STASG (Rewritten)

By faithrufo

500K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata LXX

4.2K 195 84
By faithrufo

"When someone is trying to change their ways, the worst thing you can do is keep bringing up the past."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Sa mga dumaang araw, wala akong ibang ginawa kundi iwasan si Asher. Maski kapag magkakasalubong kami sa hallway, hindi ko siya titignan o 'di kaya'y aarte na hindi ko siya nakita. Hindi din naman siya nag attempt na lapitan o kausapin ako, madalas din siyang absent at hindi na ako nag abalang magtanong sa mga kakilala namin kung bakit. Maski sina James at hindi na nag effort na kausapin ako. Lahat kami ay umaarte na parang hindi namin kilala ang isa't isa. Minsan pa nga, sa mga tingin nila, parang galit pa sila saakin.

Hindi ko na ini-stress ang sarili ko. Nasasaktan parin ako ngunit ganun talaga, hindi madali ang mag move on pero iniisip ko nalang na darating ang araw, magigising nalang ako at hindi na si Asher ang una kong maiisip. 

Asher, sa paraan ng pagka usap niya saakin nung araw na 'yon. Siya na mismo ang nagtapos ng kung ano ang meron kami. Naghintay ako ngunit wala siyang ginawa. Ayun mismo ay sagot na sa mga katanungan ko. Importante ba ako sakanya? Ngayon alam ko na.

Walang ginawa ang mga kaibigan ko kundi pasayahin ako. Kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata nila at naisip ko na, kahit hindi ako mahalin ni Asher katulad ng pagmamahal ko sakanya, andyan naman ang mga kaibigan ko para punan ang lahat ng pagkukulang niya. 

Ngayon ay ang ika'tlong araw ng Octoberfest at sa dalawang beses na nandito ako, ni isang anino ni Asher ay hindi ko nakita kaya naman na enjoy ko siya ng walang problema. Ngayon din mag pe-perform si Angelo at Jared. Oo, pumayag na kami na mag-perform si Jared. Hindi naman sa kailangan niya ang permiso namin ngunit alam niya kasi na hindi kami sang-ayon kaya naman ilang beses siyang nagpaalam. Gusto niya daw kasi na buo ang loob namin kapag tumapak siya sa entablado. 

Maraming tao ngayon at dahil mamaya pa kakanta sina Angelo, naisipan muna naming kumuha ng mga maiinom. Hawak hawak ko ang kamay ni Jared habang naglalakad kami sa dagat ng mga tao ngunit ng mapansin niya na natutulak tulak ako, ipinulupot na niya ang braso niya sa balikat ko. 

Kumuha kami ng isang lamesa malapit sa stage kung saan sila tutugtog mamaya. Lahat kami ay nakumpleto ang tatlong araw ng Mardigra kaya naman ngayon ay mag ce-celebrate kami. Kanina pa naka inom ang mga lalaki, maski si Jared ay namumula na, ngunit kaming mga babae ay ni isang sipsip ay wala pa kaya naman nag-order si Kris ng tig iisang bote para saaming lahat. 

"Nakita niyo na ba 'yung chiks na na-spot ko kahapon?" tanong saamin ni Henry. 

Sumipsip ako ng kaunti sa bote na hawak ko. "Ano nga pala ang itsura nun?" tanong ko. 

"Maikling buhok," aniya bago siya ngumisi ng nakakaloko. "Malaking pwet."

"Tapos panget," dagdag ni Tris bago uminom at napatawa kami sa kumento niya habang sinamaan naman siya ng tingin ni Henry.  

"Morena diba?" tanong naman ni Kei at tumango si Henry. "Tingin tingin ka lang baka dumaan 'yun."

"Sila James kanina, Adrian nakita ko ah." Sabi ni Kris at nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko pinahalata sakanila na bigla akong kinabahan. "Kasama si ano.."

Himala, naisip ko. Itinaas ko ang noo ko, "Lampake," sabi ko sakanila.

"Ayun naman!" Pumalakpak si Ethel. "Ganyan dapat girl!"

"Cheers!" sigaw ni Angelo. Natawa at napailing ako pero isinangga ko parin ang bote ko sakanilang lahat. 

Kailangan kong i-distract ang sarili ko dahil lumalapit nanaman ang isip ko sa danger zone. Nilingon ko si Jared. Nakikinig na siya ngayon sa usapan nina Henry. Magkatabi ang upuan namin at naka patong ang isang braso niya sa likuran ng upuan ko, kapag sumandal ako ay mararamdaman ko na ang balat niya sa balat ko. Namumula ang mga pisngi niya dahil sa pag inom pero buhay na buhay ang mga mata niya. Dahil sa pag ngiti niya, naka litaw nanaman ang dimple niya. At siguro dahil lasing ako, malakas ang loob, hindi ko alam. Pero bigla akong lumapit at idinampi ang labi ko sa pisngi niya. 

Gulat na nilingon ako ni Jared at mas lalong namula ang mukha niya. "What was that for?" tanong niya. 

Nagkibit balikat ako at naramdaman ko din ang pisngi ko na nag init, "W-Wala.. 'yung dimple mo kasi."

"O.. T.. P!!" sigaw bigla ni Kei kaya naman napalingon kami sakanya. Sabay silang umirit ni Ethel bago sila nag apir. 

"Nagsisimula na!" sigaw naman ni Ethel. 

Pinaypayan ni Kei ang sarili niya gamit ang kamay niya, "Jusko ang tagal din nating naghintay."

"A-Ano..?" Uminit ang buong katawan ko at napuno ako ng hiya. Anong sinasabi nila? Ni hindi ko na matignan si Jared! Hinalikan ko lang naman ang pisngi niya dahil ang cute cute ng dimple niya!

"WALA!" sabay na sigaw ni Kei at Ethel bago magka tinginan at kiligin nanaman. Nahulog ang tingin ko kay Beatrice na iniikot ang isang daliri niya sa gilid ng ulo niya. Maski si Angelo ay tinitignan ang girlfriend niya na para bang isa itong takas sa mental. 

"Alak lang 'yan," natatawang sabi ni Henry at sabay sabay kaming uminom. 

Madaling bumalik sa normal ang usapan. Tumatawa ako sa isang sinabi ni Kei nang maramdaman ko ang daliri ni Jared na nagsasayaw sa balikat ko. Inilapit ko ang katawan ko sakanya hanggang sa tuluyan na siyang naka akbay saakin. Wala sa mga kaibigan namin ang nag re-react kaya naman mas lalo akong inilapit ni Jared sakanya hanggang sa ramdam na ramdam ko na ang init ng katawan niya at naka sandal na ang ulo ko sa pagitan ng balikat at ulo niya.

Ano 'tong ginagawa namin? Bakit ang intimate? Lasing na talaga kami. 

Naramdaman ko ang bibig ni Jared malapit sa tenga ko at hindi ko na napigilan ang ngisi ko. "Nasabi ko na ba sa'yo na ang ganda mo ngayon?"" bulong niya. 

Nanatili sa mga kaibigan namin ang mga mata ko pero nakay Jared ang buong atensyon ko. "Ngayon lang?"

Itinuloy ng mga daliri niya ang pag sayaw sa balikat ko at nagsitaasan ang mga balahibo ko. "Ngayon... kahapon.. bukas at sa mga susunod pang araw."

Tinakpan ko ang bibig ko dahil natatawa ako sa sinasabi niya. Halata sa boses niya na natatawa din siya. Mahina kong siniko ang tyan niya bago ko inilayo ang sarili ko para matignan siya. "Lasing ka na Jared," sabi ko. "Lumalabas nanaman si Lionel."

Dahan dahang umangat ang gilid ng labi ni Jared sabay kinindatan niya ako. Hindi ko na napigilan ang tawa at kilig ko kaya naman tumayo na ako at hinila na din siya. "Lasing ka na talaga," sabi ko sakanya bago lingunin ang mga kaibigan namin. "Pupunta lang kaming mini stop. Bibilhan ko ng tubig 'to nang mahimasmasan naman." Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila at hinila na si Jared paalis sa lamesa namin.  

Sarado ang buong main road ng syudad para lamang dito sa Octoberfest. May isang malaking stage ang magkabilang dulo ng kalsada at isa sa gitna. Bawat isa ay may bandang tumutugtog. Magkakalayo naman sila kaya hindi problema kahit magsabay sabay pa dahil hindi naman naririnig. Sobrang daming tao kaya naman hindi na nag abala ang mga resto bar, club at iba pang bilihan na mag sara. Kasama na doon ang mini stop na matatanaw mula sa pwesto namin. 

Magkahawak kamay ulit kami ni Jared. Sa totoo lang ay nasasanay na akong maging malapit sakanya. Kumportable ako kay Jared, kahit kailan ay hindi ako kinabahan o nakatakot kapag siya ang kasama ko. Kung sinabi mo saakin noong first day of school na magiging ka-close ko itong englisherong galing section one ay paniguradong tinawanan na kita. Akala ko kasi noon ay sobrang magkaiba kami dahil sa estado namin sa buhay. Isama mo pa ang pagka mahiyain niya habang ako naman ay makapal ang mukha kaya sobrang awkward namin noon at hindi nag uusap. Kaya pasalamat din ako at nagka crush si Ethel kay Angelo noon dahil kung hindi dahil sakanila ay hindi kami magiging close ni Jared. 

Napatingin ako sakanya at nakitang nakatingin na pala siya. "Anong iniisip mo?" tanong niya sakin.

"Yung-"

"TISOY!"

Parehas kaming napalingon ni Jared sa sumigaw sa likod namin at pakiramdam ko ay may humigop bigla ng dugo ko paalis sa katawan ko. Na estatwa ako sa pwesto ko at sumakit ang ulo ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. 

Nakatayo sa likuran namin ay isang sobrang lasing na Asher na inaawat nina Troy.

"Asher," ani Jared, walang bahid ng kahit na anong emosyon sa boses niya. Hinawakan ko ang braso niya dahil nakita ko ang naka yukom niyang kamao. 

Malakas na tumawa si Asher nung makita niya ako, "Akalain mo nga namang magkikita tayo dito ngayong gabi?" Naka ngiti siya ngunit galit ang boses niya at kung hindi ko lamang alam na lasing siya, iisipin kong iiyak na siya dahil namumula ang mga mata niya. 

"Pare, tara na." Sabi ni James sakanya. 

"Hindi pare teka lang," inalis ni Asher ang mga kamay na nakahawak sakanya. "Kakausapin ko lang naman sila."

Nabigla ako nang makita ko si Kuya Griffin sa gilid ni Asher. Ngayon ko lamang siya napansin. Hinawakan niya ulit sa braso si Asher habang nakatingin saakin, "Sige na Adrian. Umalis na kayo kami na bahala kay Asher."

"Hindi kuya!" marahas na inalis ni Asher ang hawak sakanya ng kapatid niya at agad akong napa atras. 

"Adeng," seryoso ang boses ni Kuya Griffin. "Lasing ka lang. Napag usapan na natin-"

"Eto kasi kuya e," dinuro niya si Jared at kung hindi lang siguro siya napigilan nina James ay naka suntok na siya. "Ikaw," idinuro niya ulit si Jared na nanginginig na sa galit. "Naging mabait ako sa'yo p're pero nananadya ka na ata ah." Hinigpitan ko ang hawak ko kay Jared ngunit alam ko na kapag gumalaw ito ay wala akong magagawa. Tumingin ako sa direksyon ng lamesa namin at nakita sina Angelo na naglalakad na papalapit sa pwesto namin. 

"Ang hilig mo sa mga tira ko ano?" Nang lumabas iyon sa bibig ni Asher, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanghina ako at hindi na napigilan si Jared nang suntukin niya si Asher.

Napatakip ako sa bibig ko at may biglang bumuhat sakin palayo sa away. "Dito ka lang," matigas na sabi sakin ni Ralex bago bumalik sa gulo. Dumating na sina Kris at agad na tumulong sa pag awat sa dalawa. Sina Ethel naman ay agad akong dinamayan pati si Tris na may kausap sa cellphone. At nang may pumunas sa mukha ko, doon ko lang na-realize na umiiyak na pala ako. 

"Okay ka lang?" tanong ni Kei. "Tinamaan ka ba? Hindi ka naman-"

Nanginginig ako. Magulo ang isip ko pero isa lang ang tumatak at napuno ng kaba ang dibdib ko. "S-Si Jared.. may hika si Jared." Tumingkayad ako para matignan kung ano na ang nangyayari dahil ang dami nang tao na nakikigulo. "Si Jared. Dala niya ba inhaler niya?"

"Adi, adi," hinawakan ni Ethel ang magkabila kong pisngi. "Kumalma ka. Nanginginig ka na. Kailangan mong kumalma." Nihihilo na ako at malamig ang mga kamay ko, parang anytime ay malalagutan na ako ng hininga. 

Hindi nagtagal, nakita ko na siya. Diretso siyang naglalakad papunta samin at naka sunod lamang sina Kris. Namumula ang isang parte ng pisngi niya at nagdudugo ang ilong niya pero hindi naman siya nahihirapang huminga at kahit papano ay gumaan ang loob ko.

Ngunit hindi ko parin maalis ang pag aalala ko kaya naman nilapitan ko siya at ginamit ang mga kamay ko para punasan ang dugo sa mukha niya. Naiiyak ako sa nakikita ko. Ni wala na akong pakielam pang malaman kung ano ang natamo ni Asher. 

"Jared? Jared? Okay ka lang ba? Kaya mo ba?" hawak hawak ko ang mukha niya.

Napapikit si Jared bago niya ako binigyan ng isang ngiti. Tapos pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang dalawang hinlalaki niya. "I'm perfectly fine," sabi niya sakin bago inilapit ang mukha niya para bumulong. "You should see what I did to him."

Lumayo ako at hinampas siya sa dibdib, "Hindi 'to nakakatuwa!" galit na sigaw ko. 

Napahawak siya sa dibdib niya at nang magsasalita na sana siya ngunit napatigil siya at napatingin sa likuran ko. Napa lingon din ako at may nakitang ilang lalaki na naglalakad papalapit samin. Akala ko ay kaaway din sila kaya naman agad kong iniharang ang sarili ko kay Jared ngunit napatigil din dahil pamilyar ang mukha ng nasa gitna. 

Halata sa mga ekspresyon ng mga bagong dating na nagulat sila sa nakikita. Nagsalita 'yung nasa gitna, "Well, we definitely weren't expecting this." 

Biglang tumawa si Jared na nakatayo sa likuran ko. Na-realize ko na kahit anong pag takip ko sakanya ay makikita niya parin ang nasa harapan namin dahil 'di hamak na mas matangkad siya. Maingat niya akong inusog patabi, "Chance, my man!" Bati niya at nakita ko ang pagka himatay ni Beatrice sa gilid.


Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 913 64
Nickelle Atienza and Chester Sy have been best friends since they were kids. Chester is the average boy best friend, who is overly protective of Elle...
90.8K 1K 136
[COMPLETED] Graduating Senior High School student, Chienna Aguilar, desperately wanted to get the attention of her college crush, Gab Del Mundo, the...
372 77 1
ENCHANTED RENDEZVOUS "It's not your fault if you're a crybaby; the world is just so mean." Armani Calliope, a really shy girl. She tends to hide fro...
29.9K 955 10
He has been in love with Andree Fuentabella for eight years, but he is thirty-nine now, and she is no longer his, and it is time to stop. After all...