My Husband Lost His Memory

Da the_innocent

247K 3.3K 354

What will you do if the person you love the most gets amnesia and can't remember you? In an instant, Kim's Hu... Altro

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
EPILOGUE

CHAPTER FIVE

8.9K 130 9
Da the_innocent

ANDREW/WILLIAM'S POV

Nasa opisina ako ngayon ng Ramirez Inc. ang sabi kasi ni Sophia ay pumunta daw ako sa kompanya na 'to dahil may trabaho daw na nag hihintay sa akin dito.

"Tanggap ka na. Wala kang ibang gagawin kundi ang mag linis dito. Pwede ka ng mag simula bukas"

Sabi sa akin ng babae na nag interview sa akin. Mukhang dalaga pa ang isang 'to ah.. Malamang isa 'to sa mga boss ng company na 'to.

napangiti naman ako ng marinig ko na tanggap na ako. Nag apply kasi ako bilang janitor ng kompanya. Wala naman akong ibang alam gawin kundi ang mag linis na lang.

"maraming salamat po"

Sa wakas! makakatulong na rin ako kay Sophia. Ang hirap kaya kapag walang pera.. hindi namin mapagamot ng maayos si Intoy. Atleast kahit papaano ay makakaluwag luwag na rin kami. Kailangan bago makalabas si Intoy sa ospital ay may mahanap na rin akong bahay. Sa ospital lang kasi kami nag lalagi ni Sophia.

"Grabe.. ang laki pala ng Kompanya na 'to siguro sobrang yaman na ng may ari nito."

hindi muna ako agad lumabas ng kompanya inikot ko muna ang buong floor. Manghang mangha kasi ako sa laki nito at sa mga painting na naka display.

"Hello Kim nasaan ka na? Oo, nandito lang ako sa company dumaan ka na lang.. Okay sige, bye"

Napatingin ako sa isang lalaki na papasakay sa elevator. Pero hind nya ako nakikita dahil sa nasa gilid lamang ako. Parang kilala ko sya pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita.

"Kim.. Sino si Kim?"

Napahawak ako sa ulo ko dahil may bigla nanaman akong naalala. Isang babae tapos may naririnig ako na mga boses, tinatawag nilang Kim yung babae na nasa isip ko pero hindi ko makita sa isip ko yung mukha nung babae. Ano ba naman 'to oh, bakit napapadalas yung sakit ng ulo ko?

"bakit kaya ganoon?sino kaya si Kim? sino si Andrew? bakit nung marinig ko yung mga pangalan na yan ay sumakit yung ulo ko? bakit parang konektado sila sa akin?"

Naglakad lakad pa ako.. May mga bagay na gusto kong maalala. Parang pakiramdam ko sa pag pasok ko sa kompanyang 'to ay babalik ang ala-ala ko hindi ko alam kung bakit.

"Haaay.. makabalik na nga lang sa ospital."

bago ako sumakay sa elevator ay sumulyap ako sa baba. Nasa 4th floor kasi ako. Napakatahimik ng buong kompanya may mangilan ngilan din akong nakikita na naglalakad sa lobby. Actually yung lobby lang ng kompanya ang nakikita ko mula dito sa kinalalagyan ko.

"Siguro.. Mayaman ang lahat ng nag tatrabaho dito.Sana yumaman din kako para maipagamot ko si Intoy."

Habang nakadungaw ako ay may isang babae na pumukaw sa atensyon ko. Ewan ko ba bakit ako napatingin sa kanya. Medyo hindi makita yung mukha nya dahil nga nandito ako sa 4th floor. Nag hihintay lang sya dahil sasakay sya sa elevator.

"Mayaman din siguro yang babae na yan. Nagtatrabaho din kaya sya dito? tama na nga, bakit ko ba pinapansin pa ang buhay ng ibang tao? makababa na nga."

Sumakay na ako sa elevator. Excited na talaga ako kasi mag uumpisa na ako sa trabaho bukas. Gagalingan ko talaga para naman mag tagal ako dito sa kompanyang 'to.

"Fighting!"

nasabi ko na lang. Napatingin naman sa akin yung kasabay ko sa elevator. Nakakahiya baka akalain nya na nababaliw na ako. Umiwas na lang ako ng tingin.

*Ting!*

Bumukas ang pinto ng elevator. Ibig sabihin ay nasa lobby na ako, lumabas na ako at sa pag labas ko ay napatingin ako sa katabing elevator. Pasara na ito, bago pa man sumara ang pinto ng kabilang elevator ay may nakita akong babae. Nagkatinginan kaming dalawa. Tapos ay sumara na yung pinto ng elevator.

"Pamilyar yung mukha nya ah."

Huminto ako saglit. At tiningnan ko ang pinto ng elevator na noon ay nakasara na. Sayang hindi ko natitigan ng matagal yung babae

"Sino kaya sya?"

Bago ako lumabas ng kompanya ay pumasok muna ako sa comfort room. Nag hilamos lang ako dahil medyo naiinitan na rin ako tsaka parang hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, feeling ko may kakilala ako sa kompanya na 'to.

"impossible namang mangyari yun eh ngayon nga lang ako nakarating dito eh. Minsan talaga Oa na ako."

"Andrew!"

Sinara ko yung gripo tapos ay napatingin ako sa pinto. May narinig kasi ako na boses galing sa labas.

"Bakit ba napapadalas yata yung pangalan na Andrew. Madami bang Andrew sa mundong 'to?"

Napailing na lang ako. Kinuha ko yung panyo na nasa bulsa ko tapos ay ipinunas ko sa mukha ko. Tumingin ako sa salamin tapos ay hinawi ko yung medyo basa 'kong buhok.

"Andrew! Andrew!"

Tumingin ulit ako sa may pinto. Narinig ko nanaman kasi yung pangalan na Andrew. Boses ng babae yung tumatawag sa pangalan na Andrew. Parang nung nasa ospital lang din ako, May Andrew na tinitawag yung babae.

"Kung sino man yang Andrew na yan.. napakabingi nya! kanina pa sya tinatawag nung babae hindi man lang lumapit. Ah! mabuti pa tulungan ko na lang yung babae na mahanap yung Andrew na yun"

Lumabas na ako sa Cr. Pag labas ko ay may nakita akong babae at lalaki magkahawak sila ng kamay. Medyo malayo sila sa akin.. Yung babae.. parang sya yung nakita ko sa elevator. Bakit ganon? pakiramdam ko ay kilala ko din sya?

"Kim, Ano ba kasi yun? tara na! sigaw ka pa ng sigaw dito eh."

"Eh kasi nga nakita ko sya dito"

"Impossible yun Kim. Tara na"

Inakay na nung lalake yung babae paalis. Sya pala yung Kim. bakit naman sya sigaw ng sigaw dito? di ba nya alam na pang mayaman 'tong kompanya. Dapat ay tahimik lang sya. Sayang naman ang ganda nya pero kung makasigaw wagas.

"Hindi kaya yung kausap nya na lalake ay si Andrew? Ah siguro nga si Andrew yun. Bagay silang dalawa"

Lumabas na ako ng kompanya. Babalik na lang ako sa ospital, poproblemahin ko na lang yung problema ko kaysa problema ng ibang tao.

KIM'S POV

Pumasok na ako sa company nila Jansen. Infairness ha Habang tumatagal ay paganda ng paganda yung company nila. Tiba tiba dito si Jansen kapag pinamana sa kanya 'to ng mga magulang nya.

"Hay naku, kung hindi ko lang talaga kaibigan 'to si Jansen hindi ako pupunta dito, super busy pa naman ako."

Kaya lang naman ako nandito kasi naiwan ni Jansen yung files sa bahay ko, eh kailangang kailangan na daw nya yun. Madalas na rin kasing nasa Kompanya nila si Jansen. Pinapatulong na sya ng Daddy nya sa pag mamanage kahit na estudyante pa lang din sya.

"Ang tagal naman bumukas netong elevator na 'to.Parang pagong bwiset"

*ting*

bumukas na yung elevator. Pumasok na ako sa loob. Nakakailang pindot na ako pero ayaw pa din sumara ng elevator.

"Ano ba naman 'to dapat ipaayos 'to ni Jansen."

sa pag pindot ko ay dahan dahan na sumara ang pinto ng elevator. Pero bago pa man tuluyang sumara ay may lalaking nahagip yung mga mata ko. Parang bumagal yung ikot ng mundo dahil nagkatinginan pa kami. Sya! Sya yung nakita ko sa ospital! Hahabulin ko pa sana pero sumara na yung pinto ng elevator. Arrrgh!! Pinindot ko ng pinindot yung button para makalabas ako agad.

"Andrew!"

Sigaw ko. Ginala ko yung paningin ko .. Nag babakasakali ako na makikita ko pa sya. Hindi na 'to isang panaginip si Andrew talaga yung nakita ko hindi ako pwedeng mag kamali! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay abot kamay ko na si Andrew.

"Please mag pakita ka naman. Please.."

Naglalakad lakad pa ako habang iniikot ang paningin ko. Hindi pwedeng hindi kami mag kita, kailangan king malaman kung bakit hindi sya bumabalik sa akin. At kailangan kong malaman kung anong nangyari sa kanya.

"Andrew! andrew!"

Nanginginig na yung buong katawan ko kailangan ko talaga syang makita.. Kailangang kailangan na. Sobrang namimiss ko na sya eh. Napatingin ako sa signage na nasa gilid. Signage ng comfort room.. Tumingin tingin ako sa paligid, alam nyo naman na siguro ang binabalak ko.

"Hindi kaya nasa cr sya?"

Nag lakad na ako papalapit sa Cr pero biglang may humawak sa braso ko. Lumingon ako at nakita ko si Jansen na seyoso ang mukha.

"Kim! Anong ginagawa mo? Halika nga"

Inakay ako ni Jansen palayo sa Cr. Pero nandito pa rin kami sa lobby at nag-uusap.

"Ang sabi ng staff nag sisisigaw ka daw dito. Bakit ba?"

"nakita ko dito si Andrew"

"Sino? kim tara na sigaw ka pa ng sigaw dito eh"

"Nakita ko sya dito!"

"Impossible yun Kim tara na"

Hinatak na ako ni Jansen papaalis ng lobby at sumakay na kami ng Elevator. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Sinasabi ko na nga ba at hindi ako namalik mata sa ospital. Ramdam ko nasa paligid lang si Andrew.

"Jansen! Nakita ko talaga si Andrew! Nagkatinginan pa nga kami eh!"

Tumingin lang sa akin si Jansen. Tapos ay umiling.

"Kung nagkatinginan kayo bakit hindi ka man lang nya hinabol? Bakit hindi sya nag pakita? Ibig sabihin hindi yung si Andrew baka kamukha nya lang yun."

"Hindi eh pero kas-"

Hindi ko naituloy yung sasabihin ko ng iharang ni Jansen yung kamay nya sa bibig ko. Hinawakan nya yung mukha ko at tumingin sa akin ng diretso

"Wag kang mag-alala magkikita rin kayo."

Sana nga.. Sana nga magkita na kami. Dahil hindi na talaga ako mapalagay. Kainis naman kasi!! Sino ba kasi yung nag pakita sakin sa elevator? Kalokalike lang kaya yun ni Andrew? Pero impossible!! Parang si Andrew talaga yun eh!

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

1.6M 1.7K 1
Tulo laway ang mga estudyante sa tuwing nakikita si Lyeon. The wholesome 29 year old arrogant professor. Pero naman putik! takot sila sa istriktong...
208K 2.7K 53
We were wrong that I never made right. He hated and left me because of that. We will be wrong again if I don't make things right, this second time. B...
4.7M 13.7K 6
"Now tell me! Gusto mo ba talagang makasal sa akin at maging Mrs. dela Merced?" "Yes!" Mabilis na sagot nya, at hindi nagbabawi ng tingin rito. Kahit...
75.8K 1.4K 21
"Damn hindi ko alam kung paano ako nabuhay ng apat na taon na wala ka"