Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)

1.2M 17.1K 2.8K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: July 17, 2011


Chapter 10

Nang makalapit si Phoebe mula sa likod, hinagis niya yung gamit na kinuha niya sa bag niya.

"So as I was saying, hindi ba pwedeng hindi na lang cockroaches ang gamitin natin sa experiment? Kadiri kasi ---AYY Ano ba yun!' sabi ni Elisa ng may naghaggis ng plastic bag sa table nila.

"Excuse me, do I know you? Do you know her?" sabi ni Elisa sa dalawang kasama. "Miss whatever your name is, ano bang problema mo? Can't you see we're doing something important here?"

"Is this my hoodie?" sabi ni Harley habang akmang bubuksan yung plastic bag.

"What hoodie?" taas ang kilay ni Elisa

"No, it's for me!!!" malakas na boses na sabi ni Kent habang kinukuha yung plastic.

"What? At paano naman naging sa'yo—" tanong ni Harley

"Teka teka, wait, ano ba to? Sina ba siya? Anong hoodie" naguguluhang sabi ni Elisa.

"This is nothing, I always get a gift from her." Malamig na sabi ni Kent

"That is---"

Pero bago niya pa masabi na hoodie nga ito ni Harley, hinihila na siya ni Jhone.

"Ahh lika na Phoebe, Kent gift yan ni Phoebe sa'yo sensya na. Ikaw naman Phoebe hindi mo man lang binalot yung regalo mo."

"Ha?!" nagtatakang sabi ni Phoebe habang halos kaladkadin na siya ni Jhone papalayo sa table ng mga ito.

Nang medyo makalayo sila tska pa lang binitiwan ni Jhone si Pheobe.

"Hoy! Ano bang problema mo, sabi mo kanina hindi mo ako pipigilan tapos ngayong I've gathered all my strength and confidence tska ka magme-meddle?!"

"Anu ka ba?! Hindi mo ba narinig? Nagreact si Kent? Nagreact, Phoebe!!! Kanya daw yun! Hindi mo ba lam ibig sabihin nun?"

"Ha?! Na kanya yun? Eh di pinagyayabang niya na naman na fan niya ako! Diba?" Nagguguluhan si Phoebe

"Phoebe, ubod ka naman ng ewan eh! Can't you see? He cares!!!

"Cares? Ganun ba ang pagke-care?"

"Ah seriously Phoebe, you're too dense! Ayaw niyang malaman ng iba na ikaw ang kasama ni Harley kaya sinabi niyang kanya yung plastic bag na hinagis mo. Diba, ang laman talaga nun eh yung hoodie ni Harley?!"

" Talaga?!"

"Oo engot! Tapos ikaw gusto mo pang ibulgar yung sarili mo sa harap ni Elisa. Tara na nga, magCR na muna tayo at bumalik na sa classroom"

"Ano ba yun?! Fangirl? Bakit nyo naman pinagaagawan yang plastic na yan? Kilala nyo ba yun?" naiinis na sabi ni Elisa ng makaalis sila Phoebe at Jhone.

"Patingin naman Kent ng bigay sayo." Sabi ni Harley. Ang alam kasi niya, hoodie talaga niya ang laman nun. Hindi niya maintindihan kung bakit inangkin ni Kent.

"No." tipid na sabi ni Kent

"Ewan sa inyo, ang dami-dami niyong gifts from fans, simpleng supot pinag-aagawan?"

Pero walang imik yung dalawa.

"Ewan ko talaga sa inyo, nakakastress talaga maging celebrity, wait nga lang, I'll just refresh sa ladies room. Let's settle our experiment proposal after okay?" kinuha nito ang purse at naglakad palayo

Nang umalis si Elisa, tahimik pa din sila Kent at Harley. Nagpapakiramdaman.

May mga alam sila, mga hindi alam, at ayaw ipaalam sa isa't isa.

Alam ni Harley ang relasyon ni Kent at Phobe at ayaw niyang ipa-alam kay Kent ang nalalaman niya.

Alam naman ni Kent na si Phoebe ang kasama ni Harley kagabi pero ayaw niya ring malaman nito na alam niya na. Hindi naman alam ni Kent kung ano ang sasabihin dahil ang alam niya, hindi alam ni Harley na mag-asawa sila ni Phoebe.

ANG GULO.

Wala silang masabi sa isa't isa.

"Minsan Harley hwag ka naman masyadong mang-aagaw" panimula ni Kent.

"Huh?!" nagulat si Harley. Alam niya na ba? Sinabi na ba ni Phoebe?

"Pati regalo ko, inaangkin mo" biglang sabi ni Kent bago pa siya makapagreact.

"Ahhh hindi ah I just thought--"

"Sa susunod, humanap ka ng di pagmamayari na ng iba" parinig ni Kent

"Of course! I have everything I want now, on my own" sabi ni Harley, nagpaparinig din ito.

Hindi ineexpect ni Elisa na madadatnan niya din sa C.R. yung babaeng naghagis ng plastic bag kanina. At naulinigan niya pa ang pag-uusap ng dalawa.

"Ang hirap naman kasi mamili sa dalawang hottie na yun Phoebe. Hindi ko din alam gagawin ko kung ako ang nasa posisyon mo. Masarap ba pag-agawan ng dalawang artista" sabi ng boses mula sa loob ng cubicle ang siguradong kausap ni Phoebe.

"Baliw ka talaga Jhone" mahinang sabi naman ni Phoebe.

"Hey Miss!!!" sabi ni Elisa bigla

"Ha?" nagulat si Phoebe ng magsalita ito.

"What are you talking about? I'm sure it's about Kent and Harley.  As if naman kilala ka nila?" tanong ni Elisa kay Phoebe na naghuhugas ng kamay sa may sink.

"Ano? Kilala naman talaga nila ako eh,--" sabi ni Phoebe.

"Well, maybe they have known you because you were always tailing them. Delusional fangirl. Be thankful they were appreciative enough to accept your trashy gift"

"ANO?!" sobra kung makareact si Jhone na kalalabas pa lang ng cubicle.

"Tama na Jhone." awat ni Phoebe

"One advice! Stop being delusional. There are just some things that you can't reach. Acceptance ang sagot diyan hindi daydreaming." Sabi pa ulit ni Elisa bago lumabas ng C.R.

"Ah ang kapal naman nung bruhang yun! Kung alam niya lang na asawa mo si Kent at boyfriend mo si Harley" gigil na gigil si Jhone

"Huh? Anong boyfriend? " muntik ng matawa si Phoebe sa pinagsasasabi ng bestfriend niya

"Hahaha! Parang ganun na din yun hahaha, you promised you would go out with him eh. Kaya hangga't hindi mo tinu-turn down si Harley, parang magjowa kayo."

"Ano? Anong imbento yan? Hindi naman ganun yun!"

"Eh basta, makipag-ayos ka na lang kay Kent para maayos na ang lahat, sabihin mo na kasi na alam na ni Harley ang lahat, simple, pinapahirapan mo pa kasi ang buhay mo eh!"

"Simple eh di mas nagalit yun sa katangahan ko at nalaman ni Harley ang totoo. At kahit sabihin ko eh pano nga yun pag pinagkalat ni Harley na mag-asawa kami ni Kent? I can't just turn him down like that, Ken's angst is another problem pag nalaman niyang alam na ni Harley na may asawa ako. You know his pride"

"Ewan ko ba!!! Hayy! Pero kaasar talaga yung Elisa na yun kala mo naman kung sino?"

"Hayaan mo na. She doesn't know the truth."

After class, binilisan lang ni Phoebe maglakad dahil ayaw niyang makita ni isa man kina Harley at Elisa. Pero kapag minamalas nga naman saktong papalabas ang mga ito ng mapadaan siya ng section A. At dahil sa dami ng mga estudyanteng lumalabas, medyo natrapik ang mga tao.

"Look who's here again, miss delusional fangirl" malakas na sabi ni Elisa.

Badtrip, dapat pala hindi ko na lang minadaling lumbas!

Nagtitinginan na lahat ng nasa section A sa kanya.

"You know guys, what she's bragging in the ladies' room a few hours ago? She's finding it hard daw to choose between her two suitors: Kent and Harley? Can you believe this?" malakas na sabi ni Elisa.

"I didn't say that!!!" sigaw niya ng pagtinginan siya lalo ng iba pang dumadaan sa corridor.

"Sinabi mo yun, nahihiya ka lang dahil ako ang nakarinig. It such a shame dahil ako pa ang ang nakarinig ng mga fantasies mo?"

"I'm not!!"

"Stop this!" biglang sumigaw ang seryosong si Kent at dumaan sa pagitan nila.

Biglang nagkaroon ng hope si Phoebe. A while ago, sinalo ni Kent ang pagkakamali niyang muntik na pagbubulgar sa hoodie ni ni Harley, ngayon naman parang ipagtatanggol siya nito kay Elisa?

"So you know her daw Kent? Do you know this fanatical lady?

Pero hindi sumagot si Kent, umalis lang ito. Parang kandilang nauupos si Phoebe. Buong akala niya pagkakataon na para ipagtanggol siya ni Kent. Sobrang sama ng loob niya. Parang pinaglalaruan ang feelings niya simula kanina pang umaga.

"Okay miss."

"Bakit ba ganyan ka Elisa?" nagsalita naman si Harley.

"What?!" nagulat si Elisa ng magreact si Harley.

Naramdaman na lang ni Phoebe na inaakay siya ni Harley palayo sa corridor.  They actually get past Kent na mabagal na naglalakad. Nilingon pa ni Phoebe si Kent na nakatingin din sa kanilang dalawa.

"Ambait naman ni Harley sa mga fans"

"Oo nga! Ang swerte ni ate, kahit kung anu-anong pinagsasasabi niya tinulungan pa rin siya ni Harley"

Nagbubulung-bulungan pa yung mga tao na nakakasalubong nila ni Harley habang hawak hawak nito ang wrist niya. Nang malapit na sila makalabas sa shool grounds , tumigil si Phoebe.

"Sige na, baka may makakita pa sa'yo jan sa labas" sabi ni Phoebe kay Harley.

"Wala man lang thank you?" nakangiti pa ito.

"Thank you!"

"Napilitan?"

"Anu ba yan! Nagthank you  na nga eh! Sige na mauna ka na nga kasi baka may makakita pa sa atin na magkasama"

"Okay lang yun, di naman ako katulad ni Kent eh, kung hindi nga lang dahil sa'yo sasabihin ko na ikaw talaga ang kasama ko kagabi eh" mahinang sabi nito

"Huh?"

"Wala. Pero diba we're supposed to have a date? Kung ayaw mong--"

"Wah! AH! Oo na! Quiet! Wag ka ng maingay!!!" sabi ni Phoebe ng mukhang sasabihin ni Harley ng malakas ang sikreto niya.

"Okay!!!Let's go!"

"Pero pano kapag may nakakaita, mabuti nga kanina akala nila mabait ka lang sa akin eh"

"Okay lang yan!! I told you I don't mind the media. I could always deny everything naman eh."

"Ide-deny mo kapag na-issue ka sa akin ah?"

"Why? Do you still care for Kent? Sa sama nun?"

"Hey don't say that. I've been married to him for four years. Kahit masama yun, I grew fond of him"

"But does he care?"

"He does."

"Kelan?"

"Kanina nang--" ie-explain niya pa lang kay Harley na alam na ni Kent na sila ang magkasama kagabi ng magramdaman niyang nagvibrate ang phone niya. May nagtext.

PHOEBE. Go straight home.

Nagtext si Kent.  Kahit naiinis siya dito, nakaramdam siya ng ewan dahil minsan lang talaga ito magtext sa kanya.

"Bakit?" tanong ni Harley ng makitang nakakunot ang noo niya

"Ah may sakit kasi si ano, si manang Lourdes, kasambahay namin" pagdadahilan niya.

"Ay ganun?" parang nalungkot si Harley

"Oo eh, next time na lang tayo lumabas, para ano na rin, para hindi na rin ikaw masyado mainit sa mata ng media."

"Ow, okay ganito na lang, I'll call you anong number mo? Sulat mo dito." Sabi ni Harley habang binibigay ang isang notebook.

Wala siyang nagawa, sinulat niya ang number niya sa huling page ng notebook nito. Ilang sandali lang, naramdaman niyang nagvibrate na naman ang celphone niya.

"That's me. Save mo number ko ah, at hwag mo na rin ipagkakalat,okay?" seryosong sabi ni Harley.

"Sige na, punta muna akong C.R. Bye!!!" at hindi niya na hinintay si Harley, pumunta na siyang C.R. para mareplayan si Kent. Pero bago niya pa siya makaisip ng irereply dito, may text na naman na pumasok.

Please.

Gulong-gulo na siya kay Kent. Kaninang umaga, inaway siya at may binanggit pang divorce. Pagdating ng lunch, sinalo nito ang pagbubulgar niya sa hoodie ni Harley. Kani-kanina lang hindi siya nito pinagtanggol kay Elisa, pero ngayon, nagtetext ito sa kanya at may please pa?

Why?

Nagreply siya. Naupo muna siya sa isang cubicle habang hinihintay ang reply. Ilang minuto pa bago magvibrate na naman ang celphone niya.

"Mag-usap tayo sa bahay natin. We'll talk calmly I promise. Just go home."

Bahay namin? Calmly? Promise?

Lalo naman siyang naguluhan. Inis na inis siya dito pero parang kinikilig siya dahil pinapauwi siya ni Kent para mag-usap. Ilang minuto pa siyang nakatulala sa pintuan ng cubicle bago lumabas.

Naglakad ulit siya ng mabilis papapuntang village nila. Nang marating niya na ang mismong bahay nila ni Kent huminga muna siya ng malalim. Kinakabahan siya.

Kaya mo yan Phoebe, bakit ba ako kinakabahan?

Pagkapasok niya nakita niya agad si Kent sa living room.

"Let's go upstairs."

Sinundan niya ito hanggang sa taas pero napatigil siya ng papasok na ito sa kwarto.

"Akala ko ba mag-uusap tayo?" tanong niya kay Kent

"Yes, dito sa kwarto."

*later*

Note:

Awww hugs to everyone, pasensya na kung ngayon lang ang update at ang-tacky pa ng nangyari sa story. I hope I can have some more time to write. And I've been sad sa culmination ng HP. My childhood is gone :( haha. I shall have some motivation soon.  

Thank you for reading!!!

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 127 5
In a family of Lawyers, Zephyr took his own path and found himself studying Medicine in Southwestern University. He studied so hard to maintain being...
49.7M 950K 73
│PUBLISHED│ Tigers #1 Kyle Shinwoo
7.9K 414 43
-UNEDITED- Olivia Valencia is a famous actress and singer.she is 24 years old and also a heir of Valencia prime holdings.olivia has a big name in sho...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.