A Fan's Fantasy

By YouNique09

165K 4.7K 544

Black Blade Series #1 Kay Leon Felizardo umiikot ang mundo ni Summer Aguirre. She is and always will be a sel... More

Prologue
Chapter One: Leon Blaine Felizardo
Chapter Two: Coffee Avenue
Chapter Three: Calliope Santos
Chapter Four: A Fan's Nightmare
Chapter Six: Curious
Chapter Seven: Realization
Chapter Eight: Moment
Chapter Nine: Olympus
Chapter Ten: Whirlwind
Epilogue: Light

Chapter Five: A Fan's Dream

11.9K 399 57
By YouNique09

Chapter Five: A Fan's Dream

"Wala na pala tayong stock..." Ani Autumn nang tinignan ang kanilang ref.

Tiningala ni Summer ang kaibigan galing sa pag ba-brush ng dahon para sa kanilang skeleton leaves.

Alas tres na at naisipan nitong mag merienda muna sila dahil kanina pa pagod ang kanilang kamay sa pag ba-brush. Skeletonizing leaves are no joke.

"S, kailangan natin mag grocery. Wala na rin palang iluluto dito for dinner and bukas din."

"Ngayon na?" Ibinaba ni Summer ang brush.

"I'm hungry na," ngumuso si Autumn at pinatay ang pinakapukulang mga dahon sa washing soda. "Ituloy nalang natin to mamaya. May bukas rin naman."

Limang dahon na ang nagagawa nila. Pwede naman nilang ituloy na ito bukas dahil nasa kalahati naman na sila.

"Saan tayo mag go-grocery?" Tanong ni Summer at tinanggal ang gloves. Ang dumi na ng kanilang kitchen na nagsilbi ring work area.

Nagkalat ang mga dahon at mga sangkap para sa pag gawa ng skeleton leaves. Kaninang umaga pa nag tatatalak si Autumn dahil sa hirap ng gagawin, buti ngayon ay nanahimik na ito dahil nagutom.

"Sa SM nalang, may bibilhin rin ako sa Parisian."

Nag hugas ng kamay si Summer at kinuha naman ni Autumn ang susi ng kanyang sasakyan habang may binabasa sa phone. Ngayon lang ulit ito nakapag check ng messages dahil pinatuonan talaga nila ng pansin ang kanilang ginagawa.

"Nag text pala si Belle"

"Anong sabi?"

"Kung pwede daw ba makisama dito sa'tin, hindi ko naman nareplyan kasi ngayon ko lang nabasa. Doon nalang ata sila kayla Joy gumawa. Okay na rin yon, lalong kakalat lang pag dito pa sila." Tikhim ni Autumn na nagpa iling naman kay Summer.

"Tara na!"

Pinunasan ni Summer ang kanyang kamay at kinuha ang susi ng front door. Siniguro niyang patay na ang gas bago lumabas ay ini-lock ang pinto.

Nag aabang na si Autumn sa harap ng elevator. Sakto namang bumukas na ito pag dating ni Summer.

Tahimik lang sila sa loob. Naka tuon lang ang atensyon ni Autumn sa phone nito, tuloy tuloy sa pag tipa na para bang may kaaway sa text dahil naka kunot pa ang noo nito. Tinignan naman ni Summer ang sarili sa salamin. Hindi na siya nakapag palit man lang ng damit. Sabagay, SM lang naman ang pupuntahan nila at mamimili ng pagkain. Okay na ang shorts at t-shirt. Parehas lang sila ni Autumn.

Bumukas ang pinto sa 6th floor, sunod na pumasok ang dalawang babae na nagpa urong kay Summer sa kanyang kinatatayuan. Napa dikit siya kay Autumn ng wala sa oras dahil sa presensya ni Calliope Santos at Chloe De Vera.

Nag uusap ang dalawa. Katulad ni Summer ay naka shorts at t-shirt lang si Calliope, naka tsinelas nga lang rin ito. Summer thought it looked so good on her. Samantala, si Chloe naman ay naka pants at sheer top. Kahit ang sandals nito at sumisigaw na sikat na brand.

Sinulyapan naman ni Summer si Autumn, walang paki alam ang kanyang kaibigan sa presensya ng dalawa nilang kasabay.

Naalala na naman niya ang sinabi ni Dancel. Kung elite na si Autumn, mas elite pa sila.

Naalala rin niya na ito ang pinunta ni Leon sa Delevinge Tower kagabi. Calliope was with Leon last night.

Palihim namang tinignan ni Summer ang dalawa. Buti nalang at lumayo siya ng kaonti dahil kung dumikit pa siya ay magmumukha siyang midget. Ang tangkad kasi ng dalawa, lalo na si Calliope.

Medyo na intimidate siya sa height nito.

Parang na drain bigla ang kanyang self confidence.

"Si Euphy daw muna mag co-cover since may aasikasuhin pa ko but manunuod naman ako ng game, sabay kami ni Rix pupunta 'don. The twins will be there too" Patuloy sa pagsasalita si Calliope, tumatango naman si Chloe sa sinasabi nito.

"Nga pala, I'll be traveling to New York with Claire this Wednesday for a Fashion Show. Baka next week na ang balik ko. May ipapabigay ka ba sa kanya? Mag kikita kami non, invited siya sa show." Ani Chloe.

Summer had no idea what they're talking about. Hindi naman niya maiwasang hindi marinig dahil maliit lang naman ang space ay hindi rin naman nagbubulungan ang dalawa.

"You know we don't do the exchange gifts thing," ngiwi ni Calliope. "Si Tita Laine itatanong ko mamaya"

"Well asahan mo na pag balik ko may matatanggap ka." Tawa naman ni Chloe.

Imbis na sumagot ay inilabas ni Calliope ang phone dahil may tumatawag dito.

"Hey," masayang bati nito sa kung sino man ang tumawag. "Yeah... on my way home. I'm with Chloe..."

"Hey gangsta!" Chloe giggled after leaning to the mouth piece para sabihin iyon.

"Nasa baba na siya. We'll head home then balik rin agad for the game... I'll call you again mamaya, dadaan rin ako sa inyo. Tita said you should call her, na mimiss ka na non pati si Lee. Yeah... Bye! I love you too!"

"I'll check his flat for you while I'm there," Ani Chloe nang ibinaba na ni Calliope ang tawag. Kumindat pa ito. "Just to be sure"

"Nilibot na niya ako through camera!"

"Malay mo may tinatago!" Depensa ni Chloe. "Just kidding! But I'll still check it. Malapit lang sa Hotel na tutuluyan namin yun"

Napailing nalang si Calliope at tumawa.

Hindi naman masundan ni Summer ang usapan ng dalawa ngunit tumatak sa kanya ang sinabihan ng 'I love you' ni Calliope sa phone. Was it Leon? She doesn't know.

Mukhang uuwi ito sa kanila dahil sa sinabi nito kanina. Hula ni Summer ay umuwi na si Leon kanina pang umaga kung doon nga talaga ito natulog.

Bumukas na ang pinto at sabay na silang lumabas. Tumungo agad si Autumn sa sasakyan nito at pinatunog ang alarm.

Sinundan naman ng tingin ni Summer ang dalawa at nakita sa di kalayuan naka park ang isang itim na Ford Ranger. Nakababa ang salamin nito kaya nakita niya si Rixon, and he's staring right at her.

"Summer! Ano pang ginagawa mo d'yan? Pasok na!"

Naputol ang kanyang tingin kay Rixon dahil sa pag tawag ni Autumn at pag pasok ni Calliope ng sasakyan habang si Chloe naman ay sa isang itim na Tucson pumasok. Mukhang may driver pa ito.

Pumasok na rin si Summer sa loob para maka alis na sila.

"What a small world..." rinig niyang bulong ni Autumn at pina andar na nito ang sasakyan.

Naisip niya na wag nang mag tanong. Hindi niya alam kung nakita ba nito si Rixon but she was sure Rixon saw Autumn.

"Hindi ka pupunta sa game mamaya? Bago 'yan ah" Nanunuyang sabi ni Autumn.

Napa iling si Summer at ngumiti. "Maraming gagawin, eh"

"And when did that stop you before?" Tumaas ang kilay ni Autumn.

"Isang game lang naman... kaya nila 'yon kahit wala ako." Tumingin siya sa labas ng bintana. Kaninang umaga palang ay sinabihan na niya sina Mirrel na hindi siya makakapunta. She needs to manage her time dahil sa daming gagawin. Hindi na niya maisisingit pa ang panunuod ng second game ng SAU.

Naisipan niyang bisitahin ang kanilang group chat para malaman ang diskusyon para sa game mamaya. Sayang lang at hindi siya magiging parte nito.

Sa totoo ay nawalan rin siya ng gana. Her focus is on her studies right now. Ayaw naman niyang ma-INC dahil hindi niya naipasa ang dapat ipasa on time. Masyado siyang worried dahil hindi na naman tulad ng High School ang College. Bawal na ang easy easy lang.

Malayu-layo rin ang Del Valle University kung saan gaganapin ang game. Batid niya ay mag hihintayan na naman ang mga pack members sa SAU at sabay na tutulak patungong DVU.

Tadtad na ng messages ang kanilang group chat. Pagktapos basahin ang mga previous ones, binasa na rin niya ang mga bago.

Annica: Summer wag mo kaming i-seen!!!!

Kristine: Sama ka na Summer :( Hahanapin ka ni Vince

Nadine: Di ka sasama Ate Summer? Halaaaaa

Napangiti nalang siya sa mga messages ng mga ito bago mag reply. Tama naman si Kristine, hahanapin talaga siya ni Vince.

Ann: Paano na si Leon? hahaha

Annica: Sasama na yan uyyyy

Summer: Wag nga kayong ano! Marami akong gagawin :( good luck nalang! :)

Nag tuloy-tuloy pa ang pag kukumbinsi ng mga ito na sumama siya pero wala talaga, kailangan niyang matapos yung skeleton leaves.

Mirrel: Anong height ni Leon?

Annica: Ano 'to Mirrel? Q and A? hahaha

Mirrel: Summer sagot!

Summer: 6'3!

Mirrel: Anong height ni Calliope?

Naalala bigla ni Summer ang pagka intimidate sa tangkad ni Calliope Santos. She guessed na 5'10 ito or 5'11. Not a normal height for a teenage girl ngunit mukhang napapalibutan ito ng mga lalaki na matatangkad rin kaya hindi halata. Leon for example.

Dancel: 5 ft. and beyond hahaha

Mirrel: Letche ka Dancel

Summer: 5'10 ata

Annica: Kasing tangkad niya si Kendall Jenner! Wow!

Nadine: Si Taylor Swift rin!

Annica: Karlie Klauss!

Dancel: Full package na yun si Calliope!! Napapa urong ako bigla pag nakikita ko yon sa SAU eh XD

Mirrel: 6'3 and 5'10. Bagayyyy!

Kristine: SILA NAAAAA?! MY GEEE.

Annica: Hoy! Wala namang ganyanan oh! Online kami ni Summer. Respeto naman mga brad.

Napailing si Summer sa reply ni Annica. She decided na wag nalang mag message pa.

"You sure na hindi ka pupunta? I'll drive you to Del Valle. I won't mind" Sinulyapan siya ni Autumn.

Napailing muli si Summer. "Tatapusin ko na 'yun. Tsak mag re-research ka pa 'don sa report niyo. Hassle lang"

"I can do that tomorrow," pamimilit ni Autumn. "Come on! Hindi ako sanay na ganyan ka!"

Biglang nag vibrate ang kanyang phone. Text ito galing kay Mirrel.

Mirrel:

If you change your mind, sa Hemlock's kami maghihintayan :)

"Sasama na yan!" Autumn cheered nang lumabas na sila ng sasakyan.

"Sunduin mo rin ko?" Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan.

"Sure! I'll hang out with Lake nalang habang nanunuod ka." Autumn winked.

Summer sighed. Looks like she's going. So much for her time management and schedule.

"Lake, asan ka?" Tinitignan ni Summer ang sarili sa salamin habang kausap naman ni Autumn si Lake sa phone nitong naka connect na sa stereo. Patungo na silang Del Valle University ngayon, wala siyang sinabihan ni isa sa pack na pupunta siya. Kanina pa umalis ang mga ito, dahil si Autumn naman ang mag hahatid sa kanya, ayos lang na ma late sila. Nag ayos rin sila ng mga binili kaya natagalan.

Suot niya ngayon ang lumang pack shirt dahil hindi na niya pwedeng suotin yung shirt na may pirma ni Leon. Alam naman niyang may bago silang shirt ngayong season dahil design niya ang ginamit.

Nag lagay muna siya ng face powder bago ibaling ang atensyon sa kausap nila sa phone.

"Hi Lakeeee!"

"Heyah Sunshine!" Maligayang bati ni Lake pabalik. "I'm with Kuya Quin"

"Gala tayo! Ihahatid ko lang 'to si Summer!"

"Hmm 'kay, ako lang ba?"

"Sama ako!" Natawa silang dalawa nang marinig ang boses ni Kuya Quin. Ang Kuya ni Ryla.

"Where's Sanz and Atlas?"

"Kahapon pa kami walang balita kay Sanz, baka na salvage na 'yon o ano. Si Atlas tulog 'don sa taas, may hangover"

"Gabi na may hangover parin? Gising mo! Sama siya sa'tin!"

"Libre mo ba?" Humagalpak sa tawa si Lake.

"Gago! Mas mayaman ka pa sa'kin tapos magpapalibre ka?"

"Porket ba may pera bawal magpa libre sa kaibigan? Si Sunshine nga nililibre ako ng fishball n'yan sa labas ng CH noon!"

Summer laughed at what Lake said. Naalala niya tuloy yung mga araw na dinudumog nila yung fishball stand at kung anu-ano pang street foods sa labas ng CH. Si Lake lang kasi ang naaaya niya sa ganon dahil masyadong maselan sina Sanz at Atlas. Masyadong vain.

"Egg Station tayo mamaya Sunshine! Libre kita!"

"Mamaya pagkatapos ng game!" Natatawang tugon ni Summer.

"Papunta kayo doon ngayon?" Tanong ni Lake.

"Oo, ihahatid ko lang 'to si Summer tapos alis na rin ako agad."

"Manuod nalang kaya tayo. I haven't watched basketball games for a while, ano say mo babe?"

Nangunot naman ang noo ni Autumn sa sinabi ni Lake. Hindi naman nagsalita si Summer, ayos lang naman sa kanya kung sumama ito o hindi.

"Sasama rin daw si Ry! Manunuod kami!" Ani Quin.

"Fine! Ililibre n'yo ko after nito ha?"

"Bakit naman? Pumayag ka lang, libre agad?"

"You don't know what you did to my life dahil sa pag sama ko na 'to."

"Wow! Where did that line came from?"

"Basta sumunod kayo! Sasama ako kina Summer, basta mga naka pulang maiingay sila na 'yon. Don't leave me hanging, Lake. Ikaw na ang susunod na mawawala pag di ka sumipot."

"Aye babe! Susunod kami! Bye!"

The call ended and Summer has a smirk on her lips habang naka tingin kay Autumn. Alam niyang wala itong takas.

"Oh don't look at me like that. Pumayag lang ako kasi kasama si Lake!"

"Hindi naman nangangain yung court, ilang beses ka palang sumama sa'kin manuod ng game. Masaya naman eh"

"I know..." ngumuso ito. "I'm just not into... basketball like you are"

Ngumiti si Summer. Alam niya iyon, hindi rin naman niya pinipilit na sumama si Autumn dahil magkaiba sila ng trip sa buhay. She was seeking for a different answer, though. Tingin niya ay may ibang rason ito.

"OMG SUMMMERRRRRR!"

Pinagkaguluhan si Summer ng ibang pack members pag dating nila. Simula na ang 1st quarter kanina pa, kitang kita na niya agad si Leon at Vince sa court.

"Sabi mo hindi ka pupunta," sinudot ni Mirrel ang tagiliran ni Summer kaya napa urong siya at natawa. "Yiiieee hindi naka tiis!"

Kinawayan naman ng iba si Autumn na tahimik na nanunuod ng game at naka halukipkip.

"Hindi maganda simula ni Leon ngayon," ani Annica. "Na foul agad siya kanina! Letse kasi yung taga Del Valle! Ang dudumi mag laro!"

"Shhhh! Annica quiet ka lang! Baka mapa away pa tayo ng wala sa oras!" Saway agad ni Mirrel dito. Lumapit naman ito ng kaonti kay Summer.

"Andito sina Calliope Santos pati yung ibang mga nakita nating gwapo nung party" Kinikilig na bulong nito sa kanya. Tinuro naman nito ang kabilang dako ng bleachers at naroon nga si Calliope Santos na tumatalon talon pa habang nag che-cheer. Kasama nito si Rixon at ang dalawang Parker.

"GOOOOO SIXTEEN! AY SEVEN NA PALA. GO SEVEN!" Malakas na tili nito. Nakita naman ni Summer ang paghalakhak ng dalawang Parker sa tabi nito.

Napansin niya ang suot ni Calliope. Naka letterman jacket ito na color red at may numerong 07 sa harap. Ang numero ni Logan Dimaano.

Napa taas naman ang kilay ni Summer. Ngayon ay naguguluhan na siya.

Napatalon naman siya nang biglang magtilian ang pack. Tumingin muli siya sa pwesto nina Calliope at nakitang kararating lang ng tropa nila Calixx.

Tili nang tili si Mirrel habang niyuyugyog si Summer dahil sa kilig. Halos hindi humupa ang sigawan at nakuha na rin nila ang atensyon ng ibang audience. Pati na ang mga players na nasa bangko ay natatawang naka tingala na rin sa kanila.

"Omg si Reigan! Shet yung boyfriend ko!" Mangiyak ngiyak na sambit ni Mirrel dahil kitang kita dito sa pwesto nila sina Reigan.

Napa hiyaw naman si Summer dahil naka shoot ng 3 points si Leon. Sakto ang pag tingin niya sa court nang ma-shoot ito kaya napa tili siya.

"Summer sigaw na bilis!" ani Annica.

Hindi na nag dalawang isip na si Summer na sumigaw. "LEON FELIZARDOOOOO!"

Sa gulat niya ay nagsigawan rin sina Calliope to back her up.

Naka ngiting tumingin si Calliope sa kanya bago kumindat.

"Egg Station na this!" Lake cheered nang matapos ang game. Hindi parin humuhupa ang adrenaline sa sistema ni Summer dahil sa nangyari kanina. Tama nga siguro na sumunod siya sa game na ito, she could've missed all the fun kung hindi siya sumama.

"Mauna na kayo ha? Sunod nalang ako. I have pack duties!"

"Tara na!" Hindi nag dalawang isip na si Autumn na hilahin si Lake at Quin sa tenga para maka alis na sila. Humanap naman ng matatambayan ng pack para hintayin ang players katulad ng naka sanayan.

"Close pala sila 'no?" Ani Kristine nang tumabi kay Summer. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito, si Ryla. Imbis kasi na sa kanila ito sumama kanina katulad ng ginagaw ni Lake at Quin, doon ito pumunta sa kabila, kina Calliope.

Nag kibit balikat siya dito. "Hindi rin naman kami ganon ka close ni Ryla kaya hindi ko alam, tsaka magkaiba kami ng section nung 4th year. Si Autumn yung classmate niya"

"Edi kasama pala ni Autumn si Chloe De Vera non?"

"Oo, since 1st year classmates na sila. Star section kasi si Autumn palagi. Ako lang naman 'tong kulelat pag dating sa grades kaya palagi akong section 3" Ngumiti si Summer. "Destined na talaga siyang mag SAU eh, kaso umayaw siya kasi wala ako"

"Oo nga daw, sabi nila naka pasa siya ng Civil Engineer sa SAU. Sayang yun ah"

"Anong sayang?" Ani Nadine, isa sa pinaka bata nilang members. Ngayon nalang ulit ito naka sama.

"Wala ka na 'don!" Pagtataboy ni Kristine. "Chismosa 'tong batang 'to!"

"Syempre naman! I am a professional fan girl!"

"Hey guys meeting muna tayo habang wala pa sila!" Tawag ni Mirrel.

Nagkumpulan naman sila para sa meeting. Tumabi siya kay Annica at Dancel. Nagtatawanan ang dalawa tungkol sa pag dating nina Calixx kanina. Hindi parin maka get over ang mga ito.

"Okay so we all know na malapit na ang birthday ni Leon," matamang sabi ni Mirrel. Going on President mode now. Tumango naman si Summer kahit sa totoo lang ay nawala ito sa isip niya. Gusto na nga niyang sapukin ang sarili sa segundong iyon dahil nakalimutan niya. So much for being his biggest fan.

"Last year nagpa meet up kami kasama ang buong team to celebrate his birthday," sinabi ito ni Mirrel para sa kanilang mga bagong members. "Sabi sa'kin ni Vince kanina may gagawin daw sila for Leon's birthday at kasama tayo doon, ngayon palang niya sasabihin sa'kin at kailangan raw ng cooperation."

Na curious naman bigla si Summer sa sinabi ni Mirrel. Ano kayang plano nila Vince? Alam nilang lahat na ayaw ng engradeng celebration ni Leon.

"Yun lang, to follow nalang sa group yung official announcement sa gagawin. Tapos yung mga payments for the shirt pwede nang mag bigay sa'kin or kay Kristine ngayon. May voting rin mamaya sa group para sa bagong banner natin! Mga originals, mamaya wag munang uuwi. Kailangan present tayo sa announcement ni Vince."

Tinext niya agad sina Autumn na ngayon ay nagliliwaliw na sa kung saan na may meeting pa sila.

Nag share sila ng mga ideas tungkol sa gagawing birthday celebration ni Leon. Nakinig lang si Summer, para sa kanya naman kasi ay konting salo-salo lang ay ayos na. Alam niyang mas gusto pa iyon ni Leon. Pumayag naman kasi ito sa meet up noon at ginanap ito sa bahay nila Vince.

"Santos!" Biglang hiyaw ni Kristine at tinuro ang kinaroroonan ni Rixon Santos kasama sina Calliope.

"Damn. Suot niya yung jacket ni Logan..." ani Dancel nang makita nila si Calliope. Naka talikod ito at naka ponytail pa ang buhok kaya kitang-kita ang naka lagay na "Dimaano" sa likod. Nakikipag tawanan ito kina Calixx, lahat sila ay nagkumpulan doon sa ilalim ng puno at mukhang may hinihintay rin. Summer guessed it was Leon or Logan. Maybe both.

"I thought sila ni Leon?" Ani Kristine.

"Hula lang naman 'yon, e." Sagot ni Mirrel. "Para kasing ang close nila."

"Sila lang ni Ryla yung babae oh. Ang swerte!" Annica said.

"Ate Nics, kinakawayan ka ata..." ani Nadine at tinuro muli ang grupo nila Calliope. Halos lahat ng mga ito ay naka tingin na sa kanila dahil sa pag kaway ng isang lalaki.

Namukhaan ito agad ni Summer. Si Tommen, ang kasama ni Calixx sa elevator kagabi.

"LANGYA KA TOMMEN!" Sigaw ni Annica na nagpagulat naman kay Summer. Hindi niya kasi ito inaasahan.

Well, Annica's from SAU kaya hindi na rin naman nakakagulat na kilala nito si Tom at ang iba pang mga taga SAU but her shout though...

Nakita naman ni Summer ang pag tawa ni Tom at pag taas ng middle finger nito kaya sinapok agad ito ng katabing si Keanu.

"Wala pala si Sasha Aguilar..." Mirrel said in realization.

Nawala rin naman agad ang atensyon dito ni Summer dahil tumingin muli siya kay Annica. Naka taas na rin ang dalawang middle finger nito.

"Huy babae! Mahiya ka nga! Andon sina Reigan oh!" Saway ni Dancel. "Tsaka bakit mo ginaganyan si Tommen? Close kayo?"

"Tanga! Pinsan ko yon!" Humagalpak sa tawa si Annica at napanganga naman ang ibang members.

Ngayon alam ni Summer na parte si Tommen ng tropa nila Calixx at pinsan ito ni Annica.

Hindi man lang sinabi ng gaga.

Naalala niya ang pag tanong ni Tommen kung kaibigan daw ba siya ni Annica Pascual. Napapailing nalang si Summer dahil panay na ang reklamo nila Dancel dahil hindi sinabi ni Annica na close pala ang pinsan nito kina Calixx.

"Hindi nga sabi sila pupumunta sa bahay nila Tom!" ani Annica nang tinanong ng isang member kung may time na pumunta siya sa bahay ng pinsan at naabutan doon sina Calixx.

"Si Tom yung mahilig mangapit-bahay. Madalas ko rin lang naman maka usap yun! Sa laki ng SAU pwede naming iwasang ang isa't isa no! Nakakasawa kaya tignan yung mukha niya."

"Ate Nics palapitin mo sila dito dali na please!" Nadine begged along with the younger members.

"Andyan na sila guys!" Sigaw ng isa na naka agaw ng atensyon nilang lahat.

They all merged with the Players para i-congratulate ito sa pagka panalo.

Tinanaw naman ni Summer ang kinaroroonan nila Calliope. Hindi pa umaalis ang mga ito sa pwesto, hula niya ay hindi ito makikisama sa kanila.

"Buti nalang natalo niya yung mga taga Del Valle! Ang yayabang!" ani ng isang member nang makipag picture it okay Vince. Ngumiti lang si Vince bilang tugon.

Ngumiti lang din si Summer. Matagal na niya itong ginagawa ngunit tuwing nangyayari ay parang bago parin, like she's a new member.

"Summer!" Vince finally noticed her presence. "Hinanap kita kanina nang walang sumigaw ng Leon Felizardo nung lumabas kami, e."

Ngumiti muli siya sa sinabi nito.

"Naiinggit na nga ako," biglang sabi nito. "Shout for me next time, okay?"

"S-sige..."

Sumisigaw rin naman siya para kay Vince Co ngunit mas malakas at bigay todo talaga pag kay Leon Felizardo.

"Congrats pala!" Ang tanging naidugtong niya to avoid the awkward air. Nagpasalamat rin siya sa pag hila ni Mirrel dahil magpapa picture sila kay Logan.

Ngumiti si Summer sa camera kahit na haggard na haggard na siya dahil sa kakatalon kanina. Tayu-tayo na ang buhok niya at oily faced na rin, naiwan pa niya ang kanyang pulbo sa loob ng sasakyan ni Autumn. Tanging phone lang ang kanyang dalawa. Nakalimutan niya talaga ang picture session!

She inwardly cursed. Parang wala siya sa katinuan ngayon.

"Shit..." Untag niya nang makita ang picture nila sa DSLR ni Kristine. "Ang haggard ko na girl"

Natawa rin naman siya nang makita kung gaano siya kaliit sa tabi ni Logan Dimaano. Paano pa kaya kay Leon?

"Mag papa-picture ka kay Leon ngayon?" Tanong ni Kristine. Umiling naman si Summer.

"Ayoko muna, mukha na akong mangkukulam! Nakakahiya na!"

"Sayang naman," ani Dancel. "Mukhang good mood si Leon ngayon oh!"

Sinundan ng tingin ni Summer ang tinuro ni Dancel at nakitang naka ngiti si Leon habang nakikipag usap kay Vince.

"Kasama niya pa si Vince, dali na lapit ka na! Tutulungan ka n'yan!" Pinagtutulak na siya ni Dancel, Annica, at Kristine sa pwesto ni Leon.

Bago pa sila tuluyang maka lapit at napa tingin na ang dalawa sa kanila. Naalala niya bigla ang ginagwa ni Leon para sa kanya.

Hindi naman niya inaasahan na may magbabago sa kanila dahil doon. She doesn't expect anything. Ayaw niyang umasa dahil sa dulo ay siya rin ang masasaktan, but then when it comes to Leon sanay na siya sa rejection.

"Leon pa picture daw!" Humagikhik ang tatlo at tuluyan nang tinulak si Summer palapit kay Leon. Muntik pa siyang tumama sa dibdib nito kaya dinapuan siya ng hiya.

Asan na ang kakulitan mo ngayon Summer Aguirre?

"Shhh! Guys ano ba!" Mahina niyang saway ngunit huli na ang lahat. Naka taas ang kilay ni Leon sa kanya, kitang kita niya na napapangiti na ito.

"Pagbigyan mo na Captain," Vince smiled.

Tuluyan nang ngumiti si Leon at tumango. Nalaglag naman ang panga ni Summer. Parang nag freeze ang oras sa segudong iyon at tangin ngiti lang ni Leon ang tumatak sa kanya. Kung hindi ma timili sina Dancel ay hindi siya babalik sa ulirat.

She took a deep breath bago tumabi kay Leon. Sa gulat niya ay umakbay pa ito.

Halos lahat ay naka tingin sa kanila. Para bang miracle ang nangyayari ngayon. Ang daming nag che-cheer sa kilig.

Namula naman ang mukha ni Summer sa hiya. Hindi niya inaasahan na mahihiya siya pag nangyari na talaga ang pangarap niya. Sumenyas si Kristine gamit ang tatlong dalari bago sila picturan.

Summer smiled. Bakas sa kanyang ngiti ang saya kahit na nahihiya at naiiyak na siya. Hindi niya inaasahan na ngayong gabi mangyayari ang inaasam niya. Ang gabi na hindi pa siya ready.

"Phone mo naman Summer bilis!"

Nanginginig niyang inabot ang kanyang phone kay Kristine and they took a picture again.

Ngayon lang napagtanto ni Summer na she was holding her breath the whole time na katabi niya si Leon.

"Thank you!" Hindi na niya mapigilan ang sarili nang maibalik na sa kanya ang kanyang phone at makita ang picture. Inignora na niya ang mukha niya at tinignan ang kay Leon. Naka ngiti ito. Naka ngiti ito sa picture nilang dalawa!

"PANCIT NA THIS WOOHOOOOOO!" Walang hiyang sigaw ni Mirrel at sabay sabay na nag cheer ang iba pang members dahil hindi parin humuhupa ang kilig.

"WALA MUNANG UUWI! LILIBRE TAYO NI SUMMER!"

Pati ang ibang Players natawa sa mga chine-cheer ng kanyang mga kaibigan. She playfully glared at Mirrel and Annica na dalawang pasimuno ng lahat.

"AGUIRRE FOR THE WIN!"

Napailing nalang siya. Nang nilingon niya si Leon at patungo na ito sa mga kaibigan nag hihintay sa ilalim ng puno.

She stared at his retreating back with a smile. Hindi tulad ng dati na malungkot ang kanyang ngiti when she watches him walk away.

Nagpatuloy pa ang hiyawan hanggang sa unti-unti nang nalagas ang mga members at players dahil masisiuwian na ito. Ang iilang members ay mag ce-celebrate, kasama doon si Vince ngunit susunod nalang daw ito.

Natira nalang ang mga originals at si Vince. Ito kasi ang magsasabi sa kanila tungkol sa plano para sa Birthday ni Leon.

"So ganito girls," panimula ni Vince. "Sa Facebook, Instagram, and Twitter ang gagawin natin. Gusto lang namin na mainform kayo lahat para lahat kayo makapag participate, lalo na yung mga fans ni Leon," naka ngiting tumingin si Vince sa kanya at namula naman ang kanyang pisngi dahil don. Siniko pa siya ni Kristine.

"Sirain na natin yung tahimik na buhay ni Captain sa birthday niya, isang beses lang naman kaya sulitin na natin!"

Nag cheer silang lahat sa sinabi ni Vince. Wala talagang idea si Summer sa kung ano ang kanilang gagawin but for sure mag pa-participate siya.

"Mag po-post kayo ng message for Leon pero hindi lang basta message katulad ng ginagawa niyo every year on his birthday, lagyan natin ng twist ngayon! Kuwari boyfriend niyo siya tapos babatiin niyo yung boyfriend niyo sa Facebook, Insta, at Twitter. Pwede kayong mag post sa lahat! Pwedeng may video o pictures, kung may picture kayo na kasama siya then pwede 'yon! Write the sweetest message na magagawa niyo! Yung agaw atensyon talaga! Kami mismo ang magbabasa ng mga messages, pwede ring itag niyo kami or you could share your fellow pack members message para mapansin namin, pwedeng mag promote. Kami ang pipili ng pinaka nagustuhan naming message at bibigyan ng prize ang winner. Sa'min na muna kung ano ang prize! Plano talaga ito ng buong team at hindi 'to mangyayari kung wala kayo. So can I count on you girls? Lalo na ang mga Leon's girl?"

Unti-unting nag si-sink in sa utak ni Summer ang mga sinabi ni Vince.

When it finally did, mabagal siya napatango. She already marked the date of Leon's birthday at ngayon palang tumatakbo sa kanyang isip ang pwede niyang sabihin o gawin bilang message. May picture na sila at sigurado siyang siya lang ang meron non! Wala siyang kilalang iba na nakipag picture na kay Leon bukod sa group photo! That's already a plus for her.

"Hindi kami magiging biased dito dahil ang iba sa inyo close na namin," dagdag ni Vince. "Hindi alam 'to ni Leon kaya bubulabugin talaga natin ang buhay niya sa araw na 'yon."

Tumawa pa ito sa huling sinabi.

Talagang mabubulabog talaga ang tahimik na buhay ni Leon dahil sa dami niyang fans.

"Tsaka pala girls, pag i-aanounce niyo mamaya paki sabi na wag kayong mag po-post ng kahit ano tungkol sa gagawin ha? Surprise talaga 'to kaya tahimik muna tayong lahat bago mag birthday si Leon."

Nagsitanguan naman silang lahat. Kayang kaya ng kanilang President na pasunurin silang lahat.

"Okay na ba?" Tanong muli ni Vince.

"Okay na, Vince. Salamat!" Nag thumbs up pa si Mirrel.

Ngumiti muli si Vince. "Sabay na ko sa inyo palabas!"

Tinext naman ni Summer si Autumn para itanong kung asan sila. Ginugutom na rin siya, ililibre parin siya ni Lake.

Autumn:

Andito kami sa dulong resto. We already saved you a seat, sure akong gutom ka na. Bilisan mo!

Alam ni Summer kung saan ang tinutukoy nito, kita na nga niya ang resto sa kanyang kinatatayuan. Ang iba ay humiwalay na para umuwi, sina Mirrel at ibang originals ay naisipang kumain muna sa isang restaurant na hindi matao. Dito dumiretso ang mga nanuod. Ngunit ngayon ay mukhang kaonti nalang.

"Doon na ko girls, thank your for the awesome night!" Nakipag beso at yakapan siya sa mga kaibigan. Muli ay binati siya ng mga ito ng congratulations.

"Swerte mo talaga" Sabi ni Kristine matapos siya nitong yakapin.

"Alis na rin ako girls, yung plano ha? Asahan ko kayo." Ani Vince. Nakipag high five naman ito sa mga natitirang members at kinindatan pa si Summer.

"Lalo na ikaw," sabi nito sa kanya.

"I'll try my best," Summer laughed. "Malay mo may mas addict pa palang kay Leon, matalo pa ako."

"Shit!" Biglang utas ni Vince. "Nakalimutan ko pa yung importante!"

"Ano yon?" Sabay sabay nilang tanong.

"A Fan's Fantasy yung hashtag na gagamitin!"

"Noted!" Mirrel mocked salute. Summer made a mental note.

Nagpaalam na muli si Vince at umalis na rin si Summer.

Nang pumasok siya sa resto nakita niya agad si Autumn, Lake, Quin, at ang nabuhay na si Sanz. Sa saya niya ay sinalubong niya ng yakap si Autumn. Nagulat pa ito dahil sa kanyang ginawa.

"Oh? Saya mo ata? Anong meron?" Natatawang tanong nito.

"May picture na kami ni Leon!!!" Excited niyang pinakita ang kanilang picture sa kanyang best friend. Natawa naman si Lake at Sanz dahil sa energy niya. Walang paki alam si Summer kung maka agaw man siya ng atensyon dahil sa pagka excited at saya niya. Basta masaya siya!

"Must be your lucky day," Lake said before pointing at the far end of the resto kung saan naroong ang floor-to-ceiling wall overlooking ang mga makikintab na street lights at hanging lights sa malalaking puno na naka palibot sa entrance ng resto.

"Leon's right over there," Sanz smirked. "And you got his attention, Sunshine."

"You got all of their attention actually" Quin chuckled.

Summer shut her mouth nang makita niyang halos lahat ng nasa table ay naka tingin na sa gawi nila. Tinuro pa siya ni Tommen. Nakita rin siya ang pag halakhak ni Calixx at mahinang sinapak ang braso ni Leon. Calixx said something, hindi naman alam ni Summer kung ano.

Kumaway rin si Calliope, naputol ang sinasabi nito sa katabing si Ryla at Logan.

"Shit." Humigpit ang yakap niya kay Autumn. Paniguradong narinig ng mga ito ang kanyang sinabi dahil sa lakas ng kanyang boses.

"Yeah S, shit." Autumn just laughed.


Continue Reading

You'll Also Like

851K 31K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
10.2M 201K 38
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
2.1M 82.2K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...
1.9M 47.5K 54
The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng...