Ang Love Gurung Walang Boyfri...

By Yllianna

73.7K 888 204

WRITTEN: 2012 (approximate); edited 2013 Posible bang maging love guru ang isang taong never pang nagka-boyfr... More

synopsis
chapter 1
Chapter 1.2
chapter 2
chapter 2.2
⇜CHAPTER 3.1⇝
⇜CHAPTER 3.2⇝
chapter 4.2
Chapter 4.3
⇜CHAPTER 5⇝
⇜CHAPTER 6.1⇝
⇜CHAPTER 6.2⇝
⇜CHAPTER 7⇝
⇜CHAPTER 8⇝
⇜CHAPTER 9⇝
⇜CHAPTER 10.1⇝
⇜CHAPTER 10.2⇝
⇜CHAPTER 11⇝
⇜CHAPTER 12⇝
⇜CHAPTER 13⇝
⇜CHAPTER 14⇝
⇜CHAPTER 15⇝
⇜CHAPTER 16⇝ ENDING
⇜SPECIAL ENTRY: New Year's Resolution⇝
⇜Special Entry: Akiezha's Date⇝
Tell me what you think

⇜CHAPTER 4.1⇝

2.6K 29 6
By Yllianna

            Naagaw kaagad ng nakaparadang kotse sa driveway namin ang pansin ko pagbukas ko ng gate. O di ba kahit nung wala pa kaming kotse may driveway na kami. Mehehehehehe Epal much lang. Hindi, ganyan lang talaga kami maghanda, fufufu.

               “Daddy, yan na ba yung…?” tanong ko sa daddy ko nung makalapit ako sa kaniya. Pinupunasan nya kasi yung salamin ng kotse.

                  Nginitian lang ako ni daddy.

               “Weeeeeeeeeeeeeeeee….” excited na tili ko. “May car na kami. Yay!” Masayang sigaw ko. Sabi ko naman kasi malapit na kami magkaraoon ng car di ba? O eto na, may car na kami. Wehehehehe

                  Umikot ako sa unahan ng kotse para makita kung anong make nung car. Honda.

                 “Dad, anong model?”

             “2011 Cr-Z sports hybrid.” Abot-tenga ang ngiti ni daddy nung sumagot. Halatang nagyayabang.

               “Wow! Hybrid!”

              Ang lapad din ng ngiti ko. Bah kahit hindi BMW ang car namin at least sports car naman siya at hybrid pa. Langya tong si daddy parang binata kung pumili ng kotse eh may pamilya na. May apo na nga eh. Pero okay lang. Pabor sa kin yun. Ganda ng car na maghahatid sa ‘kin sa school namin. Saka tatlo na lang naman talaga kami kasi si ate may asawa na at anak. Nakabukod na sila ng bahay nung husband niya kaya kasya na kami ng parents ko sa sports car. Astig two-door. Grabe gloat much ako ngayon. Feeling rich na ko talaga.

               “Dad sa Monday hatid mo ko ha.”

              “Oo alam ko magpapahatid ka kaya inaasahan ko na yun. Eto nga’t nililinis ko na ang karwahe mo,” sagot ni daddy. Panay pa rin ang punas niya dun sa salamin ng car kahit sobrang kintab na nun. Nag-bow muna ako kay Daddy bago ako pumasok sa bahay namin.

                “Hi ‘My,” bati ko kay mommy. Nanonood sila ni ate ng tv sa living room namin. Humalik ako sa pisngi ng mommy ko saka yumakap kay ate. Tapos nag-kiss ako sa pamangkin ko.

                   “Hello Amy. Ang cuuutee mo talagaaaa.”

                “Hoy. Pinanggigilan mo na naman yang bata. Nalalamog na pisngi nyan sa kakakurot mo.”

                    “Si ate naman. Over protective. Natutuwa lang naman ako sa baby mo eh.”

                “Sus pwede naman kasing matuwa nang hindi kinukurot yung bata di ba?”

              “Oo na. Pa-kiss na lang,” sabi ko bago ko kiniss si Amy. Sumingot naman yung supladang baby. Mana sa nanay mwehehehe.

                “Magbihis ka na Kiezha. May lemon cake sa ref, kumuha ka na lang kung nagugutom ka,” bilin ni mader.

              “Mamaya na lang ‘My. May gagawin pa ko,” sabi ko saka ako naglakad papunta sa hagdan namin para umakyat sa second floor kung saan nandun ang mga bedrooms.

                   “Anong gagawin mo?”

                  “Assignment po,” sagot ko habang pumapanhik ng hagdan. Di na ko inusisa uli ni mommy. Pagpasok ko ng room ko ay nagbihis agad ako tapos kinuha ko yung mga sobreng binigay sa kin ni Frenchie kanina. Umupo ako sa kama at doon ko binasa yung mga sulat.

                Yung pink na envelop ang una kong binuksan. Grabe ang bango talaga ng envelop saka nung stationary.

Dear Penny,

I paused. ‘Sino yung Penny?’ Nagkibit ako ng balikat bago ipinagpatuloy ang pagbabasa nung letter.

I’ve been in love with this guy for almost two years now but he still doesn’t know how I feel about him. (sus eh di ipaalam mo) I wanted him to know that I love him but I’m scared of how he might react. (Eh depende naman kasi yun kung paano mo sasabihin sa kaniya. Wag ka masyadong epal, demanding na parang kayo na or magmukhang kawawa na parang langit sya at lupa ka. Ganun.)  Paano kung magalit siya?  (Eh bakit naman sya magagalit? Abnormal ba sya?) Saka ni hindi nya nga alam na nag-e-exist ako eh. (Eh di magpakilala ka kaya noh. Sus. Laki ng problema nito.) Saka ang dami kasing nagkakagusto sa kaniya. Mas magaganda pa sa kin. What if I’m not pretty enough for him? (Insecure much ka ate? Hay naku work on your insecurities first bago ka mag-isip ng pagko-confess sa mahal mo.) Do you think I should tell him how I feel?

“Ano ba talaga? Gusto mo o ayaw mo? Ang labo mo ah. Kaya naman pala hindi ka makapag-decide sa sarili mo eh ang labo mong mag-isip.”

Naitirik ko ang mga mata ko. Kainis kasi ha. Di ko maintindihan kung ano talagang gusto nito.

“Teka lang, don’t tell me si Soshi yung tinutukoy mo. Hindi pwede. Akin lang sya. Kuno,” sabi ko dun sa sulat sabay hagalpak ng tawa. Dinuru-duro ko pa yung stationary. Parang tanga lang.

Ipinagpatuloy ko yung pagbabasa nung mapansin kong may p.s. pa pala.

P.S.

He’s name is J.G. Initial na lang binigay ko kasi nakakahiya naman. Baka pati ikaw magtirik ng mga mata. (I already did missy) Pero gusto kong may makaalam ng feelings ko for him kahit paano kaya kahit initial sinabi ko sayo.

Hmmm…J.G. malayo naman yun sa initials ni Soshi-my labs. Okay, abswelto ka na.

Pabalewala kong hinagis sa ere yung sulat na parang test paper na namumulaklak sa pulang tinta. Tapos kumuha uli ako ng isa pa. Kulay green naman yung envelop pero mabango din saka ternong stationary din yung pinagsulatan ng letter.

Dear Penny,

I broke up with my boyfriend. Kahit kasi mahal ko na siya, may mas mahal akong iba. (Naku complicated love life mo neng.) Actually yung other guy kasi talaga ng mahal ko. Pero since mukhang wala akong pag-asa sa kaniya sinagot ko na rin yung BF ko. (Eh di panakip-butas lang pala BF mo? Masama yan. Teka to be continued. Mukhang maganda na ang tinutumbok ng sulat eh. Kuha muna ako snack para kumpleto ang atmosphere. Mwehehehe may atmosphere lang nalalaman eh noh.) In time natutunan ko na rin mahalin yung BF ko. Pero mas mahal ko pa rin talaga yung other guy. (Umiling-iling ako sabay subo ng pistachio. O di ba sosyal pistachio.) I know it wasn’t fair to him. And to me too. Kaya nga nakipag-break na ko sa kaniya. Nahihirapan na rin kasi ako. (Why did you even say yes to him anyway? Iba ang mahal mo kaya dapat matuto kang mag-get over dun sa guy na mahal mo bago ka mag-bf ng iba) Miss Penny, I found out na wala na rin yung mahal ko saka yung gf niya. (Ha? So kaya ka ba nakipag-break dun sa bf mo dahil available na din yung mahal mo?) Pero nauna akong nakipag-break dun sa bf ko ha. Di ko alam na magkakahiwalay din yung mahal ko saka gf nya. (Ah ganun ba? Sorry. Mehehehee) Siguro this is what you call destiny. Ano sa palagay mo? (Haliparot! Coincidence ang tawag dun. Asa pa ‘to. – sumubo uli ako ng pistachio) Siguro destiny is telling me to finally confess to him. (I doubt that honey.) Maybe destiny is telling me that we are meant for each other. (Would you snap out of it? Destiny is telling you to shut up, I’m sure.) And destiny is telling me that this is the right time for us to finally be together.

                “Aaaaaaaaaaaaa…ano ba enough with that freaking destiny na nga,” I yelled at the top of my lungs in frustration. Buset na babaing ‘to. Wala nang ibang alam kungdi destiny.

               “Hoy Akiezha! Ano ba? Naloloka ka na ba?” sigaw sa kin ni mommy na biglang sumulpot sa may pinto ng kwarto ko. Nagulat pa ko. Lakas ng boses ni mommy. Sa kaniya siguro ako nagmana.     

                 “Ehe…sorry ‘my.”

               Tinitigan lang ako ni mommy na parang hindi naniniwala bago ako iniwan. Napakamot ako ng ulo bago ko uli ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Oh miss Penny, I am so in love with this guy. (Yeah I get that.-- I rolled my eyeballs) Even his name gives me chills from head to toe – Jeremy Gonzales. (Napadiretso ako ng upo – Jeremy Gonzales?! J.G.?! Could it be that this girl’s love interest is the same as the other girl’s? No. It can’t be. Coincident lang siguro yun. Pero kung hindi man okay na okay. Drama to. Upakan na mehehehhehe) I have decided miss Penny. I will confess to Jeremy on Monday.

                 “Ha!? Eh kung nakapag-decide ka na pala bakit sumulat ka pa? Epal much? Ano nagsasayang ka lang ng papel?”  

                    Sumubo ulit ako ng pistachio tapos binasa ang iba pang sulat. Iyung isa nanghihingi ng opinion kung patuloy pa daw ba siyang aasa sa isang guy na may gf na. Super in love daw kasi sya dun sa guy na obvious namang si Soshi-my labs base sa description. Super detailed ba naman yung description eh everybody knows Soshi. Kahit sino magbasa nun malalaman na si Soshi yung tinutukoy nya sa sulat.

                 Yung ibang mga sulat eh puro tungkol pa rin dun sa Jeremy Gonzales. Mukhang popular sa mga girls yung Jeremy. Pero bakit di ko sya kilala? Hindi kaya transfer yun?

                    Hindi. Hindi pwede kasi sabi nung first girl almost two years na daw siyang in love dun sa Jeremy so I’m sure hindi yun bagong transfer. Pero bakit di ko sya kilala?

                      Ah, whatever! Who cares about that Jeremy dude? Iiiiiiiihhhhh pero inaatake talaga ako ng curiousity. How does he look like kaya? Tall, dark and handsome? With yummy hunky body? Ah ewan.

                       Tumayo ako mula sa kama at nagpunta sa computer table tapos ini-on ko yung laptop at nagsimulang mag-type ng sagot ko dun sa sulat na napili ko for my assignment.        

Continue Reading

You'll Also Like

42.6K 3.2K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...