STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata LXVIII

4.1K 174 33
By faithrufo

"Some people will never change, and you just have to accept that."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Alam mo 'yung pakiramdam na parang isang malaking joke ang mga nagyayari sa buhay mo? Na para bang umaarte lang ang lahat at scripted ang mga problemang nangyayari sa buhay mo? Na isang araw, may magsasabi nalang sa'yo ng joke joke joke! O 'di kaya'y magigising ka nalang at babalik sa isang realidad kung saan maayos ang lahat.

Kaso hindi e. Ito ang reality ko at kailangan kong tanggapin at harapin 'yun. Ngunit mas magiging madali siguro kung wala ang pressure na nararamdaman ko sa dibdib ko. Bawat oras na lumilipas, mas lalo lamang 'tong dumidiin at nahihirapan na akong huminga at mag isip.

"Troy?" Nilapitan ko ang isa sa mga pinaka matalik na kaibigan ni Asher. Naka upo siya sa fire exit at nag ti-text. Agad niyang ibinaba ang cellphone niya nang makita niya ako.

"Uy," bati niya pabalik bago tapikin ang space sa tabi niya.

Umupo ako sa tabi niya at naramdaman ko nanaman 'yung init sa dibdib ko. Hindi ito 'yung init na mapapa ngiti ka at gagaan ang loob mo. Itong init na 'to, nakaka paso. Masakit.

"Ano meron?" tanong ni Troy.

Hindi ko alam kung dapat ko bang tanungin ang gusto kung tanungin? Paano kung wala siyang alam? Out of line na ba kung sakanya ako magtatanong? Sasabihin niya ba kay Asher ang tatanungin ko sakanya?

"May problema ka ba, Adrian?" tanong ni Troy.

Napakamot ako sa noo ko at napa kagat sa ibabang labi ko. Tanungin mo na Adrianna nang matahimik ka na. "K-Kailangan ko lang ng confirmation?" nag aalangan kong sinabi.

Napa kunot ang noo ni Troy, "Tungkol saan?"

"Uhm.." Sige na, Adrian. May karapatan ka namang malaman. Napalunok ako, "Ano... Anong meron kay Asher at Hannah? Sila ba?"

Mas lumalim ang simangot ni Troy, "Hindi ko alam."

Hindi ayun ang sagot na ine-expect ko. Napahinga akong malalim at nanginginig itong lumabas. "Teka lang," paalam ko bago pumasok sa classroom namin. Kumakain si Jared ng recess niya noong lumapit ako at hindi na din nagtanong nung hiniram ko ang cellphone niya. Bumalik ako sa labas at ipinakita kay Troy 'yung picture na nakita ko sa instagram ni Hannah.

Tinignan niya 'tong mabuti at ilang beses din niya akong tinignan. Tapos ibinalik niya na 'to sakin. "Parang siya," sagot niya. "Pero hindi ako sigurado."

Bakit pakiramdam ko ay nagsisinungaling si Troy sakin? Imposibleng wala siyang alam. Kung pwede lang suntukin ang sarili ko, ginawa ko na dahil naramdaman kong nag iinit ang gilid ng mga mata ko. Bakit ako naiiyak?!

Nginitian ko nalang si Troy at itinuro ulit 'yung phone. "Pero cute sila ah? Bagay." Lumingon ako sa classroom namin kung saan kitang kita ko si Jared na naka tingin saamin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Troy, "Sige na pala. Malapit na mag-bell e. Balik na ako sa room namin."

Nag aalangang tumango si Troy, "Okay."

Tumango ulit ako bago siya talikuran. Binagalan ko ang lakad pabalik sa classroom para hindi niya mapansin na tinatakasan ko lamang siya. Hindi nanaman ako maka hinga. Jusko, hindi na pa ako makaka pag relax kahit saglit lang? Tumitibok nanaman ang ulo ko. Hindi na nakaka buti ang stress na nararamdaman ko, malapit na ata akong ma-depress.

Babalik na sana ako sa upuan ko nang bumukas ang pinto sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ang ulo ni Asher. "Hi," naka ngiting bati niya. Anong ginagawa mo dito, manloloko?

Joke.

Umayos ka Adrianna. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

Mas lumawak ang ngiti ni Asher, "Siomai tayo mamaya?"

At ngayon aayain mo ako, pisti ka?! Wala ba kayong date ng Hannah mo?! Boo bear pa more! Mga bwisit!

"Sorry," sagot ko sakanya at nakita kong medyo nabawasan ang ngiti niya. Kumirot bigla ang puso ko. "Tao parin ako mamaya," biro ko nalamang.

Napawi ng tuluyan ang ngiti ni Asher at napalitan ito ng busangot. "Ang corny mo, alam mo ba 'yun?"

"Maganda naman."

"Hokey."

Itinulak ko 'yung mukha niya, "Umalis ka na nga."

"Ang kapal na ng eyebags mo," kumento niya bigla.

Napa awang ang bibig ko at itinulak ko ulit siya. Mas harsh na ngayon dahil sa pang aasar niya. "Nakiki tingin ka lang."

"Sungit mo ngayon," aniya bago ako taasan ng kilay. "Meron ka?"

"Oo, at duduguan kita kapag 'di ka pa umalis," nang gigigil na sabi ko.

"Chill," aniya habang umaatras na. "Okay, mamaya ha? Sabay tayong uuwi."

Inirapan ko siya, "Whatever, Asher."

Aalis na sana siya nang makita ko ang pag aalangan niya. Tapos tinignan niya ako habang medyo naka yuko, "Minsan iniisip ko pasikreto kang may galit sakin." Nabigla ako at hindi kaagad naka sagot dahil bago pa man tuluyang mag register sa isipan ko ang sinabi niya ay naglalakad na siya paalis na para bang wala lang ang mga salitang ibinato niya bigla saakin.

Seryoso ba siya? Paanong hindi ako magagalit sakanya e binabalewala niya ako?

Naka kunot parin ang aking noo nang makabalik ako sa upuan ko. Naisipan kong mas mabuti na siguro kung ilabas ko na ang notebook ko para sa susunod na subject. Tsaka hindi ko pa tapos kopyahin ang notes ni Jared. Dinistract ko ang sarili ko para maiwasan ang pag iisip nanaman ng mga hindi dapat. Mga bagay na makakasama saakin, emotionally at physically.

Mabilis na lumipas ang oras. Pagka bell na pagka bell ng lunchtime ay inaya kaagad ako ni Jared na kumain sa labas.

"Tayong dalawa lang?" tanong ko sakanya.

Bagkibit balikat siya, "Yeah. Ayaw mo ba?"

Ipinulupot ko ang braso ko sa braso niya, "Hindi, sige tara."

Sabay kaming lumabas ng campus at dumiretso sa SM na halos katapat lamang ng school namin. Maganda ang panahon ngayon ngunit medyo lumalamig na din ang simoy ng hangin. Marami kaming naka sabay na studyante papuntang SM at inaasar asar ko si Jared tuwing may mahuhuli akong babaeng naka titig sakanya. Kaya naman nang makarating kami sa Greenwich ay pulang pula na ang magkabilang pisngi niya.

Maliit lang ang Greenwich sa SM Olongapo pero mabuti nalang at nakahanap kami ng mauupuan sa bandang looban.

Naka salumbabang pinapanood ko si Jared habang hinihintay namin ang aming order. Idina-drum niya ang dalawang hintuturo niya sa lamesa habang kumakanta. Hindi ko nga lang alam kung ano ang kinakanta niya dahil ibinibulong niya lang ang lyrics at base sa pagtitig niya sa pader, nasa ibang lugar ang utak niya.

"Jared," halos pabulong lang ang pag tawag ko pero agad na lumipat ang tingin ni Jared sakin.

"Hmm?"

Napanguso ako, "Narinig mo pa 'yun?"

"I'm not deaf," sagot naman niya.

"Tulala ka e," sabi ko sakanya. "Anyway, may sasabihin ako." Tumango siya, naghihintay. "May nakita akong picture ni Asher at Hannah. Magka holding hands."

"Have you asked him about it?"

"Hindi," sagot ko. "Ba't ako magtatanong? Gusto ko siya mismo ang magsabi sakin."

"You're making things harder for yourself," aniya. "You're in a pretty simple situation, all you have to do is ask."

"Ayoko nga!" Naka simangot na sagot ko. "Tapos magmumukha nanamang naghahabol ako? Na I care too much?"

"Is that supposed to be a bad thing?"

"Para saming dalawa oo," sagot ko sakanya. "Kasi ayaw naman ni Asher ng relasyon. Ewan ko bakit. Excuse niya lang yata 'yun para sabihin na ayaw niya sakin. Kaya bawal ako mag-care ng sobra. Natatakot ako na baka masakal 'yun sakin at iwanan nalang ako bigla."

"You know him more than me, princess. Tingin mo ba talaga magagawa niya 'yun sa'yo?"

Umirap ako, "Full of surprises 'yung gagong 'yon."

"Adi," panimula niya. "You're being unfair to him."

Halos malaglag na ang panga ko sa sahig. Ano daw? Ako pa ngayon ang unfair? "Pano ako naging unfair sakanya, Jared?"

Napangiwi siya sa tono ng boses ko bago siya bumuntong hininga. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nasa lamesa at inilapit 'to sa mga labi niya para halikan. Hindi na niya kailangang gumamit ng salita. Alam ko kaagad ang gusto niyang sabihin.

Calm down.

"What I meant was," panimula niya. "When you two are together, you act like everything is okay. But once he turns his back, you're cursing him for being the way he is." Paliwanag niya at alam kong napapansin na niya na lumalaki na ang butas ng ilong ko sa inis pero nagpatuloy siya at hinigpitan ng kaunti ang hawak niya sakin. "Give the guy some slack. Hindi naman siya manghuhula, he won't always know what you want."

"Bakit ba pinag tatanggol mo pa siya?" Sinubukan kong hilain ang mga kamay ko palayo sakanya ngunit hinigpitan niya ang hawak niya at tinignan ako ng mabuti.

"Because I want you to be happy." Diretsong sagot niya. "Napapagod na ako sa mga pekeng ngiti mo. Palagi ka nalang malungkot and I hate it. So if he's the only person who can bring the old Adrianna back ー'Yung Adi na mah-- makulit at mababaw ang happinessー Then i'm gonna help him as long as I can. You still love him, don't you?" Yes, agad na sagot ng isip ko dahil hindi ako maka pagsalita. "You do, I can see it in your eyes."

Inalis ko ang isang kamay ko sakanya at hinayaan na niya ako. Pinunasan ko 'yung luhang tumutulo mula sa mata ko. "Nakaka inis ka naman Jared e. Pinapaiyak mo pa ako."

"Sorry.."

"Thank you," sagot ko sakanya. At nang ngumiti ako, totoo na 'to at nakita ko sa mga mata niya na alam niya din 'yun.

"You're always welcome Adrianna, always."

Continue Reading

You'll Also Like

61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
2M 72.2K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...