ulit ako sa swing.

"Paano kayo nakapasok?" tanong ko.

"Pati boses ba naman Ace ganyan pa din, hindi pa din matatalo ng yelo yang kalamig ng boses mo" sabi naman ni Dylan.

Napakunot nalang noo ko, aisssh. Imbes na magsaya kami kasi nagkakasama muli kami pero hindi eh.

"Just answer my question" tanong ko muli at nagkatitigan silang apat at lumapit sakin.

"Kami pa! gagawin namin lahat makita ka lang" sagot ni Ryan at nagsitanguan naman ang tatlo.

Ngumiti lang ako saka tinulak ang mga mukha nila isa-isa. Masyado ata akong namiss ng mga gago. Nagtawanan lang kami pagkatapos nun.

Sila pala kaibigan ko, si Ryan (Suho), Kyle (Baekhyun) , Ethan (Kai) at Dylan (Tao). Kaibigan/gang mate ko dati. Hindi pa din sila nagbabago, napangiti nalang ako sa hangin. Mabuti at nalaman nila na dito ako nag-aaral.

Ayaw din nila nun na lumipat ako pero wala silang magagawa kasi buo na ang desisyon ko sa mga panahong yun. Panahon na gustong makalimot at maalis ang sakit sa dibdib.

"Oh ano dito nalang ba tayo? hindi mo ba kami ipapasyal dito" mapang asar na sabi ni Ethan habang nakahawak ang isang kamay sa baba niya.

"Pffttt pangit mo talaga Ethan!" pambara naman ni Dylan at tinulad ang posisyon ni Ethan.

Nagsitawanan lang kaming lima. Tagal ko na din silang nakasama, mabuti ini activate ko muli ang facebook account ko kagabi at nagkausap-usap muli kami. Hindi ko inaasahan na pupunta sila ngayon dito.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at yinaya sila na mag-ice cream muna kami.

*-

"Miss isang rocky road na ice cream, yung pinakamasarap ha" sabi ni Dylan sa waiter saka niya ito kinindatan. Napailing nalang ako. Nagulat ata yung waiter sa ginawa ni Dylan.

"Strawberry naman sakin" dagdag naman ni Ethan habang busy sa pagtatype. Busy sa pagtetext malamang katext nanaman niya si Katrina, gf niya.

"Chocolate naman sakin" tugon naman ni Kyle saka ibinaba ang order book.

"Chocolate na din sakin" saad naman ni Ryan habang nagmamasid masid sa paligid, as usual naghahanap nanaman iyan ng lalandiin -_-

"Sir ikaw po ano order niyo?" tanong sakin ng waiter.

"Yung pinaka the best niyo dito" sagot ko at napatingin sakin ang apat kong kaibigan."Problem?" tanong ko sa kanila pero patay malisya sila at balik sa sarili sariling mundo.

Umalis na ang waiter. Napalingon lingon ako sa paligid. Naibaling ang atensyon ko sa isang babae na nakaupo habang pinaglalaruan ang kutsara na nasa bowl. Hindi ako maaring magkamali si Zyana yun.

Nanatili akong nakatitig sa kinaroroonan niya, akala ko ba ayaw niya ng ice cream? napahawak ako sa baba ko habang nakatingin parin sa direksyon niya.

Hindi ko namalayan na nahuli na pala ako ng mga kaibigan ko na nakatingin sa direksyon niya.

Nagkumpulan silang apat sa harapan ko at hindi ko na makita si Zyana -_-

"Problem?" tipid kong tanong habang nakatingin sa kanila.

"Sino yung tinititigan mo ha?" tanong ni Ethan

"Chixx ba tol?" sabay na sabi ni Ryan at Dylan

Nagtawanan silang apat at bumalik sa kani-kanilang upuan. Hindi ko sila sinagot, tinignan ko muli ang spot kung san siya nakaupo kanina kaso wala na siya.

Napabuntong hininga ako.

"Mga sir, eto na po mga order niyo" sabi ng waiter saka inilapag isa-isa ang kanya kanya naming order.

Tama na muna ang pag-iisip ko sa kanya. I will just treasure the moment right now, a moment with my friends not with her.


ZYANA's POV

Kanina ako dito sa ice cream shop, masarap ang ice cream nila dito. Namalayan kong kanina ko pa pala pinaglalaruan 'tong kutsara na nasa harapan ko. Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko. Makapunta nga muna ng CR bago umattend ng next class ko hayyss.

"Kuya im done" sigaw ng batang babae na nasa katabi kong cubicle kung nasan ako.

Lumabas ako saka pumunta sa washing area, inilabas ko ang lipstick ko at nilagyan ng konti ang labi ko. Mabuti nalang walang ibang tao dito, maliban sa batang babae.

"Kuya naman eh, im done na!" sigaw muli ng batang babae. Napatingin ako sa pintuan sa labas. Yun ata yung kuya niya.

Sumenyas siya kung pwede ba siyang pumasok, tumango naman ako saka ngumiti. Ibinalik ko na sa bag ko ang lipstick ko at lumabas ng CR.

Napabuntong hininga ako, siguro wala naman ng kamalasan at bagong mangyayari ngayon na masama.

Tuluyan na akong lumabas ng ice cream shop

-Bell Ring-

Napatingin ako sa wristwatch ko at sakto oras na para sa susunod kong klase. Naglakad na ako papuntang room.

Pagdating ko ng room, tanging sarili ko lang ang nandirito. Bakit walang estudyante? Umupo ako sa harapan, baka nalate lang sila.

After 30 minutes....

Lumabas ako ng room at nakita ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa isang sulok. Paglakad ko ramdam ko nanaman ang mapanghusgang tingin sakin ng iba.

"Siya yun diba? kawawa naman"- girl 1

"Oo siya nga, siya nanaman siguro biktima nila Samantha"- girl 2

Napatigil ako sa tapat nila saka ako lumingon at agad naman silang natigilan at tumakbo paalis.

Samantha? sino siya? -_-

Naglakad muli ako papalapit kung san nagkukumpulan ang mga estudyante.Lumapit ako doon at nakipagsiksikan na din.

WTH! ano nanaman bang nagawa ko? at may picture pa talaga ang nangyari kanina, yung nabuhusan ako ng tubig at balahibo ng manok. Agad kong hinablot ang mga larawan na nakapaskil at linukot ito.

Nagulat naman ang lahat ng nandun dahil sa ginawa ko, agad akong umalis dun. Wala akong panahon para pag-aksayahan ng oras ang sinasabi nila.

Napakuyom nalang ang kamay ko at itinapon ko sa basurahan ang mga walang kwentang litrato.Naisipan kong umuwi nalang muna. Masyadong maraming nangyari ngayon at hindi na maabsorb ng utak ko.

*-

7:00 PM

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, agad akong bumangon.

*Tok tok tok*

"Bukas yan, pasok" walang gana kong sagot at bumalik muli ako sa pagkakahiga. Ipinatong ko ang unan sa mukha ko.

"Hija, dinner is ready"

Si mommy lang pala.

"Hmm mom, antok pa ako" sagot ko

Umupo siya sa tabi ko at inalis ang unan na nasa mukha ko. Napapikit ako, dahil sa liwanag ng ilaw.

"Hija, pwede mo naman siguro pagbigyan si Mommy. Kahit ngayon lang anak, sabay tayong kumain. Namiss na kita" malungkot na sabi ni Mommy habang nakahawak sa kamay ko.

Agad naman akong bumangon saka siya yinakap. Alam kong pinipigilan lang niya ang mga luha niyang gustong bumagsak.

"Hsssshh dont cry mom, Iyah is happy now" sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya. Hinaplos haplos ko ang likuran niya. Kumalas siya sa pagkakayakap at hinalikan niya ang noo ko saka siya ngumiti.

"Kain na tayo nak, baka lumamig yung niluto ko. Favorite niyo pa--favorite mo pa naman yun" nakangiting sabi niya. Ngumiti nalang din ako bilang sagot.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at sabay kami ni Mom na pumunta sa dining area.

- - - - - - - - - - - - -

Hey guys ano pala para mas mafeel niyo.

Clyde (Jin)

Tyler (Suga)

Mark (Rapmonster)

Lance (J-hope)

Yun lang :* heto na promise ko. Sana nagustuhan niyo. Happy weekends gals :*


Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 394 25
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
3.3K 327 16
- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to c...
19.9K 800 28
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
67.8K 1.9K 47
BINI ships Oneshots Compilation.