My Probinsyana Girl (Publishe...

By pajibar

3.1M 41.9K 5.6K

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP. Available on d... More

To be published under LIB
Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN (Pt. 1)
CHAPTER EIGHTEEN (Pt. 2)
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
THIRTY
EPILOGUE
Author's Note
My Probinsyana Girl FanFic by TimeHopper (One-Shot)

CHAPTER TWENTY

64.3K 1K 246
By pajibar

Binatukan ni Summer ni Clyde. "ANO BANG PROBLEMA MO HA? SABIHIN MO NALANG KASI HINDI YUNG ANG DAMI MO PANG ARTENG NALALAMAN."

Iritadong inalis ni Clyde ang magkabilang kamay niya na nasa pagitan ni Summer. "Anong problema ko? Ikaw Summer, ikaw!"

"Tch, oo alam kong malaki akong problema! Madami nang nagsabi sakin niyan! Marami nang nagsabing sakit ako sa ulo kaya hindi mo na yan kailangan pang ipaglantaran sakin, kasi alam ko naman 'yun!" Naiiritang sabi ni Summer.

"Ano bang sabi ko sayo dati ha? Diba sabi ko, ayokong gumagawa ka ng kung anu-anong mga conclusions d'yan sa kukote mo."

"Ano ba kasing kailangan mo ha? Bakit ba ang sungit-sungit mo ngayon?! Hindi ka naman ganyan dati ah! Nakita mo lang kami kanina ni Gabby na magkasama, nagkaganyan ka na bigla!"

Hindi na umimik si Clyde at tumahimik nalang. Ganun rin ang ginawa ni Summer, so ayun. Nagtitigan lang sila saglit.

"Teka!" may na-realize nalang si Summer bigla. "Wag mo sabihing—"

"OO NA OO NA! NAGSESELOS NA KO! WAG MO NA RING IPAMUKHA SAKIN YUN! NAGSE-SELOS AKO DYAN SA GABBY NA YAN KASI NAMAN BAKIT SIYA PALAGI MO NALANG SIYA SINASABI, INIISIP, PINUPUNTAHAN. TAPOS AKO WALA LANG KAHIT AKO NAMAN PALAGI MONG KASAMA!" sabi ni Clyde, hindi niya na pinatapos si Summer dahil alam na rin naman nito ang sasabi niya.

"Nakakainis ka naman kasi! Puro nalang ako effort dito, pero hindi mo naman pinapansin. Puro ka pa rin Gabby, Gabby, Gabby!" tuloy niya pa.

Na-speechless bigla si Summer sa mga narinig niya. Masyadong na-higblood ang mokong! Hahaha, binatukan nalang tuloy siya ni Summer.

"Siraulo ka talaga. Sasabihin ko lang sana na baka may dalaw ka ngayon eh. Pero dahil pina-ngunahan mo ko, yan. Napaamin ka tuloy ng wala sa oras! Bwahahahah!" Naku po, si Clyde pa mismo nagsabing wag mag-conclude ng mga bagay-bagay ha!

Nanlaki rin ang mga mata ni Clyde, "A-anong sabi mo? H-Hoy! Joke lang lahat ng sinabi ko, wag kang assuming!"

Niyakap nalang siya ni Summer habang nakangiti, "Langya kang mokong ka. Alam mo ba kung gaano katagal akong naghintay para lang sabihin mo yan?"

"H-hoy a-anong sinasabi mo d-dyan?! Anong pinaghihintay mo d'yan? Umamin ka nga, may gusto ka rin sakin no?"

Binatukan ulit siya ni Summer, "Ewan ko sa'yo! Bahala ka nang intindihin lahat ng sinabi ko!"

Maglalakad na sana papa-alis si Summer, pero pinigilan ulit siya ni Clyde at hiwakan ito sa kanyang kamay.

"T-teka! Kung may g-gusto ka nga sakin, edi hindi ko na binabawi yung mga sinabi ko kanina. Hindi na joke yun." Naiilang na sabi ni Clyde.

"Eh paano kung wala akong gusto sa'yo?" Pang-aasar na tanong ni Summer.

"Edi binabawi ko na ulit! Wag mo nga akong nililito!"

Pagkatapos nun ay hindi sila umimik, naging tahimik lang ang paligid. Loko, nagkahiyaan pa ang dalawa! Parehas silang maraming gustong sabihin sa isa't-isa, pero wala namang lumalabas sa bibig nila.

"Clyde," Si Summer nanaman ang gumawa ng first move.

"Oh?"

"Si Gabby—"

"—Gabby nanaman." Singit ni Clyde.

"Ano ba masyado kang seloso! Ganyan mo ba talaga ako kamahal?!" tanong ni Summer, pero medyo nang-aasar.

"Anung..." Halatang naiirita na si Clyde sa kanya, na parang gusto niya nang suntukin o sipain si Summer, pero hindi niya naman magawa. In the first place naman kasi, walang sinabi si Clyde na mahal niya si Summer di'ba? Sadyang feelingera lang talaga siya. "Ewan ko sa'yo!"

Huminga ng malalim si Summer at itinuloy ang sinasabi niya kanina. "Si Gabby, tinanong niya ko kung pwede niya daw ba akong maging...girlfriend."

"Oh, so? Bat mo sinasabi sakin—ANO? GIRLFRIEND?!"

"Oo, girlfriend."

"Anong sinagot mo?" nanlaki ang mga mata ni Clyde, hindi siya makapaniwala.

"Sabi ko, oo. Pumapayag na 'ko." Nakangiting sambit ni Summer. Aba! Bumu-boypren na ang probinsyana!

"ANO?! PERO BAKIT KA PUMAYAG, HA?!" napahawak si Clyde sa magkabilang braso ni Summer.

"Eh bakit ba, gusto ko naman siya eh."

"Pero hindi mo man lang ba ako hinintay?" nanghihinayang na tanong ni Clyde.

"'Bat naman kita hihintayin?" Napahinga ng malalim si Clyde at napasandal sa pader dahil sa sobrang kalungkutan. Ang drama niya, ano po?

"Hoy," tawag sa kanya ni Summer.

"Dun ka na, layuan mo na ako. Para maka-move on na kaagad ako sa'yo." Pagmamatigas ni Clyde.

"Ahh okay." Tumayo na si Summer at naglakad papunta sa may pinto. "Sayang, joke lang naman lahat yun. Hindi ko naman talaga sinagot si Gabby, kasi may iba na akong mahal, at ikaw yun. Pero dahil sinabi mong magmo-move on ka na, kalimutan mo na lahat ng sinabi ko, bye!"

Bubuksan niya na sana yung pinto, kaso naramdaman niyang may yumakap sa kanyang likuran.

"Uy, ano ba. Wag mo na kong iwan. Kanina mo pa ko niloloko dito eh." bulong ni Clyde na halatang nagmamaka-awa. Oo nga, kanina ko pa niloloko to. Sige na, magiging maayos na ko. sabi ni Summer, sa isip niya lang.

"Sorry na," humarap si Summer kay Clyde. "Nakakinis ka kasi."

"Ako pa ang nakakainis niyan? Eh ikaw nga nagloloko eh."

"Kasi naman, akala ko wala na talaga tayong pag-asa. Akala ko hindi mo na sasabihin saking mahal mo 'ko—"

"Hoy wala pa naman akong sinabing ganun." singit niya.

"Eh basta mahal mo 'ko." sabi ni Summer. "Alam mo bang ang dami ko nang ginawang effort para lang masabi mo yan? Alam mo bang nagsinungaling pa ako sa mga readers na may gusto ako kay Gabby para lang mapa-amin na kita? Tapos kanina nung tinanong na ko nun ni Gabby kung pwede niya ba ako maging girlfriend, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kasi hindi ko alam kung susuko na ba ako sayo at humanap na ng iba o kung hihintayin pa ba kita hanggang sa huli."

Medyo napapaiyak na si Summer. Eto kasing mokong na 'to eh!

"Tapos yung ang dami pang nagkakagusto sayo dito sa campus tapos nandyan pa si Lian, hindi ko na alam kung anong gagawin ko nun! Bwisit ka ang manhid mo!"

Pinunasan ni Clyde yung mga luha ni Summer at niyakap ito. "Shh. Don't worry, natupad na yung gusto mong mangyari. Sayong-sayo na 'ko, kaya wag ka nang umiyak."

"Pero kasi eh..."

Dati pa talaga gusto ni Summer na umamin sa kanya, kaso hindi niya naman magawa. Eh sa ugali ba naman ni Clyde, baka pag umamin pa si Summer ay pagtawanan lang siya nito o kaya naman iwasan pa!

"Thank you," Sabi ni Summer nung nahatid na siya ni Clyde sa harap ng condo niya.

"No problem, basta ikaw." Awtsu, lumalandi na rin si Clyde, oh!

Hindi naman alam ni Summer kung ano ang i-rereply niya kay Clyde kaya ngumiti nalang ito at nagsabing,"Bye." Pero sa totoo lang, kinikilig na ang bruha!

"Ay, oo nga pala Summer. May may ico-confess din ako sayo."

"Ano yun? Eh diba nasabi mo na? Na MAY GUSTO KA SAKEN?" In-emphasize niya talaga yun para intense. At para ipaglantaran kay Clyde na pumatol siya sa isang abnormal katulad niya.

"Hindi lang yun."

"Eh ano pa pala?"

"Nung Saturday....hindi ako lasing nun."

Saturday...hindi siya lasing nun...Ano bang nangyari nung Saturday? Ang natatandaan niya lang nun...yung nasa Bar si Clyde tapos uminom...tapos lasing...joke hindi pala daw siya lasing.

Biglang natigilan at nanlaki ang mga mata ni Summer nang maalala niya yung mga nangyari last Saturday. Ibig-sabihin...sinadya niya kong halikan nun?! Opo, yun rin nga yung tinutukoy ni Clyde.

"H-Hoy edi ibig-sabihin—"

"Bye." Hindi na natuloy ni Summer ang sasabihin niya dahil umalis na si Clyde, at iniwan nalang siya nitong naka-nganga doon.


***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 252 44
"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang naka...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
527K 27.3K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
119K 2.3K 32
"Destiny is not a matter of chance; It is a matter of choice. It is not a thing to be waited for; it is a thing to be achieved..." -Bunnyflower055 ...