Kabanata XLVIII

4.9K 212 36
                                    

"How do you go back to being strangers with someone who has seen your soul?"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Kiss? Ulol ka ba?" Tinaasan ko ng kilay si Henry. "May Asher na ako noh."

"Baket? Kayo ba?"

May parang kumurot sa puso ko dahil sa simpleng tanong na 'yun at bago pa man ako makapag salita ay naramdaman ko na 'yung kamay ni Jared sa may tuhod ko. "Even if they're not officially together, they have something and kahit ganun, she has to be loyal."

"Kahit kiss lang sa pisnge, cheating agad?" tanong ni Tris. "May malisya ba?"

"Meron," sabay naming sagot ni Jared. Hindi ko alam kung bakit pero kumalabog ang puso ko ng sobrang lakas kinailangan ko pang pigilan 'yung sarili ko na hawakan 'yung dibdib ko.

"Iba nalang," mabilis kong sabi para ma-distract ang sarili ko. "Bawal kiss, banned na 'yun."

"Ay sayang," sabay na sabi nung mag syota. Mahina lang nila 'tong sinabi pero dahil nagkasabay sila, narinig namin silang lahat.

Tuluyan na akong na-distract nang sinimulan namin silang asarin. At nawala na din sa isip ko 'yung mainit na kamay ni Jared sa binti ko.

• • • • • • • • • •

Dalawang linggo nalang at mag de-debut na ako. Gaganapin ito sa isang hotel on base at formal attire ang lahat. Strictly black or white ang dapat suot ng mga bisita. Mayroon ding guest list para walang pwedeng mag crash.

Sa totoo lang, pinaka excited talaga ako ay 'yung sa 18 roses dahil si Asher ang last dance ko. Nitong mga nakaraang araw.. bumalik na 'yung Asher na minahal ko. 'Yung mapang asar pero sobrang sweet. Akala ko nga ayan nanaman siya, hihilain nanaman ako pabalik pero after ilang araw wala nanaman. Pero hindi. Consistent na siya. Nakakaburat na nga e, palaging naka buntot.

Sa barkada naman, 'yung pag tambay namin kina Jared ang huling pagsasama namin ng buo. Ewan ko ba. Matapos nung araw na 'yun.. parang wala na? Nung mga unang araw nagkaka usap pa kami ni Jared kahit may klase pero mula nung maging sila ni Gail.. parang nawalan na kami ng gana mag usap.

Papalapit na ang araw ng pag bisita ng tatay ni Kiko mula sa Amerika. Wala pang nakaka alam samin kung anong plano nito para sakanya pero alam naming hindi aabot ng pasko ang pag stay ni Kiko sa pilipinas. Halatang apektado si Kei kahit ayaw niyang aminin. Tahimik nalang siya at minsan nakikita kong iiyak nalang bigla. Ayan ang problema sa fling, hindi mo pwedeng aminin na na-in love ka na. Tapos kailangan mo pang mag panggap na wala ka lang pake kahit sa loob loob mo sobrang nahihirapan ka na.

Ako na mismo ang umiwas kay Ethel at Angelo, na o-op lang kasi ako sakanila at kapag kasama naman namin si Asher, walang ginawa si Ethel kundi barahin siya.

Isa na din ito sa mga rason kung bakit excited ako sa debut ko. Last week ko pa pinamigay ang mga invitation at sinabi nilang lahat na a-attend sila. Mabubuo ulit kami.

"Dee," napatingin ako kaagad sa pinto ng classroom nang marinig ko ang boses niya. Nahigit ko ang hininga ko at napansin kong marami ring mga babae ang napalingon sakanya. Ngumiti siya at nagsimulang maglakad papunta saakin.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko.

Ipinatong niya 'yung dalawa niyang kamay sa mesa ng upuan ko at mabilis na ibinaba ang ulo para mahalikan ako sa pisngi.

"Boring sa room e," sagot niya bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Bakit? Asan si James at Enrico?"

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now