11/23

Bởi pilosopotasya

6.8M 248K 168K

A (not-so) hopeless romantic writer. A weird (not-so-much of a) stranger. A lot of (denying) feelings in betw... Xem Thêm

11/23
Hashtag 01
Hashtag 02
Hashtag 03
Hashtag 04
Hashtag 05
Hashtag 06
Hashtag 07
Hashtag 08
Hashtag 09
Hashtag 10
Hashtag 11
Hashtag 12
Hashtag 13
Hashtag 14
Hashtag 15
Hashtag 16
Hashtag 17
Hashtag 18
Hashtag 19
Hashtag 20
Hashtag 21
Hashtag 22
Hashtag 23
Day 1123
Day 2311
Day 3211

AskTeamLeche: Answered! & FAQs

296K 6.3K 9K
Bởi pilosopotasya

Hi.

I know you'll miss the story or Jhing, mostly Miko lang (huhu) so ito na ang small treat ng TeamLeche family sa inyong nagmahal sa kwento.

Before the story ended, I asked you human of ze planet earth to tweet #AskTeamLeche with your questions (at nag-trend daw siya! wow!) and within a few hours, I got hundreds of questions. Inisa-isa ko pa ang copy paste. Nakakaloka. Mej ang hirap i-sort out ng questions and sorry kung hindi lahat napagbigyan.

Next time na lang? :D

Note: Some questions were edited. Some were as is. This will bore you to death for this is the longest part of the whole 11/23. But I hope this will give you more than you expect.

Warning: contains a lot of sarcasm.

PS: The answers of Jhing and Miko are IN CHARACTER ANSWERS and if you got offended, I'm sorry. Just be reminded that Jhing and Miko are not the nicest people in the Wattpad world. They're sarcastic and rude. 

Remember: the answers will never be pointed to anyone. General po ito.

PS ulit: I'm not the nicest person too so. . . really. I'm sorry.

Let's start?

- _ -

Questions for Jhing 

(Riona Jayne Blanco)


1. Paano kapag yung best friend mo nagkagusto sayo pero hindi niya sinabi kaso napaghahalataan mo na siya dahil sa kaklase?

_ Let him do something for you. He's the one who likes you, right? Kung gusto mo siya, eh di unahan mo siyang umamin. Bakit kailangan problemahin ito?

2. If you would describe the pain you felt, Ms. Jhing, in one word, what word would that be?

_ Excruciating.

3. According to Miko, broken hearts stay. For you, where do broken hearts go?

_ Actually, that's my line from the start (hashtag 1) Kinuha lang niya. May explanation pa nga ako but of course you won't remember that dahil si Miko lang naman ang pinapakinggan.

4. Paano niyo po natiis yung situation ng ama niyo? Napatawad mo na ba Tatay mo? Maaayos na ba kayo ng Tatay mo?

_ This question was asked a lot of times it makes me puke. Hindi ko alam. Siguro? Pwede? Depende. Ewan ko. Sana.

5. Akin na lang po si Miko. XD

_ Ayoko xD

6. If we learn from our mistakes, why are we always so afraid to make mistake?

_ Because we're afraid of the emotions we'll feel during that mistake. We only learn after our emotions subsided.

7. How does it feel to fall in love with a guy you met online? Does it make you feel less? Ako kasi oo! Hahaha!

_ Why would it feel less if it's just the same like everyone else's feeling? It's love. Are you asking me this to know my opinion or to agree with yours?

8. Kung lalaki ka at babae si miko, pano mo sya liligawan?

_ I won't. Mika (the girl version of Miko) will be all over me. Hindi ko na kailangan mag-effort.

9. Kailan nag start yung feelings mo for Miko?

_ Mayroon bang alarm o note na magsasabi na, 'ngayong araw nagsimula ang feelings mo sa isang tao'? Let me know kung mayroon para magamit ko so I can answer this question.

10. For Jhing, bakit iilan lang ang pwedeng pumasok sa buhay mo?

_ Ang pangit naman kung lahat na lang nang darating papapasukin ko sa akin. It's like using the same toothbrush with everyone else. Unsanitary. And you'll end up with a health condition. Sayang sa pera magpagamot.

11. Anong ending ng novella mong You Had Me at Seenzoned? Paano mo tinapos?

_ "The stranger was happy already. That was all that mattered to the writer. Even without each other." You Had Me at Seenzoned, Jhing Blanco (2017)

12. "Paano mo i-ha-handle yung mga taong pinipilit maging tama yung grammar nila pero hindi naman nangyayari?"

_ Mahirap itama o i-perfect ang grammar. You need to keep on re-reading it, but reading the same thing lots of time will make your eyes familiar to the sentences na kahit may error, pinapalagpas na ng utak natin. So pause for a week or two, (even a month!) freshen your eyes and seek help from outsiders or someone you trust; they can pinpoint errors and mistakes you can't see.

13. Why do you think life is full of insecurities?

_ We tend to look at someone's back and think they're better than our own 'better'.

14. Paano babalansehin ang utak at puso?

_ Tell me if you know the answer for this question. I also need it.

15. What should I do when I feel like giving up?

_ Think everyone's drowning with you. Being the same like everyone else will make you feel better, you'll feel more belonged.

16. How do I chase happiness when I feel like happiness is running away from me?

_ Create your own.

17. One thing you regret?

_ Answering this question.

18. Why being so martyr na nagiging katangahan na lang pagiging martyr mo?

_ Katangahan naman talaga pagiging martyr.

19. Would you rather be heartless than heartbroken?

_ I always end up heartbroken so I try to make myself heartless.

20. For Jhing, is it hard to stop the unconscious freakin' heartbeat?

_ Are you asking me to kill myself to stop the heartbeat?

21. Na-cute-an ka ba kay Miko no'ng una syang nagsend ng picture?

_ yeah...

22. In everything Miko did for you, in what extent will you do or sacrifice for him?

_ I'm sacrificing my heart, body and soul. Is it not enough?

23. What's life without writing?

_ Like bleeding without blood.

  - -

Questions for Miko 

(Melchizedek Jesus Crux)


1. Paano manligaw? May ligaw tips ka ba d'yan?

† hindi ako marunong manligaw. nagpakatotoo lang ako. proud to be me hahahaha! maging kasing gwapo ko para sureball na sagutin.

2. Paano maging masaya? Maging kasing positive mo lagi? Magkaroon ng optimistic view in life? See the brighter side despite your own issues/problems? Totoo bang masaya ka?

† hindi naman ako laging positibo. mas masayahin lang ako kaysa sa 'yo. maraming pwedeng dahilan para maging masaya, tinitingnan mo lang kasi lagi nagpapalungkot sa 'yo.

3. What really happened to your dad? Nasaan siya? Anong relationship mo with your father? Anong kwento niyo? Same ba kayo ni Jhing?

† daming tanong na ganito grabe haha! hindi kami close. nagkakainitan kami ng ulo madalas kaya hindi na ako tumira sa bahay namin. nung nagkasakit siya, madalang lang akong dumalaw, hindi ako gumawa ng effort. hindi na ako nakabawi, nawala na siya.

masaya ka na bang malaman? tapos kakaawaan mo ako at sasabihing condolence? hahahahaha. hindi ko kailangan.

4. Alam mo ba na pumunta si Jhing sa KapeLibro nung dapat magdidiscuss kayo about sa novella pero hindi ka sumipot?

† TALAGA?! sabi niya tinamad daw siy—oh. That woman surprises me a lot of time. Kaya nakakabaliw eh.

5. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon or mangyayari sayo kung hindi mo nakilala si Jhing?

† hindi ko nakilala si Jhing? pipilitin ko pa ring makilala ko siya. o iha-hire ko siya bilang secretary ko. nakakagwapo raw at nakakataas ng sex appeal kapag naglalandian boss at secretary?

6. Anong advice mo sa mga trying hard magdrawing? Haha.

† lahat tayo "trying hard" mag-drawing. keep it up? tapos isaksak mo sa ngala ngala ng mga taong iniisip nilang trying hard ka magdrawing eh passion mo yan.

7. What makes you superior than the other man in Jhing's life?

† uh. ako asawa niya? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

8. What are the top three things you love/like about Jhing Blanco?

†Jhing

Blanco

Crux

9. Sobrang deep ba talaga ang wiggle? O slow lang ako kaya di ko gets?

† IBIG NIYO BANG SABIHIN, HINDI DEEP ANG WIGGLE WIGGLE?! 

┬─┬ ︵ /(.□. \)

10. Ano ang nabago ni Jhing sa buhay mo?

† she made me a better person. . . . . ah pucha, nakakagwapo talaga pag-English! Hahahaha!

11. First love mo ba si Jhing?

† true and everlasting love, pare, para mas sweet.

12. What is your favorite painting?

† kung kakayanin kong ipinta ang mukha ni Jhing sa canvas, yun magiging paborito ko. Eh ang kaso, di ako magaling mag traditional paint at hindi pa ata mabibigyang hustisya ng kamay ko ang nakikita ko.

13. Paano ako makaka move on sayo?

† isipin mo na lang sa sobrang gwapo ko hindi ka magiging sapat para sa akin. Hahahaha!

(author's note: ansama ni Miko <///3)

14. Alam mo bang nagseselos si Jhing pag may pumupuntang girl na galing sa tinder sa office niyo?"

† oo naman. lahat naman pinagseselosan nun kaya kahit pader nilalayuan ko baka kasi pagselosan niya.

15. Melchizedek, anong female version ng pangalan mo? bukod sa melchizedeka?

† ano bang problema sa melchizedeka? melchizedekita.

16. Hi Kuya Miko! Mahal mo si Sungit este si Ate Jhing?

† hindi po. napagtripan ko lang nang ilang taon. pinakasalan ko lang talaga siya kasi gusto ko makuha kayamanan niya tapos hintayin ko na lang siya mamatay. . .sa pagmamahal ko.

17. Forever na ba kayo ni Ate Jhing? Naniniwala ka ba sa forever?

† ang pagmamahalan namin ay parang tanong na ito: hindi matapos tapos. Pero hindi tulad ng pagmamahalan namin, ang tanong na ito ay nakakasawa na.

18. Bakit masyado kang pa fall? Paki-explain please.

† bakit ka nafall agad? paki-explain din sa ms word, 10 pages, 12 font size, helvetica font, 1.5 space, justified body pero naka-center alignment ang title na "Bakit Ang Bilis Ko Ma-Fall?" 16 font size.

19. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan, may babaguhin ka ba?

† pagsagot sa tanong na to (;¬_¬)

20. Paano mo nakakayang mapatawad si Jhing kahit na pinagtatabuyan ka niya?

† tulad ng pagpapatawad niya sa akin nung naisip kong piliin muna si Bee bago siya dahil lang sa pag iisip na 'heroic' move yun pero selfish act talaga para pakainin ego ko.

21. Anong naramdaman mo nang nakita mong si Jhing umiiyak habang nag c-confess sayo? Ano-ano ang nasa isip mo nung time na yun?

† "puta ang gwapo ko talaga" hahahaha! bakit ko sasabihin sa'yo?

22. Leche?

† anong karapatan mong murahin ako?

23. What made you stay?

† she's worth it.

- _ -

Questions for RJB & MJC

1. Anong masasabi niyo sa mga taong naghahanap ng love life through social networking sites?

Jhing: Naghahanap talaga?

Miko: keep it up ang kalandian! i approve.

2. One word to describe each other?

Jhing: Sappy.

Miko: MedyoIndenialPaRinPeroObviousNaMahalAko

Jhing: 1 word raw.

Miko: o kaya nga. wala namang space ah? isang buong salita naman to!

Jhing: Insert face palm emoticon here.

Jhing: And here.

3. For both, what is your best memory together? Most memorable?

Jhing: When he held my hand

Miko: araw-araw.

Jhing: Lol sagutin mo nang maayos

Miko: maayos naman un ah?

Jhing: Dali na!

Miko: Pssh palautos.

Jhing: DALI

Miko: nung naglalakad siya sa aisle...

Jhing: And you cried.

Miko: Antagal mo kasing maglakad nun nakakaiyak na pangangalay ng binti ko

Jhing: :|

Miko: :D

4. Anong meron ang taong happy?

Jhing: Contentment.

Miko: Ako. Kita mo, ang saya ni Jhing.

Jhing: whatever.

5. If ever my book 3. Papayag ba kayo?

Miko: oo tapos may aagaw sa akin tapos makikipagpatayan si Jhing para sa pagmamahal niya sa akin tapos makikidnap siya tapos ililigtas ko siya tapos sa huli sasabihin niya "my hero" pero makikidnap ako ng mga alien kaya may book 4 pa kami at ang title ay: toot toot: the alien's revenge

Jhing: Lol no.

6. Naniniwala ba kayo sa forever?

Miko: oo. forever na talaga tong tanong na to.

Jhing: Seen.

7. Sino pipiliin nyo, mahal nyo o mahal kayo?

Jhing: Sarili ko.

Miko: ⊙︿⊙

Jhing: At si Miko

Miko: ∠( ᐛ 」∠)_

8. Anong pinagkaiba ng kilig niyo thru chat and in person ?

Miko: hindi na ako mukhang tangang nakangiti sa tapat ng screen.

Jhing: Hindi ako kinikilig.

Miko: nakikita ko na rin live kung paano maging denial si Jhing o(≧∇≦o)

Jhing: HAHAHAHA lol no. 

9. Anong nasa isip niyo nung nagsimula na kayong magkaron ng feelings for each other sa 23:11?

Jhing: "this can't be"

Miko: "Hahaha langya, gusto ko na ata siya."

10. What could be the saddest word/phrase/sentence for you?

Jhing: She waited, and he waited, and they got tired and soon gave up, not knowing they've waited for each other and if one just dared to move closer a minute earlier, they won't be miserable for a lifetime.

Miko: HUHU. Hashtag AngLungkot.

11. Nakakain po ba ang love?

Miko: tutal dyan ka masaya, susuportahan kita.

Jhing: What he said. Haha xD

 -

Questions for Author (pilosopotasya)


1. I find the title of your story catchy (kasi birthday ko yong 1123) So, bakit nga ba ganon? Why not, you had me at seenzoned?

~ HAPPY BIRTHDAY! (haha)

Answer: Nakokornihan ako sa "You Had Me at Seenzoned" (at personally, hindi ko babasahin kapag ganyan ang title (sorry na huhu or depends? Idk huhu) masyado kasing obvious yung ganung title kulang na lang lagyan ko ng "You Had Me at Seenzoned and Happy Ending po ito" (kaya ko lang ginamit sa 11/23 kasi yun ung kakornihan ni Miko and I want to prove that Jhing cares for Miko kaya ginawa niya yun as title. #SigePaRayneExplainPa)) and I haz a thing with numbers and 11:11 kaya lang gasgas ang 11:11 title sa Wattpad kaya ginawa kong military time, thus, 23:11 was born.

Wow walang period.

Para sa sequel, kyotie kasi kapag 'connected' ang title ng duology. Eh walang "23/11" na date, kaya binaliktad ko na lang at ginawa kong 11/23.

All in all answer: to make it unique that can make it catchy for people to read the story.

2. Willing ka bang pumalit as Jhing sa kwento ng TeamLeche?

~ No. I haz life and story of my own: real and one of a kind.

3. Magkakaroon din ba ng happy ending ang parents nila Miko and Jhing?

~ Bigla kong naisip: Magkakahappy ending as in magkakatuluyan parents nila?! Hahahaha.

Not all questions in a story are meant to be answered especially kung wala namang connect sa pinaka pinaka main plot ng kwento. In Layman's term: not applicable.

4. Ma-re-reveal ba sa ending kung paano natuklasan ni Miko ang FB account ni Jhing? Doon talaga ako curious.

- Sinabi na ito sa Day 030 ng 23:11 at inulit pa sa Hashtag 16. Anyareh? Huhu.

5. Bakit ang hilig nila magmura sa comment box masaya man o malungkot ang update? Pwede namang smiley o sad face na lang?

- OR. Pwede rin namang natural na comment with feelings. Mas gusto ko 'yun kaysa emoticon. Or curses. Hihi.

6. Author, ano pong favorite mong line nila Miko at Jhing at bakit?

MARAMI OMG. Kung may time lang ako mag-re-read nako. Pero ito 'yung nagustuhan ko nang i-skip skim ko ilang chapters:

Jhing: "Paano ba maging positibo? How do you do it? Cope up with a smile?" Hashtag 19

Reason: Dahil sa pagtatanong nang ganyan ni Jhing, dalawa ang napansin at narealize ko (ako talaga as writer? Haha!): ang inggit /amazement niya kay Miko and his positive aura, and the want to be like that herself; positive and to cope with a smile. It's like accepting her defeat in a vague way. And that she has flaws.

-

Someone: "Magkakilala kayo?"

Miko: "Nagkasalubong. Hindi ko lang sigurado kung naaalala niya ba ako?" Hashtag 03

Reason: Kasi double meaning (lahat naman double meaning haha lolz) nagkasalubong sila literal sa hallway pero at the same time, their paths crossed long before and Miko was asking Jhing if she remembers it and wondering out loud even hoping that she wouldn't forget.

7. Kung ikaw ay makararanas ng Online Love like Jhing. Pipigilan mo ba o ipaglalaban mo?

-Katatamaran ko. Bakit? Dahil sa mga ss:

1) Hindi ako mahilig makipagchat

2) Halos kalimutan ko na ngang may Facebook pa pala ako.

3) Depende kung pogi. Mahilig ako sa pogi (HAHAHAHA lolzz)

4) Nakakatamad talaga makipag chat o text o tawag o minsan makipag usap sa personal

5) Mahina internet sa amin. Naghihingalo. Madalas akong disconnected.

8. Wala ba talagang forever? Ending na eh?

- What do you mean by forever po ba? Kasi sa totoo lang, medyo naguguluhan ako sa "idea" ng forever ng mga tao. The truth: we all die. So ikaw rin, ako, tayo - wala tayong literal na forever. Literal kasing natatapos ang lahat.

But how do you define forever figuratively? Most likely, figuratively, ang forever ay lifetime. Kasi you experience the forever habang buhay ka. So naiisip ko, buhay natin ang limit ng 'forever' idea natin. Lifetime is equals to forever. YOUR lifetime = YOUR forever.

Pero ayun nga, bakit may ending ito? Kasi kung wala, pare-parehas tayong magkakaron ng hang ups. Walang closure. Nakakabuset.

Tapos maraming magkocomment everyday ng "ASAN PO ENDING NITO? TANGINA NAMAN PO MS AUTHOR JHING EH (kasi Jhing ang tawag nila sa akin at hindi Rayne huhu)" and to tell you the truth, medyo nakakastress makabasa ng paulit-ulit na comments. :( Tapos ikaw, ayaw mo ba ng ending sa kwentong binasa mo? Or gusto mong alisin ko na lang 'yung The End tapos ilalagay ko ang "Walang ending kasi may forever" just to prove the point na may 'forever'?

#AtSineryosoKoNamanAngTanongAnoPo #Sorry :(

9. Paano mag-move on sa 23:11? Hindi ko po alam paano. Hindi ko kayang kalimutan sila Jhing at Miko. Ang hirap po. Masakit sa puso.

- 23:11 lang talaga? Ayaw mo sa 11/23? HUHU. Haha!

Don't worry. 2009 ago ko pa sinulat ang AFGITMOLFM (first published book) pero hindi pa rin naman ako nakakamove on totally sa kanila. Kasi naaalala ko sila lagi.

So, okay lang na hindi ka makamove on o hindi mo makalimutan. Mas maganda ngang hindi mo malimutan kasi may 'impact' sa 'yo. You just have to move forward. Just keep on swimming. Kasi tulad ko, kung hindi ko ginawa 'yung AFGIT years ago, hindi ko rin maisusulat ang TeamLeche Duology ngayon.

Moving on is not forgetting; it's moving forward and striving to be better than your yesterday self.

10. May mga times ba na habang nagsusulat ka ay naiinis o na-fu-frustrate ka sa character ni Jhing?

- Never. I feel for Jhing and Miko but a thousand more for Jhing than Miko. She's much more complicated and interesting than him, in my most honest and sincere opinion.

11. Anong mas mahirap isulat, 23:11 o 11/23?

- BOTH.

Mahirap ang TwentitriEleben: Kasi may mga times na gustong gusto mo lagyan ng emotion, narration at scenarios para mas maintindihan ng karamihan 'yung nangyayari pero hindi mo magawa dahil pinanindigan ma ang pure chat story. At hindi naman kasi sinasabi sa 'chat' ang lahat. Ang hirap maglagay ng 'details' para mas maintindihan ang kwento nang hindi scripted. Paano masasabing scripted? Parang sinabi ni Claudia sa Pangako Sa 'Yo (non-verbatim)

Claudia: HINDI KO PWEDENG SABIHING NANDOON AKO AT NAPANOOD ANG PAG-RAPE (?) NI (insert kapatid ni Eduardo's name) KAY AMOR NOON!

Gusto ko sanang i-tap ang balikat ni Claudia at sabihin, "girl. masyadong scripted. hinay lang." O baka sinadya niya na sabihin sa isang sentence yung buong pangyayari? hindi kasi ako nanonood, narinig ko lang sa TV. either way, scripted.

Example: mata sa mata moment nila Jhing at "Rico"

Chinat ni (Rico) Miko na may nangyari (Day 316 | 317), pero hindi niya detalyadong kinuwento dahil alam naman niyang magegets ni Jhing 'yung sinasabi at pang-aasar niya (thus, Jhing's replies to him) so hint-hint lang. Hindi naman pwedeng ikwento niya with great detail ang una nilang mata sa mata moment para sa convenience ng mga readers, di ba? Kaya gumawa na lang ako ng narration (one shot) ng pagkikita nila.

"MATA SA MATA" missing chapter, LINK: tinyurl.com/ToFillAMissingDay

Mahirap ang ElebenTwentitri: Kasi may narration na, at siguro may pressure na dapat gandahan ko 'to kasi andaming naghintay nito at dapat maging worth it ang paghihintay na 'yon. Mahirap din noong una kasi nililimit ko ang sarili ko sa 2,311 word count every chapter (na hindi ko na nagawa nung bandang ending dahil ayaw na mag-cut ni editor ng paragraphs dahil sayang huhu). It's hard to make it a light story, too, dahil sanay akong mabigat ang kwentong sinusulat so nosebleed din ako sa English kasi para maging "light" ang kwento para sa akin, dapat maging taglish siya cause pure tagalog make a story deeper than it looks.

Gibberish din ang ibang sinasabi ko dahil lutang ako kapag nagsusulat kaya thankful ako sa editor ko. And I need to be "JHING BLANCO" to write the narration, kahit 3rd POV pa 'yan, kaya mahirap talaga kasi in character din ang narration.

W3w. daldal ko fre.

12. Sadya ba talaga na magbigay kayo ng writing tips sa 11/23 via Jhing's side?

- Hindi po. Nasulat ko lang bigla.

Haha jk.

Yes. Kung pwede ko lang lagyan lahat ng chapter, gagawin ko. Hindi man ako uber galing sa technical, I know my way to substantial editing. What may or may not work. The basics. So gusto ko i-share 'yung kaunting knowledge para kahit papaano, mas mag-improve ang mga susunod na stories (both mine and yours). Hindi lang basta sakay sa uso.

13. Nangyari ba sa 'yo ang 23:11 and 11/23 in real life? Or may part doon na 'masaket' na nangyare sayo? Based from you?

- Tatay issue without the physical abuse. Depression. (When? A week I didn't update. Guess which week.)

14. Naniniwala po ba kayo na totoo ang 11:11?

- Nope. Pero pinagwiwish ko 'yung mga kasama ko kapag nasakto. Although, kaya lang ako uber interested doon dahil 11/11 ang birthday ko. #Conceited101

15. Can you describe your attitude in 5 words as a person and not as a writer?

~ Lazy. Awkward. Passive. OC. Seeker.

Edit 2021: Sa lahat dito, passive ang nawala. Make it chill kasi i'm far from passive na. Haha! 

16. Did you also cry while you write the emotional part of your stories?

~ Not a cryer pero This is a first time. As in panay tulo ang luha ko at gusto ko na lang maglupasay (joke. oa lang). Dito ako naiyak:

"Dumiin ang hawak ni Miko sa kamay ni Jhing.

Gusto rin niyang diinan ang hawak, hindi na bumitaw. She wanted to tell him to please, save me but her lips were too stubborn. As for her eyes, she wished Miko could understand the glistening of it. Hindi ko na kaya, she wanted to say, Miko. . .tulong.

But she couldn't." Hashtag 21

Sarap i-hug ni Jhing nung part na 'yan.

17. Jhing likes running. ??

Miko loves chasing. ??

Their story is interesting. ??

Why would it comes to ending? ??

- Jhing stopped running already to stop Miko from chasing her. The story of 11/23 won't be interesting anymore for they've already met half way. And the 'denial of feelings and chasing love" plot of it ended already. So why must I continue if I know that it's already the end? It'll only bore you to death. I won't allow you to die. (Hahahaha!)

18. Gawin niyo naman pong trilogy ang 11/23! Married life!

- Masyado nang uso ang trilogy ngayon, ano? Hindi pa naman ako mahilig makiuso masyado lalo na sa TeamLeche Duology.

19. Ate, pupunta po kayo next year sa MIBF? Hehe. Sobrang advance po?

- Tingnan natin. Thesis na kasi so baka busy sa school. At baka makalimutan mo na rin ako next year huhu. But a lot can happen for a year so let's see.

20. Ano po ang title ng song na kinompose ni Lyric? :')

- Wrong story. That Twisted Love Story po 'yun. Nasa "AskTeamLeche" tayo :(

21. Saang lugar sa Pilipinas ang iniisip niyo habang ginagawa ang story na ito?

- Makati City (Jhing's apartment). Boni (workplace). Lawton (KapeLibro). Quezon City (Miko's place + coffee | art shop). Greenhills (Miko's family). Quezon Province (Jhing's family)

22. Magkakaroon po ba ng POV naman ni Miko? His feelings about the 11/23? Na kasama sa story proper?

- No. The story ended that way for a reason: to answer the needed-to-the-main-plot-and-some-sub-plot questions to make a conclusion; and to leave mysteries behind - lingering in a reader's mind for the years to come. Let Miko and his actions be a mystery to make him more interesting.

23. Why do we ask questions? Can't we find the answers ourselves?

~ It depends on the question.

Some questions are meant to be a question forever (o, wala na namang forever n'yan). Some questions can only be answered by one person or one mind. While some people questions a lot and are too lazy to go to google.com, type in keywords (example: emoticon), phrases (example: text emoticon), statement of some sort (example: crying text emoticon) or just keep on trying (example: text Japanese emoticon, smiling emoticon + text + Japanese + Chinese + Korean + kyotnese, emoji keyboard app, text flower emoticon) until wanted results are shown.

If you want to know something you're not aware of, try your best to look for it first before asking someone else. Kasi kapag sinabing "hinanap ko na po talaga pero hindi ko makita", you're proving something to me and it's not a kyut or positive thing po.

- _ -

Frequently Asked Questions 

(aka: questions that will be the death of me)

 1. Magkaka-book 3 sila Miko at Jhing?

- No.

1.2. Kung magkaka-3rd book sila Miko at Jhing, pwede pong married life nila?

- Hindi. Kasi magkakaproblema na naman sila tapos ako na naman mag-iisip at magsusulat ng solusyon. HASSLE. Paulit ulit na problema, nakakabobo. So nope. Kung sila ang mag iisip at magsusulat, eh di sige. Pero hindi eh! Ako writer. Ako mahihirapan! So no talaga.

1.3. Pwede pong story ni Novem po as third installment ng TeamLeche?

- As of now, hindi ko naiisip. Wala akong plot. Hindi ko talaga naisip promise. Sorry. :(

1.4. Pwede pong isulat niyo ang story ni Novem?

- Let's see. Pag iisipan ko hanggang 2016.

1.5. Kung magkakasequel, ilan ang chapters?

- . . .

1.6. Nabalitaan ko po na gagawan niyo ng kwento si Neph Crux tapos ang title ay 12 - 13. Makakaasa po ba ako roon?

- 50% yes, 50% no. Medyo nakaisip na ako ng plot pero hindi ko pa sigurado. Pwede kong ilipat kay Novem ang plot na 'yun tapos kalimutan na lang si Neph pero gusto ko rin naman si Neph so tingnan natin kung isusulat ko both, orayt? orayt? orayt?

1.7. Epistolary pa rin po ba kapag book 3?

- Notsyor. Kalma lang tayo. Pahinga muna sa mundo nila Miko at Jhing.

I-a-announce ko naman sa fb page or sa twitter or dito sa wattpad kung mangyari man ang mangyari.

1.7. Kung ang 23:11 sequel ay 11/23, ang sequel po ba ng 11/23 ay 11:23:11

- D:

1.8. Gagawin niyo po bang trilogy ito?

- DUOLOGY.

1.9. Ano po meaning ng duology?

- . . .

1.10. Makakaasa po ba kami 3rd book? at 4th? at 5th? 6th? bakit di niyo na lang po gawing 11 books all in all?

- i give up.

2. Gagawa ka po ba ng special chapter?

- pwede.

2.1. KAILAN PO?

- Not now.

2.3. Malalaman na ba natin POV ni Miko?

- Not now.

2.3. Pero ate Jhi

- RAYNE NGA SABI AND NOT NOW PLS STOP HUHUHUH!

3. May chance ba mapublish ang 23:11 at 11/23?

- May 1% chance na mapublish siya via Summit (under Pop Fiction dahil exclusive writer nila ako) pero may 99% chance ito ma self-publish sa 2016 so abang na lang ng further details sa fb page at twitter. (Will announce here kung ready na ang book kaya wag alisin sa library! haha!)

4. Anong inspirasyon niyo para maisulat ito?

- Marami. Masyadong malawak ang buong storya kaya ang hirap ipinpoint kung ano ang gusto mong malaman. Sa title ba? Sa plot? Sa characters? Saan? Kausapin mo na lang ako nang personal and I would be glad to tell you the story of the whole 23:11 | 11/23. Kahit mga behind the scenes pa. :)

5. Have you ever encountered that situation in real life? Falling inlove or having deep feelings for someone online? Na-screenzoned ka na ba?

- Nope.

6. Anong real name ni Novem?

- Gusto niyo ng story ni Novem? Alamin natin doon. Huwag dito. Kaya patience, dear readers. Patience lang :)

7. Name ng sunod na anak?

- Patience. (WAIT. Baka isipin niyo "patience" pangalan ah huhu. Maghintay lang. Darating din tayo sa tamang panahon.)

8. Magiging movie ba ang TeamLeche Duology?

- No. But I want to (kahit indie!) Interested ako kung paano yung execution ng film kung mangyari man. Mapipisil kasi ang creative juices ng filmmakers kung paano nila magagawang di boring ang chat story.

8.1 Sinong gusto mong gumanap if ever?

- Magaling umarte at bagay sa kanila yong pagkatao ng characters.

9. Where do broken hearts go?

- The heart (broken or pumping or shit) is a muscular organ about the size of a fist, located just behind and slightly left of the breastbone.  (c) google

10. Sino si Sam?

- The Sam Trio (Wer, Wan, and Ting) symbolize a deeper idea than they actually portray. EHEM. They signify a person, or a group of people, who lack will power to seek answers by themselves first before asking questions. And a personified campaign of 'not know the answer? seek google first!' woohoo!

11. Makikilala pa ba yung gangster na naka-eyeliner?

- :D

- -

Random Questions

1. Ate Rayne, bakit ang sakit mo sa heart? Tumor ka ba?

- HAHAHAHAHA. Tawang tawa talaga ako dito.

2. Paano ako makakasigurado na ako lang?

- HashtagDramaRama

3. Mayaman ba si Fall? 

- Napaka random nito. hahaha! Wala akong character sa 23:11 | 11/23 na mayaman.

4. Ano po ba paborito nilang kape sa KapeLibro?

- uh. . .wala akong alam sa kape so. . .YOLO coffee. Bago 'yan. Masarap.

5. Where can I find someone like Melchizedek Jesus Crux?

- Avoid looking for someone with this characteristic and that personality. We're all unique. Let the chemistry & compatibility work its magic. (For more quotable quotes kuno na kunwari may sense, follow me on twitter!!! @ulaaaann)

6. Magkaaway po ba sila Fall at July?

- Saan nakuha ang chismis na 'to? Nope.

7. Bakit ang astig ni Pretty Marie?

- Para kyotie.

8. Ano pong maipapayo niyo sa mga tao na ang pananaw ay katulad ng kay Jhing na medyo nega at sobrang realistic?

- Breathe. Seek for a purpose. If you haven't found it yet, dig deeper.

9. Bakit ang ganda ng 23/11 at 11:23?

- Sasagutin ko po yan kapag naitama mo na ang titles. (Hint: 23:11 at 11/23)

10. Natupad ba 11:11 wishes mo?

- i don't do 11:11 wishes. sadly.

11. "ANO MGA RANTS NI MIKO?" PARA KAY FALL TO HAHAHA 

- !)(#&)(&(**%#@)($!~&% in short, secret.



  - _ -  

Writing Related Questions

1. Nahihirapan daw po yung iba na basahin ang names ng characters ko, matutuwa po ba ako doon o hindi?

- Ano ang pangalan nila? Kung Melchizedek - ayos lang mahirapan - pero kung mukhang wala namang paki yung reader sa pangalan, mainis ka. Although, wala namang mangyayari kung mainis ka man o matuwa.

Basta if you think the name suits the character, go for it. Huwag pansinin ang sinasabi ng iba. Pero kung imbis na Chris ang pangalan tapos ginawa mong CKRIXCSZ, then think of a better name.

2. How do you do a character build-up Rayne? Yung magagalit o matatawa ka sa magkaibang karakter? Paano yun?

- Kilalanin ang characters. Know their positive and negative traits, pati na rin ang point of view sa buhay. Tapos personality at characteristics. Let them act the way they should and not they way you should. Pagnilangin (o ihasa) mo ang character nila all through out the story. Dapat magkaroon sila ng conflict: yes or no - huwag mo lagyan ng maybe - para mas frustrating kasi may pros and cons ang both sides, at kapag hindi umaayon sa kagustuhan ng reader ang nangyayari, doon nakakagalit. 

Sa nakakatawa naman, may kinds of humor na naiisip ko sa ngayong sinasagutan ko to: 

1) slapstick - Physical activity na OA sa pagpapatawa (nagbabatukan, naghihilahan etc)

2) sarcastic & satire - hindi ka matatawa kapag di mo nagets + may pinapatamaan.

3) dark humor - tipong tungkol sa cancer o patay ang usapan pero nagjojoke pa rin

4) pwede kong tawaging "mainstream" humor - lack of common sense kaya nakakatawa (can be in a good or bad way) this is subjective.

3. What are clichés?

- LAHAT NG PLOT, TROPE, ETC, nagamit na.

But there are good cliches: bad boy cliche - uber gasgas na pero benta pa rin? Bakit? Kasi nakakakilig kapag napainlove ang bad boy sa normal na babae. At sobrang ganda ng isang cliche kapag maganda ang execution ng author. Sobrang bebenta rin ito kapag alam nating cliche pero nabigla pa rin tayo sa nangyari.

What are bad cliches? Ito yung bad boy cliche na mapapamura ka na lang sa sobrang gasgas. Yung pati scenes, gasgas. Walang bago. Mga 5 times mo nang nabasa pero walang nangyari, ganun pa rin. Parang nagkopyahan yung authors tapos pare-parehas silang fail.

But this will always be subjective. Ang cliche sa akin ay pwedeng bago sa'yo, vice versa. May mga paborito at ayaw rin tayong tropes. So depends talaga.

4. Paano po kung may magaganda kang ideas na pwede mong gawing story pero hindi mo alam kung paano isusulat as a story?

- magbasa ng mga stories na gusto mo tapos try to study their writing. paano nila napasok yung twist? paano nila naisulat yung beginning? ano yung interesting sa kwento nila? bakit nga ba maganda kwento nila? then isipin mo sa idea mo, paano mo maiaapply yun? pero syempre, wag kang kumopya. ideas mo ang maganda, hindi niya.

5. Ano po ba dapat kong gawin para mahook ang mga readers sa story ko? O ng isang hindi sikat na author? Is there a magic spell?

- How to hook readers? May dalawang paraan:

1. Makijoin ka sa kung anong sikat ngayon. Revenge? Diary? Bad boy? Sex? Clash? 

2. Make a unique concept. Yung hindi pa sikat. Hindi pa nababasa nang iba. Fresh pa sa mata.

How to maintain the readers?

Make your story worthwhile. Dapat may laging nangyayari. At ang nangyayaring yun, dapat worth it. O dapat hindi OA na mapapasabi ka na lang ng "akala ko ba arranged marriage to? bakit may alien?!" mag isip ka ng new scenes. gawin mong interesting ang characters at wag lang 'pa-virgin' girl ang attitude.

walang magic spell. kailangan mo lang mag-observe at magsulat nang magsulat nang magsulat.

kapag ikaw nagbasa ng sinusulat mo, mag-eenjoy ka ba?

6. Paano ba magestablish ng isang relationship sa kwento? Dapat ba mabilis o mabagal? Or dapat tama lang at pasok sa timing?

- syempre dapat tama lang pero depende rin sa goals mo sa kwento mo. Kung gusto mo ng mabilisang pangyayari, then i-fast paced mo. 11/23 is fast paced. 23:11 is slow. May instalove, may slow burn. Paano mag-establish? Fast tips:

1. Create characters that will complement. May similarities at difference.

2. Make a scene or two na magpapasabog sa chemistry ng characters. Yung tipong mapapasabi ka ng "SHIT OTP KO NA TONG DALAWANG TO!!!"

3. Bigyan mo ng problema, tapos bigyan mo rin ng solusyon. At gawin mong worth it yun. 

General tip dahil general din yung question.

7. Paano po makakagawa/makakaisip ng catchy na title for a story?

- This is subjective. May readers na gustong gusto ang gasgas title pero for me, try to think of a title na kapag sinearch mo sa google o kahit sa wattpad, wala kang kaparehas.

Try to search 23:11 or 11/23 - may ibang books na ba parehas? (Ako nauna, di ba? :D)

8. What do readers want: Happy endings or tragic?

- Whether it's happy or tragic, as long as the ending makes sense, your reader will love it. Kung hindi, that's their preference and we can't do anything about it. Pero more or less, happy ending (sa romance)

9. Paano mapapaganda ang isang kwento? 'Yong flow ng story?

- Read a lot. Write a lot.

10. How to get inspiration in writing?

- Depende sa'yo as a person. Naiinspire ako kahit sa tabo habang naliligo, so depende talaga kung titingnan mo in an inspiring way ang iba't ibang bagay. Try to ask questions: Paano kaya kung. . .?

11. Ano ang buhay ng isang writer? (For you ate rayne)

- Normal. Lagi akong nag iisip ng mga scenes. Tapos nagsusulat kapag may oras. Nagpupuntang school. Nagkakaproblema sa pamilya, kaibigan, buhay. Nababadtrip kapag nakakabasa ng mga comments na mapapa "WTF" na lang ako pero napapangiti naman kapag may nabasang comment na punong puno ng sense.

I see everything in this world as a potential story. And my mind is always at work.

  - - _ - 


Congratulations dahil nakaabot ka rito! 

I hope you enjoyed this looooooooooooooooooooooong post. Mag - author's note pa sana ako kaso wtf wala na akong maisip. Nalusaw na ata ang utak ko sa pagsagot ng mga ito. Haha. </3

PS question: May next story ba ako? Yep. UNCENSORED.

Salamat!

- rayne (pilosopotasya)

#ElebenTwentitri

Twitter: @ulaaaann

FB Page: fb.com/psptsya (Pilosopotasya)

FB Group: fb.com/SaksiNiPlsptsya (Saksi Ni Pilosopotasya)

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

106K 5K 29
Saan galing ang mga kuwento? Paano pumili ng pamagat? Anu-ano ang mga story elements? Gaano kalaki ang plot? Ilan ang dapat na tauhan sa kuwento? Bak...
34.6K 1.6K 7
FHS # 7 | Since hitting rock-bottom, all she ever wanted was a fresh new start in Filimon Heights. However, outrunning karma may be too difficult whe...
190K 7.7K 11
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
205K 13K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"