Ayah
"Ano? Wala kayong maisip na pangalan ng tropa natin?" Sa totoo lang, kanina pa kami nag be-brainstorming dito.
Nakatitig lang ako sa kawalan, feeling ko ang bigat ng kamay ko. Pagkakita ko sa kanang kamay ko, mga kamay nila nasa loob ng chichirya ko. "Punyeta kayo! Masyado kayong SPG!"
"Ah!" Napatingin kaming lahat sa pagsigaw ng kabud ni Rojin, "Tropang SPG!" Nagtinginan kami sa sinabi ni Rojin. Sabay-sabay kaming ngumiti.
"Oo nga no! Galeng mo! Boto na talaga ako sa'yo Pres!" Nag-apir pa sila ni Jaycee.
"Pero, anong ibig sabihin natin ng SPG!?" Nabigla naman kami kay Jonas. Pero, may point siya.
"Ahm, Sabog. Pa-p-Pogi! Ga-" pinutol ko ang sasabihin ni Jaycee. "Ganda!" Then I flipped my hair.
"Hoy, gising ka na! Imposible kasi yang pinagsasabi mo!" Agad namang nakatanggap ng hampas si Jaycee mula sakin.
"Busit ka! Maganda kaya ako!" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Oh, talaga san banda? Baka naman kahit naka-microscope ako di ko ma-view ha!" This time, sinugod ko na siya. Minura-mura ko na rin siya.
"Uy, forever na ba yan?" Tawanan pa sila sa sinabi ni Rojin.
"Wag kayo! Nananahimik si Ram! Nagseselos." Sinamahan niya ng 'tsk tsk' loko-loko talaga 'tong si Eejay.
"Pero, ano na ngang name?" Pagbabalik uli ni Jonas sa topic.
"Sabog. Pogi. Gago." Napatingin kaming lahat kay Rojin. Wow! Nagmura ang Mr. Matino!
"Ok na. Pero paano si Jonas? Hindi yan pogi diba?" Inasar ko si Jonas, nakatulala kasi.
"Ikaw kaya! Babae ka e!" Nagawa niya pa akong belatan.
"Oh sige, pogi kayo! Tandaan! Ang pogi aso ang gwapo tao!"
"Joke ko yun ha, Ayah!" Umeksena na si Eejay.
"Bakit may sinabi ba akong akin yun?"
"Sabi ko nga wala." Wala, wala talaga silang palag sakin. Kaso kung mang-trip, jus mio!
"Wag nalang kasi SPG!" Nagsalita na ang nananahimik na Ram. Psh. Dapat nanahimik nalang siyang buong recess.
"Oh sige nga! Mag suggest ka!" Panghahamon sakanya ni Jaycee.
"Tropang MAK." Ano na naman kaya naimbento nito?
"Ano namang ibig sabihin nun?" Tanong sakanya ni Jaycee.
"Mga Alagad ng Kagwapuhan." Nagkatinginan kami dahil sa suggestion ni Ram.
"Wow, Ram! Improving!" At nagsimula na naman sila sa pangangasar kay Ram. Nanguna si Eejay.
"Galing! May naitulong ka na rin!" May pataas pa ng kamay si Jaycee.
"Yes naman! Congrats!" Tinap pa ni Rojin ang balikat ni Ram.
"I'm so proud of you bro." Nagkunwari pang mangiyak-ngiyak si Jonas. Gago talaga 'tong mga 'to.
"Naman! Ganyan talaga mga gwapo! May space for improvement." Ngumiti pa si Ram.
"Binabawi na po namin ang mga sinabi namin." Sabay layo nila kay Ram.
"Final na yung Tropang MAK ha?" Um-oo naman kaming lahat.
"Pero, babae si Ayah. Kagwapuhan tayo, hindi kagandahan." Sabi ni Jonas.
"Majority wins! Marami tayo lalaki e!" Sinusubukan pa yata akong asarin nito ni Ram. Tss. As if.
"Wow, Ram! Saan mo galing yung 'Majority wins' na 'yon? Kumakana ka na ha!" Nagsimula na namang mangasar si Eejay. Nakatanggap lang siya ng bad finger mula kay Ram. "Pre, wala tayong pag-asa. Hindi tayo talo." Nakatanggap naman ng tawanan ang joke ni Eejay.
Loko-loko talaga. Sinamaan nalang siya ng tingin ni Ram. Umeksena na ako.
"Hayaan mo, alam ko namang ako pinaka-gwapo sa atin!" Sabi ko sakanila ng payabang. Syempre, makiki-ride ako. Alahanin namang mag paka-epal ako dito.
"Hindi rin." Binigyan ko ng papalag-ka? look si Jaycee. Hindi na nagsalita. Buti naman!
Kaso naisip ko, masyado na ba akong reyna-reynahan sakanila? Baka mainis sila sakin, tas iiwan nila ako. Wag kang O.A Ayah. They love you for who you are.
Sana kasi, kapag kasama ko sila, pwedeng nakangiti ako. Pwedeng hindi. Kung nakangiti man dahil sa kasabugan at kalokohan nila iyon. Pag hindi yun ay dahil beast mode ako dahil sa kanila o sa ibang bagay.
"Hoy. Time na, baka andyan na si Madam." Sinunod na namin si Rojin. Bumalik na kami sa room at tama nga, nandyan na si madam!
Lagot tayo, tropang MAK. Tsk.
×==×