Five is to One

By AMCupcake_

678 57 15

Si Jonas Vallejo na matino-tino rin ng kaunti. Note, kaunti lang. Marunong magseryoso pero minsan lang. Avera... More

01: Stick-O Madness
02: Magpa-RaYah
03: HHWW?
05: Tropang MAK
06: Pangarap lang kita
07: Selos rin ako
8: Stucked sa friendzoned
9: New Seatmate. New Members.
10: Samahan ng #HartHart
11: Kuya Aaron and Ate Jairah
12: Daddy's home
13: Goodbye Ayah na ba?
14: Confusion comes in.....
15: Choice
16: A Change
17: NO MORE FUN!?
18: Renewed
19: A big deal from New York
20: Kenneth Astle
21: Kilig

04: One Of The Boys

18 2 0
By AMCupcake_

Ayah

"Salamat sa Diyos! Recess na rin sa wakas!" May unat effect pa si Ram. Natamaan tuloy ako. "Aray ko! Bwisit ka!" Kinutusan ko naman siya.

"ARAY! Sadista ka masyado." Hindi siya gumanti, good. Subukan niya lang.

"Hoy! Sinong toka?" Nagulat ako. Ako pala tokang manlibre. Agad ko namang kinalkal bag ko para hanapin ang wallet ko. Tangina. One hundred fifty. Saklaff men!

"Ah si ano....si..si Ayah!" Turo sakin ni Eejay gusto ko sanang mag-deny kaso kinuha agad nila wallet ko.

"Hoy! Lilibre ko naman kayo e! Balik niyo lang wallet ko!" Hinabol ko si Eejay sabay kuha ng wallet ko. "Tsaka ang duga niyo, kapag kayo toka magpa-pass kayo." Pang ri-realtalk ko sakanila.

"Hala! Hindi ah! Ako nanlibre ako kahapon!" Pagdefend ni Jaycee.

"Anong binili mo samin? Tag-iisang fudgee bar? Tapos pag ako, gusto niyo french fries tsaka shake? Ganun?" Totoo naman e. Nabusog na ako non sa fudgee bar? Hindi, ang lawak ng bodega ko sa tiyan no!

"Atleast nang libre ako! It's the thought that counts naman." I smirked.

"Tss. Tapos Jaycee kapag binilhan ko kayo ng ganun, magagalit kayo?" Barado na siya e! Speechless na ang mokong.

"Oh tara na! Wag na tayo palibre! Nanunumbat." Tumalikod siya samin at naglakad pabalik.

"Uy, suyuin mo." Inakbayan ako ni Jonas. Inirapan ko siya. "Asal bata kayo masyado! Kung may gamot lang ng pampa-mature pinalaklak ko na sa inyo!" At lumakad na ako kay Jonas na hindi pa masyadong nakakalayo.

"Hoy! Wag ka nang pabebe diyan! Lilibre ko naman kayo e!" Hinila ko siya para humarap sakin. Pagkaharap niya naka-ngiti siya. "Yan gusto ko sa'yo Ayah e!" Tas inakbayan niya ako all the way papuntang canteen.

Nung naupo na sila sa usual na pwesto namin sinabi na nila gusto nila. Sinama ko na rin si Jaycee sa counter para tulungan akong buhatin yung mga bibilhin ko. Dami kaya! Buraot talaga.

Sa totoo lang sa gazebo kami kumakain. Minsan lang kami kumain sa usual na pwesto namin, usual na pwesto ng hintayan ng pagkain. Tapos kapag nakuha na namin order namin pupunta na nun kami sa gazebo. Wala naman kasi tumatambay masyado dun, malamok raw. Eh sa pati lamok takot samin e!

Nasa botanical garden kasi yung gazebo. May mini pond na may isda maliliit lang. Tapos may maliit na bridge across sa mini pond.

"Oh!" Binaba na namin ni Jaycee yung inorder namin. "Akin 'to!" Sabay kuha ni Eejay sa siomai.

"Bobo ka ba? Sabi ko siomai akin diba!?" Pakikipagtalo ni Ram.

"Pareho kayong bobo, dalawang order ng siomai yan oh!" Sabi ko. Tanga naman neto.

"Ay, 'nga no! Thank you!" Sabay agaw niya sa siomai na inaabot ko sakanya.

"Ram, over na 'yang katangahan mo." Sabay tap pa ni Rojin sa shoulder ni Ram.

"Oo nga! Ang pangit mo na nga, tanga ka pa!" Natawa naman ako kay Eejay. "Wow ha, ang gwapo mo naman!?" Haha. Naiinis na naman siguro tong si Ram.

"Oo, ako pa!"

Tawanan. Eto gusto ko sakanila e. Medyo nakakainis sila minsan pero source of happiness ko sila. Kahit bored ang school basta kasama mo sila wala na yung boredom na 'yun.

"Tara na nga sa gazebo! Bwisit kayo!" Kaya lagi inaasar pikon kasi.

Nung nasa gazebo na kami-"Teka, halos dalawang buwan na tayong magto-tropa wala pa ring pangalan grupo natin?"

Nagtinginan kami sa sinabi ni Rojin.

"Oo nga no!" Pagsangayon ni Jonas. Halos lahaypt naman kami sangayon e.

"Pero paano ba tayo naging magto-tropa?" Curious si Ram. Pati naman ako para kasing isang iglap lang tropa na kami.

Yung feeling na hiya-hiya pa kayo sa una tapos pag close na kayo parang ang tagal niyo nang magkakilala. Yung hindi niyo maisip kung kailan ba kayo naging close. Tsaka paano kayo naging close?

Paano nga ba kami naging tropa?

3 months ago....

Ayah

"Yie, seatmates tayo." Sabi ko kay Riza. Medyo ka-close ko na kasi siya. "Oo nga e!" Tas para siyang bulateng nanggigil. Hyper mode te?

"Alonzo, palit kayo ni Ms. Riza." Pamatay kaligayahan naman 'tong si Maam!

Ayokong katabi yang Alonzo na yan! Mukhang tahimik gusto ko yung madadaldalan ko.

"Aw, beh bye!" Umalis na siya. Dahil nasa kanan ko ang aisle at ako ang una sa column namin kailangan pang dumaan sakin.

"Excuse me." Tinanggal ko na yung paa ko na nakasabit sa upuan na nasa harap ko. Bwisit.

"Okay, as of July 2015 yan na ang seating arrangements niyo! Any problems?" Ako, meron. Tae, na-miss ko na dati kong puwesto.

Pagkatapos ng busit na seating arrangement na yun, aba! Nag pa-activity pa.

"Babae, penge ako papel." Napatingin ako kay Alonzo. 

"Hoy, Alonzo, may pangalan ako no!"

"Ako rin naman may pangalan," inabot ko na sakanya yung papel na hinihingi niya. "Tsaka wag naman Alonzo. Tunog oldies."

"Inaasar mo apelyido mo?"

"Hindi, ang pangit lang pakinggan pag galing sa bunganga mo." Napa-aray siya, hinampas ko kasi. "Amazona ka pala huh!" Hindi parin siya maka-move-on dahil panay siya 'ang sakit kaya'.

"Edi anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya.

"Bakit curious ka?"

"Hello!"-na pabakla. "Seatmate po kaya kita!"

"Anong connect?" hayup. 

Ewan ko pero wala nang pag-da-dalawang isip pa, akmang susuntukin ko siya nang-"Ram. Ram P. Alonzo."

"Ano yun P mo?" Curious lang ako, okay?

  "Pogi." Inirapan ko siya.

"As if!" Ang pangit kaya niya. Well, I mean, mapagtiya-tiyagaan na. "Baka P for panget!"

"Hindi ah!" Nabusit ko yata. "Paliero yun."

"Ikaw?" Tapos tinignan niya yung pangalan na nakasulat sa Papel ko.

"Ayah Ma..Ma-err...Ma. Ano 'to?" Natawa naman ako sakanya, wala pa talagang nakakuha sa first try ng pronunciation ng Maer ko.

"Maer as in Meyer, bilisan mo lang kaunti. Meyer."

"Ah, ano ba namang Meyer na yan. Alien language?"

"Alien agad?" Humarap ako sakanya. "Ikaw nga e, Ram. Ano ka? Random Access Memory?" Tas tinawan ko siya.

"HAHAHA."

---

"Hoy, Ram. Nagawa mo na ba yung assignment sa Math?" Sabi ni...Jojo? Jonah? Ay, ewan.

Ah, yung assignment sa math. Kasalukuyan nang recess time. Yung math pagkatapos ng recess.

"Hindi e," Bumusangot silang dalawa."Ay, Ayah. May assignment ka sa math?"

"Oo, bakit?" Biglang parang nag-twinkle yung mata niya. Nabuhayan ng loob?

"Pak-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya kasi pinigilan siya ni Jo? Basta Jo!

"Patingin kami." Inabot ko naman sakanila. "Thank you."

"Hoy! Dalawa may assignment kayo?" Sabi ni Jaycee kasama sina Eejay at Rojin. "Kokopya kami dito." Turo ni Ram sa papel ko.

"Ta! Duga niyo ha!" Akmang kukunin ko na yung papel ko nun kaso pinigilan nila ako. Nagpapigil naman ako.

"Ayah, pakopya rin." Dagdag pa si Jaycee.

"Bwisit kayo!" Kopya agad? Di naman kami close ah!

'Pinakopya mo naman!' Tanga mo! Tanga mo!

Simula non lagi na silang kumokopya. Pero minsan di ko sila pinapakopya, tinuturuan ko lang sila. Umuupo na sila sa tabi ko. Lagi na kaming magkaka-grupo sa mga projects kaya lagi sila sa bahay namin.

Halos araw-araw nun sila samin kaso ni-realtalk ko sila kaya sa iba-ibang bahay na kami nagpupunta. Sa bahay ni Jonas, Ram, Jaycee, Eejay at Rojin.

Doon kami naging close. Masaya sila kasama. Nung first grading period nga sa amin sila nagreview ang pinaka-konting tamang sagot manlilibre. Lugi si Ram. Ni-libre niya kaming McDo.

Doon na din kami nagsimula mag-hang-out. Nag-e-SM kami, Jollibee, McDO at kung saan-saan.

Alam kong pangit tingnan mga lalaki kasama ko. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Tsaka paalala lang po, hindi ako tomboy or anything. Sakanila na kasi ko napalapit e. Sila na ka-close ko. Sakanila na ako kumportable.

No harms naman sila e, medyo. Masaya kasama. Mababait. Maalaga, only girl raw kasi ako. Kaso, madalas ring pagtripan.

Yeah, call me one of the boys.

×==×

Continue Reading

You'll Also Like

35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.7M 72.4K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
33.5K 2.2K 1
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.