Real & Reel (KathNiel One-Sho...

By LunarMaris

281K 5K 809

Koleksyon ng mga KathNiel One Shots. Treinta: Weird Synopsis: My boyfriend is weird. More

1. Paano Magselos ang isang Daniel Padilla? (AU)
2. Baby Names
3. Maliit Kasi (AU)
4. Vandalism (AU)
5. 57 Reasons
6. Tying the Knot Part One: The Proposal
7. When KathNiel Read Wattpad Stories...(01)
8. How I Met Him... (AU)
9. Babies, Babies, Babies
10. Reunion with my EX...EX-BEST FRIEND (AU)
11. Daniel, Kathryn, at si Harry Styles
12. Love is ORANGE (AU)
13. Si Mister at si Misis (AU)
14.1. 26 Letters (A - M) (AU)
14.2. 26 Letters (N - Z) (AU)
16. Got to Believe (AU)
17. Kathryn's Checklist (AU)
18. Dr. Lester Giri
19. Kissing Booth
20. Kiss and Make-up
21. Sa Pagbabalik ng...The Buzz
22.1. Lester Giri, the Mighty Stalker (January-April)
23. I wanna Grow Old with You...
24. Merry Christmas, Bally
25. Feb Fair (AU)
26. Pangako ko Sa'yo
27. Protector
28. The Return of Superman
29. Si Kargador at ang kanyang Yaya
30. Weird
31. I'll See You Soon

15. The Great Pretender (AU)

7K 122 25
By LunarMaris

Pasensya na kayo sa story na ito. One of my sabaw updates. Gusto ko lang magsulat ng ganito dahil sa Beautiful Disaster ni Jamie McGuire. Sinong nakabasa nun?! Travis and Abby is <3

Title: The Great Pretender

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Comfort

 

"Kathryn."

Lumingon si Kathryn ng marinig niya ang pangalan niya. Nakita niya si Daniel, ang classmate niyang nakasalamin at daig pa ang babae kung kumilos. Masyado kasi itong mahinhin. Siguradong-sigurado siya na hindi man lamang ito makabasag pinggan.

Si Daniel din ay isolated sa klase nila. Bihira kasi ito magsalita. Kakausapin ka lang niya kapag importante at kailangan talaga. Hindi rin ito masyadong nakikisalamuha sa kanila kaya wala itong kaibigan.

"Ano iyon?" tanong naman ng dalaga.

"Nahulog mo kasi yung ballpen mo," sagot niya sabay abot ng ballpen sa kanya.

"Salamat," sabi ni Kathryn.

Tumango lamang ang binata at tumalikod na ito upang umalis.

"Ang weird talaga nun," sambit ng katabi niya. Oo, naglalakad siya sa hallway ng paaralan kasama ang mga kaibigan niya nang tinawag ni Daniel ang atensyon niya.

Sinundan lang ng tingin ni Kathryn si Daniel habang nagpapalitan ng tsismis tungkol sa binata ang mga katabi niya.

...

...

...

"Kuya, sige naman na. Isama mo na ako," ungot ni Kathryn sa kapatid.

"Ayoko," sagot ni Kevin sa dalaga.

Natutulog si Kevin sa kwarto ng bigla siyang pasukin ng kapatid at tinalunan ang kama niya. Nagising tuloy siya. Kailangan pa naman niyang matulog para hindi sumakit ang ulo niya o antukin pagsapit ng gabi.

"Sige na kuya!" pagpupumilit pa ni Kathryn.

Eto ang kanina pa nila pinagtatalunan kapatid buhat ng magising siya sa mahimbing na tulog. Gusto kasi ni Kath na sumama sa lakad niya mamayang gabi.

"Delikado nga. Ba't ba ang kulit mo?!" inis na sambit ni Kevin. Halos sabunutan na niya ang sarili dahil sa pagkabugnot.

Delikado kasi ang underground society lalo na sa gabi.

Oo. Buhay na buhay pa rin ang mga aktibidades sa underground. Dito nagaganap lahat ng bawal at hindi pwedeng gawin sa harap ng nakararaming tao.

Hindi naman masamang tao si Kevin, lalong-lalo ng hindi siya kriminal. Hindi rin patapon ang kanyang buhay. Pumupunta lang siya sa underground para manuod ng laban.

Gabi-gabi kasi may nagaganap na labanan ng mga magagaling na MMA fighter sa bansa. At siyempre may mga pustahan ito. Malaking pera ang nakataya doon. Sa madaling salita, pwede mong ikayaman at ikahirap ang pagsali sa mga laban at pustahan.

Tsaka, isa na rin siyang fan ni Black Cat.

Black Cat ang alias ng isa sa mga magagaling na player sa underground. At mamayang gabi ang laban niya. Kaya naman pursgido talaga siyang pumunta.

"Kuya naman! Sige na. Hinding-hindi ako hihiwalay sa'yo, pangako 'yan!" pakiusap ni Kathryn. "Please naman."

"Ayoko pa rin."

Sumimangot si Kathryn at kinuha ang telepono mula sa bulsa.

"Ah ganon..." panimula ni Kathryn. "Tingnan lang natin kung makakabalik ka pa sa underground. Tatawagan ko si Papa. Isusumbong kita."

Sinagot naman ng papa ni Kath ang dalaga pagkatapos lamang ng tatlong ring.

Kaya naman bigla na lang nag-panic si Kevin at sumigaw, "Oo na. Oo na. Isasama na kita!"

Napangisi si Kathryn at gumawa na lang ng excuse para sa papa nilang nagambala nila mula sa pagtatrabaho.

"Bwisit ka talagang bata ka," sabi na lang ni Kevin.

...

...

...

Dumating sina Kevin at Kathryn sa underground. Pumunta agad si Kevin sa isang lalaking mukhang bouncer na nagngangalang Jed Salang.

"Oy Jed," tawag ni Kevin.

Lumingon naman ang naturang lalaki.

"10, 000 para kay Black Cat," sabi ni Kevin sabay labas ng pera at bigay kay Jed.

"Grabe...Ang laki naman ng ipupusta mo para sa Black Cat na yan," wika ni Kathryn. "Magaling ba talaga siya?"

Tila nagniningning ang mga mata ni Kathryn habang nagtatanong sa kapatid.

"Kaya ayokong isama ka dito. You always have a thing for bad boys," ungot ni Kevin. "Ano bang nakita mo sa kanila hah? Lahat ng mga naging ka-MU mo mukhang lasing sa kanto o di kaya mukhang nakahithit."

"Wala kasing pakialaman," pagtataray ni Kathryn.

"Girlfriend mo?" singit ni Jed sa usapan ng magkapatid.

"Oo," sagot ni Kevin. "May angal?"

Inilapit ni Kevin ang kapatid sa kanya.

Kilala niya ang ugali ni Jed. At ayaw niyang pakisamahan ito ng kapatid.

"Tara na nga," sabi ni Kevin. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at iginaya palayo sa mukhang bouncer na si Jed.

"Ano ba kuya...Kilabutan ka nga," singhal ni Kathryn sabay bawi sa kamay.

"Sinabi ko lang naman yun dahil baka mapahamak ka sa Jed na yun! Akala mo lang mukhang anghel yun pero masama talaga ugali nun. Nambubugbog yun ng babae."

"Kuya naman. Sa itsura niyang yun, hinding-hindi ako papatol sa kanya."

"Eh mukhang nakahithit nga ng katol pinapatulan mo eh, yun pa kaya..."

"Naglalaro lang ako kuya. Wala akong sineryoso sa kanila."

"Ang sa akin lang, wag kang maglaro sa apoy. Baka dumating ang araw, masunog ka."

Inirapan ni Kathryn ang kapatid.

Ilang minuto pa, nagkagulo na ang mga tao. Nagsisigawan na.

Magsisimula na pala ang laban.

"Good evening sa lahat! Nandito tayong lahat para mapanuod ang laban nina Black Cat at Underdog," anunsyo ng isang lalaki.

Hindi na siya nakinig sa ano pang palatastas ng nag-aanunsyo.

Maya-maya na lang ay nakita niyang lumabas ang dalawang magkakatunggali.

Dahil sa kagustuhan makita sa malapitan ang dalawang lalaki ay napahiwalay siya sa kapatid. Hindi niya alam kung paano, pero napunta siya sa harapan.

Nagsimula na ang laban.

Nung una ay parang parehas lang ng lakas ang dalawa, pero nung kalagitnaan na ay mukhang matatalo na ni Black Cat si Underdog.

At hindi nga siya nagkamali. Sa mismong harapan niya pa natalo ni Black Cat si Underdog.

Napangiti siya. Tama ang kuya niya ng sinuportahan. Mukhang henyo si Black Cat pagdating sa pakikipaglaban.

Tumayo na si Black Cat at sa hindi inaasahang pangyayari ay nagtama ang mga mata nila. Nanlaki ang mga mata ni Black Cat. Bigla na laman iniwan ng binata ang mga tao sa ring at pinuntahan siya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Excuse me?" tugon naman ni Kathryn.

"Delikado ang lugar na ito. Hindi ka dapat pumunta dito," sabi ni Black Cat sa kanya.

"Hindi nga kita kilala eh," sagot ni Kathryn.

Kumunot ang noo ni Black Cat. "Classmate mo ko."

"Hah?" wika ni Kathryn na nagsalubong na ang kilay. Pilit niyang inaalala kung meron ba siyang classmate na katulad ni Black Cat pero wala talaga siyang mahagilap sa memorya.

"Ako si Daniel Padilla," pakilala ni Black Cat.

"Ah...Si Daniel pala..." sabi ni Kathryn. Tapos maya-maya, nanlaki ang mga mata nito at tumingin ulit sa binata sabay sigaw ng, "ANOOOO?!"

...

...

...

Hindi maialis ang tingin ni Kathryn kay Daniel.

Kulang na lang ay matunaw na ang binata sa mga titig nito.

Ilang minuto pa ang nakalipas at hindi na matiis ni Daniel ang mga tingin ni Kathryn. Wala siyang magawa kundi puntahan ito.

"K-Kathryn," tawag ni Daniel.

"Oh?" tugon ni Kathryn.

"P-Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Daniel.

Nagtinginan ang mga kaklase nila sa kanilang dalawa.

Tumango na lang si Kathryn at sumunod kay Daniel.

Pumunta sila sa isang kwarto sa paaralan na hindi masyadong ginagamit. Nang siguradong wala ng makakarinig sa kanila ay humarap na si Daniel sa dalaga.

"May problema ba?" tanong ni Daniel. "Kanina ka pa kasi nakatingin sa akin eh."

"Eh kasi hindi lang ako makapaniwala na ikaw si Black Cat," sabi ni Kathryn. "Tapos, tapos...andami mo pang tattoo."

Nakita kasi ni Kathryn ang katawan ni Daniel nung nakikipaglaban ito.

"Ginawa ko lang yun to appear tough," sagot naman ni Daniel.

"Bakit mo ba kasi yun ginagawa?" tanong ni Kathryn.

"Para magkaroon ng pera?" tugon ni Daniel. "Alam mo naman walang mapapasukang matino ang isang high school student, di ba? At isa pa...mabilis ang kita sa ganung larangan."

"Pero ano nakukuha mo? Pasa at sakit sa katawan," sabi ni Kathryn.

"Wala ka ng pakialam doon," wika ni Daniel. "Sana ito na ang huli na mag-usap tayo tungkol dito."

Pagkatapos magsalita ng binata ay umalis na ito.

...

...

...

Hindi namamalayan ni Kathryn pero sinusundan na niya si Daniel.

Determinado siyang malaman ang sikreto nito.

Nagulat siya nang makitang dumaan ito sa isang eskinita at napadpad sila sa isang bahay sa gilid ng riles ng tren.

Nakita niya ang masayang pagsalubong ng mga bata kay Daniel.

"Kuya! Kuya!" sigaw ng mga bata.

"Oh...Kamusta na kayo? Ang tatay...magaling na ba?" tanong ni Daniel.

"Hinda pa po. May lagnat pa rin po siya at kaunting ubo," sagot ng mga bata.

"Oh siya...Check ko lang si tatay tapos magluluto na ko para sa inyo hah," sabi ni Daniel.

Napatuptop si Kathryn sa bibig niya. Nakikinig kasi siya sa usapan nina Daniel at mga bata. Hindi niya akalaing ganito pala ang buhay ni Daniel.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarinig siya ng ingay galing sa direksyon nina Daniel.

"Lelay? Lelay?" sigaw ni Daniel sa batang nasa mga bisig niya ngayon. Wala na itong malay.

Nanlaki ang mga mata niya. Nakalimutan niyang sinusundan niya ng patago si Daniel. Pinuntahan niya ang binata at ang mga bata.

"Anong nangyari?" tanong ni Kathryn.

Napanganga na lamang si Daniel ng makita ang dalaga.

Si Kathryn naman ay dinama ang noo ni Lelay. "Hala ka! May lagnat siya. Tara, ipasok natin sa loob ng bahay niyo."

...

...

...

Nang medyo bumaba na ang lagnat ni Lelay ay nakahinga ng maluwag si Kathryn.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Daniel.

Kinakabahang lumingon si Kathryn sa binata. "Ah...Ano...Napadaan lang ako."

"Wag mo kong lokohin. Anong gagawin mo sa bahay sa tabi ng riles ng tren aber?"

"Nag-aantay ng tren?"

"Wala nang dumadaang tren dito!"

"Nagpapahingin lang. Tama...Nagpapahangin," palusot pa ni Kathryn.

"Bakit mo ba ako sinusundan?"

"Kapal naman ng mukha mo. Ano ka chicks?"

"Laro lang ba ang lahat ng ito sa'yo? Pwes, hindi ako nakikipaglaro sa'yo. Wag mong gawing playground ang buhay ko, naintindihan mo ba?"

Napayuko si Kathryn. "Sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang ma-offend ka."

Bumuntong-hininga si Daniel.

"Dahil tinulungan mo si Lelay, papalampasin ko itong ginawa mo. Sana huli na ito," sabi ni Daniel. "Pabayaan mo na ako."

"Kahit friends man lang tayo...ayaw mo talaga?"

"Ayoko."

"Sige na. Parang friends lang eh."

"Ay ewan ko. Pag-iisipan ko pa!"

Napatigil ang dalawa ng tinawag si Daniel ni Lelay.

"Ano yun baby?" tanong ni Daniel sa kapatid.

"Gi –" panimula ni Lelay.

"Gi?" ulit ni Daniel.

"Girlfriend mo ba si ate, kuya?" ani ni Lelay.

Nanlaki ang mga mata ni Daniel. "Hah? Kami? Kami ng Tsis na ito? Never!"

"Hoy! Ayoko rin sa'yo noh! At tsaka anong Tsis?" tanong ni Kathryn.

"Tsis short forTsismosa. Tsismosa ka kasi," tugon ni Daniel.

Nanggagalaiti si Kathryn sa sinabi ni Daniel.

"Alam mo kuya, bagay kayo ni Ate Tsis..."

Natawa naman si Daniel ng tinawag na rin nina Lelay na Tsis si Kathryn. Aliw na aliw siya sa mga masasamang titig ng dalaga sa kanya. Hindi na niya nailantana ang sinabi ng kapatid.

"Bwiset ka!" sigaw ni Kathryn kay Daniel. "Ayusin mo ito. Hindi Tsis pangalan ko noh!"

At napangiti na lang si Daniel.

Continue Reading

You'll Also Like

31.3K 305 38
Book 2 of The Good Step Father She knew it was her fault.Her step dad was locked in prison for the crime of rape against her.Young and vulnerable,she...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...