Kabanata IV

9.7K 266 24
                                    

"It's the little things you do that makes me so crazily attracted to you"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Nagkita kami ni Asher sa hallway pagka uwian. Nakatayo kami sa labas ng classroom ng kaibigan naming si Troy, hinihintay siyang lumabas para sabay sabay kaming magpunta sa computer shop.

"Saglit lang tayo dun ha?" sabi ko kay Asher. "Kailangan ko maka uwi bago mag six. May kailangan akong tapusin na essay."

"Yung sa english?" tanong niya. "Sa friday pa naman ipapasa 'yun e."

"Sainyo sa friday pa, kami sa wednesday na daw."

Tinaasan niya ako ng kilay, "Edi bukas mo na gawin."

Kumuba ako at inirapan siya, "Bahala ka. Basta uuwi na ako ng mga five-thirty." Isinandal ko 'yung likod ko sa railing. Kailangan ko kasi talagang matapos 'yung essay na pinapagawa ni Ma'am Ladringan. Ipinangako ko sa sarili ko na hinda na ako magkaka line of seven ngayong senior year kaya naman sineseryoso ko na talaga 'yung academics ko.

First grading lang 'to panigurado pagdating ng second, tamad nanaman ako.

"Wala kang kasabay umuwi, papatayin ako ni Ate Sky."

"Edi mabuti," mataray na sagot ko sakanya habang nakahalukipkip.

"Sungit naman nito."

"Problema?" pag singit ni James sa usapan. "Nag aaway nanaman kayo?"

"Hindi naman," sagot ko pero nakasimangot parin. "Pero kasi gusto ko na umuwi bago mag six."

"Ah," aniya. "Sabay ka nalang kay Nicolette. Uuwi na 'yun."

"Ayoko pa umuwi ngayon, maya maya pa." Napa buntong hininga ako. Ang hirap kapag ganito. Last year naman hindi kami nagkaka problema ng ganito kasi sabay sabay talaga kaming umuuwi kahit anong oras. Pero syempre, hindi na kami bata. Kailangan na seryosohin 'yung mga school work dahil 4th year na kami. "Daan muna tayong computer shop."

"Sabay ka na sakin Aids, plano ko din naman umuwi ng maaga ngayon." Sabi ni Enrico habang isinasara 'yung backpack niya. ,

"Ah talaga? Sigー"

"Sige na, sasabay na ako." Biglang singit ni Asher, "Magpapakita lang ako dun sa tropa tas uwi na tayo."

"Edi ba plano mo mag DOTA? Okay lang naman anjan na si Enrico.." Seryoso akong tinitigan ni Asher at napalunok na lamang ako. "Okay, sige sabi mo e."

Pinag seselosan niya ba si Enrico? Kanina pa 'to nagrereklamo tungkol sakanya e. Magkaibigan lang naman kami ni Enrico, hindi niya kailangan magselos. Teka, teka, teka! Ibig ba sabihin nito may gusto talaga sakin si Asher? Shet! Bumilis ang tibok ng puso ko at nagpawis 'yung kamay ko. Tinignan ko si Asher na nakatingin parin sakin kaya naman tumalikod ako at humarap doon sa railing bago dumungaw sa baba. Papanoorin ko nalang 'yung mga nagba-basketball. Oh look, si Jared nag shoot ng 3 points. Galing.

"Ang tagal naman maglabasan nila Troy," rinig kong reklamo ni Asher. "Ano ba nangyari?"

Mga ilang minuto lamang ang lumipas, bumukas na 'yung pinto sa classroom ng IV-ZECHARIAH kaya naman humarap na ulit ako doon at nakita ang isang badtrip na Sir Abrigo. Nagmamadali siyang lumabas habang 'yung mga studyante sa likod niya ay nagsisigawan at nagtatawanan. Hindi nagtagal ay lumabas na din si Troy kaya naman pina ulanan namin siya ng tanong.

"May nagtapon nung acid testers ni Sir sa bintana. 'Di siya nagkapag lesson ngayon, buong oras sinesermonan kami."

"Sino nagtapon?" gulat na tanong ko. Alam ko mamahalin 'yung ganun e. Kaya naman pala badtrip na badtrip siya.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now