My Husband Lost His Memory

By the_innocent

247K 3.3K 354

What will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Hu... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
EPILOGUE

CHAPTER NINE

8.7K 145 27
By the_innocent

Bestfriend Nyo oh si Sophia --->>

KIM'S POV

Nandito na kami ngayon sa bahay. Kasama ko na si Andrew pero... Sinama nya rin si Sophia, ayaw nya kasing sumama dito sa bahay ng hindi kasama si Sophia. Wala kaming nagawa kundi isama na lang sin yung babaeng yun pero Uuwi din naman yan mamaya kaya pinabayaan ko na lang. Wala rin naman akong magagawa eh.

"Andrew, ito ang bahay nyo nyo ni Kim.. Nasa taas si Baby Andrey yung anak nyo kaya lang tulog na sya, puntahan mo na lang mamaya sa kwarto yung bata."

Sabi ni Daddy na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin. Katulad ko ay masayang masaya din sya sa pag babalik ni Andrew, pero hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko kasi alam ko na hindi ito magiging madali para sa aming dalawa. Dapat kasi umalis na 'tong Sophia na 'to sama pa ng sama kay Andrew.

"Dito ang bahay ko? M-mayaman ako?"

"Oo Andrew, mayaman ka.. Only son ka lang namin ng mommy mo.Hindi mo na kailangan pa na mag trabaho bilang Janitor sa Kompanya nila Jansen. Babalik ka na rin sa University at itutuloy mo ang pag-aaral mo. Babalik sa Normal ang lahat."

"Sophia, Mapapagamot na natin si Intoy! Hindi ka na mamomroblema sa pera. Wag kang mag-alala tutulungan kita para gumaling si Intoy."

Niyakap ni Andrew si Sophia. Ouch ha! Grabe naman.. Talagang sa harap ko pa sila mag gaganyanan?! Okay lang namnamin mo na ang sandali nyong dalawa Sophia dahil ito na ang huling pagkikita nyo. At ano daw? Ipapagamot ni Andrew yung anak ni Sophia? Pero bakit naman? Hindi naman sya yung tatay nung bata eh! Eh di lumalabas na dalawa kaming asawa at dalawa rin ang anak ni Andrew?! Aba! Hindi naman yata tama yun!

"Teka nga Andrew.. Bakit ikaw pa ang aako sa responsibilidad ng tunay na asawa ni Sophia? At tsaka diba niloko ka lang ng babaeng yan?! Kung anu-ano ang ipinasok sa utak mo na puro kasinungalingan naman tapos eto.. Mabait ka pa rin sa kanya?! Ano ba naman yan!"

"Naiintindihan ko naman Sya Kim kung bakit nya nagawa yun dahil para kay Intoy naman ang lahat ng iyon.. Para sa anak nya, hindi ko naman pwedeng iwan na lang sila ng ganun na lang."

"Paano naman kami Andrew? Paano kami ni Andrey?! Eh mas mahal mo pa yata si Sophia at ang anak nya kesa sa amin ni Andrey na tunay mong pamilya!"

Lumapit sa akin si Jansen at hinawakan ang balikat ko, umiral nanaman kasi ang pagiging Annabelle Rama ko, syempre! Pamilya ko na ang usapan dito eh! Inaangkin ng iba ang asawa ko. At balak pa yata nila na tanggalan ng ama ang anak ko!

"Relax Kim.."

"Hay naku Jansen! Hindi!! Hindi ako makapag relax sa tuwing nakikita ko ang pag mumukha ng babaeng yan! Hindi ko kaya na may kahati ako kay Andrew. At tsaka dapat naman talaga ay umalis na yan si Sophia. Wala na syang dapat pang habulin kay Andrew. Hoy ikaw Sophia! Pampagamot ba ng anak mo ang kailangan mo? Magkano ba? Babayaran ko na lang basta wag ka ng mag papakita sa amin ni Andrew."

"Kim ano ba?! Wag mo namang ganyanin si Sophia! Pamilya ko na rin sila ni Intoy! Sya ang nag- alaga sa akin nung mga panahong nanghihina ako. Kung hindi dahil kay Sophia malamang ay wala na ako ngayon! Sa tingin mo sa ginagawa mo ay mapapalapit ak sayo? Hindi eh, hindi ko maintindihan ang ugali mo.Sa nakikita ko, parang nagsisisi na ako na pinakasalan kita!"

Nagulat ako sa mga sinabi ni Andrew. Ano daw? Nagsisisi sya dahil pinakasalan nya ako?! Di nga seryoso? Ang sakit naman nun. Sige na ako na masama tapos si Sophia na ang mabait! Hindi kasi ako naiintindihan ni Andrew. Gusto ko lang naman na bumalik sa dati ang lahat. Walang Sophia at Intoy. Kami lang naman talaga ang pamilya nya eh. Hindi ko naman basta basta na iiwan sa ere sina Sophia. Kaya nga nag offer ako ng pera para maipagamot ang anak nya. Bakit pati asawa ko ay kailangan pa nya? Sobra na talaga.

"Siguro nga.. Dapat na akong umalis. Tama naman si Kim, hindi mo kami pamilya ni Intoy. Kung tutuusin wala ka naman talagang responsibilidad sa amin eh. Kami lang ang magiging dahilan para masira ang pamilya nyo ni Kim."

Nye nye nye. Ang arte arte ng Sophia na yan. If I know nagpapaawa lang naman yan sa lahat ng tao dito. Pa Angel ang peg nya ngayon! Pero kapag kaming dalawa ang magkaharap. Mabangis pa sa Leon ang pagmumukha ng babaeng yan. Naloloka talaga ako sa kanya!

"Hindi! Hindi mo kailangang umalis Sophia. Hindi mo kailangang umiwas sa akin, itutuloy ko ang pag papanggap na tatay ni Intoy."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Andrew. Itutuloy nya pa rin? Hindi yata Amnesia ang meron 'to si Andrew. Maluwag na yata ang turnilyo. So ganun na lang yun? Kung ano na lang ang maisipan nyang gawin ay gagawin nya? Sabagay.. Mukhang si Sophia naman talaga ang mahalaga sa kanya eh. Mukhang hindi nya nga naiisip ang anak namin. Puro na lang Sophia, Sophia, Sophia!

"I can't believe this! Ano ba Andrew? Martir ka na ba talaga? Hindi naman pwede yang sinasabi mo?! Ako ang asawa mo! Hindi si Sophia. Si Andrey ang anak mo at hindi si Intoy!"

Pumunta ako sa bintana ng bahay para makalanghap ng hangin. Sobra hindi ko kinakaya yung mga sinasabi ni Andrew. Sya na lang talaga ang nag dedesisyon para sa sarili nya.Palaging nakabuntot si Sophia sa bawat desisyon na ginagawa nya. Seryoso, sino ba talaga sa amin ni Sophia ang asawa nya? Ah. Hindi, sino ba sa amin ni Sophia ang mahal nya? Ayoko ng ganitong sitwasyon sobrang hirap at gulo.

ANDREW'S POV

Alam ko na lahat sila ay naguguluhan na sa mga sinasabi ko. Pero kasi naman nahihirapan akong bitawan si Sophia, ayokong iwan na lanh sila ni Intoy. Naaawa ako sa kanilang dalawa. Sino na lang ang tutulong sa kanila kapag wala na ako? Paano na lanh kapag hinanap ako ni Intoy? Ano na lang ang mangyayari? Alam ko na malulungkot yung bata kaya dapat ay manatili ako sa tabi nya. Ang hindi ko maintindihan ay si Kim, bakit ganyan ang inaasal nya? Ayaw ba nyang tumulong kay Sophia. Hindi naman kasi sapat yung pera, dapat ay nasa tabi din ako nung bata.

"Pare, hindi kasi pwede yung gusto mo eh. Si Kim yung asawa mo at si Andrey yung anak nyo, kawawa naman si Andrey kung mawawalan sya ng tatay."

Sabi ni Jansen. Yung mga magulang ko naman ay nakatingin lang sa akin. Alam ko na hinihintay nila kung ano man yung magiging sagot ko sa sinabi ni Jansen. Si Kim naman ay nakatalikod pa rin sa akin at nakadungaw lang sa bintana.

"hindi naman mawawalan ng tatay si Andrey. Ako pa rin ang tatay nya.. Ang sabi ko lang ay itutuloy ko pa rin ang pag papanggap bilang tatay ni Intoy. Hindi naman mahirap intindihin yun diba?!"

"Ewan ko sayo Andrew! Kahit ano naman ang sabihin namin sayo ay hindi ka nakikinig. Puro Sophia Sophia Sophia lang ang laman ng utak mo. Sa gusto at sa gusto mo ay dito ka na titira sa bahay natin."

"Yun ay kung uuwi ako dito.."

Tumingin ako sa kisame, pero kahit nakatingala ako alam ko na lahat sila ay nakatingin sa akin. Lahat nga sila ay natameme sa sinabi ko eh. Seryoso ako, walang makakapigil sa mga desisyon ko.

"Anong ibig mong sabihin ha Andrew?"

Lumapit sa akin Si Kim. Nakakunot ang noo nya, hindi ko malaman kung naiinis sya o nagulat lang sya sa sinabi ko. Pero kasi naman.. Hindi pa nga bumabalik yung ala-ala ko mas lalo pa akong pinapahirapan ni Kim.

"Simple lang..Hindi ako hihiwalay kay Sophia."

"William ano ba, nakakahiya na."

Kumapit sa braso ko si Sophia at bumulong sa akin. Alam mo na nahihiya lang sya, pero hindi ko naman ginagawa 'to para sirain ang sarili kong pamilya syempre naman may pakielam pa rin naman ako kay Kim at sa anak namin. Ngayon pa ba ako aarte eh alam ko na nga ang buong katotohan. Pero hindi kasi ganun kadali yun eh. Si Sophia ang nag-alaga at nag pakain sa akin nung mga panahong wala akong mapuntahan. Kahit na wala pa rin akong maalala ay pipilitin ko naman na maging mabuting asawa kay Kim. Yun nga lang kasi.. Hindi ko pa kayang mawala sa tabi ko si Sophia.

"Alam ko naman na ayaw nyo kay Sophia pero please naman oh, wag nyo naman syang itapon na parang basura."

"Anak, kaya nga nag offer si Kim ng pera para maipagamot ang anak ni Sophia para patas na kayo. Tinulungan ka nya.. Tutulungan mo din sya."

Sabi ng Daddy ko. Akala kasi nila ay puro pera lang ang usapan dito. Syempre iba pa rin kung nasa tabi ako ni Sophia.

"Hindi nyo kasi naiintindihan eh! Hindi ko nga pwedeng basta basta na lang na iwanan si Sophia at ang anak nya!! Ang kukulit nyo talaga eh."

Hindi ko na napigilan pang sumigaw. Ang kulit kasi nila, kanina ko pa sinasabi na hindi ko nga sila pwedeng iwanan. Tiningnan ko sila isa isa. Si Jansen ay nakatingin lang sa akin, Si Kim naman ay tumalikod na sa akin at bumalik sa may bintana, Si Sophia ay nakakapit pa rin sa braso ko at mukhang kinakabahan. Si mommy ay nakatingin lang sa sahig. At si Daddy naman Ay nakatingala sa kisame.

"Mabuti pa kumain muna tayo, baka kasi Nagugutom lang si Andrew kaya nag kakaganyan sya."

Sabi ni Daddy. Pumunta na kami lahat sa dining area para kumain. Nasa kanan ko si Kim at sa kaliwa ko naman si Sophia. Nagkanya kanya na kami ng sandok ng pagkain na gusto namin. Nakaramdam tuloy ako bigla ng gutom. Naalala ko na hindi pa pala kami kumakain dahil nga sa umalis agad kami sa hotel.

"Subukan mo 'to/try mo 'to"

Sabay na sabi nina Kim at Sophia. Gusto kasi akong bigyan ni Sophia ng Nilagang baka pero si Kim naman ay kare-kare ang gustong ibibay sa akin. Ang hirap pala kapag dalawa ang asawa mo. Pero okay na din kasi dalawa ang nag-aalaga sayo, sa kabilang banda ay mali naman kasi syempre dapat ay si Kim lang asawa ko.. Sya kasi ang legal kong asawa.

"Tanggalin mo yan Sophia. Tumigil ka na sa pag-aalaga kay Andrew, kasi tapos na ang papel mo. Ako ang asawa nya kaya ako lang ang dapat na mag-alaga sa kanya."

Walang nagawa si Sophia kundi ang umiwas na lang. Wala naman kasing magagawa si Sophia dahil nga sa mas may karapatan sa akin si Kim. Ngumiti sa akin si Kim at pinunasan ang pawis na nasa noo ko. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na mapangiti sa ginawa ni Kim.

"Kumain ka na Hubby.."

"Hubby?"

"Ay oo nga pala, ang tawag ko sayo ay Hubby. Tapos ang tawag mo naman sa akin ay Wifey, yun ang endearment natin eh. Hayaan mo hubby tutulungan kita para maibalik ang ala-ala mo."

Tumango lang ako kay Kim. Tapos ay tumingin naman ako kay Sophia na nakatungo at tahimik lang na kumakain. Alam ko na napamahal na ako sa kanya kaya sya nag kakaganyan.. Parehas kami na hindi sanay sa bagong set-up namin at syempre sa mga taong nakapalibot sa amin pero wala naman kaming magagawa. Ito ang katotohanan. May responsibilidad ako kay Kim at hindi ko iyon dapat na takbuhan.

"What's your decision Andrew? Dito ka na ba titira sa bahay nyo ni Kim? Well.. I hope so."

Tanong sa akin ni Daddy na busy sa pagkain. Huminto ako sandali sa pagkain at uminom ng tubig. Tumingin ako sa kanilang lahat.. Mukhang ito na ang tamang oras para sabihin ko sa kanila ang naiisip ko. Siguro naman mas maganda 'tong naiisip ko at mukhang papayag naman sila. Wala na kasi akong maisip na paraan eh.

"Papayag ako na bumalik sa bahay na 'to sa isang kondisyon"

Lahat sila ay nag hihintay lang sa susunod kong sasabihin. Lahat sila ay nagpipigil ng hininga..

"Kung papayagan nyo na tumira din dito sina Sophia at Intoy."

A/N:

Mukhang One big happy family 'to ah. Hahaha! Hanggang dyan po muna. Sa tingin nyo papayag ba si Kim na tumira sa bahay nila si Medusang Sophia at Intoy?

Thanks for Reading alalalalove you!

Continue Reading

You'll Also Like

6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
529K 19.4K 55
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 Mint Academy Series #2 Have you ever tried to kill someone? have you o...
557K 29.8K 44
2017 WATTY AWARDS WINNER (THE STORYSMITHS) (Stay Awake #1) What would you do if the whole world falls asleep? After a night spent drinking with frien...