My Pervert Roommate (COMPLETE...

By fathomlessbeetch

8.8M 122K 11.4K

COMPLETED | NO BOOK 2 | NO SOFT COPY | NO COMPILATION | UNDER REVISION More

My Pervert Roommate
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 07 (Part 2)
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
JS Promenade Experience of MINE ♥
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
S'not an update. [Tanong niyo, Sagot ko. ♥]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Epilogue
LAST AUTHOR'S NOTE | FIN

Chapter 49

121K 1.5K 381
By fathomlessbeetch

Clyde's POV

“Sir, your meeting will start in 10 minutes. Are you ready?” Tanong ni Shei sakin, secretary ko.

“Yes. Si Mr. Rodriguez, nandun na ba?”

“Yes sir. Anyway, Ms. Montez will be—“

“Keiden!” Agad kong sinenyasan si Shei na lumabas na. Sumunod naman agad siya.

“What are you doing here, Trixie?”

“Wala lang. Na-miss na kita. Tara date?” Sabi pa niya sabay upo sa isang vacant seat sa harap ko.

“I can’t. I have an urgent meeting.”

“Tss. Sama ko.”

“No.” Sabi ko at tumayo na sa swivel chair ko. “It’s a serious meeting.” Napataas naman ang kilay niya at tumayo din para ayusin ang tie ko.

“The merger, eh?”

“Yes. Kaya umuwi ka na. Dadalawin na lang kita. Tska baka magselos si—“

“Shut up! LQ kami. Isa pa, urghhh! Change topic nga Sarossa.” Trixie will always be Trixie. Wala kaming relasyon. Hanggang kaibigan lang talaga kami. Isa pa—

“Oh anyway, have you heard about the Samaniego’s come back?” Agad naman akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

“Oh? Ba’t natulala ka? Gosh. It’s been 3 years Keiden. Wala ka bang balak umusad diyan?”

“Wala.” Sabi ko at lumabas na ng opisina ko. Tatlong taon. Tatlong taon akong nabuhay na wala si Selena sa buhay ko. Ni hindi ako nag girlfriend dahil umaasa akong babalik siya. Pero tangina lang talaga ang tadhana napaka-daya.. Tatlong taon na walang pagbabago sa buhay ko bukod sa ako na ang nag hahandle ng kompanya namin. Hindi na rin kasi kaya ni papa dahil may iba pang branch ang Sarrosa's Inc. Nagsubok akong bumalik sa pagiging "Clyde Playboy" pero sa bawat babae na nakakasama ko, si Selena lang talaga yung nakikita ko. Bawat pangbababae ko, nandyan lagi si Trixie at Sabrina para pigilan ako. Tangina lang talaga sa kadayaan ang mundo..

Tatlong taon na simula nung huling pagkikita namin. Sa TV at Magazine ko na lang siya nakikita. Sila ni Saturn. Alam kong wala akong karapatang magselos pero hindi naman sigurong masamang masaktan ako.. Hindi ko alam na magiging mabilis lang ang tatlong taon pero.. sa loob ng taon na yun, walang pagbabago sa nararamdaman ko sa kanya. Tss. Isang sikat na fashion designer na siya. Isa na din siyang kilalang model sa L.A halos tinitingala na siya ng lahat ngayon..

Kahit alam kong naka move-on na siya. Eto pa rin ako stranded sa kaniya..

Trixie's POV

Urgh. Buwisit talagang Sarossa yun. Napaka-sensitive pa rin pag dating kay Selena. Gosh. Hindi ko lubos maisip na tatlong taon kaming nagkasama ni Keiden pero wala hindi ko na talaga siya na-akit. In fact, ayoko na rin naman. Mas okay na sa ganito kami. CLOSE FRIENDS.

Halos ilang buwan ding hindi makausap ng matino si Keiden. Pasalamat siya at napagtiisan ko siya. Yung mga barkada niyang ewan wala ding magawa. Si Parker.. si Parker lang ang alam kong nakausap niya.. Halos ilang buwan kong pinasak sa utak niyang Keiden na yan na wala na talaga si Selena. Na masaya na yun sa buhay niya ngayon. Kaliwa't kanang babae ang nakikita kong kasama lagi ni Keiden. Hindi lang kaliwa't kanan! May harap at likod pa. Gosh! Halos mabaliw na kami ni Sabrina pero walang silbi dahil bumalik nanaman siya sa pagiging "playboy" niya.

Pati si Kriella na napaka-maldita. Halos hampasin na siya ng poste ng meralco matauhan lang. Pero wala, si Selena pa rin talaga.. It will always be her.. it will always be about her.. Kahit masakit sa mata yung sight ni Keiden na nagkakaganun, pare-parehas lang kaming walang magagawa. We can't dectate him.. his feelings.. Kaya hinayaan na lang namin siya hanggang sa dumating sa point na sinabi niya kay Tito which is her dad na gusto niyang siya na ang mag take over ng Sarossa's Inc na naka-base dito sa pinas. Atleast little by little he's going back to the old him.. old him when he's with Selena. Bwisit talagang babae yun. Masyadong malakas ang kapit dito kay Keiden. Ughhhhh!

Napatitig na lang ako sa mga picture frame dito sa opisina ni Keiden. Ang dami na talagang nagbago. Well, 3 years is a long time for everything to change. Pero isa lang ang hindi talaga nagbago.. Yung feelings ni Sarossa kay Samaniego. Sinong tanga ba naman ang makakapag move-on kung halos puro picture ni Selena ang nandito sa opisina niya?! Ugh! Pagpasok mo pa lang, isang malaking portrait picture na ni Selena ang bubungad. Pati sa table niya, ganun din. Kaya siya naka-move on eh. *sarcasm overload here* Nataranta naman ako nung biglang nag ring ang pang mayaman kong cellphone. Bwisit na tumatawag.

“Oh?” Tanong ko. Di ko na tinignan kung sino caller. Yaan siyang magpakilala. Tss.

[Babe..]

“Problema mo?”

[Sorry na kasi. Let me make it up to you--]

“Pakyu!” Sabi ko at inend na ang call. Bwisit na Drey yan. Dagdag sa stress ko. Ni hindi ko alam kung baket ko ba yan sinagot eh. Ni hindi ko nga alam kung baket.. Err! Isang taon din niya kong niligawan. Gad. Napilit lang talaga ako. As in naipit lang din ako. Sinong tanga ang mag kakalat ng kakornihan sa mall?! Syempre ayoko naman siyang mapahiya kaya um-oo na ko. Err. Fine! Mahal ko rin naman siya pero bwisit lang talaga! Puro siya let me make it up to you, let me make it up to you tapos.. URGHHHHH! Kailangan kong magpunta sa salon dahil nararadar kong nababawasan ang ganda ko.

Agad naman akong lumabas sa opisina ni Keiden. Oh well, at least nabalita ko na sa kanya na magbabalik na ang pinaka-mamahal niyang babae. In all fairness model at sikat na fashion designer na siya. Nagkalat ang billboards niya dito sa manila. Heck. Buti na lang ako tambay. Gosh. Ang ganda kong tambay talaga. Hinihintay ko kasi yung mga papers na kailangan ko dahil pupunta ako ng Montecarlo. Dun ako magtratrabaho para sosyal. Kaya for now, magandang tambay muna ko. Lumabas na ko ng Sarossa Inc. at dumiretso sa Mall..

Selena's POV

“Babe, tara na.” Sabi niya sakin at hinawakan ang kamay ko. Nginitian ko lang siya at niyakap.

“Okay. San ba tayo pupunta?” Agad naman niya kong pinitik sa ilong. Letche.

“Sa opisina mo.”

“Baket?”

“Kasi aayusin mo lahat ng dapat tapusin ngayon dahil bukas na yung flight natin pabalik sa pinas.” Ay shit. Oo nga pala. Sa sobrang busy ko kasi kakaisip ng mga bagay-bagay kaya nakalimutan kong bukas na nga pala ang balik namin..

Babalik ako dahil kailangan..

“Oo nga pala. Tara na.”

“Seriously Pae, nakalimutan mo?” Tanong niya sakin habang yakap yakap ako. Oo alam kong natatakot siya.. Pilipinas ang kinatatakutan niya..

  

Nandun kasi siya..

“Nawala lang sa isip ko. Anyway, alam ko kung baket mo ko yakap. Natatakot ka. Sabi ko naman sayo diba? I moved on, Saturn.." 

Oo si Saturn. Isang taon na kaming may relasyon. Hindi ko siya sinagot para gawing rebound o anuman. Sinagot ko siya dahil natutunan ko din siyang mahalin.. Hindi naman kasi imposible yun.. Kasama ko siya ng halos tatlong taon dito sa cali.

“Tara na nga.” Sabi niya at hinila na ko palabas ng condo niya.

“Punta muna tayo sa condo ko. Isama natin si Cloud.” Malaki na si Cloud ngayon dahil 5 years old na siya. Sobrang close din nila si Saturn dahil halos araw-araw kaming nasa condo niya. Halos ayaw na ding umuwi ni Cloud pag magkasama silang dalawa.

“Okay.” Sabi niya at sumakay na kami sa kotse niya.

“Pae, can you tell me kung baket tayo babalik ng pinas?”

“You’ll know pag nandun na tayo..” Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya.. Tumahimik naman siya at nag drive na lang. Alam kong natatakot siya. Alam ko yun dahil nasa pinas si Clyde. Pero kagaya nga ng sinabi ko sa kanya, naka-usad na ko.. sapat na ang tatlong taon para mabaon ko sa limot lahat ng nararamdaman ko para kay Clyde. Siguro iniisip niyo kung baket ang tanga ko para hindi ipaglaban si Clyde no? Pero mas tanga ako kung ipaglalaban at ikukulong ko siya sa isang relasyon na walang kasiguraduhan..

Iniwan at binitawan ko siya dahil marami akong dahilan.. Hindi ako makakabalik ng pinas dahil nasa cali. ang kompanya ni mommy na handle ko na ngayon.. hindi ko pwedeng basta-basta iwan yun.. Hindi rin pwede ang LDR. Kahit sabihin nating mahal namin ang isa’t-isa, nasa isang relasyon pa rin kami na walang kasiguraduhan kung mag wowork out o hindi ba.. minsan kasi, hindi sapat ang salitang mahal mo lang siya.. alam kong hindi dapat maging hadlang ang layo niyo sa isa’t-isa pero masyado kong mahal si Clyde na ayoko siyang maipit sa isang relasyon na bubuuin namin kung sakali.

Ayoko siyang ma-stranded sakin.. Marami pa siyang pwedeng makilala ganun din ako.. gusto kong ituloy niya lahat.. Meron siyang kompanyang kailangang hawakan ngayon isa yun sa dahilan kung baket kailangan naming bumitaw parehas.. 

Mahirap pero kailangan.. At kung kami, kami talaga.. 

“Babe, nandito na tayo.” Agad akong napatingin kay Saturn na pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba naman ako at sumunod sa kanya. Alam kong nagtatampo siya. Tsk.

“Uy babe.. galit ka?” sabi ko habang nasa loob kami ng elevator. Kaming dalawa lang naman ang tao dito. Dito kasi sa condo ko naiwan si Cloud at yung nanny niya.

“I’m not.” Tipid niyang tanong. Paka-denial talaga.

“Wag ka ng magalit ha? ha? bati na tayo..” sabi ko sabay halik pa sa pisngi niya. Alam kong umaarte lang yang planeta na yan. Iba na ang kulay ng buhok niya ngayon. Pink na. Joke. Color hazelnut brown na para lalo siyang gumwapo. Alam ko, swerte ko. Duuh.

“Oo na.” Sabi niya at inakbayan ako. Sakto namang bumukas ang elevator kaya lumabas na kami. Agad kaming pumunta sa condo unit ko at naabutan si Cloud na naglalaro ng xbox. Gadget boy kasi yan. Biruin niyong natatalo niya si Saturn? Gad. Nakakahiyang Saturn. Hahahaha.

“Masyado mo kong mahal no?” Ewan ko kung baket ko natanong yan sa kanya.. Out of the blue..

 

“Oo Pae. Na baka dumating sa punto na ikamatay ko pag sinabi mo yung tatlong salita sa iba.. sa kanya..”

Mike's POV

Bukas ang dating niya.. Alam kong naging matagal ang paghihintay pero bukas malalaman ko rin kung ako ba talaga ang nanalo at kung mag wowork-out ba ‘tong plano ko.. Pero bago yan, kailangan ko munang umalis dahil mag de-date pa kami ni Sabrina loves ko. Olats na Jeff hindi siya ang nanalo. Ako pa rin talaga ang pinaka-gwapo sa lahat. Tsk. Akala ko di na ko magkaka-lovelife sa storya na’to eh. Pero wala.. ang gwapo ko talaga.

Ang hirap pa naman ligawan at pasagutin ni Sabrina. Ang sakit niya sa abs. Naalala ko pa yung ginawa kong surpresa sa kanya…

*FLASHBACK*

“Sir Mike ayos na po lahat ng pinagawa niyo..” Sabi nung mga katulong namin at mga katulong nila Sabrina dito sa bahay nila. Oo nandito kami ngayon sa bahay ni Sabrina. Bahay nya ‘to. Regalo ng parents niya sa kanya pagka-graduate niya. Sinama ko pa talaga mga katulong namin para mabilis matapos ang iniutos ko sa kanila. Sinamantala ko talaga ‘tong pagkakataon na’to dahil wala si Sabrina. Nasa tagaytay siya kasama yung parents niya. At ngayon ang balik nila..

Pinuno ko ng sticky notes yung guest room nila. Puro sweet messages ang mga nakasulat dun. As in punong-puno yung wall pati pinto at bintana ata meron. Isama pa yung mga nakadikit sa lahat ng gamit dun.. Ang gwapo ko talaga mag-isip. Tsk. Agad naman akong napatigil sa pag-iisip ng marinig ko yung pagbukas ng gate. Shet. Ayan na siya. Mabilis akong lumapit sa pinto at binuksan yun..

“Hi loves.” Bungad ko sa kanya. Naka-kunot ang noo niya at dire-diretsong pumasok.

“Loves mo mukha mo. Anong kapestehan ang ginagawa mo dito sa bahay ko?”

“Ang taray mo. Tss. Tara sa taas.”

“At baket? Umuwi ka na. Ang sakit mo sa mata. Goodness!” Kahit na nakakabanas na yang babae na yan, sige lang pa rin, MAHAL KO EH. Hinitak ko na lang siya paakyat. Sapilitan na’to. Puta.

“Ano bang kalokohan—shit!”

“Nagustuhan mo ba-- A-ARAY! H-HOY LOVE-- ARAY!!” Putek na babae 'to. Hindi ba niya na-appreciate?! O ganun siya katuwa na kailangang paghahampasin pa ko? 

“BWISIT KA! ANONG GINAWA MO SA GUEST ROOM NG BAHAY KO?! UGHHHH! LAYAS! LUMAYAS KA DITONG MANYAK KA!!” Pinaghahampas naman niya ko ulit kaya agad akong bumaba. Putek. At talaga namang hindi napansin yung effort ko. Napaka-fail tangjuice!

*END OF FLASHBACK*

Napa-iling na lang ako habang iniisip ko yun. Ang mahalaga, napasagot ko na siya at akin na siya ngayon. Eh wala, gwapo ko eh. Nadulas kasi na mahal din daw niya ko. Hah! Mabilis naman akong nag drive papunta sa bahay niya. Ilang minuto lang ng makarating ako. Wala naman kasi yung parents niya dahil nasa states yun. Eh wala din siyang kapatid. Pumasok ako agad sa bahay nila. Kita mo yung babae na yun, hindi sanay mag lock ng bahay. Pasalamat siya at isang gwapong ako lang ang papasok dito..

“Loves!” Sigaw ko dahil walang tao dito sa sala niya. Agad akong umakyat sa kwarto niya. Hindi naman naka-lock kaya pumasok na ko..

“AYSHIT!”

“HOY MANYAK! UGHHHHHH. B-BAKET KA NANDITO?! LABAS! GAGO KA!” Sabi niya at mabilis na kinuha yung tuwalya at binalot sa katawan niya. Mabilis ko namang sinara ang pinto. Shit. Shit yung view. Putek na.

 In fairness, ang ganda ng view. Ang gwapo ko talaga. Tsk.

Parker’S POV

"Babalik na pala si Selena dito?" Sabi ni Yael habang nakikipaglaro kay Jeff ng billiard.

"Ngayon mo lang napalan, pre? Tanga mo ah!" Segunda naman ni Jeff. Tatlong taon ang lumipas pero puro kagaguhan parin ang alam ng dalawang 'to. Tss.

"Ulol! Gwapong tanga ko naman ata." 

"Mukha mo mukhang billiard ball. Paslangin kita eh."

"Ewan sayo. Hoy Suarez! Ang tahimik mo ah." 

 "O ngayon?"

"Alam mo pre, alam kong problemado ka kay Kriella. Ikaw naman kasi ang pakip--"

"Subukan mong ituloy yan Yael, papatayin kita."

"Sabi ko nga tatahim na lang ako eh. Pero maiba tayo, alam mong uuwi si Selena?"

"Oo."

"Pano mo nalaman?"

"Sekreto ko na yun. Ge alis na ko." Paalam ko sa kanila. Tinatamad na din akong pakinggang ang mga kalokohan nila.

Mga tanga..

Hindi nila alam na isang malaking wrong move ang ginawa ng isang kabarkada nila, namin..

"O ang aga pa! Mamaya na." Sabi ni Yael na tumigil sa paglalaro.

"Wala naman kayong kwenta. Ge." Sabi ko at mabilis na lumabas. Tss. ayokong magsayang ng oras sa kanila. Bukas na ang dating ni Selena. Bukas na ang dating nila.. Maganda na rin yun ng matapos na lahat. Habang masaya ang lahat...

pwera siya, siya, at siya..

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 15K 39
Kwadro Alas. Binubuo ng apat na binata. Lahat galing sa makapangyarihan at mayamang angkan. Ngunit hindi nila ito pinagmamayabang. .. Pagkakaibigang...
2M 76.5K 164
Sml? An epistolary.
23.1K 377 73
Akira Ross Marie Zamora Montefalco, one of the seven children of Alba and Adam Montefalco. A ruthless, fierce and a cold lady that can devour someone...
100K 461 45
Gusto niyo bang makabasa ng tagalog love story,fantasy at iba pa!? Basahin niyo nalang hahhaha Yong mga stories dito ay completed na Just read it and...