Operation: Destroy Thomas Tor...

Autorstwa TeamKatneep

445K 6.7K 1K

He’s too hot to handle. But is she too cool to resist? Ara hates Thomas. And the feeling is mutual. Pero isan... Więcej

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Prologue

42K 252 26
Autorstwa TeamKatneep

Prologue

 

Ara

May, 2011: (1st day of Enrollment)

Hinihingal na ako sa kakatakbo papuntang Taft. Ano ba ‘to, sinisipon pa ako. Bwiset na panahon kasi eh, umuulan pagluwas ko sa amin kanina tapos pagdating ko dito, sobra-sobrang init. Napaka-sensitive pa naman ng ilong ko. Tama kaya ‘tong ginagawa ko? Dapat kasi dun na lang ako mag ka-college sa Angeles University Foundation eh…. pero sayang rin naman ang opportunity ko dito sa La Salle. Hindi kaya basta-basta ang nakakapag-aral dito. Isa pa, nakapasa naman ako sa exams nila at ang pinaka-best part, magiging kasali ako sa DLSU Lady Spikers! OMG!!! Idol na idol ko pa naman silang lahat!

Nako, Ara! Tama na muna ang pagde-daydream! Kailangan mo nang pumasok sa DLSU ngayon para makapag-enroll! Sinunod ko naman ang payo ko sa aking sarili at nagmamadali na akong tumakbo papunta sa loob. Kaso pagpasok ko, oh knows! Sobrang laki, hindi ko alam kung saan ako dapat unang pumunta. Buti na lang may sign! Hehehe…. Dapat kasi nagbabasa ako. Ayon sa instructions, kinakailangan daw munang pumunta sa Admissions Office. Buti na lang may nakalagay na sign, kaya sinundan ko na lang.

Lakad ako nang lakad hanggang sa matagpuan ko na nga ang office. Kaso, ang daming tao! Mga froshies ata ‘to lahat. Aabutin yata ako ng gabi dito. Pero di bale, marami namang gwapo na nasa linya. Mag-eenjoy na rin ako kasi may vitamins na ang aking mata. Hehehe… nakipila na rin ako sa napakahabang pila ng mga studyante. I’m so happy at dito ako mag-aaral! Paniguradong marami akong magiging inspirasyon kapag ganito ka-gwapo ang mga magiging kaklase ko. Hahahaha

Nasira ang aking pag-de-daydream nang may kumalabit sa aking likuran. Paglingon ko, Oh My Gas!!! Tao ba talaga ‘tong kaharap ko o isang demi-god na bumaba dito sa lupa? Sobrang hot! As in sobrang gwapo to the highest level!!! At ang cute-cute pa ng mga mata niya… napaka-chinito! Mukhang naglalaway na ako on the inside.

“Tutunganga ka na lang ba dyan? Bilis-bilisan mo naman, kanina pa nag-move yung line oh. Tssss… sobrang tanga. Alam ko namang matagal na akong gwapo. Wagas kung makatitig.”

At tuluyan ngang nasira ang paglalaway este panghanga ko sa kanya. Aba, pasalamat nga siya at nagwagwapuhan ako sa kanya. Pa-minsa-minsan lang yata ako nagsasabi ng gwapo sa isang lalaki.

“Oh ano? Buong araw mo na lang akong titigan? Kung wala kang plano na mag-move, uunahan na lang kita.”

Mag-oovertake na sana siya sa’kin kaso agad ko siyang inunhan sa linya.

“Ito na nga. Sobrang arte mo naman. Tsk!” – Me

“Well you better stop staring. Tssss…” – Chinito

“Akala mo naman kung sino kang gwapo! Marami pa’ng mas gwapo sa’yo! Ang pangit mo kaya! Feeling!” – Me

“Pero admit it, na-gwagwapuhan ka sa’kin. Denial ka pa. Tssss…” – Chinito

“Kahit kailan, hindi ako na-gwagwapuhan sa’yo! Akala ko pa naman, magiging maswerte na ako sa araw na’to pero mas lalo yata akong minalas nang ikaw ang sumunod sa’kin! Lumayo-layo ka nga nang konti! Ang baho mo!” – Me

Hahaha, kabaliktaran yata ang sinabi kong mabaho at pangit siya. Sobrang bango nga niya, tagos na tagos sa nostrils ko. Ang sarap amoy-amuyin buong araw. Buti na lang nakatalikod ako at hindi niya makikita ang pagmumukha ko. *evil grin*

Kaso napilitan akong humarap ulit sa kanya dahil kinalabit niya ako.

“O ano?!” pasigaw kong bungad sa kanya

“May ballpen ka?” – chinito

“Ano naman sa’yo kung may ballpen ako?”

“'Pahiram nga!” At hindi pa nga ako sumasagot, agad niyang hinablot ang ballpen mula sa pagkakahawak ko.

“Hoy! Sinabi ko ba sa’yong pwede mong kunin ‘yan?” Ang kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking ‘to!  Tinarayan ko na talaga siya kahit bagong salta lang ako dito. Aba, pareho lang kami! Bagong salta rin siya dito kaya fair lang kami.

“Yung sipon mo kanina pa tumutulo. Tsss…”

Ngek! Nakakahiya naman!!! Wa-poise tuloy ako sa harapan ng demi-god na ‘to. Ang lakas pa naman ng loob ko na tarayan siya. But na lang, hindi niya na ako pinapansin dahil patuloy lang siya sa pagsusulat ng information echos tungkol sa kanya na i-susubmit sa office. Tumalikod na lang ulit ako sa kanya. Pagtalikod ko, nakita kong kanina pa pala nag-move ang pila kaya kami na lang dalawa ang naiwan. Ano ba ‘yan… nag-overtake na tuloy lahat ng stuyante sa’min. Tiningnan ko si chinito at mukhang hindi rin niya napansin ang biglaang pagkawala ng pila dahil busy pa rin siya sa pagsusulat. Pagkakataon ko na ‘to! Iniwan ko na siya at agad-agad akong tumakbo papunta sa loob ng office! Sa wakas, makakatakas na rin ako mula sa gwapo ngunit ubod ng sungit na lalaking ‘yun!

10 minutes later….

Whooo!!! Kaya pala ang bilis mawala ng pila kasi napaka-systematic ng mga taga-office. Dahil sa sobrang bilis, matapos ko nang matapos. Next step na ako! Ano na kaya ang nangyari sa masungit na ‘yun? Hmmpp… bakit ko pa ba siya iniisip? Wala akong paki sa kanya! Kailangan ko nang pumunta sa Registrar’s Office dahil ito ang nakasaad sa next step. Buti na lang may nakalagay pa ring sign para hindi ako mawala.

Lakad….

Lakad….

Lakad….

Sa wakas! Narating ko rin. Kaya lang, ang haba na naman ng pila. Narinig ko ang ibang studyante na nagrereklamong tatlong oras na daw silang nakapila.

3 hours?! Eh paano na lang kaya ako na kakarating lang? Malas talaga, tumingin ako sa mga taong nauna sa pila, baka may kakilala ako. Hehehe… pero sabi ko nga, bago lang ako dito kaya malamang wala akong kakilala. Pero teka, familiar yata ‘yung malapit sa unahan ah? Si Chinito? Paano niya ako naunahan? Bahala na nga, kailangan kong dumiskarte at magpakapal ng mukha kung gusto kong matapos agad ‘to at makauwi ako ng maaga. Lumapit ako sa kinatatayuan niya.

“Hi! Natatandaan mo pa ba ako? Ako ‘yung kasama mo sa line kanina!” Hahaha, pinasigla ko pa talaga ang boses ko at sobrang lawak pa ng ngiti ko sa kanya.

“Whatever. What do you want?” Ang sungit talaga. Kung wala lang akong kailangan sa’yo ngayon.

“Pwede bang i-singit mo ako? Kailangan ko kasing umuwi nang maaga dahil medyo malayo dito ang tinitirhan ko.” Pa-cute eyes pa ako, sana effective.

“Cutting is rude. Dun ka sa dulo. Tssss…”

Aba!!! Ang kapal ng pagmumukha. If I know, nag-cut lang din siya, kung tutuusin nga mas nauna pa ako sa kanya.

“Eh di ba sumingit ka rin? Mas nauna pa yata ako sa’yo kanina!” Nagsisimula nang uminit ang ulo ko sa kanya.

“For your information, kanina pa ako nakapila dito. Pinakiusapan ko lang ‘yung nakasunod sa’kin na bantayan muna ang place ko dahil may nakalimutan ako sa Admission’s Office. So please, do us all a favor at ‘wag ka nang manggulo dito. Dun ka sa huli ng pila. Alis!” Tinulak pa niya ako palayo. Humanda ka talaga sa’kin! Sana lang hindi ko maging classmate ang lalaking ‘to kundi, sira ang college life ko!

Wala na rin akong nagawa kundi pumunta sa dulo. At hindi pa talaga nakuntento ang malas na dumapo sa’kin… pagdating ko sa pinaka-dulo ng pila, nadagdagan pa ng 20 ka-tao. Ugh!!! Nakakaasar!

5 hours later…

Sa wakas! Malapit na ako… hindi na nga ako nag-lunch kanina kasi baka ‘pag iniwan ko ang spot ko, maunahan ako ng ibang studyante. Di bale nang hindi ako pinasingit ng demigod-sungit na ‘yun, nakaabot naman ako. Bwahahaha. Ako na ang susunod! It’s my turn!!! Kaso nang ako na, sinabihan ako ng assistant ng “Sorry, tapos na ang office hours. Bukas na lang ulit.”

“Pero sandali-”

Hindi ko na natapos ang susunod kong sasabihin dahil pinagsarhan nako. BWISET!!!! Bwiset ka talaga Chinitong Masungit na ubod ng pangit!!!! Sana kasi pinasingit mo na lang ako…. Nakakainis naman oh!

Sana hindi ko na muling makita ang pagmumukha ng lalaking ‘yun! Dahil sa kanya, sunod-sunod na malas ang dumating sa’kin! Isinusumpa ko talaga ang pagmumukha niya! Sana nga lang hindi na muling mag-krus ang mga landas namin! Ano ba ‘to, hindi pa nga ako nagsisimulang mag-aral dito pero may nakagalitan or rather, may kinaiinisan na agad ako. Eh kasalanan rin naman niya! Ipagdarasal ko talagang hindi na kami muling magkikita…  Positive lang ako sa isiping hindi na kami muling magkikita…. Ang laki kaya ng university na ‘to.

    

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

2.1K 191 34
Coming from a fresh heartbreak, Carla Andrea Mariano meets Buen Lavi Alcantara, her sister's best friend who happened to be her ex-bestfriend's ex-bo...
1.1M 42.9K 35
Love...does it really conquer all?
15.1K 465 8
Anya and Grae. Marriage is sacred. It is the combination of two people who are deeply in love with each other. Anya and Grae have been together for y...
223K 13.4K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...