Shotgun Wedding

By pancakenomnom

436K 4.8K 699

One wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on t... More

Characters
PREFACE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Author's Note
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Fifty-One
Fifty-Two
Fifty-Three
Fifty-Four
Fifty-Five
Fifty-Six
Fifty-Seven
Fifty-Eight
Fifty-Nine
Sixty
Sixty-One
Sixty-Two
Sixty-Three
Sixty-Four
Sixty-Five
Sixty-Six
Sixty-Seven
Sixty-Eight
Sixty-Nine
Seventy
Seventy-One
Seventy-Two
Seventy-Three
Seventy-Four
Seventy-Five
POSTFACE
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 1)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 2)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 3)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 4)
Shotgun Wedding Plus: A New Beginning
Epilogue
Author's Note II

Twenty-Eight

5.4K 61 7
By pancakenomnom

Lujille

Nang magising ako, wala na si Arleigh sa tabi ko. Nakatulog ako habang nakasandal sa balikat niya. Kung paano ako nakahiga sa sofa, hindi ko alam. Masarap lang talaga ang tulog ko kagabi.

Naka-on pa rin ang laptop, at nakita ko ang magkahawak naming mga kamay. Dapat nakapatay na ‘to kasi hindi ito na-off kagabi. Napangiti ako ng wala sa oras. Minsan pala, may pagka-cheesy din itong si Arleigh. Hindi ko inakalang gagawin niyang desktop background ang picture namin. Nakasimangot pa siya nang papunta kami sa Star City. Pero ang hindi ko alam, nag-e-enjoy na pala siya.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makakalimutan ang paghawak niya sa kamay ko. Ang masabi lang niya na hindi siya bibitaw ay sapat na para sa akin. May naaalala na siya. Okay na iyon, dahil alam kong unti-unting babalik ang lahat sa dati. Kailangan ko lang magtiwala at umasa.

Mabango ang kusina. Amoy ng sinangag at bacon na sinamahan pa ng scrambled eggs. Pumunta ako sa kusina at nakitang nagluluto si Arleigh. Ngumiti siya nang makita niya ako. Tumabi ako sa kanya at sumandal sa counter.

“Ang sarap naman ng pampagising mo.” sabi ko.

“Gutom lang iyan. Bolera ka rin eh.”

“Subuan mo ko, ha?” biro ko.

Kinurot niya ang pisngi ko. “Ayoko.”

Ilang sandali pa, hinain na ni Arleigh ang mga niluto niya. Ginising ko na ang mga bata at si Lorraine. Tatlong baso ng gatas ang tinimpla ko, kasali na rin ag dalawang tasa ng kape.

“Huwag mong sabihin sa ‘king makikisali ka sa mga bata? Matanda ka na para uminom ng gatas.” sabi niya.

“Kailangan ko ng calcium, lalo pa’t naka-high heels ako araw-araw. Magtimpla ka rin kung gusto mo.”

“Pinagtimpla mo na ko ng kape. Ayokong sayangin iyon.”

“Good morning, ate. Good morning, kuya.” bati ni Lorraine at sumunod ang dalawang bata. Umupo na kaming lahat sa hapag at nagsimulang kumain.

“Ano’ng oras ba ang pasok niyo sa trabaho, ate?”

Napatigil ako sandali. Tumingin ako sa orasan na nakabitin sa dingding sa sala. Masyado na pala kaming late ni Arleigh. Baka isumbong niya pa ako kay Mama ‘pag nagkataon.

“9 am.” Pero alas-otso na sa orasan. Patay ako nito.

Tumango lang siya at kumain. Enjoy na enjoy naman ang dalawang bata sa pagkain, lalo pa’t Tito nila ang nagluto ng mga iyon.

“Tita, ang sarap niyo pong magtimpla ng gatas.” nakangising sabi ni Bugoy.

Ginulo ko ang buhok niya.

“Thank you.”

Ito ang first time na may sinabing maganda ang batang ‘to tungkol sa akin. Masaya na rin ako.

Naglaro ang dalawang bata matapos kumain. Pinabayaan lang naman sila habang nag-uusap kami. Sa bahay namin iiwan ang dalawang bata. Sina Mama muna ang magbabantay. Papasok kami ni Arleigh sa trabaho at uuwi pa si Lorraine para magbihis.

Maya-maya na lang ay may narinig kaming nabasag sa sala. Agad kaming napatayo at pumunta doon. Nakita naming ang basag na vase. Ang isang piraso n’on ay tumilapon sa laptop ni Arleigh. May gasgas ang outer cover nito at nabasa ang ilalim, dala ng tubig galing sa vase. Nakatayo sila Bugoy at Basha, naninigas dahil sa nangyari.

“Sino’ng nakabasag nito?” galit na tanong ni Arleigh. Nag-iba ang expression ng mukha niya. Nakakatakot tingnan.

Tahimik ang lahat lalo na mga bata.

“Sino?!”

“Kuya, nasisindak yung dalawang bata.” sabi ni Lorraine.

“Huwag kang makialam!” sigaw niya sa kapatid ko.

“Arleigh, calm down.” sabi ko. Kahit ako hindi ko siya mapigilan.

Biglang umiyak si Bugoy, dahilan para magalit pa lalo si Arleigh. Binuhat niya si Bugoy sa sofa, pwersahan itong pinatalikod, at makailang beses na pinalo ang pwet.

Hindi na tama ‘to.

“Pwede ba, Arleigh? Itigil mo na yan!” bulyaw ko.

Tumigil siya sandali at tumingin sa akin. Naririnig ko pa rin ang pag-iyak ni Bugoy. Unti-unting nababasag ang puso ko.

“Itigil?” Tinuro niya si Bugoy. “This child has to be disciplined! Palibhasa kinukunsinti kasi siya ng pinsan ko eh.”

“At bakit, anak mo ba siya? Do you have any right to inflict pain diyan sa bata? Hindi mo siya kailangang saktan ng ganyan.”

“Hindi matututo ang batang ‘to kung hindi tuturuan.”

Pinalo niya ulit si Bugoy.  Hindi na kaya ng bata. Hindi ko na rin kaya.

“Tigilan mo na iyan!” Lumapit ako sa kanila at pilit kong inilayo si Bugoy. Pero natulak ako ni Arleigh at tumama ang braso ko sa isang malaking bubog ng vase.

Dumaing ako sa sakit. Nakatingin si Arleigh sa akin, and he realized what he just did.

“Ate…” sabi ni Lorraine.

Tumayo agad ako. Lumapit si Arleigh para sana’y tulungan ako pero itinaboy ko siya.

“Dumudugo ang braso mo.” sabi niya.

“Alam ko. Lumayo ka nga!” bulyaw ko.

“S-Sorry.” Halata sa mukha at pawis niya ang guilt, pero wala na akong pakialam doon. Hindi ako kumibo.

“Lorraine, dalhin mo ang bata sa kwarto.” sabi ko at tumalikod. Tahimik pa rin si Arleigh. Pahapdi ng pahapdi ang sugat ko.

Humarap ako sa kanya.

“Linisin mo ang kalat mo.”

At iniwan ko na sila. Pumunta ako sa banyo para linisin ang sugat ko.

“What?!” Magkahalong galit at gulat ang lumabas sa bibig ko matapos sabihin sa akin ni Monica ang isang balita.

“Sa PR Department po siya nag-apply. Nagulat nga ako at na-absorb siya ditto sa kompanya.”

“Bwiset. I will fire her. Call the PR Department now!”

“Sige po, Ma’am.” sabi ni Monica at umalis.

Hindi ko inakalang nag-resign si Leslie sa Philippine Daily Inquirer para mag-apply dito bilang isa sa mga public relations manager ng LGV Kingdom. Maganda na ang kalagayan niya d’on, and I don’t get the logic kung bakit pa niya kailangang gawin ito. Hindi basta-basta ang real estate kung tutuusin.

Kung ginagawa niya ito as a technique para guluhin kami ni Arleigh, kailangan kong maghanda. I have to block her out, para hindi na siya gagawa ng further damage.

Bumalik si Monica.

“Ma’am, impressive po ang credentials niya kaya siya na-hire agad.” sabi niya.

Ihinagis ko ang isang ballpen patungo sa sahig sa sobrang galit. Kumirot ang sugatan kong braso na naka-plaster na ngayon.

“This is absurd.” sabi ko. Tumayo ako at lumabas ng offce. Swerte din naming nakasalubong ko si Leslie sa lobby.

“Hi there, Lujille.” nakangiti niyang sabi.

But I’m not in the mood to play around. Kung hindi lang ako nasugatan, malamang binugbog ko na siya ngayon.

“Ang tapang din ng apog mong mag-apply dito, no? Sa teritoryo pa naming ng asawa ko.”

She smiled. “I’m damn bored sa PDI, kaya naisipan kong dito maglaro.”

“Wow. Bilib naman ako sa iyo. Playground pala ‘tong kompanya ko? Diyos ko naman! Kahit ako hindi ko alam.”

“Yeah, playground. Just like how you play around with the man I love.”

“Asawa ko nga ‘di ba? Huwag mo kong itulad sa iyo na parang asong ulol. Habol ng habol kahit walang buto.”

She frowned, at nakita niya ang plaster sa braso ko.

“O, huwag mong sabihing battered wife ka na?”

Nagtangka akong itago ang braso ko pero hindi ko ginawa. It would only make me look like a coward.

“Naaksidente ako kanina. Wala kang pakialam dito.”

“Hindi ako minamaltrato ni Arleigh ng ganyan dati. Pero looking at you, kawawa ka.”

Nagkuyom ang kamao ko. She’s stepping beyond the boundaries.

“Ingat ka sa pananalita mo. Nandito ka sa lugar ko. I can foire you anytime kung gusto, kahit hindi ka pa nagsisimula ngayon.” banta ko sa kanya.

“And I’ll do good sa work ko, para wala kang masabi sa ‘kin.”

Hindi na ako nakakibo pa dahil lumakad na siya palayo. I was impressed nung sinulat niya ang article about sa launching ng LGV Kingdom, but this time, kailangan kong mag-ingat, at maghanda.

“Ilang beses ba tinahi iyan?” tanong ni Nathan nang mag-lunch ako sa restaurant niya. Nakatingin siya sa braso ko. Na-co-conscious na rin ako sa ginagawa niya.

“Tatlong tahi. Ang sakit nga eh.” sabi ko.

“Ano ba kasing nangyari?” tanong niya ulit.

Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba o hindi. Baka magalit na naman siya. Hindi naman sinadya ni Arleigh iyon eh.

“Nadisgrasya lang sa bahay. Wala ‘to no. Huwag kang ma-praning diyan.”

“Ang laki kaya ng sugat mo. Alangan namang ipagwalang-bahala ko iyan.”

“Gagaling din ‘to within a week. Trust me.”

Bigla niyang iniba ang usapan.

“Balita ko nag-apply si Leslie sa kompanya niyo.”

Nagalit ako sa pag-bring up ni Nathan ng topic na iyan.

“Ayokong pag-usapan ang babaeng iyon.”

“Alam ko ang nararamdaman mo. Maging ako nagulat din eh.”

“Sino ba namang hindi? Gagawin kong impyerno ang buhay niya.” sagot ko.

Uminom ng tubig si Nathan. “Sige nga, paano mo gagawin iyon?”

And then I realized na wala pa pala akong first step.

“Basta. Ako na ang bahala d’on.”

Hindi sinasadyang nakasabay ko si Arleigh sa elevator. Kami lang dalawa n’on, at magkahiwalay kaming kumain ng lunch. Tahimik lang kami habang papaakyat ang elevator.

“Lujille-“

“Ano?” galit kong tugon, kahit hindi pa siya natatapos sa sasabihin niya.

“I’m sorry.” sabi niya.

“Mahapdi pa ang sugat ko. Huwag muna ngayon.” I coldly answered.

Tahimik ulit kami. Mag-uunahan kung kaninong laway ang unang mapapanis.

“Siguro naman nabalitaan mo na ang-apply si Leslie dito, di ba?”

Tumago lang siya.

“Presidente ka, and you’re not doing anything para solusyonan ang sitwasyong ito. Alam mo namang threat siya sa atin di ba?”

“Ginagawan ko naman ng paraan eh.”

“Shut up. Sisiguraduhin kong magdudusa siya.” sabi ko.

Tumigil na ang elevator sa floor ng opisina ko. Hinagip ni Arleigh ang braso ko, sabay ng pagbukas ng pintuan.

“Lujille, I’m sorry ulit. Alam kong mali ang ginawa ko sa bata.”

“Sa bata ka mag-sorry, huwag sa ‘kin.”

Iniwan ko siya at sumara ang pinto ng elevator.

Continue Reading

You'll Also Like

120K 2.4K 45
Sofia Gail Harvelle, a girl who dream to get married with someone who'll love her truly. pangarap nyang ikasal sa lalakeng mahal nya... but what if...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
98.7K 2.4K 19
Seducing Dmitri "Open your eyes.. Look at me..." he said in a husky voice. Ako naman parang namamahika na binuksan ang mga mata at tiningnan sya. Ala...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...