CHAPTER 10

3.7K 122 1
                                    

Chapter Ten

Halos lumiliwanag na nang magawa nilang magpahinga. They made love many times until they were both exhausted. Mahimbing na ang tulog ng binata. Contentment was written all over his handsome face. Hindi na nagawang matulog pa ng dalaga. Kahit pagod ay naging mailap ang antok sa kanya. Kung kaya pinanuod na lang niya nang walang sawa ang himbing na binata na nasa tabi niya. Ang mukha nito ay nasa tapat ng kanyang dibdib habang ang isang matipunong braso at binti nito ay nakayakap at nakadagan sa kanyang katawan.

Mahal niya ang binata. Mahal na mahal. Ngunit sapat ba iyon upang manatili? Hindi niya alam kung anong damdamin mayroon ito para sa kanya. Hindi siya manhid. Halos sa lahat ng mga ginawa nito ay ramdam niyang mahalaga siya para dito. But, she couldn't just assume, could she?

What they had done and shared with each other was something to remember by until the next years of her life, or maybe until her next lifetime. Nangako siya sa sariling iingatan niya ang mga alaalang iyon. Nagawa na niya iyon. Magagawa niya pa rin ngayon.

Marahan at ingat ang bawat kilos ng dalaga. Hindi niya gustong magising ang binata. Tumayo siya at mabilis na naligo. Gusto niya itong ipagluto kahit sa huling pagkakataon.

Sinigang na isda at grilled pork ang inihanda ng dalaga. Gumawa din siya ng ensalada, pati na ng fruit and macaroni salad. Gusto niyang busugin ang binata dahil alam niyang gutom na gutom ito paggising.

Sinasabunan niya ang mga kasangkapang ginamit sa pagluluto nang tumunog ang telepono sa sala. Nagpunas siya ng mga kamay at nagtungo sa kinaroroonan ng aparato.

Pag-angat sa telepono ay kaagad na nagsalita ang nasa kabilang linya. Excited ito at tila hindi na makapaghintay ang anumang sasabihin nito.

"Hey, honey! I just want you to know how happy I am! I'll wait for you in Manila, okay? I'm excited about the wedding. I can't wait for that special day. Take care, honey. See yah!" tuluy-tuloy at masiglang sabi ng babae sa kabilang linya.

Dahil sa pagkabigla ay hindi na nagawang sumagot pa ng dalaga. Naririnig lamang niya ang paulit-ulit na pag-"hello" ng babae ngunit tila namanhid ang buong katawan niya. Wala sa loob na ibinaba niya ang awditibo. Nanlulumong napaupo siya sa carpeted na sahig.

Wedding... Ikakasal na si Dylan... oh God!

Sunud-sunod ang pagbagsak ng mga luha ng dalaga. Ito na nga ba ang sinasabi niya. In one way or another. They will still end up just like this. She will end up broken into thousand pieces.

Nagising ang diwa ni Dylan dahil sa dapyo ng malamig na hangin sa kanyang balat. Kinapa ang dalaga sa tabi niya ngunit malakas na napabalikwas siya ng bangon ng hindi niya ito makita.

"Hi," nakangiting bungad sa kanya ng dalaga na lumabas mula sa banyo. Mukhang nakapaligo na ito. Napansin niyang namamaga ang mga mata nito. Naisip niyang marahil ay hindi ito nakatulog ng maayos.

"It was nice seeing you, sweetheart." he smiled naughtily. "The last time we made love, you left the next morning."

Nang gabing iyon ay pinlano ng binata na kausapin ang dalaga kinabukasan tungkol sa namagitan sa kanila. She was innocent, for crying out loud! Pero, nagising na lang siya the next morning just to find her gone.

Umupo siya sa kama at sinenyasan ang dalaga na lumapit sa kanya. Nang maabot niya ang mga kamay nito ay bigla niya itong hinila paupo sa kanyang kandungan. Napatili ito sa kabiglaanan. Namula ang mga pisngi nito nang marahil ay maramdaman nito ang naghuhumindig niyang sandata sa ilalim ng kumot na nakatakip lamang sa parteng iyon. Mahigpit na pumulupot ang kanyang mga braso sa maliit na baywang nito at ang ulo ay isiniksik sa leeg ng dalaga, sinasamyo ang taglay nitong bango habang kinakagat-kagat niya ang leeg nito. He felt alive. He loved waking up to the sight of her. Greeting him and smiling warmly to him.

Forever Starts With YouWhere stories live. Discover now