Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 175K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)

1.3M 16.3K 2.3K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: July 12, 2011

Chapter 9

Kanina pa talaga gustong bumaba ni Phoebe ng hagdan. Medyo nakaramdam lang siya ng konting sakit ng ulo kaya napaupo siya sa last step ng stairs. Habang nakaupo siya. Tanaw na tanaw niya si Kent na paikot-ikot sa living room.

Aligaga? Problema nito? Pero ang cute niya talaga pag seryoso yung mukha. Naalala niya tuloy nung di pa sila kasal. Hindi naman ito ganun ka-gwapo nung totoy pa eh. Wala nga sa hinagap niya na magiging magandang lalaki si Kent eh.

>>>Flashback 9 years ago

"Ang seryoso mo?" sabi niya kay Kent. Nasa sementeryo sila nun. Magkatabi lang kasi yung puntod ng mga nanay nila. Isang taon na pala ang nakakaraan mula nung maaksidente ang mga ito. Naglalaro silang dalawa ng chess habang ang mga tatay nila ay naglakad-lakad. Naguusap na naman ang mga ito.

"Huh?!" sabi nito na hindi tumitingin sa kanya, na-check mate na naman siya nito. Nakasalamin pa ito noon at may lazy eyes. Payatot at di pa marunong pumorma. Syempre grade 2 pa lang yata sila nun.

"Sabi ko ang serious mo. Nye talo na naman ako. Hay! " bata  pa lang matalino na talaga si Kent.

"Nasurprise ka pa." bata pa lang mapang-asar na ito

"Hmpf! At leaset di naman ako payatot"

"Okay lang at least may utak naman"

Simula noon, asaran na sila ng asaran, pero ngayon hindi niya na ito maasar dahil hindi niya naman alam na ang totoy noon ay lalaking pretty boy.

Nang makabawi sa sakit ng ulo, bumaba na siya ng hagdan at nagulat na lang siya ng hilahin siya ni Kent pababa.

"Hoy! Wait... wait lang anu ba... Kent naman" hinila hila siya nito hanggang sa makarating sa backyard nila. May mga iilang puno doon at isang maliit na swimming pool na hindi naman niya nagagamit dahil hindi naman siya marunong lumangoy.

"Are you and Harley going out?" tanong nito ng derecho.

Naku anong sasabihin ko, eh hindi ba sabi ko kay Harley lalabas kami para hindi nito sabihin sa lahat ang nalalaman niya.

"I don't know." yun na lang naisagot niya. Ayaw niya naman sabihin kay Kent na pinagttripan siya at binablackmail siya ni Harley . Ayaw kasi niya malaman ni Kent yung katangahan niya ng mawala niya yung wallet niya at makita ni Harley.

"You don't know? Anung klaseng sagot yun? Yes or no lang naman Phoebe"

Yes or no? Para namang napakadali nun. Huhuhuhu Naiipit naman ako sa sitwasyon.

"Maybe yes? Sorry Kent, he said he likes me."

"Talaga lang ha? He likes you? Did you forget that you're already married?"

Bigla naman daw siyang kinilig. Married daw siya? Oo alam niya naman yun eh!!!!

"No, Of course I know."

"Do you want divorce? We can talk about it with our parents ngayon na!"

"Divorce?!" ayaw niya, kahit naman nahihirapan siya sa sitwasyon, aminado naman siya na sobrang like niya si Kent. They empathized each other for the past 10 years.

"Para you can date all the men you want" sabi nito.

"How dare you?! Para namang playgirl ako. Hoy Kent, anong gagawin ko? Sobrang dinedeny mo nga ako sa school, turing mo sa akin crazy fan girl. Dito sa village katulong mo ako. It's you who dates every woman you encounter! Kapag ikaw pwede tapos ako, hindi?"

Sabi niya na lang. Hindi niya alam kung saan niya nakuha yung pinagsasabi niya. Alam niya naman na hindi sila nagdedate ni Harley at nakikipaglaro lang ito sa kanya. Pero dahil nasaktan siya sa nasabi ni Kent, kung anu-ano na lang ang nasabi niya.

"What?" pero yun na lang ang nasabi ni Kent. Tapos tumalikod na ito. Siya naiwan na lang sa backyard. Narinig niya na lang na nagstart ang kotse nito, bumukas ang gate at tahimik na naman ang bahay

Nasa sasakyan na si Harley at malapit na sa school pero nakababad pa rin ang tenga niya sa celphone.

"Girlfriend ko nga yun." Sabi ni Harley kay Samantha, manager niya. Kanina pa ito paulit-ulit sa katatanong kung sino nga ang kasama niya sa may footbridge. Halos malo-lowbat na ang phone niya pero hindi pa rin naniniwala ang manager niya.

"Seriously Harley? Sino nga yun? Si Elisa nga ba yun? I really need to know."

"Hindi nga si Elisa yun. Sorry Sammy, I really couldn't tell you right now."

"So anong sasabihin natin sa press?"

"Ikaw. Bakala ka. Sabihin mo girlfriend ko. Kaya mo yan."

"Stop fooling around."

"I'm not. Okay lang yun. Si Kent nga kalikaliwa ang nalilink okay pa rin ang career eh."

"Pero those were showbiz personalities na sikat, eh yung sinasabi mong girlfriend mo sino ba yun?

"I told you, hindi pa pwedeng sabihin."

"Kilala ba siya? Kilala ko?"

"I don't know, but maybe you will be interested to know her"

"What?!"

"Sam please may klase pa ako, mamaya mo na lang ako tawagan."

"Hay! Sige na! Mag-ingat ka na lang muna sa paparazzi."

"Of course. Bye!!"

At dumeretso na siya ng school. Mabuti na lang at maaga pa at nakatakbo agad siya sa loob pagkababa.

Di naman makaconcentrate si Kent sa pagddrive. Hindi niya na hinintay ang driver niya at siya mismo ang umalis after ng confrontation nila ni Phoebe.

"Am I that bad? Ayoko lang naman na madamay siya sa showbiz eh. Magulo kaya ang buhay doon. Tska ang promise ko naman kina papa pagdating ng 18th birthday niya magpapakasal kami ulit dito, bakit hindi naman makapaghintay yun."

Kinakausap niya lang ang sarili niya. Hanggang makarating na siya ng school. Maaga pa lang pero natatanaw niya na si Harley sa papasok na sa may loob. Nagpark lang siya at dumeretso na rin sa loob.

Pagkapasok pa lang binilisan niya ang paglakad at sinabayan si Harley.

"You have a secret girlfriend? akala ko ba goodboy image ka." Sabi niya dito, naiinis siya talaga kay Harley pero aasarin niya ito. Tutal ang alam niya, hindi naman alam ni Harley na asawa niya si Phoebe.

"Ah! So interesado ka na ngayon sa mga news about me Kent?" sabi naman ni Harley

"Ohh! No, I just heard it, sa katulong. So who's your secret girlfriend?"

"Why you so interested? Oh well, actually she's not my girlfriend anymore."

"Really? Did she dumped you?" sabi niya

"Oh of course not. She's now my fiancée" sabi ni Harley habang todo ngiti.

"HA?!"

"Oh ano namang nakakagulat don? Fiance lang naman. She accepted my marriage proposal last night, hwag mong ipagkalat ah"

"Anong sinasabi mo?" galit na siya. Panong mangyayaring fiancé ang kasama niya, eh si Phoebe nga yun?

"Boys."

Sabi ng isang malanding boses mula sa likuran. Dumating na din pala si Elisa. "What are you talking about?"

"Nothing." sabay pa silang sumagot.

"Oww. You look so serious kasi. Akyat na tayo? Diba we three are partners sa laboratory later"

"Mamayang hapon pa yun Elisa." sabi ni Kent

"It's better to be prepared right?" sabi nito

 Wala na silang nagawang dalawa. Madami pa talaga siyang sasabihin kay Harley, at gustong itanong itanong kung hindi lang dumating si Elisa.

Ilang minuto lang, dumating na rin si Phoebe sa school nakita niya agad si Jhone. Medyo nakakangiti na siya kesa kanina na bugnot siya.

"Fibs okay ba to?" pinapakitaan siya ng mga picture ng gowns sa ipad nito.

"Huh eto maganda, para saan ba to?"

Nilakihan siya ng mata nito at tinaasan ng kilay.

"Bakit?" wala talaga siyang alam

"Scatter-brain Phoebe? Hindi ba next month na ang debut mo?!"

"Huh?" Oo nga pala, saktong next month na lang pala dalaga na siya!!

"Ay naku!!"

"Eh wala naman yatang handaan! At pinangunahan mo pa talaga ako sa gown-gown na yan ah. Pano kung hindi naman pala ako magse-celebrate?"

"Grabe naman yun! Anong hindi! Hindi ako papayag."

"Anong magagawa mo? Haha eto talaga!"

"Kakausapin ko ang papa mo, o kaya si Kent-- "

"HUWAG!!" bigla siyang napasigaw

"OA! Problema mo naman kung makasigaw." hawak-hawak pa ni Jhone ang dalawang tenga nito.

"Nag-away kami ni Kent eh."

"Wow may ganun? May mga LQ na pala kayo ngayon, improving."

"Improving ka diyan. Tinatanong niya na nga ako ng divorce kanina eh."

"WHAAAAATTT?!?!?!?!" sobrang sigaw nito.

"Tignan mo kung sinong mas OA sa atin"

"Anong OA? Divorce? Anong pinagsasasabi mo?"

At kinuwento niya ang lahat ng pangyayari sa bestfriend niya. Bawat salitang sinasabi niya naman, OA pa rin ang reaction ni Jhone.

"So yun! Hindi ko na alam ang gagawin ko!"

"Shucks sis exciting naman lalo ang life mo."

"Exciting? Ano na bang gagawin ko?

"Eh di just go with the flow, total dalawang hot guys naman ang pagpipilian mo eh."

"Anong pagpipilian? Kasal nga ako noh!"

"Eh alam mo naman pala eh, eh di gawan mo na ng paraan yang kay Harley ng hindi pumuputok ang butchi nyang asawa mo. Grabe ikaw pala yun, sabi ko na nga ba, pwet na pwet pa lang sa picture ikaw na ikaw na yung kasama ni Harley bakit di ko ba naisip yun."

"Tange tara na nga!"

Pumunta na sila sa classroom. Pero dahil nadadaanan nga nila yung room g section A, hindi niya mapigilan ang mapalingon. This time nagulat siya.

"Phoebe, nakatingin sila both oh oh" nagsasalita si Jhone na hindi bumubuka ang bibig.

Nakatingin ka nga kasi si Harley at Kent sa kanya. Bigla niya tuloy dinalian maglakad. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya. Yuuccck!! Ano ba yun!!!

Nang magstart na ang klase hindi siya nakikinig sa mga teacher niya. Di siya makapagconcentrate. Hindi niya kasi alam ang gagawin niya.

Kent? Harley? Kent? Harley? Kent? Harley? Kent? Harley? Isip siya ng isip kung anong gagawin niya sa dalawang mokong na iyon.

Kent? Harley? Kent? Harley? Paulit-ulit niyang sinasabi sa utak niya

"BERNAL!!!" sumigaw si ma'am Cagula

"Ay Kent Harley!" nagulat siya! Nasabi niya tuloy ng malakas yung iniisip niya.

Tawanan tuloy mga classmates niya. Nagulat tuloy si Jhone. Pahiyang-pahiya siya.

"Ayieeh, nagddaydream si ate!" sabi ng isa nyang ka-klase.

"Tama na ang kakanood ng dramas ate!"

 Namula tuloy siya. Shit! Ano ba yan!

"Aba Bernal, hwag ka ngang mangarap ng mga artista, hindi porket dinala dito ni Harley yung project mo dati, may karapatan ka ng magdaydream sa klase ko"

"Sorry po ma'am"

"Gagi to" binulong sa kanya ni Jhone. "Wag ka ngang masyadong mag-isip"

Inis na inis si Phoebe, hindi siya makakain. Pano ba naman ang epal na si Elisa ay kitang-kitang nakikipagflirt sa dalawang katabi. Nasa isang table sila ni Jhone at nasa 3 tables sa kanan nila ang table nila Elisa, Kent at Harley. Parang may ginagawa ang mga ito sa table dahil hindi kumakain.

"Pigilan mo ako Jhone, pigilan mo ko!!!" sabi niya kay Jhone na kumakain ng malaking bento.

"Bakit?"

"Anong bakit? Tignan mo nga yun?"

"Oo nga! Alam ko, Bakit nga kita pipigilan? Dahil ba ito kay Kent o dahil kay Harley? Eh parehas namang fini-flirt ni Elisa yung dalawa oh! Talagang dikit na dikit!"

"GRRRRR!" Hindi niya na napigilan, tumayo na siya. May kinuha siya sa bag niya at lumapit sa table ng mga ito.

*later*

maikli pa din?? sorry. the truth is i'm starting another story haha. so medyo sidetracked ako.

Thank you for reading!!!

Continue Reading

You'll Also Like

16.3M 25.2K 6
Ako si Tina, isang probinsyana. Lumuwas ako ng Maynila upang mag-aral, para maiahon sa kahirapan ang aking mga magulang. Pero dahil di sapat ang ipin...
28.7K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
8.9M 183K 42
si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang...
55M 775K 57
She likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books while he'd be in the crowd, playing for...