THE BITTER NUMB

Galing kay Chiiimimay

53.2K 1.3K 557

( That 0.1% Hope Book 2) Started: May 24, 2014 Ended: (On going) Higit pa

THE BITTER NUMB
Prologue
Numb 1: Brat or Bitch
Numb 2: She's in Trouble
Numb 3: Shock
Numb 4: Why
Numb 5: Version 2.0
Numb 6: Welcome Back
Numb 7: Bad Vibes
Numb 8: Ace and Clifford
Numb 9: Those Days
Numb 10: Happy?
Numb 11: Ruin Party
Numb 12: Unexpectedly
Numb 13: Crossing Path
Numb 14: Fears
Numb 15: Girl Bonding Part 1
Numb 15: Girl Bonding Part 2
Numb 16: That Stranger
Numb 17: Enough
Numb 18: Face Off?
Numb 19: Where's Zoe?
Numb 20: Clifford 1 vs Clifford 2 vs Ace?
Numb 21: Memories
Numb 22: Battle of the Hearts
Numb 23: Truth
Numb 24: "Tukayo"
Numb 25: Face to Face
Numb 26: Reconciliation?
Numb 27: Let's take it slow
Numb 28: An Escape
Numb 29: Tonight
Numb 30: Pillow Fight
Numb 31: His Fears
Numb 32: Disaster Reunion
Numb 33: Soulmates
Numb 34: Confession
Numb 35: Still Him
Numb 36: Earn my Trust
Numb 37: Be Mine Again
Numb 38: Hoping Again
Numb 39: Batman
Numb 40:Deja vu
Numb 41: Time Machine
Numb 42: Caldereta
Numb 43: Backhug
Numb 44: Compromise
Numb 45: Damn
Numb 47: It's Over?
Numb 48.1: Maybe Some Other Time
Numb 48.2 No More Bitterness
Numb 49: Till the end of Time
Numb 50: From This Day
Numb 51: Hiling
Numb 52: Twin's Quarrel
Numb 53: Mishap
Numb 54: Don't Look for me
Numb 55: Sign

Numb 46: Sisters

381 14 4
Galing kay Chiiimimay

HARRY's POV

Nakaramdam ako ng init kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Nasilaw pa ako sa sinag ng araw na pumasok sa kwarto....

Kwarto?

Paano ako nakarating dito?

Napabalikwas ako ng bangon at nakita ko na halos wala akong damit at tanging boxer shorts lang ang suot ko.

Inilibot ko ang mata ko at agad kong napansin ang isang bulto ng tao na nasa tabi ng kamang hinigaan ko.

Nangunot ang noo ko ng mapagtanto kong babae ang katabi ko.

Gumalaw siya at unti-unting ibinaling sa akin ang kanyang mukha.

"Gising ka na pala Honey. I had a great time with you." Anitong namumungay pa ang mga mata.

"Sharie???"

Teka naguguluhan ako.

Bakit kasama ko si Sharie?

Bakit wala siyang saplot at ako?

"What are you doing here?" I asked her.

"Ako pa talaga ang tinanong mo? Hindi mo ba naalala ang nangyari kagabi?"

Nangyari kagabi?

Napahilot ako sa sentido ko habang iniisip ko kung ano ba talagang nangyari kahapon at nandito ako ngayon sa tabi ni Sharie na ngayon ay kasalukuyang naglalakad ng wala kahit anong saplot sa katawan.

Iniiwas ko ang mga mata ko sa kanya.

Ibinagsak ko ulit ang katawan ko sa kama at pilit inalala ang nangyari kagabi.

Pinuntahan ko kahapon si Zoe sa kanilang bahay.

I know we agreed that we should distanced ourselves with each other for the mean time but I can't help but to see her.

Nang makarating ako sa bahay nila ay naabutan kong naroon ang daddy niya same as sa daddy ni Clifford.

"What are you doing here Mr. Monteverde?" – Her father asked.

"Gusto ko makausap si Zoe." Wika ko

"Makausap? Bakit kailangang makausap mo ang fiancée ng anak ko?" – tanong ng ina ni Clifford.

"Why do you care? Hindi naman siya ang ipinunta ko dito kundi si Zoe."

"Matalas ang dila mo Monteverde. Siguro sa kasalukuyan ay pinag-uusapan na nila ang kanilang kasal.." wika naman ng tatay ng isa.

Napatiim bagang ako.

Naniniwala ako na walang kasalang magaganap sa kanilang dalawa.

Ipinangako niya iyon sa akin.

"Kung ayaw mo maniwala bakit hindi mo sila puntahan? Nandiyan lang sila sa garden."

Wala akong nagawa kundi puntahan nga sila para makita ko kung ano ang sinasabi nila.

Nagulat ako sa nakita ko.

Magkasama nga sila pero dahil malayo ako sa kanila hindi ko naririnig ang kanilang pinag-uusapan.

Tahimik akong umalis sa bahay nila at pumunta sa bar.

Uminom ako hanggang sa mahilo na ako at mapasubsob sa counter.

Tanda ko ring may umakay sa akin palabas ng bar at ang huli ko lang naalala, humiling ako ng isang bagay na tanging si Zoe lamang ang gusto.

I make love with her.

But I thought it was her.

Then suddenly biglang si Sharie?

Sa pagkakaalala ko ay may nagbukas ng pinto kagabi but I don't give a damn of that freaking door and continue what I am doing with her.

With her?

With whom?

Zoe?

Sh*t!

Si Zoe yung nagbukas ng pinto???

Nakita niya na kami ni Sharie???

This can't be!

What did I do?

Hinanap ko ang phone ko at dali dali kong tinawagan ang number ni Zoe.

Ilang beses ko itong tinawagan pero hindi siya sumasagot.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo.

Hindi pwedeng magalit na naman siya sakin dahil dito.

Napatigil ako sa pagbibihis ko ng makita kong nakatingin sa akin si Sharie.

Nagdilim ang paningin ko at nilapitan ko siya.

"What do you want? Kailan mo ba matatanggap na siya at siya lang ang mamahalin ko?"

"Oh c'mon Harry! Nagustuhan mo kung ano man ang nangyari sa atin kagabi."

"I was drunk you b*tch! Sinamantala mo ang kalasingan ko. Nababaliw ka na!"

"sa tingin mo ba mapapatawad ka pa niya pagkatapos ng nakita niya kagabi?" – nakangising tanong niya sa akin.

"Maniniwala siya sa akin kasi mahal niya ako."

"Mahal ka nga niya, pero sa nakita niya, sa tingin ko balewala na ang pagmamahal na iyon."

"Kapag nawala siya sa akin, hinding hindi kita mapapatawad."

Iyon lang at umalis na ako para puntahan si Babae.

I can't lose her again.

Tinawagan ko ulit siya at matapos ang ilang ring ay narinig kong may sumagot sa kabilang linya.

"Zoe.."

"What do you want?" – she asked.

Ramdam ko ang panlalamig sa boses niya.

"Asan ka? Let's talk."

"Talk about what? As far as I know, I don't have any appointment with you Mr. Monteverde."

"About last night...."

"Oh? What about last night? Did you enjoy?" I can sense that she's sarcastic though.

"Please let's talk. I am drunk last night."

"You were drunk last night. Who cares? Besides we already parted our ways. Now you can do what ever you want."

Napatiim bagang ako sa narinig ko.

"Wait for me and let's talk."

Ibinaba ko ang tawag at hinanap ko kung saan ang location ng tawag niya.

Pinuntahan ko siya sa recording company nilang magkapatid.

Nagulat pa si Paul ng makita ako.

"Napasyal ka Harry." – bati niya sa akin.

"Kailangan kong makausap ang kakambal mo."

"May nangyari na naman ba?" nakakunot noong tanong niya.

"Just a misunderstanding."

"Make sure of it. Once na malaman kong sinaktan mo na naman ang kapatid ko, ni dulo ng buhok niya hindi mo makikita."

"Kailangan ko lang magpaliwanag sa kanya para magkaintindihan kami. Asan siya?"

Itinuro niya ang opisina ng kakambal at tinapik ang balikat ko.

"Tame the dragon. Because when she went here last night, she's too angry that even I can't go near her."

Pinasok ko ang kwartong itinuro ni Paul and I found her looking at the glass window.

"Babae...."

She didn't move an inch.

Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod.

Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya while saying sorry.

"Bitawan mo ako."

Pero sa halip na sundin ko siya ay lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Please I'm sorry about last night. I.... I was really drunk and i... I don't know how and why it happened."

"You don't know?? Niloloko mo ba ako? Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano ka nagenjoy sa ginagawa niyong dalawa tapos sasabihin mo hindi mo alam kasi lasing ka? G*go ka!"

"Akala ko kasi ikaw iyon."

"Akala mo ako?????? Wow! Just wow! Sinabi ko sa'yo na uuwi ako at aayusin ko ang gusot namin ng tatay ko. Umuo ka. Pumayag ka. Now you're telling me akala mo ako iyong kaniig mo? Lokohan ba ito Harry?"

"I saw you yesterday." I said.

"You what?"

"Pumunta ako sa inyo kahapon at nakita ko kayo ni Clifford sa garden."

"At dahil nakita mo kami sa garden, naglasing ka at inakala mong ako si Sharie?"

"I saw you two kissing! Nagselos ako. Akala ko kasi aayusin mo yung tungkol sa engagement. Pero nakita ko kayo na naguusap at hinalikan ka niya. What do you want me to do? Anong gusto mo?"

"Kissing?"

"Yes. Your father told me that you and Clifford were talking about your marriage and when I went to the garden, I saw the two of you kissing."

"Get out of my office." She said while turning her back to me.

"Zoe, please. Tell me na hindi matutuloy ang kasal."

"Leave."

"No. Look at me. Kakalimutan ko ang halik na iyon."

"Just leave!"

"I can't lose you."

"I. SAID.JUST.LEAVE." pagkatapos ay humarap siya sa akin na blangko ang ekspresyon.

"Babalik ako."

"Wag na."

"Zoe."

"Go."

"Please."

"Go."

"So you're planning to marry him?" I asked her nang nasa may pintuan na ako.

Tiningnan niya ako ng diretso.

"We didn't kissed. I was defending our love from him. But since you said that we kissed. Then be it. I'm tired of this. So please. Go away."

And she pushed me outside her office and lock the door.

"We didn't kissed. I was defending our love from him

"We didn't kissed. I was defending our love from him

"We didn't kissed. I was defending our love from him

"We didn't kissed. I was defending our love from him

G*go ko nga!


PAUL TRISTAN's POV

I know something's up with my sister and Harry.

Nakita kong lupaypay ang balikat ni Harry ng lumabas ito sa office ng kakambal ko.

Nang makalabas na siya ay saka ko naman pinuntahan si CZ.

Hindi niya namalayang nakapasok na ako.

Nakapikit lang siya at nakatingala sa swivel chair niya.

Napabuntung hininga na lang ako at lumapit sa kanya at itinayo siya.

Nagulat siya kaya napamulat siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at maya maya pa'y narinig ko na ang hagulhol niya.

She's the sister I protected ever since.

Tough outside but vulnerable.

"Shhh. Everything's gonna be fine." I said while kissing her hair.

"When everything's seems fine Kuya, here comes another problem. And another one. And another one. I really don't know what to do."

"What happened?"

"I caught him having s*x with Sharie."

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya dahil sa sinabi niya.

"At anong sabi niya?"

"Napagkamalan daw niyang ako siya."

"tss. Siraulo siya."

"Then pinagbibintangan niya akong nakipaghalikan kay Clifford."

"You what?"

"I am busy defending him from Dad, but eto siya. Nasasaktan na ako Kuya. Ang hirap at ang sakit niyang mahalin."

"You know what princess, when it hurts so much; do something to stop the pain. Ask yourself, is he worth the pain and tears you shed?"

"I thought so Kuya."

"Cheer up! Huwag mong itigil ang mundo mo dahil sa kanya. Kung wala siyang tiwala sayo na makakayanan niyo ito, then I think its time to let go. Mahirap ipaglaban ang isang bagay na ikaw lang ang gustong lumaban hanggang sa huli."

"I love him Kuya."

"I know. Hindi ka naman masasaktan kung hindi mo siya mahal. Pero sis, paano ka? You're fighting for the person who doubt your love. Is it not enough to stop all the pain you have?"

Natahimik siya sa sinabi ko.

"Kapag sobrang sakit na, pakawalan mo na. hangga't kaya mo pa. hangga't hindi ka pa nilalamon ng sakit na nararamdaman mo. Hangga't may natitira pang pagmamahal para sa sarili mo."

Yumakap lang siya ulit sa akin at umiyak nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa sina Ace at Yumi.

"What happened?" Yumi asked.

I just sighed.

Inalis ko ang pagkakayakap sa akin ni CZ at pumalit sa pwesto ko si Yumi.

"Ate? Are you okay?"

"I wish I am Yumi. I wish I am."

"Kakarating ko lang tapos ganyan madadatnan ko dito. Asan na yung matapang kong kapatid. Yung maldita?"

"Natutulog Yumi."

"I know I'm not a good sister to you. Pero ayoko ng ganyan ka ate. Ayoko nang dahil na naman sa lalaking iyon ay umiiyak ka. Ace explained everything to me at nauunawaan ko na ang relasyon niyong dalawa. Kahit na nagseselos pa rin ako sayo kasi mas mahal ka niya,,,,"

"Ace loves you Yumi"

"Ikaw ang mahal niya ate. Sinabi niya sa akin."

"Eh sinungaling din pala ang lalaking iyan eh. Sabi niya sa akin, ikaw daw mahal niya. Pagselosin daw kita."

"Andami talagang lalaking sinungaling no ate?"

"Tama ka diyan. Sasabihin sayong mahal ka pero yun pala nasa kandungan ng iba."

"uy! Wala ako sa kandungan ng iba ha!" – Ace defended

"Tinamaan ka Ace?" – sabi ni Zoe

"Princess naman. Hindi ko magagawang magtaksil sayo." – Ace

"Sa akin o kay Yumi?"

"Shut up!"

Iyon lang at lumabas na si Ace sa office na iyon ng namumula ang mukha.

Nagtaka ako nang nakita kong nakatingin sa akin ang mga malditang kong kapatid.

"What?"

"Get out!"

"And why"

"Girl's bonding Kuya. So out of my office. Madami kaming paguusapan ng bunso natin." – Zoe.

I sighed.

"Next time isama niyo ako sa bonding nyo ha? Kakatampo." Wika ko at hinalikan sila pareho sa noo.

I smiled with the thought na maayos na ang dalawa kong prinsesa.

I hope matulungan ni Yumi ang ate niya.

At ako, kailangan kong harapin si Harry.


***********


A/N:

Sorry for waiting. Mental block ako ng ilang araw at ngayon lang unti unting bumalik ang utak ko. Pasensya na sa mga words na isinama ko. Hope you enjoy this update.

GOODLUCK Mercadians sa Final Exam.

At sa lahat ng kukuha ng kanilang finals.

VOTE. COMMENT. FOLLOW. SHARE.

Thanks!

LOVE LOTS,

-CHIMIMAY-


Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

261K 21.8K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
5.1M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
477K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...