Destiny's Game (Revising-- Ch...

By notesfromthequeen

22.3K 187 40

You have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's y... More

Destiny's Game
Chapter 1: Meet Xander
Chapter 2: Getting to know him better
Chapter 3: Am I Inlove?
Chapter 4: Is this the Happy Ending?
Chapter 5: Heartbreaks
Chapter 6: Realization
Chapter 7: Flashback
Chapter 8: Letting Go
Chapter 9: Life
Chapter 10: A Brand new Day
Chapter 11: The Chikboys
Chapter 12: Cat and Dog
Chapter 13: Sossy Girls
Chapter 14: Hater's Thingy
Chapter 14: Part II
Chapter 15: Hater's Move
Chapter 16: Know the Enemy
Chapter.17: Secret
Chapter.18*Love Moves*
Chapter.19*Evil Plan*
Chapter.20*Confrontation Part II*
Chapter.21*The Rescue*
Chapter.22*The Come Back*
Chapter.23*The Conversation*
Chapter.24*huwaaat???*
Chapter.25*Playing Cupid*
Chapter.26 *Happy Hearts*
Chapter.27*Who's that BOY???*
Chapter.28*Emotions*
Chapter.29*First Day High*
Chapter.30*Unforgettable*
Chapter.31*New Friend*
*Chapter.32*Jealousy
Chapter.34*New Found Love*
Chapter.35*Reminiscing*
Chapter.36*Sunset Moment*
Chapter.37*It's a Date*
Chapter.38*No more Barriers*
Chapter.39*Barkada Outing*
Chapter.40*Acceptance*
Chapter.41*Totally Free*
Chapter.42*Barkada Moments*
Chapter.43*Burdens*
Chapter.44*Catch Me*
Chapter.45*Perfectly Inlove*
Chapter.46*When Jealousy Attacks*
Chapter.47*First Fight*
Chapter.48*Never Say Sorry Again*
Chapter.49*Christmas Love*
Chapter.50*High School Valentine*
Chapter.51*Best Thing Doesn't Lasts Forever*
Chapter.52*Game Over*

Chapter.33*Simply I LOVE YOU*

259 3 6
By notesfromthequeen

[Spade's POV]:

naiinis ako sa nakikita ko. sa lahat ng bagay na pwedeng mangyari ang pinaka ayoko ay ang makita ang taong mahal ko na lumuluha dahil sa ibang tao.

nakatago ako sa isang puno malapit sa pwesto ni mish at pinky. umiiyak si mish habang si pinky naman ang nagpapahinahon sakanya. isang malalim na buntong hininga ang kumawala sakin. sabay ng pag pikit ko ang pag tulo ng luha ko.

ayaw ko siyang makitang nasasaktan. dahil pag nasasaktan siya, mas nasasaktan ako.

sa sobrang inis ko nasipa ko ang isang bato at lumikha yun ng ingay para napansin nila ko.

"sino yan?" narinig kong tanong ni pinky. pero kesa sumagot mas pinili kong tumakbo. ayoko pang malaman toh ni mish. hindi pa ko handa, at alam kong hindi pa din siya handa. hindi pa siya handang tumanggap ng bagong pag ibig. dahil alam kong si xander pa din ang mahal niya.

tumakbo ako pero alam kong may nakasunod sakin. lumiko ako papunta sa cafeteria pero inabutan niya ko. may humila sa braso ko at pinihit ako paharap.

"spade?" bigkas ni pinky ng malamang ako lang pala ung tumatakbo

"bakit ka nandun? tsaka... bakit namumula ang mata mo? umiyak ka din ba?" usisa niya

"wala. wala toh" pagsisinungaling ko

binitawan niya ko tsaka muling nagsalita. "alam mo, wag mo ng itago. halata ko naman e. madalas kitang makita na nakatingin kay mish. kahit di ka nagsasalita alam ko gusto mo siya. halata ko yun sa kilos at mga tingin mo. pero bakit pinipili mong maging ganyan?" tanong niya

"anong ibig mong sabihin?" tanong ko

"bakit hindi mo sabihin kay mish yung totoo? bakit lagi kang nagtatago. bakit ayaw mong ipakita ung nararamdaman mo. kala mo ba may mararating yung kakatingin mo sakanya?" sabi pa niya

"pero hindi pa handa si mish para magmahal" paliwanag ko

"nahanap ka na ng pag ibig. ang kailangan mo lang gawin salubungin ito" sabi niya. mas lalong hindi ko siya naintindihan

"panong nahanap ng pag ibig?" kunot noo kong tanong

"hayyy" buntong hininga niya. tsaka siya umupo sa isa sa mga bench. sinundan ko naman siya at umupo sa tabi niya

"alam mo noon, hindi ko din maintindihan ang love. sabi nila hindi ito hinahanap, hininhintay. sabi naman ng iba minsan kailangan mo din hanapin kasi baka pareho kayong naghihintay. pero sa tingin ko mas tama ung huling sinabi sakin. na ang pag ibig hindi hinahanap. hindi hinihintay. kundi..." tumingin siya sakin tsaka ngumiti at muling nagsalita "Sinasalubong".

tumingin siya sa mga ulap at nakangiting nagsalita. "kung hahanapin mo ang pag ibig maaring mahulog ka sa maling tao. kung hihintayin mo pwedeng mali ang makita mo. pero kung ang pag ibig ay kusa mong mararamdaman ng di mo naman hinahanap o hinihintay ibig sabihin yun na yun. yun na ung pag ibig na tinadhana para sayo. yun na ung pag ibig na kailangan mong salubungin at yakapin ng buo mong puso" tumingin siyang muli sakin ng naka ngiti "at alam ko nahanap na kayo ng pag ibig. kayong dalawa ni mish. kaya mo siyang pasayahin sa simpleng bagay. oo, sa tingin natin hindi pa siya handa dahil nasasaktan pa siya. pero siguro nasasaktan nalang siya sa alaala. matagal umasa at naghintay si mish. hindi naman niya alam na mauuwi sa wala ang paghihintay niya. nasasaktan siya dahil iniisip niya na sana sila ngayong dalawa. kung hindi nangyari ang mga nangyari nung nakaraan na humadlang sa love story nila. pero ikaw spade, dumating ka. simpleng ikaw pa lang napapangiti mo na si mish. baka naman kailangan niyo lang bigyan ng pagkakataon ang mga sarili niyo. baka kayo talaga. kinailangan lang kayong subukin ng panahon. kung hindi nangyari ang mga bagay noon, baka wala ka ngayon sa kwento. kasi matagal ng natapos toh. pero hindi eh, hinintay kang dumating. may mahalaga kang papel sa buhay ni mish. pakinggan mo ang puso mo at yun ang sundin mo"

tumingin din ako sa ulap bago nagsalita "siguro nga, tama ka" tsaka ako tumingin sakanya "wag ka mag alala, pag iisipan ko ang mga sinabi mo. sa ngayon..." nakita kong hinhintay niya ang mga susunod na sasabihin ko

"pwede balikan mo muna si mish. iniwan mo kaya dun" nakangiting sabi ko. nanlaki ang mga mata niya. marahil ay naalala niyang iniwan niya si mish dun na umiiyak

"hala ka, oo nga pala. oh sige spade una na ko" pag kasabi niya nun ay nagmamadali na siyang bumalik kay mish. napa iling nalang ako. pagkatapos ng serious talk biglang epic comedy haha

---

 uwian na.. syempre kasama ko ulit si mish. bitbit ko ung gamit niya

"mish gusto mo kumain sa labas?" tanong ko

"uhmmm... sige, papaalam lang ako kay lola" nilabas niya na yung phone niya ng pigilan ko siya

"naipag paalam na kita kanina pa. tumawag ako kay mommy para sabihin sa lola mo na lalabas tayo. okay naman daw sa lola mo" nakangiting sabi ko

"wow ha, planado?" sabay tawa niya

naglalakad na kami papunta sa kotse nang magsalita ako

"mish may banat ako" nakangiying sabi ko

"sige. ano yun" tanong niya

"floorwax ka ba?" tanong ko

"huh? bakit?" kunot noong tanong niya

"kasi..." tinignan ko muna siya sa mata parang nag aalangan akong sabihin sakanya ee. sa ganito ka.korning paraan ba ko magtatapat? hay naku bahala na

"kasi... mahal kita e" bakas sa mukha ni mish ang pagka gulat. hindi siya nakapagsalita at nakatitig lang siya sakin. hindi ko na alam ang gagawin. parang sa mga oras na yun lumakas ang tibok ng puso ko. parang gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. natakot ako na baka biglang tumakbo palayo si mish kaya kahit masakit pinili kong bawiin ang mga sinabi ko

"oOps. nadulas ako" at tumawa ako ng malakas

"hah?" gulat na tanong ni mish

"uhm db. madulas ung floorwax, tara na nga. ang korny ko. hindi ka man lang natawa" inalalayan ko siya papasok sa kotse

"ah eh hah? ah hahaha" bigla siyang tumawa "ang korny mo talaga spade. tara na nga. san ba tayo pupunta?" tanong niya

pumasok muna ako sa loob ng sasakyan bago nagsalita. "sa mall. libre ko kahit anong gusto mo" sabi ko

ngumiti naman si mish. habang nasa byahe kami medjo akward kasi antahimik. hindi pa din ako makabawi dun sa confession ko. tapos traffic pa

"traffic nuh" pag oopen ko ng usapan.

"oo nga ee. pwde bang umidlip muna ko?" tanong niya

"hah? o cge. gisingin na lang kita pag nandun na tayo" inihiga ko ng konti ung upuan niya para maka tulog siya ng maayos

maya maya tinawag ko ulit siya "mish, gising ka pa?" pero hindi siya sumagot. siguro nga tulog na

sinamantala ko ung traffic. nakapilig paharap sakin ang mukha ni mish kaya kitang kita ko ung maamo niyang mukha. pinagmasdan ko yung magaganda niyang mata. mahahabang pilik. matangos na ilong at mapupulang labi. ang kinis din ng mukha niya. pero kahit natutulog siya bakas sakanyang malungkot siya.

"mish, alam mo bang totoo yun. totoong mahal kita. kailan mo kaya malalaman yun? natakot kasi ako kanina na baka umalis ka. baka tumakbo ka palayo, kaya napilitan akong bawiin ang mga sinabi ko. anduwag ko ba? haha siguro nga duwag ako. wala pa kong sapat na lakas ng loob para aminin sayo na totoo toh. totoong mahal ka ng taong nasa harap mo. gusto kong pasayahin ka. gusto kong paiyakin ka sa kakatawa. gusto kong naririnig ang mga tawa mo. gusto ko yung panghahampas mo sakin pag sobrang saya mo. ang korny ko nuh. pero gusto ko talaga yung pang aalog mo sakin pag may sinasabi kang sobrang nagpapasaya sayo. yung hampas mo. yung panghihila mo sa manggas ng polo ko. lahat yun gusto ko. dahil yun ay ikaw. si mish. ang babaeng mahal ko" at unti unti akong lumapit sakanya para gawaran siya ng isang halik sa noo. "I Love you" bulong ko sa tenga niya tsaka muling bumalik sa manibela

---

[Mish POV]:

kakauwi ko lang. andito na ko ngayon sa kwarto ko at nakahiga na. iniisip ko pa din yung mga mangyari kanina

bakit ba ko umiyak? naiinis ba ko kasi nagseselos ako? o nagseselos ako kasi naiinis ako? ano ba !! argghhh !!

nakita ko kasi elise kasama ni xander. tapos parang sobrang sweet pa nila nakakainis..

biglang may lazer light na pumasok sa kwarto ko mula sa bintana. bumangon ako at nakita ko si spade na nakapantulog na, kumaway siya sakin tsaka nag good night sabay sara ng kurtina. huh? isa pa siya! ang gulo niya. bumalik ako sa kama ko tsaka nagpagulong gulong dun. nakakainis naman eh. bat kasi narinig ko pa lahat. mas naguluhan tuloy ako T.T

"mish, alam mo bang totoo yun. totoong mahal kita. kailan mo kaya malalaman yun? natakot kasi ako kanina na baka umalis ka. baka tumakbo ka palayo, kaya napilitan akong bawiin ang mga sinabi ko. anduwag ko ba? haha siguro nga duwag ako. wala pa kong sapat na lakas ng loob para aminin sayo na totoo toh. totoong mahal ka ng taong nasa harap mo. gusto kong pasayahin ka. gusto kong paiyakin ka sa kakatawa. gusto kong naririnig ang mga tawa mo. gusto ko yung panghahampas mo sakin pag sobrang saya mo. ang korny ko nuh. pero gusto ko talaga yung pang aalog mo sakin pag may sinasabi kang sobrang nagpapasaya sayo. yung hampas mo. yung panghihila mo sa manggas ng polo ko. lahat yun gusto ko. dahil yun ay ikaw. si mish. ang babaeng mahal ko"

oo, narinig ko lahat yan. nakapikit ako at hindi na sumagot ng tawagin niya ko para isipin niyang tulog na ko. ang akward kasi nung banat niya na "eh kasi mahal kita" natulala ako nung narinig ko yun. huminto ang paligid at kumabog ang puso ko. parang nung mga oras na yun gusto kung tumakbo pero ayaw kumilos ng buong katawan ko. kaya nung asa kotse na kami halos di ko malaman kung paano ko siya kakausapin. hanggang sa sinabi niya nga ang mga bagay na yan. pinilit ko ang sarili ko na lalong magpanggap na tulog dahil natatakot ako kung anong reaksyon ang rerehistro sa mukha ko. hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa noo ko. parang pakiramdam ko sasabog ako. may kung anong pakiramdam ang bumalot sakin pero hindi ko maintindihan. pero ng sabihin niya ang mga salitang "I Love You" hindi ko alam kung anong nangyari pero sa sandaling yun. parang gusto ko ulit marinig mula sakanya ang mga yon

nakatulog ako sa pag iisip. nagising nalang ako sa ingay ng alarm clock ko..

5:30 am palang. pero bumangon na ko at naligo. mga bandang 6:00 am bumaba na ko para mag almusal. pero nagulat ako ng makita ko si spade sa dining table

"Good morning mish" bati niya sakin. at ang gwapo niya ata ngayon. ay teka, ano ba tong sinasabi ko. kainis!

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"umalis kasi si mommy at ang lola mo kaya dito na nila ko pinag breakfast" paliwanag nito

"ah ok. cge, kain na tayo" umupo ako sa upuan sa harap niya

tahimik lang kaming kumain. ano bang pag uusapan namin? pero ramdam kong tumitingin siya sakin o assuming lang ako? basta. ewan nakuu, ayoko siya tignan. nang matapos na ko ay tumayo na ko pabalik sa kwarto ko para mag.tooth brush

pagbaba ko, nakaupo na si spade sa sala at hinihintay ako.

"Let's go?" tanong niya

"tara" sagot ko. kukuhain niya sana ang gamit ko pero iniwas ko "wag na"

"hah? lagi ko naman dinadala gamit mo ah" tanong niya

"eh basta. wag na, tsaka hindi kita alalay" sagot ko

"ok lang yan mish, akin na kasi" pilit niya pa ding kinukuha ung gamit ko

"ano ba, wag na kasi. feeling boyfriend hah" natigilan siya sa sinabi ko. kahit ako nagulat. gawd! bakit nasabi ko yun. oh may gawd, naka tingin lang siya. hala ka, AKWARD

"gusto ko naman talagang maging boyfriend mo e" nakangiting sabi niya

 this time kumabog nanaman yung puso ko. bakit ganun? bakit ganun ung epekto sakin ni spade? ano ba toh. hindi ko na maintindihan ung puso ko. akala ko ba si xander. ang landi ng puso ko. huhu anyare? gagawin ko? T.T

"okay lang ba un sayo mish?" tanong niya pa. pero halata mong kinakabahan din siya. nakangiti siya pero kanina pa siya punas ng punas ng pawis niya. at nakatingin sakin habang naghihintay ng sagot. ano namang isasagot ko?

"manliligaw ka? ganon?" tanong ko

"oo" masiglang ngiti niya. para siyang nabuhayan ng pag asa. eh nagtatanong lang naman ako. wala pa naman akong sinasabing oo, excited?

"mahirap ako ligawan" sagot ko

"ayos lang" masigla pa ding sabi niya. hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya naman inihagis ko na sakanya ung mga gamit ko

"oh, buhatin mo. tara na, ma.late pa tayo" tsaka ako tumalikod. hindi ko maintindihan pero napangiti ako.

---

[Jhake's POV]:

hindi ko pa din makalimutan yung nasaksihan ko kahapon sa parking lot ng school. si spade at mish

"eh kasi mahal kita" narinig kong sabi niya kay mish. natulala lang si mish. hindi ko na hinintay ang susunod na mangyayari kaya umalis na ko.

ang sakit pala makita mo mismo na may nagtatapat sa taong mahal mo. mahal niya nga si mish. siguro dapat na kong sumuko. baka si mish at spade talaga ang para sa isa't isa.

"uy tropa" untag sakin. nang lingunin ko si gino lang pala

"bakit?" tanong ko

"wala lang. anlalim ng iniisip mo eh. tara kain na tayo" oo nga pala, lunch break na. busy ako masyado sa pag iisip

nasa canteen na kami. nakita ko si pinky at dion na kumakain katabi nila si mish. sakto namang lumapit sakanya si spade dala dala ang isang tray na puno ng food. siya nag seserve kay mish. crew na ba siya sa canteen ngayon?

"uy tropa dito" tawag samin ni dion. lumapit naman kami. umupo si gino sa tabi ni spade, ako naman sa tabi niya pagitan nila ni dion

"spade, kumain ka na kaya. kanina mo pa ginagawang prinsesa yang si mish eh" biro ni pinky kay spade. kulang na lang kasi subuan si mish na parang baby pshh!!

tumayo ako bigla. nagtinginan silang lahat pero instead na sumagot pa, umalis na ko. may karapatan din ako maging bitter noh. anong tingin nila magpapanggap ako na okay lang sakin ng nakikita ko kahit hindi naman. nakakainis.

======================

ito muna as of May 20, 2013

di na kinaya ng powers ko ee hehe :)

abangan ang susunod na chapter..

salamat talaga sa mga new likers and followers. pati sa mga naglalagay ng destiny's game sa mga reading list nila. ung gusto po ako makatext imsg nio lang ako dito sa wattpad. :) Lovelots guys (^^,)

P.S: inayos ko ung oneshot ng Destiny's Game kaya bumalik sa 0 reads T_T nakaka-iyak. Sa mga di pa nakakabasa, feel free to read :) Hope you like it.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
659K 14.6K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...