Forever Starts With You

By FranzAlexa

53.5K 1.3K 55

An unforgettable moment of madness, magic, and fantasy. An unforgettable night, and the love of her life...he... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11

CHAPTER 7

3.3K 98 1
By FranzAlexa

Chapter Seven

Dumungaw si Kimmy sa veranda at nasa aktong mag-iinat nang makita niya kung sino ang dalawang nilalang sa labas ng bahay na magkayakap!

Sigurado siya kung sino ang lalaki ngunit hindi siya pamilyar sa babae. May katangkaran ito at mamula-mula ang maiksing buhok. Nang tumingala ito ay nakita siya nitong nakatingin kung kaya mabilis ang pag-atras na kanyang ginawa. Ngunit bago iyon ay nakita pa ng dalaga ang ginawang pagdidikit ng mga labi ng mga ito.

Ang sakit naman yata niyon. Bakit pa kasi ako nakalabas-labas eh.

From what she felt that moment, nasiguro niya kung ano ang nararamdaman niya para sa lalaki. May sasakit pa ba sa katotohanang iyon? 'Yung akala mo wala na? 'Yung akala mo hindi na kayo magkikita? Tapos makikita mong may kahalikang iba, parang maiiyak ka na?

Habang nakahiga ng diretso sa kama, nakatulala sa kisame, at kinakaawaan ang sarili ay tumunog ang cellphone ng dalaga. Nasa ibabaw iyon ng side table. She lazily reach for it and press the answer button without even checking who the caller was.

"Hello," tinatamad na sagot ng dalaga sa kabilang linya.

"Hmm, woke up at the wrong side of the bed?" bungad sa kanya ng boses ng kanyang pinsan.

"Clayton!" bulalas niya. Medyo sumigla ang boses niya. "Napatawag ka?"

"Sabi ko na nga ba. Tsk, tsk!" she heard him laughing. "Haven't I told you that I'll call you?" he reminded her.

"Oh!" naalala nga ng dalaga ang sinabi nito. "Seryoso ka talaga? Anong nangyari sa mga babae mo?" dagdag niya habang humahakbang pabalik sa veranda.

Narinig niya ang tunog ng papaalis na sasakyan ni Dylan kaya alam niyang wala na ang mga ito sa labas. That hurts even more.

"Mga babae?" eksaheradong sabi nito. "Ang sakit mong magsalita."

"Tigil-tigilan mo nga ako. Oh siya, saan tayo magkikita?" natatawang sabi niya sa pinsan. Kailangan rin niya ng ibang bagay na puwedeng pagkaabalahan.

"'Yan naman ang gusto ko sa'yo eh. Siyempre sa dati. Carbonara sa akin, lasagna sa'yo."

Nagliwanag ang mukha ng dalaga ahil sa narinig. Alam pa rin ng pinsan ang paborito niya. Nakalimutan sandali ang makabagbag damdaming problema. Ang malamang mahal niya all along ang lalaking kasa-kasama.

"Give me an hour, 'kay? I miss you!" sabi niya kapagkuwan. Nagprisinta itong susunduin siya ngunit tinanggihan niya ito. Hindi niya alam kung bakit pero sa tingin niya ay mas okay na huwag na siya nitong sunduin.

"Sinabi ba niya kung saan siya pupunta?" tanong ni Dylan sa nadatnang si Manang Luz nang sinabi nitong umalis ang dalaga.

"Wala namang sinabi, hijo. Pero nung naglilinis ako ng silid mo ay naulinigan kong may kausap siya sa telepono." walang-anumang sabi ng matanda. May sumisingit sa kanyang isipan ngunit ayaw niya iyong pahintulutan.

"Narinig niyo ho ba ang pinag-uusapan nila?" hindi rin nakatiis na tanong ng binata. Nakita niya ang pag-aatubili ng matanda.

"Eh, hijo... mukhang nobyo niya ang kausap eh," nag-aalangang sagot ng matanda. "Naku, hamo na at personal na bagay na iyon para sa iyong sekretarya." balewalang ngumiti ito at tumalikod na kaya hindi nito nakita ang pagdidilim ng kanyang mukha.

Kuyom ang mga kamao habang patungo sa silid niya ang binata. He was furious. Hell sure he was. He searched for his cellphone and impatiently dialed Kimmy's number. Lalong nag-init ang ulo niya nang walang sumasagot sa kabilang linya. He tried many times. As many as he could remember, until someone on the other line answered his call.

Lalaki ang sumagot. Ngunit "Hello" lamang ang tanging nasabi nito nang marinig niya mula sa background ang boses ng dalaga. He heard something like, "Hey! That's my phone. Sino 'yan?" na alam niyang boses iyon ng dalaga. Nahabol pa nang pandinig niya ang sagot ng lalaki sa kabilang linya bago nito iniabot sa dalaga ang cellphone. "Sorry, sweetie. Thought it was an emergency."

Damn!

"Hello," anang dalaga sa kabilang linya.

"Where the hell are you?" mahinahon ang pagkakabigkas ngunit malayo sa pagiging mahinahon ang nais iparating sa dalaga ng malagom na boses na iyon.

Kinabahan ang dalaga sa tono ng binata. "Nan...nandito sa bahay ng isang kamag-anak."

"Lying bitch!" he hissed. Not paying attention to what was coming out of his mouth because of the jealousy clouding his mind.

"A-Anong sinabi mo?" nabiglang tanong ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa narinig lang. He called me a lying bitch? Tama ba ang narinig ko?

"Bumalik ka na rito ngayon din. We are going back in Manila!" sabi nito na medyo napataas ang boses. "Or do you want me to track you down and get your pretty ass away from where you are right now?"

"How dare you!" sikmat ng dalaga na tila nagpipigil lang ng emosyon. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon ang lalaki ngunit ang tawagin siya sa kahit anong masamang pangngalan ay hindi na niya mapapalampas. "Hindi ko alam kung ano ang problema mo. Pero ito lang ang masasabi ko sa'yo. Go to hell! I resign!"

"Fuck!" inis na naibato ng binata ang cellphone nang putulin ng dalaga ang linya pagkatapos sabihin ang huling mga salita nito.

Dumidilim na ngunit ni bakas ng dalaga ay hindi pa rin makita ng binata sa kanyang bakuran. Dumidilim na rin ang kanyang paningin. Just the thought of her on the bed of another man...shit! Kailangan niya itong hanapin. He will surely track her down. This time hindi na siya nagbabanta lang. Hinagilap niya ang susi ng kanyang sasakyan. He's on his way to the door when he heard a car arrived.

Sumilip siya sa bintana at hindi na matapos-tapos ang malulutong na mura na lumalabas sa kanyang bibig nang makita kung sino ang nasa labas ng gate.

Nakita niya ang bantulot na galaw ng dalaga patungo sa bahay. Inaasahan na niya ang pag-alis ng lalaki nang makapasok na sa bahay ang dalaga ngunit hindi ito umalis sa kinatatayuan. May namuong hinala sa kanyang isip. Tumuwid siya ng tayo at nanlilisik ang mga matang tumingin sa dako ng pinto at sinalubong ang mga mata ng dalaga.

Nanatili lang silang nakatitig sa isa't-isa. Walang gustong sumuko. Nakikita ang galit sa mga mata ng dalaga. Alam niya kung bakit at pinagsisisihan niya iyon. Pero siya, kulang ang sabihing galit siya, at alam na rin niya ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang galit niya.

Sa kabilang banda, pinalalakas na lang ng dalaga ang kanyang loob upang maharap niya ang binata. Hindi niya alam kung ano ang ikinagagalit ng binata. Kung ang pag-alis niya nang walang paalam ay napaka-unreasonable naman yata ng lalaki para magalit ng ganoon at para sabihan siyang "lying bitch!"

"I---" nagsisimula pa lang siyang magsalita nang putulin ng binata ang anumang sasabihin niya.

"No! Not a chance. Hindi ko ba nasabi sa'yo iyon?" buo at matigas na sabi nito.

Lalong nadagdagan ang galit ng dalaga dahil sa narinig. "Fine! Kung hindi ako puwedeng mag-resign, at least hayaan mo akong umalis dito."

"And where are you going? You're leaving with your lover? Huh?" sabi ng binata na tila may lason ang bawat salitang lumalabas sa bibig.

"With my...what?" So, this impossible man thinks Clayton's my lover? Umusok ang bumbunan ng dalaga. Kung nakamamatay lang ang kanyang mga titig, malamang ngayon ay bumubula na ang bibig ng binata at nangingisay na sa sahig.

"Huwag mong idamay si Clayton dito. Wala siyang ginagawang masama sa'yo." nanggagaliting wika ng dalaga. "And he's not my lover. Damn you!"

Umismid ang binata. "Nice try, lady." sabi nito sa sarkastikong paraan. He stepped closer and grasp her upper arm tightly. "What do you want, huh? An earth shattering fuck? Come on! I can give you---" naputol ang anumang sinasabi nito sapagkat malakas na lumagapak ang palad ng dalaga sa pisngi nito dahilan upang bumiling ang mukha ng binata.

"Wala kang karapatan para sabihin sa'kin 'yan! Let go of my arm!" gumagaralgal ang tinig na sabi ng dalaga. Hindi niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Nanginginig ang katawan niya sa galit.

"You're not going anywhere!" matigas pa ring sabi ng binata na tila walang anuman lamang ang sampal na natanggap nito. Ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon nito nang makita ang walang tigil na pagbuhos ng kanyang mga luha.

"Bitiwan mo ako!" sigaw ng dalaga sabay piksi sa brasong hawak ng binata. Sa ganoong paraan lamang niya napapatatag ang sarili. Ang panaigin ang galit.

Tila nabuhusan naman ng malamig na tubig ang binata. "Oh God!" nahilamos nito sa mukha ang dalawang palad.

Mabilis na tumalikod ang dalaga at umakyat patungo sa silid na ginagamit. Pagpasok niya ay kaagad na hinagilap ang kanyang bag, nagtungo siya sa banyo upang kunin ang kanyang mga toiletries. Hinablot ang mga sariling gamit na nasa harap ng salamin sa may tokador. Isinasara na niya ang zipper ng kanyang bag nang pumasok sa silid ang binata.

Mabilis ang mga galaw na humakbang patungo sa pinto ang dalaga ngunit naharangan lamang siya ng malaking bulto nito. "Paraanin mo ako." wika ng dalaga na hindi na nag-abalang tumingala upang tumingin sa binata.

"Inuulit ko, hindi ka lalabas ng bahay na ito." nanatili pa ring nakayuko ang dalaga. "Look, I...I'm sorry. I didn't mean to say that. I'm sorry." tila nahihirapang sabi nito ngunit nasa tono rin nito ang sinseridad sa sinasabi.

"Sorry?" tumingala ang dalaga. Nanlilisik ang mga matang sikmat nito sa binata. "Para saan? Para sa pag-aakusa mo sa'kin na tila ako isang masamang babae? O para sa pagkakaroon ko ng among walang puso?" She said almost bitterly.

"I'm a monster, I admit that. You can call me anything you like, but please, don't leave me. Forgive me, please. I'm really sorry." he said almost desperately. He was suddenly alarmed by the thought of her, leaving his house, leaving him.

Unti-unti nang naguguluhan ang dalaga. First, he was furious, later on he was so mean, then he was asking for forgiveness. Ano 'to? Lokohan?

"Okay, ganito. Sa tingin ko marami na ang nainom mong alak, and we can't talk sensible at your state. I think it's best if we could talk tomorrow." paliwanag ng dalaga. Nagawa na niyang magpakahinahon. Hindi sila matatapos sa ganitong paraan. Alam niyang nakainom ito. Amoy niya ang mabangong hininga ng binata na may halong amoy ng alak."Let me through, let me go now. Babalik na lang ako bukas."

"Please, Kimmy. Stay with me." tuloy na pakiusap nito. Ngunit hindi iyon ang nakakuha ng atensiyon niya kundi ang pangalang ginamit nito sa kanya. Naipilig niya ang ulo at sinubukang balewalain iyon.

Lumapit ang binata sa kinatatayuan niya. Isang hakbang lamang ang pagitan nila sa isa't-isa. Tumingin siya sa mga mata ng binata. And there! She only saw sincerity. At mayroon pang isa na hindi niya mabigyan ng pangalan. Maybe he was really sorry after all.

"Clayton is my cousin." she said looking into his eyes directly.

He was surprised. She could say that, by the look on his handsome face. Gustong mangiti ng dalaga. Ang inasal nito kanina ay tila isang nobyong selos na selos. Selos? Hindi kaya... hmm! Dream on, girl!

"God! I was really fucked up now, wasn't I?" may himig pagbibiro na ang sabi nito. Lumapit siya sa dalaga at may pag-aalinlangan ang mga kamay habang tumataas ang mga ito sa magkabila niyang braso.

"Now, you're coming to your senses. That's a good thing." she smiled her very first sweetest smile to him.

Tumunog ang cellphone ng dalaga na nasa bulsa ng bag na hawak. Kinuha niya ito at sinagot nang makitang ang pinsan ang tumatawag.

"Hey," she said.

"Couz! Pinapapak na ako ng mga lamok dito. Jeez! Pati mga lamok hindi kinaya ang charm ko." eksaheradong sabi nito mula sa kabilang linya. Narinig pa niya ang tunog na tila ito may tinatampal.

Natawa ang dalaga. Malinaw naman ang ebidensiya sa pagiging guwapo ng pinsan. Pero may ugali talaga itong magyabang ng kaunti. Well...sa kanilang magpipinsan lang naman ito ganoon.

"Sige, bababa na ako." pagtatapos niya sa kanilang pag-uusap. Bumaling siya sa binatang kaharap. "So,"

"Just the same, I don't want you to go. I'm sober now. We can talk tomorrow if that's what you want. But you are not leaving this house." he said it with finality.

She heaved a frustrated sigh. He can be so stubborn if he wants to. "Fine." sumusukong sabi niya. "Now go to your room and rest. Kakausapin ko lang si Clayton." tila isang inang utos niya sa binata.

"I'll go with you. I thinked you still have to introduce us to each other. And I just want to keep you safe." sabi ng binata kasabay ng isang mapang-akit na ngiti.

"I'm safe with Clayton. He is the brother I never had." she said defensively.

"Oh! Don't get me wrong, sweetheart. Hindi ko sinasabing mapapahamak ka kung kasama mo ang pinsan mo. What I was trying to say is, I want to keep you safe in every single second that I can when you're with me. Get it?" mahabang pahayag nito.

"Loud and clear, Sir!" she answered cheekily.

Kimmy introduced Dylan and Clayton to one another. Nagdahilan siya sa pinsan na may biglaang lakad sila ni Dylan kinabukasan kaya hindi na siya sasama rito pauwi sa bahay nito. Hindi niya gustong maghinala ang pinsan sa anumang namamagitan sa kanila ni Dylan kung kaya naging mabilis lang ang pakikipag-usap niya rito. Pero sa tinging ipinukol ng pinsan sa kaniya bago ito sumakay sa kotse nito ay alam ng dalaga na pumalya ang convincing power niya sa pagkakataong ito.

"You need more practice, sweetheart." nang-aasar na bulong nito sa kanyang tainga. She heard him chuckled and she found that cute.

"I'm not always good at lying, maybe. Hmp! D'yan ka na nga." ismid niya rito at nagpatiuna ng maglakad papasok sa bahay. Narinig pa niya ang malutong na halakhak nito na tila musika sa kanyang traydor na pandinig. Dahil sa halip na mainis sa pang-aasar nito, ay bakit parang gusto niyang kumanta habang naririnig niya ang magandang halakhak nito. Pero kung inaakala ng binata na hindi na siya galit, puwes, nagkakamali ito.

Humanda ka lang, Dylan Monteverde. I will give you the shock of the century.

Continue Reading

You'll Also Like

21.3K 477 25
Sa kwentong ito, masasaksihan natin ang pagmamahalan na kawalang- hanggan o infinity love. Tunay at wagas na pag-ibig. Meet Steven Montero isang mata...
32.2K 89 2
Makapagsisinungaling ba ang mga pusong pinagbuklod ng tadhana Mapapatawad ba ng isa't isa ang pusong minsang pinagbulaanan ng kapalaran Paano maghihi...
21.3K 316 7
Hanggang kailan ang walang hanggan? CCTO; Images, photos, videos, lyrics Original novel bay Rose Chua Plagiarism is a Crime Do NOT Copy date Started...
56.8K 1.4K 23
LYKA ( Scandal book 6 ) Written by Ginalyn A. TEASER LYKA RAMIREZ, isang sempleng dalaga. Kahit na nasa kanya na ang lahat. Karangyaan pamilyang mapa...