STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata LXXIII

4.5K 197 91
By faithrufo

"Fall in love when you're ready, not when you're lonely."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Mas lalong nag improve ang pagtugtog nina Angelo at halata naman sa mga sigawan at palakpakan ng mga manonood na nag enjoy sila sa performance na inihain sakanila. Nag celebrate kami pagka tapos at nagawa pa naming mag karaoke kaya naman halos alas tres na kami natapos. Sakto naman ay hindi pa umuuwi si Von at Ate Sky nun dahil kasama din nila ang mga kaibigan nila. Nung nagka kita kita kami, sabay sabay na kaming umuwi.

Hanggang mamayang gabi daw ay nasa syudad sina Chance. Gusto nilang lumabas ngunit 'di na ako makaka sama dahil ayaw na akong palabasin ni Ate, magpahinga lang daw ako dahil may pasok na ako bukas.

Lahat ng tao sa bahay, pwera kay Tita Linda ay tanghali ng gumising. Mga bangag kami kaya naman tahimik ang bahay. Ni hindi ako pinagalitan nung chineck ko 'yung phone ko habang nag ta-tanghalian. May text ako galing kay Ethel at Jared at isang missed call kay Kiko. Inuna ko na 'yung kay Ethel.

From: Ethlog

Kwentooooooooo

received 9:58am

Nangunot ang noo ko at sumubo na muna ng ulam bago mag reply.

To: Ethlog

slr. halos kakagising ko lang. ano yun?

sent 1:24pm

Hindi ganun kabilis ang reply niya. Siguro ay busy at ngayon lang nakita dahil tapos na akong kumain nung nag vibrate ang phone ko.

From: Ethlog

Anyare sainyo ni red? Parang may something daw kayo sabi ni angelo

received 1:36pm

Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginginig ang mga kamay ko habang nag t-type ng reply.

To: Ethlog

promise mo muna na wala kang pag kukwentohan

sent 1:37pm

"Adrian," sabi ni Ate Sky mula sa lababo kaya naman napatingin ako sakanya.

"Po?"

"Dalhin mo na 'yang pinag kanan mo dito ta's hugasan mo na din lahat," utos niya. "Mamaya ka na mag cellphone."

Si Von na naka tayo sa may ref ay nagsalita. "Ako na ate," aniya.

"Hindi," sagot ni Ate. "Si Adrian maghuhugas. Itapon mo na 'yung basura at puno na."

Ikaw ate, anong gagawin mo? Gusto kong itanong habang tumatayo mula sa kinauupuan ko para gawin 'yung iniutos niya. Nagka tinginan kami ni Von at alam kong parehas kami ni iniisip kaya naman napa ngiti at napa iling nalang ako.

Okay na din, excuse na din 'to para hindi kaagad replyan si Ethel.

Reply.. Napa tigil ako sa pag aanlaw ng plato na hawak hawak ko. Nag-text nga pala si Jared. Ano naman ang itinext niya? Hello? Goodmorning? Or iba? Binilisan ko na ang pagtapos sa ginagawa ko nang maisip ko 'yun.

Pagka tapos ko mag hugas ay nagkulong na ako sa kwarto ko para hindi na din ako mautusan. Umupo ako sa kama ko at tinignan na ang phone ko. Text parin ni Ethel ang una kong binuksan.

From: Ethlog

Omgggggggggg so may nangyari nga?! :">

received 1:37pm

Naisipan kong 'wag na muna mag reply at binuksan na ang message ni Jared.

From: Jarhead

Call me when you get this

received 8:27am

Ang unang pumasok sa isip ko, ang aga namang gumising nito. Sunod ay, wala akong pantawag. Kaya naman agad akong nag reply.

To: Jarhead

wala akong pantawag ._.

sent 1:54pm

Hindi ko alam kung bakit nagulat pa ako nang mag ring 'yung phone ko? I swear, may radar itong si Jared kapag may text ako dahil ang bilis mag respond. Kilig ka naman, sabi ng isip ko. Ngayon ko lang din napansin at na-realize 'yon. Parang never pa yata akong pinaghintay ng lalaking 'to.

"Hello?" sabi ko nang sagutin ko ang tawag.

"Hi," bati niya pabalik at may kasunod ng tunog ng pag sara ng pinto.

"Ano meron?" tanong ko.

"I wanted to talk to you about something.. in person sana?"

May kung anong kalabog akong naramdaman sa dibdib ko at medyo nahirapan akong huminga. "Tungkol saan?" tanong ko. Alam ko na ang sagot pero parang nabingi ako nang marinig ko.

"Us."

Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Napaka seryoso kasi ng boses niya. Nag agree ako na makipag kita at sinabi niyang pupunta daw siya dito sa bahay kaya naman naghintay ako sa terrace habang nginangatngat ang mga kuko ko. Habang nag hihintay sakanya. Inisip ko na lahat lahat ng pwede naming pag usapan para kahit papano naman ay handa ako at alam kaagad ang isasagot.

Tumahol na si Whitey kaya naman iniangat ko ang ulo ko para makita si Jared sa gate namin. Nakapambahay lang siya at naka pamulsang naghihintay. Tumayo na ako at naglakad papuntang gate bago 'to buksan para sakanya.

"Anong meron?" pinilit ko ang tuwa sa boses ko at nag plaster din ako ng ngiti.

Naka hawak siya sa batok niya habang pumapasok tapos iniangat na niya ang ulo niya at nginitian ako. "Nasa bahay sila Chance, tinakasan ko lang." Panimula niya ng may kasama pang tawa.

"Andun din sila Angelo?"

"Yeah," tumango siya. "Ikaw lang tsaka si Kei ang wala."

"Bawal kasi ako e," sagot ko. Naglakad na kami papuntang bahay at naisip ko na kung seryosong usapan 'to ay mas maganda siguro kung sa kwarto kami kaso andito si Ate at Tita at panigurado ay hindi sila papayag na kaming dalawa lang ni Jared sa kwarto ko kaya naman umupo nalang ako sa terrace at ganun din ang ginawa ni Jared.

Pagka upo namin ay wala kaagad nagsalita. Ni hindi kami magka tinginan pero kagabi ay halos hindi na namin mabitawan ang isa't isa. Parang may nag bagsak ng isang malaking pader sa pagitan naming dalawa habang mahimbing kaming natutulog.

Naisip kong mas mabuti siguro kung basagin ko na ang katahimikan. "Anong problema?" Diretso na ang tanong ko, wala ng paligoy ligoy pa.

Tinignan ako ni Jared, "I just.. need to get something off my chest."

"Okay? Good ba 'yan or bad?"

Tumawa siya at hinamas nanaman ang batok niya, "A bit of both," sagot niya. "Uhm.." Pinanood ko ang pakonti konting pamumula ng mukha ni Jared. "Uh.. you mind if I sit beside you?"

Medyo umusog ako sa bench na inuupuan ko. "Sure," sabi ko at nag aalangan siyang tumayo bago tumabi sakin. Hindi siya mapakali kaya naman napatawa at napakamot ako sa noo ko. "Ba't ka kinakabahan?" natatawang tanong ko.

"There's uh.. something I've been wanting to tell you."

Huminga akong malalim para pakalmahin 'yung puso ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Tagalog 'yan ha?"

Blanko akong tinignan ni Jared, "Ha?"

Umiling ako, "Wala hehe, tuloy mo lang."

"Okay.." Inilapit niya pa ang sarili niya sakin hanggang sa magkadikit na ang binti namin.

Natulala ako kay Jared. Minsan kasi ay parang hindi siya totoo. Katulad ngayon. Nasisikatan siya ng araw kaya naman ang brown niyang buhok ay nagmukhang blonde at kitang kita mo ang pagka light ng mga mata niya. Nakikita ko din ang mga pekas niya sa likod at ilong. Parang hindi siya tunay na tao. Hindi ako makapaniwala na eto ang lalaking hinalikan ko kagabi lang.

"Adrianna," panimula niya at lahat ng atensyon ko ay nalipat sa mga sasabihin niya. "I like you a lot."

Napa awang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko. Okay, hindi ko naihanda sarili ko para dito. Matagal akong nakatulala lang kay Jared habang siya naman ay namumula na ang pisngi at tenga.

Napahampas ako sa tuhod niya, "Tangina 'di nga?"

Tumango tango siya, "I'm serious," aniya pero natatawa siya kaya naman hinampas ko ulit siya.

"Jared! Umayos ka, 'yung totoo?"

Naka kunot noo siya pero may ngiti siya sa labi, "Why do you think I kissed you?"

"Parang ano.. you know? Nadala ka lang sa moment ganun.." Pinag isipan ko talaga ang mga nangyari kagabi at sa huli ay naisip ko na ang assuming ko para isipin na may gusto si Jared saakin. Akala ko talaga ay nadala lang siya.

"No, that's just wrong." Sagot niya ng may kasama iling. "I really do have.. deep feelings for you."

"Kelan pa?"

Pumikit siya bago binuksan ang isang mata para tignan ako. "Last.. year?"

"ANO?!" Tama ba ang narinig ko o in-imagine ko lang 'yon? "Last year pa?" Kaya ba siya nahihiyang kausapin ako noon? Pati na rin 'yung pamumula niya kapag lumalapit ako? Pero bakit ngayon niya lang sinabi? Bakit.. "Bakit wala kang sinabi?"

"Because of Asher," aniya at agad na nanuyo ang lalamunan ko. Nag iwas siya ng tingin, "Look, dati pa. Third year palang tayo, whenever I see you, I see him too. Whether you're alone or with someone else, he will always be somewhere near." Noon pa man ay alam ko nang palaging naka buntot si Asher saakin kahit saan ako magpunta pero hindi ko parin makuha ang gustong iparating ni Jared. "I never introduced myself to you or made a move on you because I knew he has a thing for you."

"Teka teka teka," itinaas ko ang dalawang kamay ko. Natatawa ako. "Walang gusto si Asher saakin noonー"

"Matagal ka na niyang gusto. I mean, that's how I saw it. I think he liked you way before I started crushing on you."

"No.." Umiling iling ako. Magugulo nanaman ang utak ko. Akala ko ba gusto ako ng lalaking 'to? Bakit sinasabi niya sakin 'to ngayon?

"Sinuntok ko siya kagabi to knock some sense into him, he was too blinded by jealousy kaya nasabi niya ang mga sinabi niya." Paliwanag niya. At may pahabol pa, "And also because I was pissed drunk."

Umiling ako, "Babaero siya Jared, isa lang ako sa mga laruan niya."

"Do you really think that?" tanong niya. "Why do you think he keeps coming back to you?" Na blanko ang utak ko sa sinabi niya at wala akong naisagot. "I'm pretty sure you already know that he doesn't know how to handle his feelings."

"Jared ang gulo mo, bakit mo 'to sinasabi sakin? Kagabiー"

"Last night was a mistake Adrianna.." Tuluyan na akong walang masabi. "I never should have kissed you. I was being selfish and my feelings for you just overwhelmed me. Being that close to you.. nawalan na ako ng control sa sarili ko." Nag iwas siya ng tingin bago niya kinuha ang kamay ko para pag laruan ito. Tapos tinignan niya ako at wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi sinseridad, "Adi.. I love you in every sense of the word and would always help you in every way I can. Gagawin ko lahat para mapasaya ka lang. I know you're still in love with him and I know you'll never be completely happy hangga't hindi pa kayo naaayos. That's why i'm doing this." Hinaplos niya ang pisngi ko, "And if in the end, everything goes to shit, I'll still be right here waiting." Hindi ko man lang agad na-realize na umiiyak na pala ako. Masyadong mababaw ang mga luha ko. Kahit simpleng pag amin niya lamang ay napapaiyak na ako.

Naaawa din ako sakanya dahil bumalik saakin lahat ng sinabi ko sakanya. Lahat ng nangyari saamin at hindi ko ma imagine kung gaano kasakit ang lahat ng 'yon para sakanya. Pero andito parin siya ngayon sa harapan ko, hindi sumusuko na mapasaya ako.

Sino nga bang mag aakala na may tao parin ngayon na kayang magmahal ng ganito?

Hinila ko siya at niyakap. Agad na pumulupot ang mga braso niya saakin para yakapin ako pabalik.

"Adrianna," mahinang bigkas niya. "I just want you to know that i'm here. You don't need to feel the same way or force yourself to love me back. What I feel for you will stay and will never fade. Whatever happens."

Humiwalay ako sakanya at pinunasan ang luha ko, "Hindi ko deserve 'yung pagmamahal mo."

Bahagya siyang napatawa kaya naman napatingin ako sakanya. "You're right princess," hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinalikan ako sa noo. "Because you deserve more."

Tinusok ko siya sa tyan habang 'yung isang kamay ko ay busy parin sa pag punas ng luha. "Ang cheesyー" Natigilan kaming pareho nang mag ring ang phone ko.

Nagtatakang tinignan ko 'to at mas lalo lamang akong nagtaka nang makita na si Kiko ang tumatawag.

"Hello?"

"Adi!" masayang bati niya. "Kamusta? Tumawag ako kanina e."

"Ay! Nawala sa isip ko. Ba't ka pala napatawag Kiko?" Nagkatinginan kami ni Jared. "Okay lang ako dito. Ikaw? Kamusta ka jan?"

"Ayos lang naman ako, andito parin sa Tagaytay. Si Tita kamusta? Nagising na ba?"

Nangunot ang noo ko at halata sa ekspresyon ni Jared na nagtaka din siya sa tanong ni Kiko. "Sinong tita?"

"Mama ni Asher," sagot niya na para bang hindi pa siya maka paniwala na hindi ko alam. "Diba na cardiac arrest daw nung kelan? Sabi ni Enrico na coma daw kaya nagtatanong ako kung nagising na ba." Bumaba lahat ng dugo ko sa katawan at agad akong namutla. "Huling kausap ko kay Asher parang wala na siya sa sarili kaya ikaw nalang tinawagan ko."

Napakurap kurap ako at napa lunok, "U-Uh.." nangingilid na ang mga luha ko at tumingala ako para hindi maiyak. "H-Hindi ko alam n-na inatake si Tita 'Ko e."

"Ha?"

"U-Uhm.. tawagan nalang ulit kita mamaya. Okay?"

"Teka Adi"

Ibinaba ko na 'yung tawag at agad na nabitawan ang phone ko dahil nanghina ang buong katawan ko. Natulala ako at sinubukang i-process sa utak ko ang mga nalaman ko.

Kaya pala.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 88K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
8.7K 149 35
Koleksyon ng aking mga tula na nagawa dahil sa mga WriCon. Tinta At Papel Ang Aking Piyesa❤️
4.6K 179 151
[Misa de Gallo #2] An overriding message of faith, hope, trust and love- "We don't just meet people by accident."
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]