Hadlee's POV
I am heading to the academy, medyo kinakabahan din ako ngayon kasi baka biglang may sumugod sakin at kwestiyunin ako tungkol dun sa nakita nilang pagbuhat sakin ni Keegan.
Pagdating namin sa school halos di ako makababa, parang bigla akong nawalan ng lakas ng loob, napapansin ko ring napapatingin sa van na sinasakyan ko yung ibang students habang naglalakad papasok ng campus.
Okay ka lang ba iha? Tanong sakin ni Mang Johnny, napansin niya sigurong tensiyonado ako habang nakatingin sa labas, habang nandito pa ko sa sasakyan.
Hinawakan ko naman yung shoulder bag ko tsaka ako sumagot kay Mang Johnny.
Opo, okay lang po, sige po papasok na ako, salamat po sa paghatid, mag-ingat po kayo pabalik sa bahay magalang sa sabi ko kay Mang Johnny, ngumiti naman siya bago bumaba para pabuksan ako.
Mag-iingat ka rin iha, magiging maayos din ang lahat he said, nginitian ko naman siya at bumaba na ng sasakyan.
Nagsimula namang magbulungan yung ibang students kada malalagpasan ko sila, pilit ko namang wag pansinin yung mga yun at dumiretso na lang sa cafeteria, para bumili ng kakainin ko hanggang mamayang lunch.
Napapangiti naman ako ng mapait kada maririnig ko na malandi daw ako, nagawa ko pa daw magdrama para mapansin ako ni Keegan, then gumagawa na naman daw ako ng eksena kung kelan tahimik na daw silang lahat.
Parang hiniling ko tuloy na sana katulad pa rin nung nasa primary school ako na superior yung turing nila sakin since anak ako ng owner ng school, hindi na kasi pwedeng mangyari yun kasi ako rin mismo yung humiling nun and of course, mayayaman din yung mga students dito that's why they didn't treat me as superior to them.
Naagaw naman agad ng pansin ko yung isang grupo na nasa may gitnang part ng cafeteria, magkakasama sila sa isang mahabang table like what we used to do nung kasama pa nila ako.
Iniwas ko na lang yung tingin ko dun at dumiretso sa counter, sakto namang wala nang nakapila dun kaya nakabili agad ako.
Pero halos mabitawan ko yung mga nabili ko nang maramdaman kung may mainit na natapon sa braso ko, medyo tinaas ko pa naman kanina yung jacket ko hanggang sa gitnang part ng braso ko.
Ouch sigaw ko, at mabilis kong naramdaman yung pagbuo ng luha ko sa mga mata ko sobrang sakit kasi nun na parang sinusunog yung buong braso ko.
Quinn..
Hala I'm sorry, di ko sinasadya, my gosh, tara sasamahan kita sa clinic she said at tsaka niya pa hinawakan yung braso ko kaya malakas kong iniwas yun kaya nawalan siya ng balanse at natumba.
Mabilis naman kaming pinalibutan ng mga students na nandito sa cafeteria.
Parang naramdaman ko biglang uminit yung ulo ko, yung hapdi at sakit na nararamdaman ko sa braso ko parang humalo yun sa nararamdaman ko, na parang biglang nakaramdam ako ng galit.
At parang biglang nagplayback sa utak ko yung scene kung saan nakita kong nakaluhod sa harap niya si Keegan habang tinatanong siya nito kung pwede ba siyang ligawan.
Naghalo-halo na lahat, the pain from my arm at tsaka yung mga kinikimkim kong mga hinanakit at mga sakit na ako lang yung nakakaalam, mas nangingibabaw na sa oras na to yung bitterness na akala ko hindi ko mararamdaman ngayong okay na sila ni Keegan.
Napansin ko din yung mabilis na paglapit sa amin ng bts at ng mga kaibigan ko.
Lumapit naman si Keegan sa kanya at hinawakan siya sa likod na parang pinapatayo siya.
Do you think it will lessen the pain in my arm because of your sorry? Sigaw ko sa kanya, napatingin naman sila sa braso ko kaya mabilis kong tinakpan at iniwas yun sa kanila, napapikit pa ako ng maramdaman ko yung hapdi galing dun nang tumama yun sa jacket ko.
But I swear, di ko yun sinasadya, di ko napansin na nasa harap kita kasi nakafocus lang ako sa hot water na hawak ko kanina, kasa baka matapon yun, that's why I am saying sorry, but you don't need to push me sagot niya habang tinutulungan siyang tumayo ni Keegan.
Ginala ko naman yung tingin ko at halos sila masama yung tingin sakin.
So, do you think I will believe you? And wait, were you saying that I pushed you? Hinawakan mo yung braso kong pinaso mo kaya iniwas ko yun and dahil lampa ka, natumba ka agad, and the one who inflict harm here is you! you did this on purpose sigaw ko sa kanya at dinuro ko pa siya gamit yung isang kamay ko na hindi natapunan nung hot water.
Naibaba ko naman agad yun nang biglang may malakas na humawi nun, and I saw Rush.
Queen said that she didn't do that in purpose, kahit ganyan naman kasama yang ugali mo, di niya kakayaning manakit ng mga gaya mo sigaw niya sakin, naramdaman ko kaagad yung sakit dulot ng sinabi niya pero mas inisip ko pa rin yung mas dapat kong gawin kaya tinignan ko siya ng masama, at nagawa ko pang ngisian sila.
Ganyan ba kayo kabibitter para magawang saktan ako? I didn't know that you are that immature, kahit anong gawin niyo di na mababalik yung dati, di na ako babalik sa inyo that's why you need to accept the truth I said, mabilis naman silang napakunot ng noo at napailing na lang, tinatagan ko naman yung loob ko nang marinig kong nagbulungan na naman yung ibang students dahil sa sinabi ko.
Ang kapal naman ng mukha mo Diem para sabihin yan samin, saan ka ba humuhugot ng lakas ng loob? Do you really think na gugustuhin pa naming bumalik ka samin? What a great imagination, so cool mataray na sabi sakin ni Ate Najah, nginisian ko naman siya at tsaka ako sumulyap sa may braso ko at tsaka ko binalik sa kanila yung tingin ko.
Haha nakakaawa kayo, gusto niyo nang sakitang physically okay fine pagbibigyan ko kayo yun na lang yung sinabi ko at mabilis ko silang tinalikuran, mabuti na lang at di ako hinarang nang ibang student instead iniwasan lang nila ako na parang ako na yung pinakanakakadiring tao na nakita nila.
Pagkadating ko sa clinic, ginamot agad ako ng nurse na nakaduty dun, she even want to tell it to my parents pero pinigilan ko siya at sinabing ako yung may kasalanan kung bakit nagkaganun yung braso ko.
Nang makarating ako sa room, dire-diretso lang akong umupo sa upuan ko at wala ng pinansin even their stares na parang gagawan na ako ng masama. And like what happened everyday, walang nagtatangkang kumausap sakin, nang magbreak na pumunta agad ako ng rooftop at umupo dun sa usual spot ko.
So you are really here natigil ako sa pagbukas ng bag ko para kunin yung pagkain ko nang marinig ko yun at parang tinakasan ako ng boses ko nang makita ko sila Ate Isha, silang apat lang naman kaya kahit papaano lumuwag yung dibdib ko.
What do you think you are doing here the four of you? Mataray na tanong ko sa kanila.
Lumapit naman sila sa pwesto ko kaya tumayo agad ako.
What did we do to you? Bakit nagkakaganyan ka ngayon? Halos ilang months na kaming nag-iisip kung may nagawa ba kaming kasalanan sayo? Why are you acting like that? Sigaw sakin ni Ate Najah, naikuyom ko naman yung kamao ko para pigilan yung sarili ko, especially the tears na namuo agad sa mga mata ko.
You are all went here to ask me a stupid question? Natatawa kong tanong sa kanila. Di naman nabago yung mga reaksiyon nila, they seems like they are waiting for my answer to Ate Najah's question.
Napatingin naman ako kay Ate Isha, her face expression differ from them, dati ko pang napapansin na never niya akong tinignan ng masama kada mapapatingin ako sa kanila, she will only stare at me with blank expression, kaya nakaramdam agad ako ng kaba at iniwas sa kanila yung tingin ko.
Are you hiding something from us, Hadlee? Ate Isha asked, kaya mas lalong dumoble yung kaba ko at halos maramdaman ko na yung mga kuko ko sa palad ko dahil sa higpit ng pagkuyom ng mga kamay ko.
What do you mean President? Tanong ko sa kanya.
Matagal na akong naghihintay na lumapit ka samin at magsabi ng kung ano mang bumabagabag sayo, because that's who you are, di ka sanay na magsabi agad samin, maghihintay ka ng mga ilang araw bago ka magkwento, because it makes you comfortable, kaya naghintay lang ako, ni hindi ko magawang paniwalaan yung mga sinasabi mo samin, pero bakit sobrang tagal naman? Di ka ba nasasaktan na wala kang pinagsasabihan niyan? Sabi mo sakin dati it always feel refreshing kapag nailabas mo yung mga kinikimkim mo but why now? And why do you need to pretend that you hate us? Especially Keegan and his member? Kailan mo ba sasabihan samin lahat yan? Or are you even have a plan to tell that to us or kahit sa akin lang? Ate Isha said, di ko naman magawang sumagot sa kanya at di ko pa rin siya nagawang tignan.
Ate Isha, ano bang sinasabi mo? We are only here para malaman kung bakit ba nagkakaganyan yang babaeng yan. And para mabigyan na tayo ng closure at tuluyan na nating bitawan yan, so why do you act like that now? Naririnig kong bulong ni Syn kay Ate Isha.
Stop it Addisyn, Hadlee I'm talking to you, kung lahat sila naloloko mo, ibahin mo ako, I knew you first before them, I knew if you were hiding something from us, and this time, I know that you are only pretending, gusto ko lang malaman kung bakit at pilit kong iintindihin yun, ate mo ko diba? You said that I am the most comfortable person na pwedeng pwede mong pagsabihan ng kung ano man, so please I'm begging, sabihin mo samin lahat she said kaya tinignan ko siya, napansin ko namang naiiyak na siya kaya wala akong nagawa kundi tumalikod na lang.
I don't know what you are saying right now President, but all I want right now is you all leave now, hindi ko kailangan ng kausap at wala akong kahit ano mang tinatago sa inyo I said tsaka ko na kinuha yung bag ko at akmang lilipat ng pwesto nang maramdaman kong may yumakap sakin.
Hadlee, kung totoo man yung sinasabi ni Ate Isha, please sabihin mo samin, kahit ano pang dahilan mo tatanggapin namin, bestfriends tayo diba? Miss na miss ka na namin, please Hadlee Seana said, napahawak naman ako sa kamay niyang nakapulupot sa may beywang ko at pilit na tinatanggal yun pero mas lalo niya lang hinigpitan yung pagyakap sakin.
I didn't hide anything from all of you, lahat ng nakikita at naririnig niyo totoo lahat yun, I hate you all even from the start, wala talaga akong tinuring na kaibigan sa inyo, and you Seana, you are thinking that you were my bestfriend among the four of you? It's not true, I am being casual with you because you are my cousin's girlfriend, so don't be delusional, you are all making a conclusion without even confirming things mariin kong sabi sa kanila tsaka sinubukan ulit na tanggalin yung kamay ni Seana sa beywang ko, mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko kaya natanggal ko rin yung kamay niya.
Nagsimula naman ulit akong maglakad at balak na lang sanang iwan sila dito sa rooftop nang magsalita ulit si Ate Najah.
Wala kang tinatago samin Hadlee? Then explain to us all of the things that have changed to you, akala mo di namin napapansin yang mga pagbabago sa katawan mo? Sabi mo dati dahil nagdadiet ka lang? What the heck is the meaning of diet to you? Making your body as a bone? And explain to us also, why Keegan brought you to hospital? Sigaw niya, kaya tuluyan nang tumulo yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Humarap naman ako sa kanila at mukhang nagulat sila sakin.
You will never understand me umiiyak na sagot ko sa kanila.
We will Ate Isha said tsaka siya nagtangkang lumapit pero pinigilan ko kagad siya, nahigit ko naman yung hininga before I looked at them seriously habang tuloy pa rin sa pagbagsak yung mga luha ko.
I'm dying I said and I watched how concerned reaction of them turned into shocked.
Y-You are joking, tell us that you were only telling us some jokes, Hadlee stop saying like that, it's not funny nauutal na sabi ni Seana tsaka pa siya ilang ulit na umiiling.
I'm not telling you some jokes, you want to know the truth right? Then here is the truth? This thin body of mine caused by my illness, my brain tumor, you heard it properly right? I do have a malignant brain tumor, I can't undergo any surgeries and therapies because it can only shortened my 6 months of life that my doctor gave to me or worst it can cut my life immediately, yes I can only live for 6 months, that's why I'm doing all of this, for you to not get hurt when I'm gone, I was fighting for this alone, because I don't want you to think of me, I can only make you suffer too I said, at halos mapaluhod na ako habang sinasabi ko yun, napahawak naman sila sa bibig nila habang tinititigan ako, si Syn naman tumalikod bigla at lumapit sa may railings.
No way, bakit di mo sinabi agad? Hadlee naman eh, bakit tinago mo lang yan? Nandito naman kami lagi para sayo ah, at tsaka ano ba! Wag kang maniniwala sa sinasabi ng mga doctor mo sayo, you will live how much longer you want, sh*t Ate Isha said tsaka tumakbo papalapit sakin at mabilis akong niyakap, napahagulhol naman agad ako at yumakap din sa kanya, naramdaman ko din yung pagyakap nila Seana sakin maliban kay Syn na nakatingin lang samin habang umiiyak din.
We are here, di mo kailangang itago yan samin, tutulungan ka namin okay? Magtatagal ka pa, maliit lang yang tumor na yan, kayang-kaya nating labanan yan, nandiyan din yung bts, lalong lalo na si Keegan, mahal ka naming lahat, di mo kailangang itago samin yan umiiyak rin na sabi ni Ate Najah.
Napailing naman ako sa huling sinabi niya.
Wag niyong ipapaalam to sa bts please, especially Keegan, ayokong mag-alala pa sila, okay na ako kahit kayo lang, please nakikiusap ako bulong ko, natigilan naman sila at di ako nakarinig nang kahit anong sagot galing sa kanila.
~
So we need to act that we are still mad at you? Syn asked, nandito pa rin kami sa rooftop at halos mga 30 minutes kaming nag-iyakan lang, pare-parehas din kaming hindi nakapasok sa isang subject namin.
At tsaka medyo natagalan din ako sa pagconvince sa kanila na wag ipaalam sa bts yung condition ko, ayoko kasing makasagabal pa ako sa career ng bts kung pati ako poproblemahin nila at tsaka kinakatakot ko rin yung kayang gawin ni Keegan, I'm not being boastful pero nararamdaman kong kapag nalaman ni Keegan yung mga tinatago ko baka iwan niya si Quinn at bumalik sa akin, di ko yata kakayanin pang makapanakit ng ibang tao, tama na yung mga nagawa ko.
Yes please guys, make a promise please that you are not going to tell all of this to them I said, mabagal naman silang tumango.
We promise, but you need to promise too that no more secrets, hangga't maaari sabihin mo samin lahat, at tsaka you need to come back to us even it is a secret, masaya na kami dun Seana said, nakangiti naman akong tumango sa kanya.
I promise, you can go here anytime I am always here nakangiti kong sagot kay Seana.
Thank you Hadlee, you should always trust us Ate Isha said, tumango naman ako sa kanya tsaka ko sinandal yung ulo ko sa balikat niya.
Pumasok na tayo, baka malaman pa ng Director na nagcut tayo ng class Ate Najah said tsaka siya tumayo agad.
Tumayo din naman sila Syn bago ako inalalayan.
Anyway Hadlee, you should go first, di tayo pwedeng makita ng bts at nang mga schoolmates natin na magkakasama tayo Syn said kaya napangiti agad ako, at nagpaalam sa kanila, niyakap naman nila ulit ako isa't-isa bago ako tuluyang pinakawalan.
I am hoping for a longer life, please God.