CHAPTER 7

3.3K 98 1
                                    

Chapter Seven

Dumungaw si Kimmy sa veranda at nasa aktong mag-iinat nang makita niya kung sino ang dalawang nilalang sa labas ng bahay na magkayakap!

Sigurado siya kung sino ang lalaki ngunit hindi siya pamilyar sa babae. May katangkaran ito at mamula-mula ang maiksing buhok. Nang tumingala ito ay nakita siya nitong nakatingin kung kaya mabilis ang pag-atras na kanyang ginawa. Ngunit bago iyon ay nakita pa ng dalaga ang ginawang pagdidikit ng mga labi ng mga ito.

Ang sakit naman yata niyon. Bakit pa kasi ako nakalabas-labas eh.

From what she felt that moment, nasiguro niya kung ano ang nararamdaman niya para sa lalaki. May sasakit pa ba sa katotohanang iyon? 'Yung akala mo wala na? 'Yung akala mo hindi na kayo magkikita? Tapos makikita mong may kahalikang iba, parang maiiyak ka na?

Habang nakahiga ng diretso sa kama, nakatulala sa kisame, at kinakaawaan ang sarili ay tumunog ang cellphone ng dalaga. Nasa ibabaw iyon ng side table. She lazily reach for it and press the answer button without even checking who the caller was.

"Hello," tinatamad na sagot ng dalaga sa kabilang linya.

"Hmm, woke up at the wrong side of the bed?" bungad sa kanya ng boses ng kanyang pinsan.

"Clayton!" bulalas niya. Medyo sumigla ang boses niya. "Napatawag ka?"

"Sabi ko na nga ba. Tsk, tsk!" she heard him laughing. "Haven't I told you that I'll call you?" he reminded her.

"Oh!" naalala nga ng dalaga ang sinabi nito. "Seryoso ka talaga? Anong nangyari sa mga babae mo?" dagdag niya habang humahakbang pabalik sa veranda.

Narinig niya ang tunog ng papaalis na sasakyan ni Dylan kaya alam niyang wala na ang mga ito sa labas. That hurts even more.

"Mga babae?" eksaheradong sabi nito. "Ang sakit mong magsalita."

"Tigil-tigilan mo nga ako. Oh siya, saan tayo magkikita?" natatawang sabi niya sa pinsan. Kailangan rin niya ng ibang bagay na puwedeng pagkaabalahan.

"'Yan naman ang gusto ko sa'yo eh. Siyempre sa dati. Carbonara sa akin, lasagna sa'yo."

Nagliwanag ang mukha ng dalaga ahil sa narinig. Alam pa rin ng pinsan ang paborito niya. Nakalimutan sandali ang makabagbag damdaming problema. Ang malamang mahal niya all along ang lalaking kasa-kasama.

"Give me an hour, 'kay? I miss you!" sabi niya kapagkuwan. Nagprisinta itong susunduin siya ngunit tinanggihan niya ito. Hindi niya alam kung bakit pero sa tingin niya ay mas okay na huwag na siya nitong sunduin.

"Sinabi ba niya kung saan siya pupunta?" tanong ni Dylan sa nadatnang si Manang Luz nang sinabi nitong umalis ang dalaga.

"Wala namang sinabi, hijo. Pero nung naglilinis ako ng silid mo ay naulinigan kong may kausap siya sa telepono." walang-anumang sabi ng matanda. May sumisingit sa kanyang isipan ngunit ayaw niya iyong pahintulutan.

"Narinig niyo ho ba ang pinag-uusapan nila?" hindi rin nakatiis na tanong ng binata. Nakita niya ang pag-aatubili ng matanda.

"Eh, hijo... mukhang nobyo niya ang kausap eh," nag-aalangang sagot ng matanda. "Naku, hamo na at personal na bagay na iyon para sa iyong sekretarya." balewalang ngumiti ito at tumalikod na kaya hindi nito nakita ang pagdidilim ng kanyang mukha.

Kuyom ang mga kamao habang patungo sa silid niya ang binata. He was furious. Hell sure he was. He searched for his cellphone and impatiently dialed Kimmy's number. Lalong nag-init ang ulo niya nang walang sumasagot sa kabilang linya. He tried many times. As many as he could remember, until someone on the other line answered his call.

Forever Starts With YouWhere stories live. Discover now