Chapter 4

3.8K 111 5
                                    

Chapter Four

Nagising si Kimmy sa ihip ng malamig na hangin. Nagmulat siya ng mga mata, nabungaran niya ang hindi pamilyar na lugar. Kumurap kurap siya. Ah! Oo nga pala. Sabi niya sa isip nang maalala kung nasaan siya. Dumako ang tingin niya sa glass wall sa isang panig ng silid. Bumangon siya at nagtungo sa bukas na glass sliding door. Doon pala nagmumula ang malamig na hangin.

She stepped outside and embraced herself. Nangaligkig siya. Halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Ngayon lang niya napansin na isang adjoining terrace ang kinatatayuan niya. Busy siya sa pag-appreciate sa ganda ng kuwartong ibinigay ng boss sa kanya.

Neutral ang kulay nito. Typical na guest room. Ang pintura ng dingding ay beige na may lining na peach. Ang mga makakapal na kurtina at kubre-kama ay pawang mga puti pati na ang mga unan. Ang built-in closet at tokador ay gawa sa isang uri ng matibay at de kalidad na kahoy, in dark varnished.

Sa magkabilang gilid ng kama ay mga identical drawers na may nakapatong na magkapareho ring lamp shade. Ang higaan ay isang queen sized canopied bed. Nalalatagan rin ng maroon na carpet ang sahig ng buong silid. At may sariling banyo rin ito. Salamat naman kung ganoon. Naisip niya.

Pumasok na siya at isinara ang salaming pintuan pati na rin ang mga makakapal na kurtina. Sumandal siya rito at pumikit. Iniisip kung ano ang mga maaaring mangyari sa mga susunod pang mga araw na makakasama niya ang boss.

"Kung hindi niya ako maaalala, walang dapat ikabahala." pangongonsola niya sa sarili. "Baka nga nalimutan na niya iyon. Lalaki siya. Maraming babae na ang dumaan sa buhay niya. Sino ba naman ako? Ako lang siguro ang hindi nakalimot." buntong-hiningang sabi niya.

Matapos ang ilang sandali ay naglakad na siya patungo sa maliit na maletang kinalalagyan ng lahat ng damit at gamit niya. Kumuha siya ng maisusuot, dinampot ang pouch na naglalaman ng toiletries niya at pumasok sa banyo upang maligo.

Tahimik ang sala pagbaba ng dalaga. Napansin niya ang binata na nakapikit at nakahiga sa black leather na sofa. Ang isang braso nito ay nakapatong sa noo.

May ingat sa bawat tahimik na hakbang ng dalaga palapit at tumayo sa likuran ng mahabang sofa.

"Bakit kasi may ipinapanganak na saksakan ng guwapo?" bulong ng dalaga habang nakayuko sa nakapikit na lalaki na sa hula ng dalaga ay nakatulog dahil sa pagod.

Hindi pa nakuntento, yumukod pa ito at ipinatong ang mga braso at siko sa sandalan ng sofa. Halos isang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha.

"Kung ganitong mukha ba naman ang lagi kong masisilayan. Ayos na." patuloy na kausap ng dalaga sa sarili. Pinagsawa ang mga mata sa pagtitig sa guwapong mukha ng lalaki. From his unrully wavy black hair, thick brows, sa mga matang nakapikit na may malalantik na pilik-mata, sa matangos at tila perpektong ilong nito. Napalunok siya nang dumako ang kanyang mga mata sa mamasa-masang mga labi nito, mamula-mula ang mga ito na lalong tila namagneto ang dalaga na tumitig. Bago pa siya makagawa ng hindi dapat ay bumaba ang kanyang mga mata, hmm, cleft chin. Sexy! Ngayon lang niya iyon napansin.

"Unfair talaga." sabi niya na nasa aktong tatayo na.

"What's not fair?"

"Ay! Multong kabayo!" gulat na sigaw ng dalaga na napaatras sabay hawak sa tapat ng dibdib. Naroon ang lalaki na hindi man lang gumalaw sa pagkakahiga ngunit ang mga mata ay dilat na dilat at gising! Sa pag-atras niya ay nawalan siya ng timbang kaya bumagsak ang kanyang puwitan sa sahig. She closed her eyes tightly and an "aw!" formed her mouth silently.

Bumalikwas ng bangon ang binata at mabilis na umikot sa sofa upang daluhan siya.

"Jezz, lady! Are you alright?" agad na tanong nito na may pag-aalala sa boses at tinulungan siyang makatayo.

Forever Starts With YouWhere stories live. Discover now