"She's the type of girl that can be so hurt but can still look at you and smile"
✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄
Marami akong na-realize bago ako natulog kagabi. Isa na doon ang katotohanan na nadala lang ako ng emosyon ko. Lahat ng galit, sakit at pandidiri na inipon ko sa loob ko ay umapaw na at kay Asher ko lahat naibuhos.
Wala naman talagang kasalanan si Asher.
Oo nga't gago siya dahil kinalimutan niyang may lakad kami. Napaka insensitive niya dahil doon at hindi man lang kaagad nag sorry. Pakiramdam ko tuloy ay balewala lang ako sakanya.
Lahat ng nangyari saakin ay hindi niya kasalanan. Diba? Nung sinabi niya palang na may lakad siya, hindi na dapat ako tumuloy. Hindi na dapat umasa na magbabago isip niya. Hindi naman niya siguro ginusto 'yung nangyari sakin. At kung gising lang siya noong nag te-text ako, panigurado ay may ginawa na siya.
Nakaramdam tuloy ako kaagad ng hiya. Kaya naman pagka gising na pagka gising ko ay nag-text ako.
To: Asher
I'm sorry
sent 8:56am
Nabigla ako sa bilis ng pag reply niya.
ASHER: Naiintindihan ko naman
ADRIANNA: Sorry talaga. Sa'yo ko nabuhos 'yung galit ko
ASHER: Okay lang. Kinwento na sakin ni Enrico 'yung nangyari
ADRIANNA: OhKagabi kasi, hindi ako makatulog. Bigla nalamang nag-text si Enrico, tinatanong kung okay lang ba ako. Aniya'y may mga bisita sila sakanila kaya 'di siya nakapag reply kaagad.
"Si Asher ba ang problema?" tanong niya pa sa text.
"Hindi," ang reply ko. "May iba pang nangyari"
Nag-vibrate ang phone ko at agad kong binasa ang reply ni Asher. Nahigit ko ang hininga ko.
From: Asher
Sorry kung tingin mo wala akong pakielam sa'yo. Nag t-try naman ako, pero siguro nga gago talaga ako. Sorry kung palagi nalang kitang ginagalit.
9:01am
Napatakip ako sa bibig ko at napahikbi. God, Asher. Hindi ko na alam gagawin ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko para maka pag reply.
To: Asher
Okay lang
9:03am
Okay na, Adrianna. Hindi siya mawawala sa'yo. Okay na.
From: Asher
Pumunta ka sa bahay mamaya. Gusto kong bumawi sa'yo :)
9:04am
Napa-ngiti ako
To: Asher
At pano mo naman gagawin yan?
9:04am
From: Asher
Secret
9:05am
• • • • • • • • • •
Mga bandang alas-kuwatro, nasa may gate na ako nina Asher. "Tao pooooo"
May nakita akong sumilip sa may screen door bago ko narinig 'yung lock sabay bumukas 'to at lumabas si James.
YOU ARE READING
STASG (Rewritten)
ChickLitSi Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information st...