Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)

1.3M 17.9K 1.9K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: July 8, 2011

Chapter 05

Kahit hanggang gate pa lamang ng school ang nalalakad ni Phoebe, feeling niya ang layo-layo na ng nilalakad niya. Hindi pa rin kasi siya sinasabayan ni Harley sa paglalakad. Para pa rin itong buntot na sunod lang ng sunod.

"Oh ano na ba? Ganito na lang ba?" humarap na siya dito at nagulat nang makita itong nakangiti. "ANO?!"

"Wala." naglakad naman ito sa harap niya. "This time, you follow me. I know a place."

Place? 

Nauna ito, napansin niyang nagsuot ito ng jacket bago lumabas. Tumawid ito sa kabilang kalsada at pumasok sa eskinta.

Eskinita? San yun pupunta? Hala nakakakaba naman. Mukha pa naman siyang disente pero... pero bakit niya ako pinapasunod sa isang masikip na eskinita? Omayghad.

Hindi naman talaga totoo ang nararamdaman ni Phoebe na takot. Panatag naman talaga ang loob niya pero pinipilit niya ang sarili niya na maging vigilant dahil palagi itong paalala ni manang o ng masungit na si Kent. Gayun pa man, sinundan-sundan niya pa rin ito hanggang sa dulo ng isikinita.

Alam niya ba tong lugar na'to? Naku ha! Baka lugar ng mga drug addict tong pupuntahan namin? O kaya, pub? O kaya malaswang bar or something. Jusko Lord.

Paglabas ng eskinita, napansin niyang napunta lang naman sila sa kabilang street.

Eh shortcut lang naman pala yun kesa dumaan kami sa may highway. Bakit kaya alam niya yung eskinita na yun eh hindi naman siya dito nagaaral dati sa school namin.

"Isabelle!!" naputol ang iniisip niya ng may tumawag sa second name niya. 

Huhhh? Isabelle?

Lumingon siya sa kabilang dako, sa likod gilid ng malaking hotel, nandoon si Harley.

"Ha?" nagduda pa siya kung siya nga yung tinawag ni Harley. "Anong Isabelle? Ako ba yung tinatawag mo?"

"Haha!" gustong mapakamot ni Harley dahil sila lang namang dalawa ang magkasama at si pangalan naman talaga ni Phoebe ang Isabelle. "Well, since 'di mo naman sinabi sa akin yung name mo, eh Isabelle na lang itatawag ko sayo!"

"So, nakita mo envelope ko noh?"

"Halika nga muna kasi dito!" pinapalapit niya si Phoebe sa kinatatayuan niya dahil magkalayo sila at halos nagsisigawan.

"Saan?" duda face naman si Phoebe dahil napaka conspicuous ng lugar. Nasa daan papuntang basement parking ng hotel. "Diyan?"

"Oo dito! Bilisan mo! C'mere." 

Sinundan niya na lang si Harley kahit marami pa siyang ibang naiisip. Bahala na... Bumaba pa sila sa may basement parking. Hindi niya talaga kung saan sila pupunta pero sumunod na lang siya. Wala na naman siyang choice eh.

"Saan ba kasi tayo?"

"Dito." turo ni Harley sa dilim. Napa-duda face si Phoebe.

"Saan?!"

"Dito sa private elevator!" Shhh!"

"Huh?! Private elevator? Elevator"

"Haha! You're being funny. Yes, elevator. Uulit-ulitin ba natin?" seryosong natatawa si Harley at mukhang aliw na aliw kay Phoebe.

"Eh kasi! Bakit di na lang tayo dumaan dun sa lobby, kung mag-hohotel lang din naman tayo? Teka... hotel? Bakit tayo magho-hotel!" napayakap si Phoebe sa sarili "Hindi! Anong binabalak mo?"

"Hahaha! OA ka naman Isabelle."

"Alam mo. Mukha kang Isabelle eh. Aalis na nga ako!"

"Wait! Wala naman akong gagawing masama sayo! Diba ikaw pa nga yung nagyayang mag-usap? Ako ang may-ari ng hotel na to. Ayoko lang dumaan sa lobby kasi alam mo na, Maraming fans."

"Ikaw ang may ari ng hotel na 'to?" 

"Yep." Harley gestured her to go inside the elevator.

Pumasok na rin naman si Phoebe ng walang pilit. Mukhang maganda at elegante rin kasi ang elevator. Nothing conspicuous" 

"Ang yaman *ehem* yabang naman nito!"

"Well." Pinindot nito ang P na pinakamataas na button ng elevator "This is my dad's so parang akin na rin. But whatever. Hindi naman yun ang paguusapan natin eh. At wag kang magalala di naman tayo gagawa ng masama. Lalo na ngayong nalaman ko na married ka na."

"Huh?"

"I don't do married people."

Pinamulahan ng mukha si Phoebe.

"Alam mo bastos ka. Kahit, kasal kami, h-hindi namin ginagawa yun! Kasal lang kami sa papel pero... pero... Hay! Di ko naman kailangang magexplain sa'yo diba? Nako! Bababa na talaga ako!" Pinundot niya ang B para ibaba ulit siya parking ng mamatay yung ilaw.

"Anong nangyari?"

"Uhm, nawalan ng kuryente?" natatawang sagot ni Harley na parang walang dapat ika-panic sa nangyari.

"Brown out? Bakit? Paano?" Inilabas ni Phoebe ang phone niya "At wala ring signal! Ano ba to!" 

"Ah baka nasa basement pa rin tayo. Wala kasing signal dito."

Nagpapanic na si Phoebe. Ayaw niyang makulong sa isang lugar na isang mokong na naman ang kasama niya. Ang sikip-sikip na para sa kanya. Di pa niya masyadong kilala ang kasama. Pinapakiramdaman niya si Harley na relax lang naman.

"Bakit parang kampanteng kampante ka pa rin dyan ha!!!?"

"Eh anong magagawa natin, hintayin mo na lang, baka mabilis lang na black out yan."

Wala nagawa si Phoebe. Ginamit niya na lang yung ilaw na nanggagagaling sa celphone niya para makita ang paligid ng elevator. Tahimik lang sila ng mga ilang minuto nang magsalita ulit si Harley.

"Di nyo ginagawa?"

"Huh?" naguluhan siya. 

"Di niyo ginagawa ni Kent yung ginagawa ng mga mag-asawa?"

Kung may ilaw lang, makikita ni Harley ang sobrang pangangamatis ng mukha ni Phoebe sa tanong niya. How bold of him. Naiinis na naman tuloy si Phoebe kasabay ng pagiinit ng mukha niya.

"A-ano bang paki-alam mo?!"

"Akala ko ba magpapaliwanag ka? Then you're being evasive, or vague now."

"Vague? A-ano?"

"Gusto mo bang malaman ng iba yung tungkol sa nalaman ko kanina?" Harley's taunting her.

Nanghina si Phoebe. Oo nga pala. Nandito nga pala siya para magpaliwanag kay Harley at kung posible ay magmakaawang wag ipagkalat ang mga nalaman. Malalagot talaga siya kay Kent!

"Please."

Harley sighed. 

"Okay." Bumuntong hininga ulit siya. "Then maybe you can explain."

"Do I have any choice?"

"Actually, wala. You explain here."

"Dito?! Dito na?"

"Baka hindi na bumalik ang kuryente kaya dito na."

"Hwag mo naman sabihin yan!"

"Kaya nga, tell me about it.

At ikinuwento ni Phoebe kay Harley lahat. She's inside his bubble so she really didn't have any choice. Wala siyang tinira.

"So magkahiwalay pa rin kayo ng kwarto? Ayaw niya sa'yo? Baka bakla naman si Tomas!"

"Hoy please hwag mo naman sasabihin yan sa harap ng ibang tao, ayaw na ayaw niya nung name na Tomas."

"O sige na, sagutin mo na kasi."

"Oo nga magkahiwalay nga kami ng kwarto. Bata pa rin naman kami eh. Tska baka ayaw niya nga sa'kin haha. Di naman ako kamukha nung mga artistang nakapaligid sa inyo."

"Ganun? Ayaw niya sa'yo?"

"Di ko alam, wala naman siyang sinasabi. Basta bawal may makaalam sa school"

"Eh bakit hindi kayo maghiwalay kung di naman kayo romantic sa isa't isa?"

"Ewan. Respeto na rin kina mama."

"Let's date!"

"What?!" naguluhan siya. Anong date-date ang sinasabi nitong mestisong to? Biglang nauwi sa date.


"Wala, total naman, ang dami niyang flings sa showbiz, and he fools around with our beautiful classmates. I have observed him today you know. Playboy ang asawa mo. Why can't you do the same?"

Pinagisipan niya. Angf un-fair nga naman. Pero hindi pa rin dahilan nun para makipagdate siya kay Harley. Di niya naman din to gusto. Gwapo. Oo sobra. Pero baka batuhin na naman siya ng mga kerengkeng girls.

"We don't like each other."

"I like you!"

"Ano? This is the first day we met then you like me?"

"Yes! I'm not saying that I love you. Hwag kang OA magreact. I like you lang. I find you very interesting. Tska asawa ka ni Kent Fuentabella."

"You like me dahil asawa ako ni Kent?"

"Ha? I like you because I like interesting people. Ayoko sa mga babaeng naghahabol sa akin."

"Haah! Ang yayabang niyo!"

"Seriously. Just think about it, Isabelle. Let's just go out. Para na rin hindi ka maaburido dyan sa asawa mo. Let him be with his own ego. Tska sige ka! Ipagkakalat ko na mag-asawa kayo! Sira ang career niya!"

"Oohhhh sige na!!" naipit siya sa sitwasyon. Hang out lang naman eh. Tama siya. Di naman faithful sa Kent, bakit ba siya seryoso masyado sa kasal nilang dalawa, eh kahit sa bahay nga nila, wala namang pakialam si Kent kung walang kailangan sa kanya.

May shooting si Kent ngayong gabi, kaya pagkatapos sa school ay dimeretcho agad siya sa studio. 4 hours ang inabot ng filming kaya mga 11:00pm na rin siya nakarating ng bahay. Magtutuos sila ni Phoebe.

"Kent, kape?" si Manang Lourdes, nag-aabang sa may sala.

"Hwag na po manang. Paki-tawag na lang po si Phoebe"

"Wala pa nga siya eh. Hindi mo ba kasama? Hindi man lang nagpasabi kahit text. Nag-aalala nga ako. Kanina ko pa binabantayan yung backdoor."

"Wala pa? Anong oras na ah!"

Tapos naalala niya na sinusundan nga pala ni Harley si Phoebe nung uwian. Hindi pa nga siya pinansin eh.

At mukhang magkasama pa nga yata yung dalawa. Hindi ko naman alam na magkakilala sila. Ano ba naman yung babaeng yun, sa lahat naman ng lalaki si Harley pa.


Inis na inis siya. Akala niya, mabilis lang magkakasama yung dalawa na halatang halata naman na nagsusunuran palabas ng school. Bakit hanggang ngayon wala pa? Inis na inis niyang tinawagan ang number ng asawa niya.

The number you dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later.

Talaga nga naman!


30 minutes na siyang nagghihintay sa sala. Wala pa ring dumadating na Phoebe. Inis na inis na siya pero di niya maitatangging nagaalala rin naman siya.

Yung bobong yun, wala nga yung alam sa mga lugar-lugar, baka kung saan na naligaw yun. Baka kung saan na dinala nung Harley nay un yun ah! Tanga-tanga pa naman nun.


"AAAAHHHRGG!" inis na inis siya pero wala naman siyang nagawa. Nauwi tuloy siya sa pagbubuklat ng mga photo-album na nasa sala. Yun yung kasal nila ni Phoebe sa New Hampshire. Lalo tuloy siyang nag-alala.

Di naman namalayan ni Phoebe na nakatulog na pala siya. Ang tagal na kasi, di niya na alam kung anong oras na ang lumipas pero hindi pa din nagkakakuryente. Pagkagising niya, naramdaman niyang nakadandal siya kay Harley. At ito pa, namalayan niya na nakayakap din pala sa kanya ito.

"Ano ba!"

"Huhh?"

Nakatulog din pala ito.

"Kung makayakap ah! Pervert to!"

"Anong pervert? Ikaw nga ang nakikisandal diyan eh. Dulas ka ng dulas sa kaya kita niyakap. Pasalamat ka nga hindi ka nabagok eh.

"Ganun?" 

Pahiya

*later*


Continue Reading

You'll Also Like

91.6K 2K 13
Megan Elizalde, an independent woman who loves to play with people's feelings. She loves to see them suffer because of love. She's merciless, she's c...
11.2M 187K 34
Georgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living...
7.8K 414 43
-UNEDITED- Olivia Valencia is a famous actress and singer.she is 24 years old and also a heir of Valencia prime holdings.olivia has a big name in sho...
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014